"STRAIGHT lang. Ano ka ba? Bakit ba paliko-liko ka? Nahihilo na ako sa 'yo!"
"Hindi ko kasalanan. Zigzag ang kalsada. Sino ba naman kasing baliw na engineer ang nakaisip ng ganitong konsepto at desinyo?" Pasan ako ni Josh sa likuran. At pareho na kaming lasing. Kaya wala na akong hiya na nararamdaman. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko. Hindi naman ako agad-agad nagtitiwala lalo na sa lalaki, pero magaan ang loob ko rito. Iniisip ko na lang na iyon na ang una at huling pagkikita namin. Siguro kaya kami pinagtagpo ay para isalba ang namin ang isa't isa. Sana ay hindi na ulit maisipan ni Josh na tapusin ang buhay nito. "Basta dumiretso ka lang. Ako ang magiging mga mata mo. Hindi ka mapapahamak sa akin." "Deretso?" "Deretso!" Bumagsak kaming dalawa nang mapatid ang mga paa ni Josh. Natawa ako nang makita ko ito na nakasubsob sa lupa. "Nanghuhuli ka ba ng palaka riyan?" Bumangon ito. "Ang sabi mo, deretso. At hindi ako mapapahamak. Bakit nandito tayo ngayon?" "Nagpapahinga?" Nagkatawanan kaming dalawa. "Sir, Ma'am..." Natuon ang nag-uulap at namumungay naming mga mata sa lumapit na lalaki. "Ikaw ba ang engineer na nakaisip na gumawa nitong zigzag na kalsada?" "Ho?" Napakamot sa ulo ang lalaki sa sinabi ni Josh. "Wala naman pong zigzag dito, Sir. Tuwid na tuwid nga po ang daan." Napangiti ako. Lasing lang kami ni Josh kaya liko-liko na ang tingin namin. "Sino ka ba?" tanong ko. "Nag-book po kayo ng taxi. Ako ang driver." "Ah," sambit ni Josh. "Hindi mo naman agad sinabi." Nagtulungan kaming dalawa upang makatayo, pero ilang ulit din kaming nabuwal kaya umalalay na ang driver hanggang makapasok kami sa kanyang taxi. "Saan po tayo?" "Saan ba tayo?" tanong ni Josh sa akin. "Wala akong bahay na mauuwian," sagot ko. "Huwag kang mag-alala. Marami kaming bahay." "Mayaman ka ba?" "Mayaman na mayaman Umaapaw ang kayamanan namin." "Talaga?" "Anak ako ng kilalang negosyante sa bansa." "Wow," paghanga kong kumento. Ipinakita ni Josh ang address sa driver. At bumiyahe na kami. Nakatulog ako. Nagising lang ako dahil sa mahihinang yugyog sa balikat ko. "Ma'am, nandito na po tayo." Nang magmulat ako ng mga mata ay nabungaran ko kaagad sa nakabukas nang pinto si Josh na nasalampak sa lupa. "Nanghuhuli na naman ba siya ng palaka?" Tumingin ako sa driver. "Nagbayad na ba siya, Kuya?" "Hindi pa." "Magkano po?" "Three fifty." "Ang mahal naman." "Malayo po kasi ang biniyahe natin." "Ako nang magbabayad!" Natuon ang tingin ko kay Josh. Pilit nitong idinidilat ang namumungay at babagsak nang mga mata dahil sa kalasingan. "Magkano ba? Isang libo? Limang libo? Sampung libo?" Nagkapkap ito sa sarili. "Nasaan ba ang wallet ko?" "Ako nang magbabayad," wika ko. "Hindi na kailangan ng libo. Three fifty lang naman." Kumuha ako ng pera sa wallet ko. Nang makabayad ako ay bababa na rin sana ako, pero bigla akong natigilan. "Teka," sambit ko sa driver. "Sigurado ka ba sa address na pinagdalhan mo sa amin?" "Opo, Ma'am." Naiiling na akong bumaba. At umalis din agad ang taxi. Marahan kong sinipa si Josh. "Tumayo ka riyan." "Oh." Tumingala ito. "Nandito na ba tayo sa palasyo ko?" "Palasyuhin mo ang mukha mo. Kahit yata aliping-sagigilid ay hindi titira sa ganitong klaseng bahay." Natuon naman ang tingin ni Josh sa natatapatan naming bahay. At napangiti ito. "Ang palasyo ko!" "Tumayo ka na riyan." Tinulungan ko si Josh na makatayo. Sa aming dalawa, ito ang lasing na lasing. "Hindi ba sinabi ko sa 'yo na marami kaming bahay?" Nakasampay sa balikat ko ang isang braso ni Josh habang inaalalayan ito. Hindi ko na kailangang buksan ang yari sa kahoy na gate dahil halos tumumba na iyon sa kalumaan. "Actually, we have eight." "Yabang!" "At ito ang pinakamaganda sa lahat." Natuon uli ang tingin ko sa bahay na malinaw ko nang nakikita sa malapitan. Medyo nag-uulap pa ang mga mata ko at nakakaramdam ng pagkahilo, pero tiyak ko na isang rundown house iyon. "Ano naman ang hitsura ng pito? Barung-barong?" "Hey, wala ka bang taste sa pagpili at pagtingin ng magandang bahay?" "Okay na rin ito kaysa sa kalsada ako matulog. Nasaan ang susi?" tanong ko nang tumapat kami sa pinto. "Nandiyan sa ilalim ng paso." Bumaba ang tingin ko sa tinukoy ni Josh. Naroon nga ang susi. Napansin kong hindi lanta ang tanim na halaman sa paso. "Dito nga yata siya nakatira," bulong ko sa sarili nang may pagkadismaya. Ang totoo, kanina nang sabihin ni Josh na marami itong bahay at mayaman ito, may kaunting pag-asa na bumangon sa puso ko. Naisip ko na baka matulungan ako nito na makahanap ng trabaho at matitirahan. Naiiling ako nang buksan ko ang pinto. Mabuti na lang at may kuryente roon. Kung wala, baka iba't ibang insekto o mga hayop ang sumalubong sa amin. "Matulog ka na rito," wika ko nang ihiga ko si Josh sa mahabang upuan na yari sa kahoy. Mula pa sa labas hanggang sa loob ay masasalamin ko na ang kalumaan sa buong bahay. Pero malinis iyon. "Sino kayang kasama niya rito?" Nilapitan ko ang hilera ng mga picture frame. May mga larawan doon ng isang babae at bata. "Siya siguro ang Mama niya." Kahit hindi ko masyadong titigan ay natitiyak kong ang batang naroon sa mga larawan ay si Josh. Nakuha nito ang mga mata at ngiti sa ina nito. "Nasaan kaya siya?" Pinagala ko ang tingin sa kabuuan ng maliit na bahay. "Mukhang wala siya rito." "Mama..." Nabaling ang atensiyon ko kay Josh na nakapikit man, pero nagsasalita. "Mama..." Lumapit ako at ginagap ang kamay nito. "Nasaan ba siya?" "Huwag mo akong iiwang mag-isa. Dito ka lang sa tabi ko, Mama." "Nandito lang ako." Pumayapa naman sa pagtulog si Josh habang marahan kong tinatapik ang hawak kong kamay nito. "Pareho pala tayong takot mag-isa. Kaya siguro ayaw ko ring iwan ang pamilya ko kahit nasasaktan na ako dahil ayoko na maiwan ulit." Hindi na ako umalis sa posisyon nang pagkakaluhod ko sa tagiliran ni Josh habang hawak pa rin ang kamay nito. Doon na rin ako nakatulog. Ginawa kong unan ang matipuno nitong braso."ANO pang hinihintay mo riyan?""H-Ho?""Kumilos ka na."Napasulyap muna ako kay Renzo bago ako nagmamadaling tumungo sa itinuro ni Jonas.Tumayo ako sa kanang bahagi ng kotse. Pero ang kaliwang pinto ang nagbukas kaya agad-agad akong lumipat doon."The CEO has arrived!" anunsiyo ng isang lalaki.Lumabas ang mga bodyguard mula sa unahan ng sasakyan at tatlo pang nasa likuran. Saka rin lang pinahintulutan ang press na kumuha ng coverage. But they were barricaded by Magnefico's security team.Susundan ko sana ng tingin ang may-ari ng mahabang hita na unang lumabas sa pinto, pero naagaw ang pansin ko nang paglapit ni Kino. Gusto ko sana itong senyasan na umalis, pero yumukod ito."Sir..."Saka lang ako napabaling sa mataas na bulto ng katawan na lumabas sa kotse at binati ni Kino.Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig. I was not expecting to be in a dream, pero mukhang iyon nga yata ang nangyayari."Bakit maraming tao rito?"No. I think I'm not dreaming. His voice is not just th
NAPATAKIP ako sa nakaawang kong bibig. At ramdam ko sa dibdib ko ang pagbilis ng tibok ng puso. Para akong kakapusin ng hininga habang naaalala ko ang isa sa naging pag-uusap namin ni Josh."Sino naman ang mukhang espasol na 'yan?''''Si Renzo Alegre Myeharez. Ang nag-iisang apo ni Chairman Myeharez. At hindi siya mukhang espasol. Mestiso siya.''''Huh! Hamak pa rin na mas guwapo ako riyan!''Sandali akong napaisip. Iba ang pagpapakilala sa amin ni Renzo."Wait. Tama ba ang pagkakaalala ko?"If I'm right, Renzo Alegre Nuńez ang binanggit sa aming pangalan noong araw na maupo sa posisyon ang bago naming director."But what if he's the CEO? Darn! I'm doomed!""Okay ka lang?" tanong ni Kino. "Kakainin mo ba iyan o hindi?""I think I lost my appetite."Isinara ko ang glove box at laglag-balikat akong napasandal sa kinauupuan ko."Anong gagawin ko? Hindi puwedeng mawala sa akin ang trabaho ko. Ito lang ang natitirang pag-asa ko para makalaya ako sa pamilya ko.""May problema ba?"Umiling l
SA buong araw ng Sabado at Linggo ay hindi umuwi si Josh. Nakapatay pa rin ang cellphone niya."Ano bang nangyayari sa lalaking 'yon? Hindi ba niya alam na nag-aalala rin ako? Paano kung magkaroon ng emergency rito sa bahay niya? Hindi ko man lang siya ma-reach out."Baka hindi ko lang natitiyempuhan na naka-on ang cellphone ni Josh kasi nabasa naman niya ang mensahe na ipinadala ko tungkol sa welcome party ng bagong director ng Marketing."Kahit text o voice mail hindi niya man lang magawa? Haist! Lagot siya sa akin kapag nakita ko siya!"Kinuha ko ang number ni Kino. At siya ang kinukulit ko nang kinukulit. Pero hindi ko rin siya makausap nang matino dahil marami siyang alibi para umiwas."Teka." Napaisip ako. At lalo tuloy akong kinabahan. "Paano kung nakulong na siya nang dahil sa mga utang niya?"Gusto ko nang hilahin ang araw para mag-Lunes na. Si Chairman Myeharez na lang ang tatanungin ko kasi sa opisina nito huling pumunta si Josh. Baka may alam ito."Haist! Nakakainis talaga
"DRINKS and foods are in the house!"Naghiyawan ang lahat bilang tugon sa malakas at masayang anunsiyo ni Renzo. Tahimik lang ako sa isang mesa kasama ng ilan sa mga katrabaho ko.Parang gusto ko nang hilahin ang oras para makauwi na. Nag-aalala kasi ako. Naka-off pa rin ang cellphone ni Josh. At hindi rin siya nasagot sa mga message ko.Wala namang problema kung hindi niya ako masundo. Puwede akong mag-taxi. Pero sana man lang ay magparamdam siya nang hindi na ako nag-iisip ng mga bagay na hindi maganda.Josh used to take my call. At kahit simple o maiksi lamang ang mensahe, nagre-reply agad siya. Hindi niya ako pinaghihintay ng matagal."Hey," untag sa akin ni Nomi. "Okay ka lang?""Oo naman.""Nakangiti at nagsasaya ang lahat, pero ikaw para kang namatayan."Lalo lang tuloy nadagdagan ang kaba sa dibdib ko dahil sa huling salita na sinabi ni Nomi. "Ano ka ba?" asik ko."O, bakit?""Huwag kang magbabanggit nang tungkol sa patay dahil malas iyon!""Mas malas kung nakatunganga ka lang
"THERE'S no one who has no family. Lahat ay may pamilyang pinagmulan."Binalingan ko si Renzo. "Tama. Lahat nga ay may pinagmulan, pero hindi lahat ay may kinamulatan. Orphans.""Oh," maikli niyang sambit na nagpatigil sa kanya sa pagtawa."And someone like me who was not loved and was abandoned.""Sorry to hear that."He didn't sound apologetic. He is more like mocking me, not concern at all. As I have dashed my eyes to him, I saw him smirked.Ang gaan na naramdaman ko sa kanya noong una ko siyang makaharap ay bigla na lang bumigat."It seems you're not an orphan. Nasaan ang pamilya mo?""Si Papa, may bago na siyang pamilya. I have three half-siblings. But sometimes, I despise their existence."Napansin ko na dumiin ang hawak ni Renzo sa manibela. Kumulimlim din ang kanyang mukha nang mapasulyap ako sa kanya."Why?""Dahil nasira ang pamilya ko nang dahil sa kanila.""Hindi iyon kasalanan ng mga anak.""Pero kung alam nila na anak sila sa pagkakasala, bumawi man sana sila sa ugali. '
I SAW a new personality in him habang tumatawa siya. Like those of a villain that I have watched on the dramas.Pero baka mali lang ako."You will choose love over money. Is that your answer to my question earlier?"Hindi ako umimik. Kahit naman mukha akong pera, makapangyarihan pa rin sa akin ang pag-ibig. At naniniwala ako na kayang pakilusin nito ang isang tao para pasayahin ang kanyang minamahal. And together, they can defeat obstacles that come on their way, and then they will live happily ever after.That's how the story I want for an ending. It's not realistic, pero baka posible naman. As I have said, love is powerful."You may go now."Hindi agad ako nakatayo. Iniisip ko kasi na mahaba-haba ang magiging usapan namin.Nasa intro pa lang ako ng pagpapakilala sa sarili ko. It seems he's not interested in knowing more about me. Balak ko pa naman sana na ikuwento sa kanya ang talambuhay ko."I'll call you again kung magpapatimpla ako ng kape."His tone became cold. O, baka naging