Pinindot ni Alexander ang red button at isinilid sa bulsa niya ang hawak na cellphone. Ramdam ni Iris ang biglang pagbabago ng aura nito—parang isang iglap, nawala ang saya at lambing kanina.“Baby?” mahinang tawag ni Iris, hawak-hawak pa rin ang tiyan. “May problema ba?”Sandali siyang natahimik, pero agad pinilit ang isang tipid na ngiti.“Nothing you should worry about, sweetheart. Stress is bad for you and the baby.”Napakunot ang noo ni Iris, halatang hindi kumbinsido.“Pero Alex, mas lalo akong hindi mapapalagay kung hindi mo sasabihin.”“Sweetheart, it’s just a problem with the company. I don’t want you stressing over it. I can handle it, okay? What you need to do is rest and take care of our baby.” Tipid na ngumiti si Alexander. Tumahimik na lang si Iris, pilit kinokontrol ang emosyon.“Okay, pero gusto kong kumain ka ng ice cream na may bagoong ngayon na!” Napanganga si Alexander sa sinabi ni Iris.“S—s
Napabalikwas ng bangon si Alexander nang mapansin niyang wala na si Iris sa tabi niya. Agad siyang kinabahan, mabilis na bumangon at naghanap sa paligid ng villa. “Iris? Sweetheart?” tawag niya habang lumilibot. Nakita niya itong nakatayo sa tabi ng grill, naka-oversized shirt lang at maingat na iniihaw ang bangus na binalutan ng kamatis at sibuyas. “Sweetheart!” halos maubos ang hininga ni Alexander nang lapitan ito. “You scared me. Why didn’t you wake me up?” Ngumiti si Iris, parang walang mali. “Nag-crave kasi ako ng inihaw na bangus… hindi ko na matiis. Ang sarap amuyin, oh.” Napangiwi si Alexander at hinimas ang sentido. “At three in the morning? You’re grilling fish? Sweetheart, you could have just asked someone to prepare it.” “Eh, iba kapag ako mismo ang nag-ihaw. Mas fulfilling,” biro ni Iris habang pumipihit sa hawak na pamaypay. “Promise, pag natikman mo ’to, siguradong magugustuhan mo din. Pero hindi kita bibigyan — mag-ihaw ka ng sa ’yo.” Napailing na lang s
Ilang minuto nang nakatulala si Brigitte matapos siyang iwan ni Betty sa club. Hawak pa rin niya ang baso ng alak, pinaglalaruan iyon na para bang iyon na lang ang natitirang kaibigan niya ngayong gabi. Malalim ang kanyang buntong-hininga bago niya muling sinenyasan ang bartender.“Dapat ba akong magtiwala sa kanya?”“Another shot. Make it quick,” garalgal niyang wika, pilit ipinapakita ang tapang kahit namumula na ang pisngi.Ilang tagay pa ang lumipas, at lalo nang naging malabo ang kanyang paningin. Hindi na niya halos marinig ang ingay ng tugtog—tanging pintig ng puso at bigat ng ulo ang nangingibabaw.Napaupo si Brigitte, nakasandal sa couch habang nakapikit, nilalabanan ang matinding hilong nararamdaman niya dahil sa kalasingan. Napadilat siya nang biglang may dalawang lalaking lumapit sa kanya. Pinagitnaan siya ng mga ito at inakbayan. Malalakas ang tawa, amoy alak din, at halata ang intensyon sa paraan ng pagkakatitig kay Brigitte.“Miss, samahan mo naman kami sa table. Sayang
Maganda ang sikat ng araw, ngunit malamig pa rin ang simoy ng hangin sa isang resort sa Batangas. Hindi inaasahan ni Iris na ang simpleng gala ay mauuwi sa isang linggong bakasyon nila dito kasama sina Don at Doña, Mira at Marie, at si Alexander.Habang abala sa paghahanda ng pagkain ang staff ng hotel, nakaupo naman si Iris sa gilid ng pool habang umiinom ng orange juice. Tanaw niya ang Don at si Alexander na naglalaro ng billiards. Sa tabi naman niya sina Doña Conchita, Mira, at Marie na kumakanta sa videoke.“Ma’am Iris, kanta ka!” aya sa kanya ni Mira na naka-mike pa.Umiling si Iris, nakangiti sa kanila. Lumapit naman si Marie sa kanya.“Ma’am Iris, halika na, kanta tayo!”“Oo nga naman, hija, parinig naman kami ng boses mo!” nakangiting sambit ng Doña. Napilitan tumayo si Iris at pumindot ng number.“Ay naks naman, kabisado ni Ma’am ang number! Laman siguro ng kantahan si Ma’am!” biro ni Mira.“Hindi naman, nagpapa-rent kasi kami dati ng videoke.”“O siya, kanta ka na Ma’am!”Sa
Nakatalukbong si Iris ng mukha, habang nakahiga sa loob ng silid ng ospital. Paulit-ulit sa kanyang isipan ang mga salitang binitiwan ni Lorrie kanina. “Kasalanan mo talaga! Sana nga namatay ka na lang!” Parang bawat salita’y matalim na kutsilyong paulit-ulit na sumasaksak sa dibdib niya.Napahawak siya sa tiyan, halos hindi na makahinga sa bigat ng nararamdaman niya. Dumaloy ang luha sa pisngi ni Iris, kahit pilit niyang pinipigilan.“Sweetheart…” mahinahong tawag ni Alexander habang papasok ng silid, tinanggal nito ang kumot sa mukha niya. “Huwag mong isipin lahat ng sinabi ni Tita. Alam mong wala kang kasalanan dito. Hindi mo kailangan akuin ang sakit na ’yon.”Ngunit hindi siya sumagot. Pinipilit niyang magpakatatag, pero lalo lamang siyang nadudurog sa loob.“Gusto mo bang umuwi na tayo?” tanong ni Alexander habang hinahawi ang buhok niyang nakatabon sa mukha.Bahagyang natawa si Alexander, dahil sa sobrang pula ng mata ni Iris. Pero bigla rin siyang tumigil nang tiningnan siya n
Tila nabingi si Iris sa narinig niya; pumikit siya at nagpahid ng luhang dumadaloy sa pisngi niya.“Anak…” hinawakan ng ginang ang kamay ni Iris. Malamlam ang mga matang nakatingin sa kanya. “Sana maintindihan mo ako.”Pinilit ngumiti si Iris, nanginginig ang labi. “Nay, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Gusto mong hiwalayan ko si Alex at sumama na lang ako sa inyo?” basag ang boses ni Iris. Parang unti-unting dinudurog ang puso niya.Huminga ng malalim si Nanay Lorrie, saka tumingin diretso sa mata ni Iris. “Iris, please… ito ang makakabuti para sa pamilya natin.”Nanlaki ang mga mata ni Iris. “Pamilya natin?” Mapaklang tawa ang kumawala sa labi ni Iris—walang laman, malayo sa totoong tuwa.“Baka pamilya mo lang ’Nay—pero ako? Kailan man hindi naging bahagi ng pamilya na ’yan.”“Iris, anak, ano bang sinasabi mo? Tinuring kitang parang tunay kong anak, alam mo ’yan!”“’Yun nga, Nay eh, tinuring mo akong parang tunay na anak? Bakit? Dahil nakukunsensya ka?” Napayuko si Iris at huminga n