로그인Tulala pa rin si Iris habang nakaupo sa gilid ng kama sa penthouse. Kahit mainit ang tubig ng shower kanina, hindi pa rin nito napawi ang lamig ng mga salitang binitawan ng ina ni Alexander. "Hindi kayo bagay." Walang kagatol-gatol, tila ba isang hatol mula sa langit.
Pumikit siya ng mariin. “Ito ang pinasok mo, Iris,” mahina niyang bulong sa sarili. Kasunduan lang ito. Walang personalan. Pero, bakit parang unti-unti siyang nilalamon ng emosyon? Nagmulat siya nang bumukas ang pinto. Pumasok ang mga stylist, makeup artist, at isang matandang babaeng tila siya ang tagapangasiwa ng kasuotan. Mabilis ang kilos ng lahat, para bang isang reyna ang kanilang inihahanda para sa royal ball. Habang inaayusan siya, hindi niya maiwasang magtaka. Ginagamit lang siya, di ba? Pero bakit ganoon kung makatingin si Alexander? Bakit tila siya lang ang babae sa mundo nito? Paglabas niya ng silid, napatigil si Alexander. Hindi ito agad nakapagsalita. Para siyang na-freeze sa kinatatayuan. Hinagod nito ng tingin si Iris mula ulo hanggang paa, at sa bawat segundo, parang may apoy sa mga mata nito na lalong lumalalim. “Perfect!” mahinang sambit nito. “Tamang-tama ang timing. Ipapakilala na kita bilang... fiancée ko.” “Ngayon na?” gulat na tanong ni Iris, halos hindi makapaniwala. Tumango lang si Alexander, pero hindi pa rin binabawi ang tingin sa kanya. “One question,” bulong ni Iris. “W-wala na namang... mangyayari sa atin, 'di ba?” Ngumisi si Alexander. Yung tipong alam mong delikado. “Oh, Sweetheart,” bulong niya sa tainga ng dalaga, halos magdikit ang balat nila, “Pero paano ang sampung anak na hinihintay ni Daddy?” Nanlaki ang mata ni Iris. Sa gulat, Tinapakan niya ang mamahaling sapatos ni Alexander at padabog na lumakad palayo. Natawa lang ang lalaki. “Feisty,” bulong nito sa sarili habang sinusundan siya. GALA NIGHT. Isang engrandeng ballroom ang punong-puno ng mga kilalang negosyante, press, at celebrities. Gaganapin ang charity event ng Corañez Group, at doon na rin gagawin ang opisyal na pag-anunsyo ng engagement ni Alexander. Pagpasok ng dalawa sa venue, tila umikot ang mga ulo sa presensya ni Alexander at Iris. Eleganteng red dress ang suot ng dalaga, plunging neckline pero hindi malaswa—bagkus, kapansin-pansin sa ganda. Nag-ikot ang press. “Sir Alexander, totoong engagement ba ito o part lang ng PR strategy ng kumpanya?” “Ma’am Iris, saang pamilya po kayo nagmula?” “May mga lumalabas na balita na ginagamit lang daw kayo para sa image—” Hindi pa natatapos ang tanong nang hawakan ni Alexander ang kamay ni Iris at hinila ito palapit. "She is not just anyone. She's the woman I chose. And I don’t care kung hindi siya galing sa pamilyang kilala niyo. Her worth isn’t based on her last name." Tahimik ang buong paligid. Marami ang nabigla sa pagtatanggol ni Alexander. “Kung may problema kayo sa kanya, it means may problema rin kayo sa akin,” matapang niyang dagdag. Maya-maya, isang lalaking matipuno ang lumapit—si Randolf Agustin, business partner at isa sa investors ng kumpanya. “Ikaw pala si Iris,” nakangiting bati ni Randolf habang nakatitig kay Iris ng direkta, parang sinusuri siya. Bago pa makapagsalita si Iris, biglang lumapit si Alexander at marahang iniharang ang katawan sa pagitan nilang dalawa. “She’s with me,” malamig na sabi nito kay Randolf. Tumawa lang si Randolf, pero halatang may tensyon. “Chill, Alex. I was just introducing myself.” “I don’t like how you look at her,” mariing sagot ni Alexander. “So don’t.” Napayuko si Iris, hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot. Parang minamarkahan siya ng lalaki. Pagbalik nila sa mesa, tahimik si Iris. Ramdam niya ang titig ni Alexander. “Anong iniisip mo?” tanong nito. “Hindi ko alam kung alin ang totoo at alin ang parte ng kontrata.” Nagtagal ang tingin ni Alexander. Inabot niya ang kamay ng dalaga, saka bumulong, “Kahit may kasunduan tayo... lahat ng ginagawa ko, ako ang may gusto. Hindi ko kailangang umarte. Kasi Iris… sa tuwing tinitingnan kita, parang gusto kong burahin ang salitang ‘fake’.” Napalunok si Iris. Ilang segundo ang lumipas bago niya bawiin ang tingin. Tumayo siya, pero hinila siya ni Alexander papalapit. "You're mine, Iris. Sa harap nila, sa likod ng camera, sa gabi, sa umaga. Kanya-kanya lang ng paraan ng pagpapakita ng pag-aari. At ito ang sa akin." Marahan siyang hinalikan nito. Hindi showbiz kiss, hindi pang-picture lang—isang halik na may lalim. Kaya hindi niya namalayang napapikit siya. Hanggang sa may marinig silang flash ng camera at ingay ng mga tao sa paligid. Sabay silang natauhan. Umalingawngaw ang bulong-bulungan. Ngunit wala ni isa sa kanila ang tumigil. Tila walang pakialam si Alexander sa opinyon ng buong mundo. Sa isang sulok ng ballroom, tahimik na nanonood ang ina ni Alexander. Kita sa mukha nito ang pagkadismaya, pero wala itong magawa. Nagpaalam si Iris sa binata para pumunta sa comfort room. Abala rin naman ito sa pakikipag-usap sa mga kilalang business person na dumalo sa gala. Habang naglalakad siya palayo, ramdam niya ang mga matang nakasunod sa bawat kilos niya. Marami ang lihim na nag-uusisa sa kanya, ngunit tipid na ngiti lamang ang kanyang sagot. Habang nasa comfort room si Iris, narinig niya ang dalawang babaeng nagbubulungan. “Akala ko bakla si Alexander. Kung alam ko lang na straight pala, dinikitan ko na noon pa!” “Tama ka, girl. Tingnan mo naman 'yang fiancé niya. Hamak na mas maganda naman tayo diyan,” ani ng isa, sabay tawa. Napakagat-labi si Iris. Gusto niyang lumabas at sagutin ang dalawa, pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang mapahiya ang boss niya. “Shit, Iris... Bakit ba masyado kang apektado?” bulong niya sa sarili habang hinuhugasan ang kamay. Bigla siyang hinila palabas ng CR—ang kamay ng babae, mahigpit. “Magkano ba ang kailangan mo para iwan ang anak ko?” malamig na tanong ng ina ni Alexander. Napalunok si Iris. “Mahal ko po ang anak ninyo. Hindi ko siya iiwan,” pagsisinungaling niya—kahit ramdam niyang parang sinasakal ang puso niya sa bigat ng eksenang iyon. “Hindi ko alam kung bakit sinisiksik mo ang sarili mo sa anak ko. Pero tandaan mo. Hindi ikaw ang nauna... at lalong hindi ikaw ang huli.”Nakangiti si Iris habang nakatitig sa repleksyon niya sa salamin. Nangingilid ang luha niya dahil sa magkahalong kaba at tuwang nararamdaman. Mahigpit niyang hinawakan ang laylayan ng damit at huminga ng malalim. “Grabe…” mahina niyang sambit, “…ikakasal na ba talaga ’ko?” Tumawa si Veronica habang inaayos ang belo niya. “Oo, anak. At sana, maging masaya ka — iyon lang naman ang gusto namin ng Daddy mo. Maging masaya ka, at magkaroon ng maayos na pamilya.” Mahigpit na niyakap ni Iris ang kanyang ina. “I love you, Mommy,” lumuluhang sambit ni Iris. “Mahal na mahal din kita, anak,” sabi nito, sabay haplos sa pisngi ni Iris. “Ang ganda-ganda mo, anak!” nakangiting sabi ng kanyang ina. “Syempre naman, Mommy. Kanino pa ba ako magmamana kundi sa ’yo!” Natawa naman si Veronica. “Ay sus! Bolera!” Ngumiti si Iris, pero ramdam ang kaba sa dibdib. “Kinakabahan ako, Mommy. Parang hindi pa rin ako makapaniwala.” “Normal lang ’yan,” sagot ng isang pamilyar na boses. Napalingon sila
Maagang nagising si Iris. Napangiti siya nang makita ang singsing sa daliri niya. "Parang panaginip lang!" nakangiting bulong niya habang dahan-dahang bumabangon. Binuksan niya ang window glass sa silid para pumasok ang liwanag ng araw. Ngunit halos mapaatras siya nang makita si Alexander sa tapat mismo ng bintana—nakatayo ro’n, nakangiti, at kumakaway pa. “Alex?” gulat pero natatawang sambit ni Iris. “Good morning, sweetheart!” sigaw nito mula sa ibaba. Bumaba ang tingin ni Iris. Napakunot ang noo niya, sabay takip ng kurtina. Naka-sando lang kasi si Alexander, at kitang-kita ang hubog ng katawan niya. “Ang aga mo naman mangapitbagay!” nakangising sigaw ni Iris. Narinig niya ang mahinang tawa ni Alexander. “Pinagtimpla kasi kita ng coffee!” nakangiting sigaw ni Alexander. Hindi mapigilan ni Iris ang mapangiti. Pagbaba niya ng hagdan, naamoy agad niya ang aroma ng kape at tinapay na inilapag ni Alexander sa mesa. “Hindi ka pa natutulog, no? Mukhang excited masyado,”
Napaupo si Iris sa hallway sa tapat ng swimming pool. Bigla niyang pinatay ang tawag dahil sa takot. Kumakabog nang malakas ang puso niya habang palinga-linga sa paligid. Nanginginig siya, takot sa posibleng gawin ni Congressman sa kanya at sa pamilya niya. Agad siyang nilapitan ni Veronica nang mapansing namumutla si Iris. “Hija? Anak, may problema ba?” nag-aalalang tanong ng kanyang ina. “Wala po, Mommy.” Tipid siyang ngumiti para takpan ang takot. Niyakap siya ni Veronica nang maramdaman ang panginginig ng katawan ng anak. “Okay lang, anak. Okay lang… hindi na niya tayo masasaktan ulit,” bulong ng kanyang ina. Hanggang sa tuluyan nang napahagulgol si Iris. “Takot na takot ako, Mommy! Paano kung isa na naman sa atin ang kunin niya?” umiiyak na sambit nito. “Shhhh…” awat ni Veronica habang hinahaplos ang likod ni Iris. Lumapit na rin si Doña Conchita at niyakap siya. Ilang sandali pa ang lumipas bago magpahid ng luha si Iris. “Thank you po,” halos bulong lang na sambit niy
Maaga pa lang, umalingawngaw na ang balita tungkol kay Congressman Armando Rodriguez — sa TV, sa radyo, at maging sa iba’t ibang social media platforms. Marami ang nagulat at natakot nang ibalitang buhay pa si Congressman, at kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad dahil sa samu’t saring kasong isinampa laban sa kanya — kabilang na ang kidnapping at attempted murder kina Iris Celeste Delgado at Conchita Corañez. “Sabi ko na nga ba, buhay pa ‘yang si Congressman!” ani ng isang ale sa kanto habang nanonood ng TV sa tindahan. “Akalain mo, pati anak niyang si Brigitte, hindi napansin na hindi pala ‘yung tatay niya ang kinulong noon? O baka naman kasabwat siya?” “Eh sino pa nga ba ang magkakasabwat kundi sila-sila rin!” sagot ng isa habang nagpapaypay gamit ang lumang dyaryo. “Talaga nga palang ang mga masasamang damo, hindi agad namamatay,” sabay lagok ng kape ng matandang lalaki sa gilid. “Kung sino man ang makakapagturo sa kinaroroonan ni Congressman Armando Rodriguez,” dag
Kumakabog ang dibdib ni Alexander nang pindutin niya ang green button ng cellphone. “Hello, sino—” Hindi na niya natapos ang sasabihin nang marinig niya ang tinig at mala-demonyong tawa ni Congressman Armando Rodriguez. “Sino kaya ang una mong ililigtas? Ang mommy mo… o ang pinakamamahal mong si Iris?” seryosong tanong nito. “Try to touch them and I’ll kill you,” malamig ngunit may diing sambit ni Alexander. “Ahhh, takot ako!” tila nang-aasar pang sagot ng Congressman sa kabilang linya, sabay halakhak. Napasalampak sa sahig si Alexander, sabay sapo sa ulo. Samu’t saring emosyon ang nararamdaman niya—takot, galit, kaba. Napabuntong-hininga siya, saka muling tiningnan ang cellphone. “Pero dahil may pinagsamahan naman tayo noon, okay na siguro ’yung fifty million. Cash. Kapalit ng mommy mo at ni Iris,” patuloy ni Congressman. Nakuyom ni Alexander ang kamao. Kalmado, pero halata sa mga mata ang labis na takot na baka may mangyaring masama sa dalawa. “Fine! Fifty million,
Napamulat ng mata si Iris nang bigla siyang sabuyan ng malamig na tubig. Napasinghap siya sa gulat at mabilis na nag-angat ng tingin. Nasa harap niya si Congressman Rodriguez—nakaupo, kalmado, parang aliw na aliw sa nakikita. “Ibig sabihin... totoo ngang buhay siya?” bulong niya sa isip. Nanginginig ang katawan ni Iris sa ginaw, pero hindi niya iyon iniinda. Hindi siya makagalaw sa kinauupuan niya. Gusto niyang sumigaw at murahin ito, pero hindi niya magawa dahil may duct tape ang bibig niya. Ginalaw-galaw niya ang kamay, pero nakatali iyon sa likod. Napangiwi siya sa higpit ng tali at halos mapaiyak nang mapansin niyang may kadena rin ang paa niya. Para bang kahit anong gawin niyang pagpupumiglas, hindi na siya makakatakas. “Mabuti naman at gising ka na, Ms. Delgado. Akala ko kailangan ko pang gamitin sa ’yo ’to para magising ka.” Sabay himas ni Congressman sa hawak niyang stun gun. Napangisi ito nang makita ang takot sa mga mata ni Iris. “Finally, nagkita rin tayo. Face to face







