Share

Chapter 25

Author: EL Nopre
last update Last Updated: 2025-08-10 21:13:23

''HERE'S our coffee.''

Mabilis akong tumayo at sinalubong na si Chairman Emilio. Kinuha ko sa kanya ang tray na naglalaman ng umusok na inumin. ''Salamat po. Nakakahiya naman po.''

''Bakit ka mahihiya?''

''Ikaw po kasi ang tinitingala at nirerespetong Chairman dito.''

''I set aside hierarchy kapag masaya ako. At alam mo ba na masayang-masaya ako?''

Inilapag ko sa centre table ang tray saka ko inilagay sa tapat ng inupuan ni Chairman Emilio ang isa sa dalawang tasa ng kape. ''Dahil po ba sa apo niyo?''

''Matagal ko na rin siyang kinukumbinse na upuan ang puwesto bilang CEO, but he is so stubborn.''

''Pumayag na po ba siya ngayon?''

''Kailangan niyang pumayag kung hindi ay mawawalan ka kaagad ng trabaho.''

Bigla akong kinabahan.

''Huwag kang mag-alala. Malakas ang pakiramdam ko na sa pagkakataon na ito ay nakapagdesisyon na siya."

Nakahinga ako nang maluwang.

"Sige na. Maupo ka na."

"Salamat po."

"Now, tell about yourself."

"Ho?"

"Sometimes, telling about yourself personally is way bet
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 40

    MULA pa lang sa paglabas ng elevator ay parang ayaw nang humakbang ng mga paa ko. Hiniling ko tuloy na sana bumuka na lang ang lupa at lamunin ako.Pero mukhang hindi talaga ako paborito ng Diyos dahil nakarating pa rin kami sa opisina ni Chairman Emilio."Maupo ka muna. Ipagtitimpla kita ng kape.""Huwag na po.""Ayoko nang tinatanggihan. Sumasama ang loob ko. Sige. Maupo ka lang diyan."Paborito ko naman ang kape, pero hindi sa pagkakataon na iyon dahil baka lalo akong nerbyusin at makagawa o makapagsalita ako nang hindi tama.''As I have said to you, I have the best coffee here. Hindi ba't gustong-gusto ito ni Josh?''Tumango ako kahit hindi siya lumingon mula sa pagtitimpla ng kape.Ipinaalala na naman niya ang pasaway na lalaking 'yon. Lalo lang akong naiinis. Hindi ko na maintindihan ang halo-halo nang emosyon sa dibdib ko.''Baka makatulong ang kape ko para hindi ka mag-isip nang mag-isip.''''Salamat po.''Naupo si Chairman Emilio. ''Alam mo, hindi ako masyadong nag-aalala sa

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 39

    HINDI ulit ako nagpababa sa taxi sa tapat ng Magnefico. Naglakad na lamang ako papunta roon. At halos dalawang linggo ko na iyong ginagawa.At bago ako makarating sa gusali, nagtago muna ako at saka ko sinuyod ang paligid. Siniguro ko na hindi kami magkakasabayan o magkakabanggaan ni Chairman Emilio.Dalawang linggo na akong umiiwas at kinakabahan dahil dalawang linggo na rin na hindi nagpaparamdam si Josh. Kahit sana tumawag man lang siya.Hinihintay ko siyang umuwi, pero wala pa yata sa plano niya na magpakita. At hindi ko alam ang dahilan para tiisin niya ang mga tao sa cleaning department na umaasa kanya.Nag-aalala rin ako. Pero mas inaalala ko ang magiging future ko kapag natanggal ako sa trabaho ko.Siguro dahil busy ang Chairman kaya hindi pa ako pinapatawag sa opisina nito. Baka itanong na naman nito si Josh. At wala pa akong isasagot."Kapag nakita ko siya, humanda talaga siya sa akin. Ilang araw na akong gigil na gigil sa kanya. Gusto ko na siyang sakalin hanggang mawala an

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 38

    ''SIR?''Hindi na nag-angat pa ng tingin si Josh mula sa binabasa niyang mga papeles. ''Come in.''Pumasok si Kino na tangan ang isang hindi kalakihan na box. ''Sir, nandito na ang mga nakalap na impormasyon ng mga tauhan natin.''Saka lang nag-angat ng tingin si Josh. Tumayo siya. ''Bring it here.''Dinala ni Kino ang box sa mahabang mesa na naroon sa loob ng opisina at inilatag doon ang mga laman niyon na mga patong-patong na papel.''Dito ka ba natulog?''''I have lots of work to do.'' Napapailing si Josh nang maupo. ''Ilang araw rin akong hindi nakabuwelo dahil sa babaing iyon.''''The intruder?''''Sino pa ba?''''Gusto mong puntahan ko at paalisin na?''''Hayaan mo na. Nakabawi naman ako sa kanya ngayon. Siguradong nababaliw na siya sa paghahanap sa akin. At baka nga nag-iisip na rin iyon na manawagan sa TV o radyo.''Napansin ni Kino ang pagngiti ni Josh. ''Bakit parang natutuwa ka pa?''''Because she's a funny one. Alam mo ba na natutulog siya sa labas ng kuwarto ko para lang

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 37

    RAMDAM kong nakanganga ako. At gusto ko pa talagang matulog. Inaantok pa ako. Pero istorbo ang lamok na nag-iingay sa paligid ko."Ugh!"Napaubo ako at inis na napabalikwas. Balak pa yatang pumasok ng lamok sa bibig ko.Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Alas kuwatro pa lang ng madaling-araw. Maaga pa. Kaya humiga ulit ako. Pero hindi na rin naman ako makatulog kaya pinili ko na lang na bumangon at maghanda para sa pagpasok sa trabaho.Lumabas ako sa kuwarto ko na tahimik ang buong paligid. Nakasara pa rin ang silid ni Josh. Baka naghihilik pa siya. Sa halip siguro na mag-isip ng paraan para maresolba ang problema sa department niya ay mas gusto pa niyang magbabad sa higaan.Nag-init ako ng tubig. At nagkape muna. Nang lubusan nang gising ang katawan ko at isip ay saka ako naligo.Paglabas ko ng banyo hanggang sa makapagbihis ako, tahimik pa rin ang ang silid ni Josh. Alam kong gumigising siya nang mga alas sais dahil umiihi siya."Baka tinatamad bumangon ang tamad," sambit ko sa

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 36

    PATUNGO na sana ako sa silid ng ina ni Josh na pinagamit niya muna sa akin at handa na akong matulog nang makarinig ako sa labas ng kalampag ng gate."Huh? Ano 'yon?"Kinabahan ako. Dinampot ko agad ang walis-tambo na nakatayo sa isang sulok nang may maulinigan naman akong mga yabag. Patungo iyon sa front door.Sinabi ni Josh na hindi siya uuwi kaya nasisiguro ko na ibang tao ang naroon sa labas.Pumuwesto ako sa likuran ng pinto at mahigpit kong nahahawakan ang walis. Nakaamba na iyon sa ere at paliliparin ko na lang sa sinumang papasok doon."Wala rin palang silbi ang pinaayos niyang gate," bulong ko sa sarili ko. "Sana alarm na lang ang ipinakabit niya."Napatingin ako sa pumihit na sedura. At nang bumukas ang pinto ay pinalipad ko agad ang hawak kong walis."Darn!" pagmumura ni Josh na maagap naiharang ang braso. "Anong ginagawa mo?""Oh, sorry. Ikaw pala 'yan?"''Bakit? May inaasahan ka pa bang iba?''''Malay ko ba! Baka mamaya kawatan o akyat-bahay gang na pala ang pumasok dito!

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 35

    ''YOU'RE home, at last.''Pabagsak na naupo sa sofa si Josh. Inabot naman ni Chairman Emilio ang remote control ng TV at pinatay iyon. Kasalukuyan silang nasa sala at ilang araw na rin nitong hinihintay ang apo.''Bakit naisipan mo ngayong umuwi?''''Am I not welcome here anymore?''''Mukha kasing mas komportable ka na sa ibang bahay na may kasamang isang magandang babae.''''Who are you talking?''''May iba ka pa bang babae?''''Marami.''''At mukhang sa dami nila, iisa lang ang sinusunod mo sa kanila.''''What are you talking?''''May nawawala ka bang kakambal?''''Dapat alam niyo ang bagay na iyan.''''May kamukha mo kasi na pumunta sa akin at nagmakaawa na ipasok ko siya ng trabaho sa kompanya kahit cleaner lang.''Inis siyang naupo ng tuwid. ''Hindi ako pumunta at nagmakaawa sa 'yo! Hinila ako roon nang labag sa kalooban ko!''''Kumpirmado. Wala ka naman palang kakambal. Ikaw talaga 'yon.''Pinukol niya ng matalim na tingin ang abuwelo. ''Bakit mo ako ipinasok sa cleaning departm

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status