로그인Napasinghap si Iris nang biglang prumeno si Alexander. Muntik na silang bumangga sa sasakyan sa harap.
“May problema ba?” tanong niya, kita sa mukha ang pag-aalala. Mula nang mag-usap sila ng ina ni Alexander habang nag-aalmusal ng nasa singapore sila, ramdam niyang nagbago ang mood nito. Tahimik, malalim ang iniisip. “Nothing, sweetheart. Don’t worry,” sagot ni Alexander, pilit na ngumiti pero hindi ito umabot sa mga mata. Binalik niya ang tingin sa daan. Hindi mapakali si Iris. Nahihiya man, dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ng binata. Nagulat ito, pero agad ring ngumiti at pinisil ang kanyang kamay. “Thank you, Iris, for being here. At sana, kahit may matuklasan ka pa... walang magbago sa atin,” bulong ni Alexander. Napatingin si Iris sa kanya, halatang may laman ang sinabi nito. Gusto niyang sagutin, pero wala siyang maisip na tamang salita. Pagdating nila sa mansyon ng mga Corañez, agad silang sinalubong ng mga kasambahay. Tinawag ang mag-asawang amo. “Alexander, anak!” bungad ng ama nito. Nakangiti itong nilapitan ang anak at tinapik sa balikat. “Ang tagal mong nawala mukhang desidido kang bigyan kami agad ng sampung apo ‘no tama ba Iris?” Nahihiya man lumapit si Iris at nagmano. Hindi pa rin siya makatingin sa mata ng Ama ni Alexander, dahil sa nasaksihan nito sa first meeting nila. Ngumiti ang ama ni Alexander. “Masyado mo naman akong pinatapatanda hija” Habang naglalakad sila papasok, napansin ni Iris na malamig ang tingin ng ginang na lumabas mula sa sala—ang ina ni Alexander. Wala itong sinabi, pero halatang sinusuri siya mula ulo hanggang paa. Sa hapag-kainan, nagsimula nang maghain ang mga kasambahay. Tahimik si Iris, ramdam niya ang tensyon sa paligid. Hanggang sa biglang bumukas ang pinto. “Good evening, Tita!” Masiglang bati ng isang babae habang papasok. Napatigil si Iris. Napalingon din si Alexander. “Brigitte! Hija, you’re here!” ani ng ina ni Alexander, bakas ang tuwa sa mukha nito. Elegante itong nakaayos, may dalang regalo at bouquet ng bulaklak. “Napakaganda mo pa rin hija, hindi tulad ng iba diyan mukha ng manang.” tumingin ito kay Iris. Halatang siya ang pinapatamaan. Sabay silang tumawa ni Brigitte. “Pasalubong ko po galing Japan.” “Ang thoughtful mo naman Hija,” sagot ng ginang, sabay sulyap kay Iris. “Hindi katulad ng iba d’yan, kahit simpleng pasalubong o effort... wala.” Napayuko si Iris. Saktong sa ilalim ng mesa, naramdaman niyang hinawakan ni Alexander ang kamay niya. Nagkatinginan sila. Saglit lang, pero sapat para maramdaman niyang hindi siya nag-iisa. “Brigitte, kumain ka na,” alok ng ginang. “Thank you po. Saktong gutom na rin ako,” sagot ng babae sabay upo sa tabi ni Alexander. Walang patid ang papuri ni Brigitte sa pamilya ni Alexander. Mula sa paborito nilang wine, hanggang sa latest nilang property abroad. “Naalala ko po nung anniversary ninyo ni Tito, ako pa ang nag-organize ng celebration n’yo sa Tagaytay!” kwento ni Brigitte. “Hindi ko po talaga nakakalimutan ang special dates ng pamilya.” Tumawa ang ginang. “Ang swerte nga namin sa iyo Hija, maganda na, mayaman at sweet and thoughtful pa” Tahimik si Iris habang kumakain. Ramdam niya ang tensyon sa paligid, lalo na't naroon si Brigitte at ang ina ni Alexander. Parang laging may patutsada, kahit simpleng tanong lang ang bitaw ng mga ito. “Anong trabaho mo ulit, Iris?” tanong ng ginang, hindi man lang tumitingin sa kanya. Medyo napayuko si Iris, halos ibulong na lang sana ang sagot. “Uti—” Pero agad siyang inunahan ni Alexander. “She’s one of my most trusted employees,” mahinahon pero matatag ang tono niya. “Pumapasok siya ng maaga, umuuwi ng late. Ginagawa niya ang trabaho niya nang buong puso, hindi dahil sa pera, kundi dahil sa prinsipyo. Tapat siya. Hindi siya kailanman nagreklamo, kahit kailan. At higit sa lahat, ginagawa niya ang lahat… para sa pamilya niya.” Tahimik ang mesa. Nilingon ni Alexander ang ina at si Brigitte, saka marahang ngumiti. “Not everyone can say the same.” “Mukhang inlove na inlove ang anak ko sa ‘yo Iris, Ikaw lang ang unang babaeng pinagmalaki niya sa amin ng ganyan” Nakangiting sabi nito habang nakatingin kay Iris. “Hindi nga ako nagkamali sa ’yo Hija” Lahat sila ay napatingin sa ama ni Alexander. “I mean, look at her she's beautiful ” Nagkamot ito ng ulo saka tumawa. “Next time, sana ayusin mo rin ang pananamit mo. Mas bagay sa ’yo ang simple pero may class. Hindi 'yung parang pupunta lang ng palengke.” Parang nabingi si Iris. Napayuko siya, pilit pinipigil ang sarili. Unti-unti niyang binitawan ang kamay ni Alexander. Tiningnan niya ito, pero nakatitig lang ito sa kanya. Tumayo si Iris. “Excuse me po. Mag-CR lang po ako.” Pagkaalis niya, sumunod ng tingin si Alexander. Alam niyang hindi komportable si Iris. Nagmadali siyang lumabas ng dining room. Sa loob ng banyo, doon niya na lang pinakawalan ang luha. “Bakit ganito?” bulong niya sa sarili. “Alam ko namang peke ‘to. Pero bakit ang sakit?” Hindi niya maintindihan kung bakit gano’n ang nararamdaman niya. Alam naman niyang kontrata lang ang kasal nila… pero bakit siya nasasaktan? Pagbukas niya ng pinto, naroon si Brigitte. Nakapamewang. “Ang saya mo siguro habang pinagtatanggol ka niya kanina ‘no? Girl gumising ka nga, hindi kayo bagay!” Umiwas si Iris. Ayaw niyang makipag-away sa dalaga. Hindi rin naman siya sigurado kung kakampihan siya ni Alexander kung papatulan niya ito. Dahil hindi naman siya tunay na asawa. “Kung napaniwala niyo ang ibang tao, Pwes ako hindi! Alam kong nagpapanggap lang kayo,” diretsong sabi nito. “Hindi ba’t ayaw ni Alexander sa commitment? He won’t marry anyone. Lalo na ang kagaya mong panget” Hindi makapagsalita si Iris. Pakiramdam niya ay sinampal siya sa sinabi ng babae. “You’re just a cover-up. A temporary plan. Hanggang kailan mo kakayanin ‘yan?” Tumulo ang luha ni Iris, gusto niyang tumakbo para makaalis na sa lugar na iyon. “Yes. You're right.” Sabay na napalingon ang dalawa. “Ayoko ng commitment. Ayoko ng kasal.” Tumitig ito kay Brigitte, matigas ang pananalita. “Pero mahal ko siya.” Napalingon si Iris. Halos hindi siya makapaniwala sa narinig. “I love her so much,” ulit ni Alexander.Nakangiti si Iris habang nakatitig sa repleksyon niya sa salamin. Nangingilid ang luha niya dahil sa magkahalong kaba at tuwang nararamdaman. Mahigpit niyang hinawakan ang laylayan ng damit at huminga ng malalim. “Grabe…” mahina niyang sambit, “…ikakasal na ba talaga ’ko?” Tumawa si Veronica habang inaayos ang belo niya. “Oo, anak. At sana, maging masaya ka — iyon lang naman ang gusto namin ng Daddy mo. Maging masaya ka, at magkaroon ng maayos na pamilya.” Mahigpit na niyakap ni Iris ang kanyang ina. “I love you, Mommy,” lumuluhang sambit ni Iris. “Mahal na mahal din kita, anak,” sabi nito, sabay haplos sa pisngi ni Iris. “Ang ganda-ganda mo, anak!” nakangiting sabi ng kanyang ina. “Syempre naman, Mommy. Kanino pa ba ako magmamana kundi sa ’yo!” Natawa naman si Veronica. “Ay sus! Bolera!” Ngumiti si Iris, pero ramdam ang kaba sa dibdib. “Kinakabahan ako, Mommy. Parang hindi pa rin ako makapaniwala.” “Normal lang ’yan,” sagot ng isang pamilyar na boses. Napalingon sila
Maagang nagising si Iris. Napangiti siya nang makita ang singsing sa daliri niya. "Parang panaginip lang!" nakangiting bulong niya habang dahan-dahang bumabangon. Binuksan niya ang window glass sa silid para pumasok ang liwanag ng araw. Ngunit halos mapaatras siya nang makita si Alexander sa tapat mismo ng bintana—nakatayo ro’n, nakangiti, at kumakaway pa. “Alex?” gulat pero natatawang sambit ni Iris. “Good morning, sweetheart!” sigaw nito mula sa ibaba. Bumaba ang tingin ni Iris. Napakunot ang noo niya, sabay takip ng kurtina. Naka-sando lang kasi si Alexander, at kitang-kita ang hubog ng katawan niya. “Ang aga mo naman mangapitbagay!” nakangising sigaw ni Iris. Narinig niya ang mahinang tawa ni Alexander. “Pinagtimpla kasi kita ng coffee!” nakangiting sigaw ni Alexander. Hindi mapigilan ni Iris ang mapangiti. Pagbaba niya ng hagdan, naamoy agad niya ang aroma ng kape at tinapay na inilapag ni Alexander sa mesa. “Hindi ka pa natutulog, no? Mukhang excited masyado,”
Napaupo si Iris sa hallway sa tapat ng swimming pool. Bigla niyang pinatay ang tawag dahil sa takot. Kumakabog nang malakas ang puso niya habang palinga-linga sa paligid. Nanginginig siya, takot sa posibleng gawin ni Congressman sa kanya at sa pamilya niya. Agad siyang nilapitan ni Veronica nang mapansing namumutla si Iris. “Hija? Anak, may problema ba?” nag-aalalang tanong ng kanyang ina. “Wala po, Mommy.” Tipid siyang ngumiti para takpan ang takot. Niyakap siya ni Veronica nang maramdaman ang panginginig ng katawan ng anak. “Okay lang, anak. Okay lang… hindi na niya tayo masasaktan ulit,” bulong ng kanyang ina. Hanggang sa tuluyan nang napahagulgol si Iris. “Takot na takot ako, Mommy! Paano kung isa na naman sa atin ang kunin niya?” umiiyak na sambit nito. “Shhhh…” awat ni Veronica habang hinahaplos ang likod ni Iris. Lumapit na rin si Doña Conchita at niyakap siya. Ilang sandali pa ang lumipas bago magpahid ng luha si Iris. “Thank you po,” halos bulong lang na sambit niy
Maaga pa lang, umalingawngaw na ang balita tungkol kay Congressman Armando Rodriguez — sa TV, sa radyo, at maging sa iba’t ibang social media platforms. Marami ang nagulat at natakot nang ibalitang buhay pa si Congressman, at kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad dahil sa samu’t saring kasong isinampa laban sa kanya — kabilang na ang kidnapping at attempted murder kina Iris Celeste Delgado at Conchita Corañez. “Sabi ko na nga ba, buhay pa ‘yang si Congressman!” ani ng isang ale sa kanto habang nanonood ng TV sa tindahan. “Akalain mo, pati anak niyang si Brigitte, hindi napansin na hindi pala ‘yung tatay niya ang kinulong noon? O baka naman kasabwat siya?” “Eh sino pa nga ba ang magkakasabwat kundi sila-sila rin!” sagot ng isa habang nagpapaypay gamit ang lumang dyaryo. “Talaga nga palang ang mga masasamang damo, hindi agad namamatay,” sabay lagok ng kape ng matandang lalaki sa gilid. “Kung sino man ang makakapagturo sa kinaroroonan ni Congressman Armando Rodriguez,” dag
Kumakabog ang dibdib ni Alexander nang pindutin niya ang green button ng cellphone. “Hello, sino—” Hindi na niya natapos ang sasabihin nang marinig niya ang tinig at mala-demonyong tawa ni Congressman Armando Rodriguez. “Sino kaya ang una mong ililigtas? Ang mommy mo… o ang pinakamamahal mong si Iris?” seryosong tanong nito. “Try to touch them and I’ll kill you,” malamig ngunit may diing sambit ni Alexander. “Ahhh, takot ako!” tila nang-aasar pang sagot ng Congressman sa kabilang linya, sabay halakhak. Napasalampak sa sahig si Alexander, sabay sapo sa ulo. Samu’t saring emosyon ang nararamdaman niya—takot, galit, kaba. Napabuntong-hininga siya, saka muling tiningnan ang cellphone. “Pero dahil may pinagsamahan naman tayo noon, okay na siguro ’yung fifty million. Cash. Kapalit ng mommy mo at ni Iris,” patuloy ni Congressman. Nakuyom ni Alexander ang kamao. Kalmado, pero halata sa mga mata ang labis na takot na baka may mangyaring masama sa dalawa. “Fine! Fifty million,
Napamulat ng mata si Iris nang bigla siyang sabuyan ng malamig na tubig. Napasinghap siya sa gulat at mabilis na nag-angat ng tingin. Nasa harap niya si Congressman Rodriguez—nakaupo, kalmado, parang aliw na aliw sa nakikita. “Ibig sabihin... totoo ngang buhay siya?” bulong niya sa isip. Nanginginig ang katawan ni Iris sa ginaw, pero hindi niya iyon iniinda. Hindi siya makagalaw sa kinauupuan niya. Gusto niyang sumigaw at murahin ito, pero hindi niya magawa dahil may duct tape ang bibig niya. Ginalaw-galaw niya ang kamay, pero nakatali iyon sa likod. Napangiwi siya sa higpit ng tali at halos mapaiyak nang mapansin niyang may kadena rin ang paa niya. Para bang kahit anong gawin niyang pagpupumiglas, hindi na siya makakatakas. “Mabuti naman at gising ka na, Ms. Delgado. Akala ko kailangan ko pang gamitin sa ’yo ’to para magising ka.” Sabay himas ni Congressman sa hawak niyang stun gun. Napangisi ito nang makita ang takot sa mga mata ni Iris. “Finally, nagkita rin tayo. Face to face







