공유

Chapter 6

작가: EL Nopre
last update 최신 업데이트: 2025-08-01 18:38:12

NAGISING ako dahil sumasakit na ang katawan ko sa posisyon ko. Naroon pa rin ako sa tabi ni Josh. Pero nakayakap na ako sa kanya.

"Darn!" pagmumura ko.

Napaatras ako mula sa pagkakasalampak ko sa sahig. Napamulagat ako sa nakita ko. Hindi lang kasi ako basta nakayakap kay Josh. Nakapasok rin ang isa kong kamay sa loob ng suot niyang polo. Nasa ilalim na iyon sa bandang ibaba. Malapit na sa kanyang pantalon.

"Anong ginawa ko?"

Napatitig ako sa mapangahas na kamay ko na tila naaaninag ko roon ang bahagi ng mga katawan na posibleng nahaplos, nahawakan at pinaglakbayan nito.

"Hinarash ko ba siya kagabi?" tanong ko sa sarili ko. "Never." Ako na ang sumagot kahit may parte sa isip ko ang hindi naniniwala. "No. Hindi ko magagawa na dungisan ang dangal ko! Bakit naman ang advance ng isip mo, Denise? Keep the cool. Kalma ka lang, okay?"

Mabilis na akong tumayo. Saka ko lamang nakita na mataas na ang sikat ng araw sa labas. Nang tingnan ko ang relo ko, pasado alas onse na ng tanghali.

"Napahaba yata ang tulog ko."

I am an early-riser. Lasing man ako, puyat o pagod, nagigising at nagigising talaga ako. Body-clock ko na ang oras na alas singko nang madaling-araw.

Inayos ko ang sarili ko. At alis na sana ako nang masulyapan ko si Josh. Tulog na tulog pa rin siya. Nilapitan ko ulit siya saka halos walang kurap ko siyang tinitigan.

Napakaguwapo pala niya. Mas malinaw na ngayon dahil maliwanag. Makinis ang buo niyang mukha. Makapal ang kilay at saka mahahaba ang pilik-mata. Matangos din ang kanyang ilong na bumagay sa hugis ng labi niya na bukod sa mapupula ay katakam-takam din.

"No way." Lumayo ako. At pinaypayan ko ang sarili. "Bakit bigla na lang uminit?"

Hindi puwedeng magkaroon ako ng opposite attraction sa lalaki lalo na sa isang estranghero na pangalan lang ang alam ko.

"Tama," bulong ko sa sarili ko. "Paano kung isa pala siyang ad!k o masamang tao?"

Nagmamadali na akong lumabas. Saka ko lang nakita na malayo pala ang kasunod na mga kapitbahay. The place looks like a private property. Malawak ang lupain na nababakuran ng mga kahoy at barbwire.

Totoo nga ang sinabi ng driver ng taxi na naghatid sa amin. Mahaba ang biniyahe namin.

"Ano bang lugar 'to? Parte pa ba ito ng Manila?"

Sinubukan kong gamitin ang Grab apps. Gumana naman. Nag-book ulit ako ng taxi.

Nasa gilid man ng kalsada ang lugar, wala namang kahit isang dumaraan doong mga sasakyan. Hindi ko masasabi na maaga pa para sa pagpasada dahil tanghali na nga.

"Isang oras pa," wika ko nang sipatin ko ang relo. "Sana hindi pa siya magising."

Sinilip ko si Josh sa loob ng bahay.

"Mukhang hindi matibay ang tolerance niya sa alcohol. Bagsak na bagsak siya. O baka iba lang ang epekto ng alak sa mga sawi ang puso."

Bumalik ako sa labas matapos kong masiguro na nahihimbing pa si Josh.

Habang hinihintay ko ang pagdating ng taxi ay naglibot-libot muna ako sa paligid. At masasabi kong mahilig sa halaman ang nakatira roon. May nakita kasi ako mga flowerbeds sa likuran.

Hindi ko alam kung may kasama si Josh sa bahay na iyon. Wala akong nakita na ibang tao mula pa nang dumating kami roon.

"Mag-isa lang ba siya rito? Ang lungkot din siguro ng buhay niya. Tapos iniwan pa siya ng girlfriend niya. Haist! Walang puso ang babaing 'yon! Hindi na naawa! Teka. Bakit ba apektado ako?"

Sa huling pagkakataon ay pinuntahan ko ulit sa loob ng bahay si Josh. Para pa rin siyang bata sa pagkakahimbing.

Gusto ko sana siyang gisingin para sana makapagpaalam at makapagpasalamat na rin. Pero awkward na siguro sa amin na pareho na kaming hindi lasing. Lalo na sa akin na unang pagkikita pa lang ay agad nang nakipag-inuman at sumama pa ako sa bahay ng kainuman.

Honestly, I am a reserved person. Hindi nga ako madaling magtiwala. Pero siguro dahil sa kinakaharap kong problema ay hindi ko na naisip ang mga pamantayan ko. And I took pity of Josh.

"Naaawa lang ba talaga ako?" pabulong kong tanong habang nakatitig na naman ako sa kanya. "Bakit ba parang gusto ko na lang siyang titigan buong araw?"

He is full of charisma kahit nakapikit siya. Hindi nakakasawa ang mukha niya. Para ngang pinapagaan niyon ang lahat nang nararamdaman kong bigat sa dibdib.

Para sa akin, perpekto na si Josh. Halos ilang oras ko rin siyang nakasama kaya masasabi kong mabait siya.

But looks can deceive. Baka may ugali rin siya na hindi nagustuhan ng ex-girlfriend niya kaya iniwan siya at ipinagpalit sa iba.

"Bakit ko ba pinakikialaman pati ang lovelife niya? Sige na. Aalis na ako."

Hindi ko napansin ang paggalaw ng mga talukap sa mata ni Josh kaya tuloy lang ako sa pagsasalita nang nakatingin sa nakabukas na bintana.

"Salamat na lang sa pagiging best drinking buddy ko kahit sa maikling panahon. Baka paggising mo, hindi mo na rin ako maalala. Pero, ikaw? Hindi kita makakalimutan. Ikaw kasi ang una kong napagsabihan ng mga reklamo at sama ng loob ko. Kahit si Emie, best friend ko siya, pero nahihiya rin akong magsabi sa kanya. Pareho kasi kami nang estado sa buhay kaya ayoko nang maging pabigat pa sa kanya. Anyway, tuparin mo sana ang ipinangako mo na hindi mo na susubukan uli na magpakamat*y. DARN!" malakas kong mura.

Nang ibaba ko kasi ang mga mata ko mula sa pagtanaw ko sa direksiyon ng bintana ay nakadilat na si Josh.

Walang kurap siyang nakatitig sa akin na tila ba kinikilala pa niya ang nakatayo sa kanyang harapan.

Para tuloy akong istatwa sa posisyon ko. Hindi ko alam kung paano ako maglalaho. Pero mabuti na lang ay bumalik siya sa pagtulog.

Napasapo ako sa dibdib ko. Ang lakas at bilis ng tibok ng puso ko.

"Pero bakit ako kinabahan? Wala naman akong ginagawang masama."

Nagpakawala muna ako ng mahabang buntong-hininga bago ako tuluyan nang umalis. Paglabas ko ng bahay ay eksakto nang dumating ang taxi.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 197

    GUSTO nang patikumin ng suntok ni Olivia ang nakabukang bibig ni Renzo na kanina pa hindi matigil sa kakatawa. Hindi na nga nito halos maikuwento nang maayos sa ina ang dala nitong magandang balita.Well, for them it's good news. Pero para sa kanya, isa iyong bangungot. Marami na rin naman siyang nakaharap na mga kriminal. But these two are beyond evil. They used the pain of others to get the things they really wanted; fame, wealth, and power. Kahit pa ang maging kapalit niyon ay kalungkutan o buhay ng ibang tao. They didn't care at all."Will you stop!" asik ni Margarita."If you can see her face, Ma, siguradong mababaliw ka rin sa kakatawa. Oh, my! She's deadly serious and emotionally distraught!""Yes, I get it. Pero simulan mo sa simula para mas maintindihan ko."Umayos naman sa pagkakasalampak ng upo si Renzo at sumeryoso ito. "I was not really sure when I came there that we will get a positive result. Helena is smart as she is a successful businesswoman. So, I doubted if she wou

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 196

    "WHY of all places? Bakit naman dito, anak?""Dahil ligtas kayo rito," tugon ni Hector sa naging tanong ng ama."Hindi iyon ang nakikita namin," wika naman ng ina ng binata."Believe me. This place is safe. I've been here many times."Sinundan din ni Hector ang pagsuyod ng tingin ng mga magulang sa paligid. Bago pa nakalabas sa ospital ang ama niya ay nakabili na siya ng bago nilang malilipatan. At ilang bloke lang iyon mula sa bahay nina Emie. Sa Tondo.Malayong-malayo ang lugar na iyon sa nakagisnan ng kanyang mga magulang.Hindi kalakihan ang bahay. Pero maayos naman itong tingnan; semi-bungalow at medyo may malawak itong bakuran saka driveway.Nag-migrate na sa Amerika ang dating nagmamay-ari nito at ibinenta na iyon. Eksakto naman na naghahanap siya ng malilipatan nila noon.Siguro nakatadhana siya hindi lang para kay Emie. He is also destined to live in a place na kilala sa Maynila na magulo at matao.Alam niyang maninibago ang kanyang mga magulang sa magiging buhay nila. Pero i

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 195

    HUMAHANGOS na pumasok si Pavlo. At natuon naman ang tingin dito ni Helena mula sa kinauupuan niya sa mahabang sofa."Amigo."Tinabihan ni Pavlo si Helena. "How do you feel? Kailangan mo ba nang gamot? But it would better kung dadalhin kita sa ospital."Pinigilan niya ang kaibigan sa braso nang akto itong tatayo. "There's no need.""Pero mukhang hindi ka okay."Yumakap siya sa kaibigan saka siya muling humagulhol."What really happened?" usisa nito habang masuyong tinapik-tapik sa likuran si Helena."It's just painful. Let's stay like this for a while. I'm really exhausted."Sandali ngang nanatili sa ganoong posisyon ang dalawa hanggang sa kumalma si Helena.Humiwalay siya sa yakap at tinuyo ang mga luha. "I will be fine.""Uminom ka kahit gamot.""I took it already.""Good. Teka nga pala. Bakit hindi ko nakita sa labas ang assistant mo? At wala rin siya rito sa loob." Pinagala pa nito ang tingin sa paligid ng silid. "Did you send her away for an errand?""I fired her.""What?" bulalas

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 194

    PIGIL na pigil ni Helena ang bumabangon na galit sa kanyang puso. Ang inaasahan niya ay isang masayang pagtatagpo. But she feels more betrayed. And it happened over and over again since she came back to the Philippines. Trust is really not easy to give and find.She wanted to curse Renzo for fooling her, betraying her, using her. But Josh reminded her something. To know her enemies and be wise with her action."Tahan na po," malumanay na saway ni Olivia habang tinatapik-tapik sa likuran ang kayakap."I'm sorry. I just can't believe it." Luhaan siyang kumalas at tumitig uli sa dalaga. "Ikaw na nga ba iyan, Lily? Ikaw ba talaga ang nawawala kong anak?""Pasensiya na po. Wala kasi akong maalala tungkol sa kabataan ko. Ang alam ko lang po ay may iniwan sa akin na bracelet noon si Mama bago siya umalis. At iyon na ang naging huling alaala ko sa kanya.""Come here, come her." Inalalayan ni Helena ang dalaga na maupo. At tumabi siya rito. "Did you have it?""Ho?""May iniwan nga akong bracel

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 193

    "MADAM, nandito po si Director Nuńez."Mula sa pagtanaw sa kawalan ay natuon ang tingin ni Helena sa kanyang assistant. Hindi agad siya nakasagot. Inaanalisa niya pa sa isip ang napag-usapan nila ni Josh."Let him in.""Yes, Madam.""By the way..."Huminto ang assistant sa akto na sanang pagtalikod. "Yes, Madam?""This would be your last day working with me.""H-Ho?""Ayoko nang makita kita pag-alis ng bisita.""Pero, Madam -""Don't ask the reasons. Dahil baka sa presinto na kita sagutin niyan."Hindi na ulit nag-usisa pa ang babae. Agad na itong tumalikod at nagmamadali nang lumabas ng silid. Sumalubong dito si Renzo na nasa harap na ng pinto."Anong sabi?""Sir, tinanggal na niya ako sa trabaho.""Hindi iyan ang gusto kong marinig. Can I come in?""Mukha pong alam na ni Madam Helena na nagtatraydor ako sa kanya. Nakita niya ang pinakabit mo sa aking audio bug.""Shut up," saway ni Renzo na napatingin pa sa ilang bodyguard na hindi kalayuan sa kanila."Sorry, sir.""Let's talk about

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 192

    PAREHONG napatda sina Josh at Renzo nang magsalubong sila sa isang pasilyo ng hotel. Nagkatitigan pa sila. At halata sa mga mukha nila na hindi nila gusto ang presensiya ng isa't isa."What are you doing here?""Bakit? Pag-aari mo na rin ba itong hotel?" sarkastikong balik-tanong ni Josh. "Inangkin mo na nga ang ospital maging si Lolo, pati ba naman dito gusto mo na akong pagbawalan? Ibang klase ka ring maging gahaman.""Just get out of my way!"Humarang si Josh sa daraanan ni Renzo na akto nang hahakbang. "Huwag kang pakasiguro na makukuha mo ang lahat. Baka sa paghahangad mo nang marami, walang matira sa iyo.""You're still underestimating me after all you have gone through. Tsk! But I think that's how you showed your defeat.""Nasa climax pa lang tayo ng laban." Ngumisi siya. "And the exciting part is nearly to happen. Kaya kung ako sa iyo, plan your wise moves. Baka magkamali ka ng hakbang at mahulog ka sa bangin na puno ng patalim."Nakakalokong tumawa si Renzo. "Jeez! What's wit

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status