PINAHINTO ko na ang sinasakyan kong taxi bago pa man kami makarating sa bahay namin. Ilang bloke lang ang layo niyon sa amin.
Natanaw ko sa tapat ng gate ang mga pamangkin ko na naglalaro. At katulad nang laging sitwasyon doon, abala na naman ang mga hipag ko sa tsismisan kahit kainitan ng araw. Nang makababa ako, pinili ko muna ang magkuli sa tagiliran ng poste na nasa tabi ng kalsada. Hindi ko alintana ang baho ng basurahan na katabi ko. Inabala ko ang sarili ko sa pag-iisip. Ang plano na nabuo ko habang nasa biyahe kanina ay mananatili muna ako sa bahay hanggang makahanap ako nang bagong papasukan na trabaho. May isang problema lang ako. At 'yon ang gusto kong maiwasan. Dalawang beses ko nang ginawa na maglayas. Pero natunton ako ng ama ko at ipinahiya ako sa halos buong kompanya kaya kahit maganda roon ang posisyon ko ay napilitan akong umalis. I am twenty-six. I should have the backbone to stand with my own. Pero hindi madali na tumalikod sa pamilya ko. I was like a pitiful prisoner. ''Kailangan ko na bang mag-abroad?'' tanong ko sa sarili. It was the best choice I have. And the easiest way para makatakas kay Papa. Pero si Mama. Baka dumating ang araw na hanapin niya ako. May kaunting pag-asa pa rin naman na nasa puso ko. Ang pag-asang darating si Mama at hihingi siya ng tawad sa akin. Well, I can forgive her. Kung ipapangako niyang ipaglalaban niya ako kay Papa at sasabihin niyang magsasama kami until one of us passed away. At isa pa, wala pa rin pala akong ipon na puwede kong magamit kung sakali mang maisipan ko na magtrabaho sa abroad o kahit ang lumayo sa amin nang hindi ako mahahanap ni Papa. ''Beshy, anong ginagawa mo riyan?'' Napatingin ako sa matalik kong kaibigan na hindi ko na namalayan ang pagdating at paglapit sa kinaroroonan ko. Hinila ko siya patago. ''Sshhh!'' ''Bakit? Sinong pinagtataguan mo?'' Pasimple kong itinuro ang mga hipag ko na wala pa ring tigil sa pakikipagdaldalanl sa mga kausap ng mga ito. ''Nabalitaan ko nga pala ang nangyari kahapon,'' wika ni Emie. ''At ano naman ang klase ng balita ang nakarating sa 'yo? Sigurado ako na kung hindi kulang ay sobra iyon.'' ''Tumpak. At alam mo na ang resulta. Sila ang kawawang biktima at ikaw ang ev!l kontrabida.'' ''At ang masisipag na nagkakalat ng mga balitang iyan ay walang iba kundi ang dalawang 'yon...'' Muling natuon ang tingin namin ni Emie sa direksiyon ng mga hipag ko na wala pa ring preno ang mga bibig sa pagsasalita sa mga kausap ng tulad ng mga ito ay iyon na ang ginagawang pasttime sa buong maghapon. ''Missing in action yata ang isa,'' puna ko nang hindi ko makita sa grupo si Neri. ''Baka napagod na ang nguso,'' biro ni Emie. ''Kung sana lang ang sipag nila ay inilalaan nila sa trabaho o kahit ang pagtulong na lang sa mga gawain sa bahay, baka matuwa pa ako sa kanila.'' ''Ano na nga palang plano mo ngayon?'' ''Maghanap ng trabaho at bumukod sa kanila.'' ''Sa tingin mo papayagan ka nang umalis ni Tito Delfin?'' ''Kaya nga binabalak kong lumayo.'' ''Saan ka naman pupunta?'' ''Iniisip kong magtrabaho sa ibang bansa. Wala nga lang akong pera.'' ''Pareho lang tayo nang problema,'' segunda ni Emie. ''Alam ko. At wala ka rin namang trabaho.'' ''Hindi ako pabigat sa pamilya ko. Hindi rin ako tsismosa. At paminsan-minsan, may sideline ako.'' ''Sana all.'' ''Saan ka nga pala nagpalipas ng gabi?'' Bigla ko tuloy naalala si Josh. ''Sa tabi-tabi lang.'' ''Haist! Ano ka ba? Babae ka! Hindi ka dapat nagpapalipas ng gabi sa kung saan-saan lang!'' Nakatanggap ako ng marahang hampas kay Emie. Alam kong concern lang siya sa akin. ''Hindi naman kasi ako puwede na makituloy sa inyo, 'di ba?'' Nakita ko ang lungkot na lumarawan sa mukha ng kaibigan ko. Alam na alam ko kung gaano niya ako gustong tulungan. Pero dahil pareho lang kami ng estado sa buhay ay sinasarili na lang niya ang sakit na wala siyang magawa para sa akin. ''Okay lang. May tinuluyan ako na isang dati kong katrabaho,'' pagsisinungaling ko. ''Babae o lalaki?'' Naalala ko na naman si Josh. ''Natural, babae! Alam mo namang wala akong amor pagdating sa mga lalaki!'' ''Bakit parang defensive ka?'' ''Spell defensive?'' ''Ang yabang nito! Porke't elementarya lang ang natapos ko!'' Natatawa akong inakbayan si Emie. Kahit papaano ay pinapagaan niya ang bigat sa dibdib ko. ''Beshy, ipinapangako ko sa 'yo na kapag yumaman ako ay hinding-hindi kita kalilimutan.'' ''Promise?'' Nakangiti akong tumango. Nag-pinky swear pa kami. ''Pero bago ka mag-isip ng pagyaman, unahin mo munang harapin ang pamilya mo.'' Nagpakawala ako nang malalim at mahabang buntong-hininga. ''Kailangan mo ba ng backup? Nandito lang ako.'' ''Hindi na. Kaya ko na ito.'' ''Sigurado ka?'' Tumango lang ako at saka tumalikod na matapos kong magpaalam kay Emie. Pero nang lumingon ako ay sumusunod siya sa akin. ''Sinabi ko nang kaya ko na.'' ''Wala naman akong sinasabi na hindi mo kaya.'' ''Bakit nakasunod ka sa akin?'' ''Iisa lang ang kalsada rito. May alam ka bang ibang daan palabas ng highway?'' ''Uhm, wala na.'' ''Wala naman pala. Akala mo naman kung artistahin ka para sundan kita.'' Napangiti na lang ako. Palabiro talaga si Emie. ''Aba, aba! Nandito na ang Disney Princess!'' salubong ng isa sa mga hipag ko. ''At may kasama ka pang bodyguard!'' Mapaklang napangisi si Emie. ''Mabuti nang maging bodyguard kaysa maging ad!k na haggard. Isa pa lang naman ang anak mo, pero mukha ka nang inahin na baboy.'' Mabilis kong sinaway ang kaibigan ko nang mapatayo si Liza. Itinaboy ko na siya paalis bago pa uminit ang tensiyon. Alam ko namang duwag ang hipag ko. Hindi nito papatulan si Emie na kilalang takaw-gulo sa kanilang lugar."ANO pang hinihintay mo riyan?""H-Ho?""Kumilos ka na."Napasulyap muna ako kay Renzo bago ako nagmamadaling tumungo sa itinuro ni Jonas.Tumayo ako sa kanang bahagi ng kotse. Pero ang kaliwang pinto ang nagbukas kaya agad-agad akong lumipat doon."The CEO has arrived!" anunsiyo ng isang lalaki.Lumabas ang mga bodyguard mula sa unahan ng sasakyan at tatlo pang nasa likuran. Saka rin lang pinahintulutan ang press na kumuha ng coverage. But they were barricaded by Magnefico's security team.Susundan ko sana ng tingin ang may-ari ng mahabang hita na unang lumabas sa pinto, pero naagaw ang pansin ko nang paglapit ni Kino. Gusto ko sana itong senyasan na umalis, pero yumukod ito."Sir..."Saka lang ako napabaling sa mataas na bulto ng katawan na lumabas sa kotse at binati ni Kino.Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig. I was not expecting to be in a dream, pero mukhang iyon nga yata ang nangyayari."Bakit maraming tao rito?"No. I think I'm not dreaming. His voice is not just th
NAPATAKIP ako sa nakaawang kong bibig. At ramdam ko sa dibdib ko ang pagbilis ng tibok ng puso. Para akong kakapusin ng hininga habang naaalala ko ang isa sa naging pag-uusap namin ni Josh."Sino naman ang mukhang espasol na 'yan?''''Si Renzo Alegre Myeharez. Ang nag-iisang apo ni Chairman Myeharez. At hindi siya mukhang espasol. Mestiso siya.''''Huh! Hamak pa rin na mas guwapo ako riyan!''Sandali akong napaisip. Iba ang pagpapakilala sa amin ni Renzo."Wait. Tama ba ang pagkakaalala ko?"If I'm right, Renzo Alegre Nuńez ang binanggit sa aming pangalan noong araw na maupo sa posisyon ang bago naming director."But what if he's the CEO? Darn! I'm doomed!""Okay ka lang?" tanong ni Kino. "Kakainin mo ba iyan o hindi?""I think I lost my appetite."Isinara ko ang glove box at laglag-balikat akong napasandal sa kinauupuan ko."Anong gagawin ko? Hindi puwedeng mawala sa akin ang trabaho ko. Ito lang ang natitirang pag-asa ko para makalaya ako sa pamilya ko.""May problema ba?"Umiling l
SA buong araw ng Sabado at Linggo ay hindi umuwi si Josh. Nakapatay pa rin ang cellphone niya."Ano bang nangyayari sa lalaking 'yon? Hindi ba niya alam na nag-aalala rin ako? Paano kung magkaroon ng emergency rito sa bahay niya? Hindi ko man lang siya ma-reach out."Baka hindi ko lang natitiyempuhan na naka-on ang cellphone ni Josh kasi nabasa naman niya ang mensahe na ipinadala ko tungkol sa welcome party ng bagong director ng Marketing."Kahit text o voice mail hindi niya man lang magawa? Haist! Lagot siya sa akin kapag nakita ko siya!"Kinuha ko ang number ni Kino. At siya ang kinukulit ko nang kinukulit. Pero hindi ko rin siya makausap nang matino dahil marami siyang alibi para umiwas."Teka." Napaisip ako. At lalo tuloy akong kinabahan. "Paano kung nakulong na siya nang dahil sa mga utang niya?"Gusto ko nang hilahin ang araw para mag-Lunes na. Si Chairman Myeharez na lang ang tatanungin ko kasi sa opisina nito huling pumunta si Josh. Baka may alam ito."Haist! Nakakainis talaga
"DRINKS and foods are in the house!"Naghiyawan ang lahat bilang tugon sa malakas at masayang anunsiyo ni Renzo. Tahimik lang ako sa isang mesa kasama ng ilan sa mga katrabaho ko.Parang gusto ko nang hilahin ang oras para makauwi na. Nag-aalala kasi ako. Naka-off pa rin ang cellphone ni Josh. At hindi rin siya nasagot sa mga message ko.Wala namang problema kung hindi niya ako masundo. Puwede akong mag-taxi. Pero sana man lang ay magparamdam siya nang hindi na ako nag-iisip ng mga bagay na hindi maganda.Josh used to take my call. At kahit simple o maiksi lamang ang mensahe, nagre-reply agad siya. Hindi niya ako pinaghihintay ng matagal."Hey," untag sa akin ni Nomi. "Okay ka lang?""Oo naman.""Nakangiti at nagsasaya ang lahat, pero ikaw para kang namatayan."Lalo lang tuloy nadagdagan ang kaba sa dibdib ko dahil sa huling salita na sinabi ni Nomi. "Ano ka ba?" asik ko."O, bakit?""Huwag kang magbabanggit nang tungkol sa patay dahil malas iyon!""Mas malas kung nakatunganga ka lang
"THERE'S no one who has no family. Lahat ay may pamilyang pinagmulan."Binalingan ko si Renzo. "Tama. Lahat nga ay may pinagmulan, pero hindi lahat ay may kinamulatan. Orphans.""Oh," maikli niyang sambit na nagpatigil sa kanya sa pagtawa."And someone like me who was not loved and was abandoned.""Sorry to hear that."He didn't sound apologetic. He is more like mocking me, not concern at all. As I have dashed my eyes to him, I saw him smirked.Ang gaan na naramdaman ko sa kanya noong una ko siyang makaharap ay bigla na lang bumigat."It seems you're not an orphan. Nasaan ang pamilya mo?""Si Papa, may bago na siyang pamilya. I have three half-siblings. But sometimes, I despise their existence."Napansin ko na dumiin ang hawak ni Renzo sa manibela. Kumulimlim din ang kanyang mukha nang mapasulyap ako sa kanya."Why?""Dahil nasira ang pamilya ko nang dahil sa kanila.""Hindi iyon kasalanan ng mga anak.""Pero kung alam nila na anak sila sa pagkakasala, bumawi man sana sila sa ugali. '
I SAW a new personality in him habang tumatawa siya. Like those of a villain that I have watched on the dramas.Pero baka mali lang ako."You will choose love over money. Is that your answer to my question earlier?"Hindi ako umimik. Kahit naman mukha akong pera, makapangyarihan pa rin sa akin ang pag-ibig. At naniniwala ako na kayang pakilusin nito ang isang tao para pasayahin ang kanyang minamahal. And together, they can defeat obstacles that come on their way, and then they will live happily ever after.That's how the story I want for an ending. It's not realistic, pero baka posible naman. As I have said, love is powerful."You may go now."Hindi agad ako nakatayo. Iniisip ko kasi na mahaba-haba ang magiging usapan namin.Nasa intro pa lang ako ng pagpapakilala sa sarili ko. It seems he's not interested in knowing more about me. Balak ko pa naman sana na ikuwento sa kanya ang talambuhay ko."I'll call you again kung magpapatimpla ako ng kape."His tone became cold. O, baka naging