TUMUNGO na ako sa Director's Office matapos kong maibigay kay Nomi ang nauna kong tinimplang kape.Hindi ako kinakabahan, pero hindi na napanatag ang isip ko dahil sa sinabi kanina ni Hector. I'm not supposed to believe him, yet a feeling of uneasiness pokes me.I will observe the new director. Yes, it's the best way before judging him.Kumatok ako makalipas ang ilang segundong pakikipagtitigan ko sa nakapinid na pinto."Come in."Pumasok na ako. Renzo is at his office table doing some paperwork kahit na kasisimula pa lang niya sa trabaho.One point.Director Arguales is not like him. Mas inuuna pa kasi nito ang paggo-golf o pagbubuhat ng barbel sa mini-gym nito na naroon lang din naman sa loob ng opisina."Put it here..."Inilapag ko ang tasa ng kape sa itinuro niya na spot malapit sa kanyang tagiliran. "Kung wala na po kayong ibang iuutos, lalabas na po ako.""Sit first.""H-Ho?""I'll finish this, then let's talk."Gusto ko sana uling magsalita at itanong sa kanya kung ano ang kai
"NAKITA mo na ba siya?""Hindi pa."Muli akong napatingin sa direksiyon ng Director's Office. Wala pang tao roon. At kanina pa kami naghihintay sa kanyang pagdating."Sana lang talaga hindi niya manahin ang ugali ni Director Arguales."Nabaling ang tingin ko sa katabi ko na nakisali na rin sa usapan namin ni Nomi."May trauma na ako last time. Baka hindi na kayanin ng puso at isip ko kapag naulit pa iyon. Mabuti sigurong mag-resign na lang ako.""Sayang naman. Ipagdasal na lang natin na mabuti siyang tao.""We suffered for a long time. I hope this time we can breathe freely.""Oo nga. Sa tuwing pumapasok ako ng trabaho, pakiramdam ko 'yong hininga ko mapupugto."Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga kasama ko na nagsasalitan ng kanilang kumento. Hindi ko naman sila masisisi kung makaramdam sila ng kaba o takot. They experienced it almost every day since they started working there."C'mon. Stand properly on both sides. He's coming now."Nakatayo na ang karamihan sa amin kaya mabilis na
"SO, bakit niya ako pinapatawag? Surely, not to work for him. He knows I won't let him have his way to order me.""Hindi ko alam," pabulong na tugon ni Jonas.Sinulyapan niya ang kaabay na lalaki. "I know you very well. Kapag sinabi mo na wala kang alam, it's the opposite. So, tell me, what is it all about? Bakit inalis niya ako sa Marketing?""There's a manager now. At magsisimula na rin doon ang bagong director."Napatigil sa paghakbang si Josh at hinarap si Jonas. "What?""That's what I know."Ipinagpatuloy niya ang paglalakad. "Akala ko ba, hindi papalitan si Cristo? Darn! That name is not suitable for him.""He's not capable now to handle a huge department. Baka ilipat na siya sa ibang departamento kapag bumalik na siya.""What is that old fox planning?""Huh? The chairman?""There's no other old fox aside from him.""Oh.""At sino ang ipinalit niya sa posisyon?""Someone you know."Muling napahinto sa paghakbang si Josh at kunot-noo na napatingin kay Jonas. "Someone I know?""Ye
"AH, TAMA. Naalala ko na rin. Ilang linggo ko na itong iniisip."Bumaling ako kay Josh at pinanlisikan ko siya ng mga mata."O, bakit ganyan kang makatingin? Parang gusto mo akong kainin ng buhay, ah?""Natatandaan ko na kung saan ko nakita at nakilala 'yong bestman mo.""Si Kino?""Ikaw talaga!""Agh!" daing ni Josh nang makatanggap ng hampas sa braso. "Bakit?""Siya ang may-ari nitong sasakyan, 'di ba?""Magkaibigan na kami. As in, close friends.""Sinamantala mo agad ang pagkakaibigan niyo!""Hey!" saway ni Josh nang sunud-sunod siyang paghahampasin. "Tumigil ka nga! Mababangga tayo!""Magkano ang ipinangako mo sa kanya na kabayaran para makuha ang sasakyan na ito?""Hindi kalakihan.""Hindi kalakihan, pero sa interest ka naman mamumulubi.""Magkaibigan kami kaya hindi niya raw tutubuan.""Imposible. Bago pa itong sasakyan kaya siguradong mahal ito.""Maayos ang usapan namin.""Baka pagta-taxi lang ang ikinabubuhay niya tapos kinuha mo pa!""Pumayag naman siya. Gusto niya nang tumi
"NA-FOLLOW up niyo na ba ang pending request natin sa Immigration?""May appointment po ako ngayon, sir.""Make sure we'll get the documents within this day. Tatlong araw na ring nakatambak doon ang package. Kung may problema sa naging proseso, let them give you a clear explanation.""Yes, sir.""How about the proposal we made for the AIRCargz? May resulta na ba?""I'm still waiting for their call, sir.""It's been a week already? If they want to turn it down, hindi na nila iyon patatagalin pa. Make an appointment. I will personally visit their place.""Yes, sir.""That's for today. Work hard.""Yes, sir."Nagsitayuan na ang mga tauhan ni Hector. Inabisuhan niya ang kanyang secretary na pagkatapos iligpit ang mga kalat sa mesa ay mag-break muna ito."Sir, gusto niyo po bang i-order ko na lang kayo ng lunch?""No need. I'll leave early today.""Okay, sir."Nang ukupahin ni Hector ang kanyang office table at makalabas na ang secretary niya, bumukas ulit ang pinto. At para siyang tinukla
INALIS ni Josh ang pagkakaakbay sa akin nang matanaw namin na nakalabas na nang gate si Chelsea.Gusto ko pa sana na magtagal kami sa ganoong posisyon hanggang masamyo ko ang lahat nang bango niya sa katawan.Alam ko na ginamit lang niyang rason ang paliligo para ipakita niya sa dating nobya na may katotohanan sa ikinikilos namin, mukha kasing hindi pa nawawala sa isip nito ang pagdududa sa relasyon namin na akala nito ay nagpapanggap lang kami.Totoo naman. Everything between Josh and I is fake. We just had the agreement for our own goal.But sometimes, I have this denial stage. Alam ko na may ibang damdamin akong nakakapa sa dibdib ko. Pero hindi ako sigurado kung tama ito. I can't really control myself. I am starting to fall for him."Magbihis ka na.""Ha?"Tumigil sa paghakbang si Josh na paakyat na sana ng hagdan. Nilingon niya ako at pinasadahan ako ng tingin. Saka ko lang naalala ang suot ko.Mabilis kong iniyakap ang mga braso ko sa sarili ko, partikular sa harapan dahil nakal