Share

CHAPTER FOUR

Penulis: Gabriel Pattern
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-01 08:32:44

Pagkababa nila sa private plane, ramdam agad ni Iris ang kakaibang atmosphere ng Singapore. Malinis ang paligid, maaliwalas, at may katahimikan na parang pinalamig din ang tensyon sa pagitan nila ni Alexander.

Isang matte black Rolls-Royce ang nakaparada malapit sa hagdan ng jet, bukas na ang pinto. Bumaba muna si Alexander at lumingon sa kanya, inilahad ang kamay.

"Kunwari honeymoon, 'di ba?" may biro sa tono niya pero seryoso ang tingin.

Nag-aalangan si Iris, pero tinanggap ang kamay niya. Sa isip niya, kunwari lang 'to... kunwari lang dapat.

Tahimik silang dalawa. Tanging tunog lang ay ang mahina at relaxing na classical music sa loob ng kotse.

“Ayaw mo ba talagang magsalita?” tanong ni Alexander, hindi tumitingin.

“Anong gusto mong pag-usapan? Yung fake vows o yung fake honeymoon natin?” sarkastikong sagot niya, sabay tingin sa bintana.

Ngumiti lang si Alexander, bahagyang natatawa.

“Kung mag-aakting tayo, galingan na natin. Dinala kita sa isa sa favorite place ko. Para realistic.”

Nahihiya si Iris sa pagtataray niya. Ayaw niyang ipakita ang tunay niyang damdamin dahil natatakot siyang mas mapalapit sa binata. Dahil pagpapanggap lang ito.

Pagdating sa hotel, napanganga siya. Hindi ordinaryong hotel ang kaharap niya — ito’y parang five-star palace sa gitna ng siyudad. Glass walls, grand lobby, chandeliers na parang bituin, at staff na lahat ay nakayuko pagdating nila.

"Welcome to Corañez International Hotel, Sir Alexander. Your suite is ready."

Nagkatinginan silang dalawa.

"Ready ka na ba, Mrs. Corañez?" bulong ni Alexander sa kanya habang tinatanggap ng staff ang kanilang mga bag.

“Pwede bang Iris na lang?,” mahinang bulong niya pabalik.

Ngumiti si Alexander. “No. Hindi ‘yun mangyayari Mrs Corañez” Pang-iinis niya dito.

Pagkabukas ng pinto ng hotel room, agad siyang binuhat ni Alexander. Mahigpit ang pagkakayakap nito, parang ayaw siyang pakawalan.

“Boss, anong ginagawa mo?” tanong niya, gulat na nakakapit sa leeg nito.

Walang sagot ang binata. Dinala siya nito sa kama at marahang ibinaba.

“Akin ka na ngayon, Iris. Asawa na kita,” mariing sabi nito. Napalunok siya. Hindi niya alam kung lalaban siya o hahayaan na lang. Kasal na sila. Ito na ba ang dapat?

Pero... hindi ba peke lang ito?

Umupo siya sa kama habang pinapanood si Alexander na isa-isang tinatanggal ang butones ng polo. Unti-unti, bumibilis ang tibok ng puso niya.

Lumapit ito sa kanya, lumuhod sa harapan niya, at hinawakan ang mga kamay niya.

“Iris, hindi kita pipilitin. Pero kung ako lang, gusto kong ipadama sa 'yo na akin ka. Gusto kong angkinin ka ngayong gabi.”

Tahimik siya. Gusto niyang tumutol, pero mas malakas ang boses ng katawan niya.

Hinawakan ni Alexander ang mukha niya at hinalikan siya—banayad sa una, pero palalim nang palalim. Nag-init ang katawan niya sa bawat dampi ng labi nito.

Hindi niya namalayang wala na siyang saplot. Ramdam niya ang init ng hininga nito sa balat niya, gumagapang pababa.

Napapikit siya. Napaungol nang dumampi ang labi nito sa leeg, sa dibdib, at sa mas sensitibong bahagi ng katawan niya. Wala na siyang nagawa kundi ang magpaubaya.

“Ang ganda mo, Iris,” bulong nito habang pinagmamasdan siya.

Nahihiya siyang tumingin. Pero gusto niya si Alexander. Gusto niya rin ang nangyayari.

Mainit ang sumunod na mga sandali. Walang salita, puro ungol, hinga, at haplos. Paulit-ulit ang pag-angkin, parang gusto nitong ipako sa isip niya kung kanino siya nabibilang.

Pagkatapos, hingal silang parehong nakahiga sa kama. Niyakap siya ni Alexander mula sa likod.

“Bakit ang tahimik mo?” tanong nito habang nakapatong ang baba sa balikat niya.

“Pagod lang,” mahinang sagot niya.

Pero hindi lang iyon. Magulo ang isip niya. Totoo ba ito? Totoo ba ang nararamdaman ni Alexander? O dahil lang sa kasunduan nila?

“Boss…” tawag niya.

“Hmm?” sagot nito, nakapikit pa.

“Peke lang ‘to, ‘di ba? Yung kasal... yung nangyari sa ’tin.”

Dumilat ang mga mata nito. Dahan-dahang tumingin sa kanya.

“Peke ba para sa 'yo?” tanong nito pabalik.

Hindi siya nakasagot.

Tahimik silang dalawa. Hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ni Alexander.

Inabot nito ang telepono at sinagot.

“Hello?” malamig ang tono ng boses niya. Tumayo siya at lumayo ng kaunti habang kausap ang nasa kabilang linya.

Nakatitig lang si Iris sa kanya. May kutob siyang hindi maganda.

“Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi?” matigas ang boses ni Alexander.

Kinabahan si Iris. Gusto niyang hindi makinig, pero hindi niya rin kayang iwasan.

“She’s back, Alexander.”

Napatigil siya.

Sino? Sino ang tinutukoy nilang bumalik?

Napaupo siya sa kama, tulala. Si Alexander, hawak pa rin ang telepono, ay tila nabigla sa narinig.

Humiga na ulit si Alexander sa tabi niya. Nagkunwari siyang tulog. Gusto niyang magtanong... pero natatakot siya sa posibleng sagot.

KINABUKASAN

Nagising si Iris na pawisan. Masama ang panaginip niya. Napahinga siya nang malalim at naamoy ang pagkain sa kusina.

Tumayo siya at naglakad papunta roon.

Nagulat siya sa nakita—si Alexander, nakasuot ng apron, walang pang-itaas, at nagluluto.

Napangiti siya. Parang hindi niya maisip na ang lalaking hinahangaan ng marami ay siya ngayong nagluluto ng almusal para sa kanila.

“Baka matunaw ako niyan,” biro ni Alexander habang lumalapit. Hinalikan siya nito sa labi at inakbayan.

“Wanna eat this?” tanong nito habang tinuturo ang pagkain. “Or this?” sabay hawak sa kamay ni Iris at inilagay sa ari niya.

Namula siya. “Umagang-umaga, puro ka kalokohan,” kunwaring inis niyang tugon.

“Sino bang hindi matetemp sa ’yo?” kumindat ito at sinubuan siya.

“Sweetheart, may itatanong ako,” seryosong sabi ni Alexander.

Tumango lang siya. Kinabahan. Baka tungkol sa narinig niya kagabi.

“Ano favorite color mo? Movie? place?”

Halos mabulunan si Iris. Akala niya seryoso. Pero bigla siyang natawa.

“Color? Black, gray, red. Movies? Horror.”

Napakunot-noo si Alexander. “Horror? Ang tapang mo naman sweetheart.”

Ngumiti siya.

Natigil ang kulitan nila nang tumunog ang cellphone ni Alexander.

“Alexander! Ano itong balitang ikinasal ka na raw sa Iris na ‘yan?! My God, anak, ang dami-dami mong pwedeng mapangasawa, siya pa?!” sigaw ng mommy niya sa kabilang linya.

Napapikit si Alexander at nailayo ang cellphone sa tenga.

“I’m sorry. But you need to accept the fact that I'm already married.”

“Tita, si Alexander ba ‘yan?” Boses ng isang babae sa background.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS   EPILOGUE

    Nakangiti si Iris habang nakatitig sa repleksyon niya sa salamin. Nangingilid ang luha niya dahil sa magkahalong kaba at tuwang nararamdaman. Mahigpit niyang hinawakan ang laylayan ng damit at huminga ng malalim. “Grabe…” mahina niyang sambit, “…ikakasal na ba talaga ’ko?” Tumawa si Veronica habang inaayos ang belo niya. “Oo, anak. At sana, maging masaya ka — iyon lang naman ang gusto namin ng Daddy mo. Maging masaya ka, at magkaroon ng maayos na pamilya.” Mahigpit na niyakap ni Iris ang kanyang ina. “I love you, Mommy,” lumuluhang sambit ni Iris. “Mahal na mahal din kita, anak,” sabi nito, sabay haplos sa pisngi ni Iris. “Ang ganda-ganda mo, anak!” nakangiting sabi ng kanyang ina. “Syempre naman, Mommy. Kanino pa ba ako magmamana kundi sa ’yo!” Natawa naman si Veronica. “Ay sus! Bolera!” Ngumiti si Iris, pero ramdam ang kaba sa dibdib. “Kinakabahan ako, Mommy. Parang hindi pa rin ako makapaniwala.” “Normal lang ’yan,” sagot ng isang pamilyar na boses. Napalingon sila

  • I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS   CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY ONE

    Maagang nagising si Iris. Napangiti siya nang makita ang singsing sa daliri niya. "Parang panaginip lang!" nakangiting bulong niya habang dahan-dahang bumabangon. Binuksan niya ang window glass sa silid para pumasok ang liwanag ng araw. Ngunit halos mapaatras siya nang makita si Alexander sa tapat mismo ng bintana—nakatayo ro’n, nakangiti, at kumakaway pa. “Alex?” gulat pero natatawang sambit ni Iris. “Good morning, sweetheart!” sigaw nito mula sa ibaba. Bumaba ang tingin ni Iris. Napakunot ang noo niya, sabay takip ng kurtina. Naka-sando lang kasi si Alexander, at kitang-kita ang hubog ng katawan niya. “Ang aga mo naman mangapitbagay!” nakangising sigaw ni Iris. Narinig niya ang mahinang tawa ni Alexander. “Pinagtimpla kasi kita ng coffee!” nakangiting sigaw ni Alexander. Hindi mapigilan ni Iris ang mapangiti. Pagbaba niya ng hagdan, naamoy agad niya ang aroma ng kape at tinapay na inilapag ni Alexander sa mesa. “Hindi ka pa natutulog, no? Mukhang excited masyado,”

  • I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS   CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY

    Napaupo si Iris sa hallway sa tapat ng swimming pool. Bigla niyang pinatay ang tawag dahil sa takot. Kumakabog nang malakas ang puso niya habang palinga-linga sa paligid. Nanginginig siya, takot sa posibleng gawin ni Congressman sa kanya at sa pamilya niya. Agad siyang nilapitan ni Veronica nang mapansing namumutla si Iris. “Hija? Anak, may problema ba?” nag-aalalang tanong ng kanyang ina. “Wala po, Mommy.” Tipid siyang ngumiti para takpan ang takot. Niyakap siya ni Veronica nang maramdaman ang panginginig ng katawan ng anak. “Okay lang, anak. Okay lang… hindi na niya tayo masasaktan ulit,” bulong ng kanyang ina. Hanggang sa tuluyan nang napahagulgol si Iris. “Takot na takot ako, Mommy! Paano kung isa na naman sa atin ang kunin niya?” umiiyak na sambit nito. “Shhhh…” awat ni Veronica habang hinahaplos ang likod ni Iris. Lumapit na rin si Doña Conchita at niyakap siya. Ilang sandali pa ang lumipas bago magpahid ng luha si Iris. “Thank you po,” halos bulong lang na sambit niy

  • I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS   CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY NINE

    Maaga pa lang, umalingawngaw na ang balita tungkol kay Congressman Armando Rodriguez — sa TV, sa radyo, at maging sa iba’t ibang social media platforms. Marami ang nagulat at natakot nang ibalitang buhay pa si Congressman, at kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad dahil sa samu’t saring kasong isinampa laban sa kanya — kabilang na ang kidnapping at attempted murder kina Iris Celeste Delgado at Conchita Corañez. “Sabi ko na nga ba, buhay pa ‘yang si Congressman!” ani ng isang ale sa kanto habang nanonood ng TV sa tindahan. “Akalain mo, pati anak niyang si Brigitte, hindi napansin na hindi pala ‘yung tatay niya ang kinulong noon? O baka naman kasabwat siya?” “Eh sino pa nga ba ang magkakasabwat kundi sila-sila rin!” sagot ng isa habang nagpapaypay gamit ang lumang dyaryo. “Talaga nga palang ang mga masasamang damo, hindi agad namamatay,” sabay lagok ng kape ng matandang lalaki sa gilid. “Kung sino man ang makakapagturo sa kinaroroonan ni Congressman Armando Rodriguez,” dag

  • I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS   CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY EIGHT

    Kumakabog ang dibdib ni Alexander nang pindutin niya ang green button ng cellphone. “Hello, sino—” Hindi na niya natapos ang sasabihin nang marinig niya ang tinig at mala-demonyong tawa ni Congressman Armando Rodriguez. “Sino kaya ang una mong ililigtas? Ang mommy mo… o ang pinakamamahal mong si Iris?” seryosong tanong nito. “Try to touch them and I’ll kill you,” malamig ngunit may diing sambit ni Alexander. “Ahhh, takot ako!” tila nang-aasar pang sagot ng Congressman sa kabilang linya, sabay halakhak. Napasalampak sa sahig si Alexander, sabay sapo sa ulo. Samu’t saring emosyon ang nararamdaman niya—takot, galit, kaba. Napabuntong-hininga siya, saka muling tiningnan ang cellphone. “Pero dahil may pinagsamahan naman tayo noon, okay na siguro ’yung fifty million. Cash. Kapalit ng mommy mo at ni Iris,” patuloy ni Congressman. Nakuyom ni Alexander ang kamao. Kalmado, pero halata sa mga mata ang labis na takot na baka may mangyaring masama sa dalawa. “Fine! Fifty million,

  • I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS   CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SEVEN

    Napamulat ng mata si Iris nang bigla siyang sabuyan ng malamig na tubig. Napasinghap siya sa gulat at mabilis na nag-angat ng tingin. Nasa harap niya si Congressman Rodriguez—nakaupo, kalmado, parang aliw na aliw sa nakikita. “Ibig sabihin... totoo ngang buhay siya?” bulong niya sa isip. Nanginginig ang katawan ni Iris sa ginaw, pero hindi niya iyon iniinda. Hindi siya makagalaw sa kinauupuan niya. Gusto niyang sumigaw at murahin ito, pero hindi niya magawa dahil may duct tape ang bibig niya. Ginalaw-galaw niya ang kamay, pero nakatali iyon sa likod. Napangiwi siya sa higpit ng tali at halos mapaiyak nang mapansin niyang may kadena rin ang paa niya. Para bang kahit anong gawin niyang pagpupumiglas, hindi na siya makakatakas. “Mabuti naman at gising ka na, Ms. Delgado. Akala ko kailangan ko pang gamitin sa ’yo ’to para magising ka.” Sabay himas ni Congressman sa hawak niyang stun gun. Napangisi ito nang makita ang takot sa mga mata ni Iris. “Finally, nagkita rin tayo. Face to face

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status