LOGIN''TINURUAN mo siyang bastusin ako, 'no?''
''Bakit ko naman siya kailangang turuan pa? May sarili naman siyang isip. She is smarter than you.'' ''Huh! Magkaibigan nga kayo. Parehong bastos ang bunganga niyo.'' Tumalikod na ako. Ayokong patulan si Liza lalo na't maraming tao sa paligid. Hindi na rin naman ito sumunod nang pumasok ako ng bahay. Inabutan ko sa sala na nakahilata ang dalawa kong nakababatang kapatid na lalaki. Bagsak ang mga ito sa kalasingan dahil amoy na amoy ang alak sa paligid. Pinagbubuksan ko muna ang mga bintana upang makapasok ang hangin. Makalat sa loob. Walang pagbabago. Iyon at iyon ang araw-araw kong nadadatnan. Naiinis kong nilagpasan ang tambak ng mga hugasin sa mesa at lababo. Deretso na akong pumunta sa silid ko. Pero bigla akong napahinto sa bukana ng pinto nang abutan ko si Neri na nakahiga sa kama ko habang abala ito sa hawak nitong cellphone. ''Anong ginagawa mo rito?'' ''Busy ako kaya huwag mo akong istorbohin.'' ''Puwes, lumabas ka dahil hindi ka welcome rito.'' ''Haist! Nabaril tuloy ako!'' tukoy nito sa nilalarong online games. Bumangon ito. Pero sa halip na mainis ay gumuhit ang nakakalokong ngisi nito matapos makita ang galit sa mukha ni Denise. ''Ops! Huli ka na sa balita. Evicted ka na rito.'' ''Ano?'' ''Dahil wala ka nang trabaho, lilipat ka na sa dulo. Sa dati naming silid ni Ponce.'' Saka ko lamang napansin na wala na roon ang mga gamit ko. ''Kuwarto ko ito! Ako ang nagpaayos nito!'' ''Pero si Papa ang masusunod dito sa bahay. Kung gusto mong mabawi ito, puntahan mo siya dahil gusto ka rin namang niyang makausap.'' Napakunot ako ng noo. ''Binigyan ni Mr. Cheng ng magandang trabaho si Ponce. Kaya sa tingin ko ay palalayain ka na ni Papa. Mabuti naman dahil araw-araw umiinit ang ulo ko sa'yo.'' Napangisi ako at napailing. ''Umiinit ang ulo mo sa taong araw-araw nagpapakain sa 'yo? Wow! Saan ka nagparetoke? Ang kapal kasi ng mukha mo!'' ''Magtalak ka lang nang magtalak diyan dahil iyan na rin naman ang huli.'' ''Huwag kang pakasisiguro. Baka baliktarin ko ang mundo mo.'' Natawa si Neri. ''Whoa! Palaban ka na? Sa pagkakaalala ko kasi ay para kang tuta na sunod nang sunod lang kay Mama at Papa. Haissst! Mukhang tama sila. Tulad ka rin ng Mama mo na nasa loob ang kulo.'' ''Anong sinabi mo?'' ''Alam kong narinig mo 'yon. Huwag kang bingi-bingihan.'' Mabilis akong sumugod at marahas kong hinatak ang mahabang buhok ni Neri na napadaing naman sa sakit. ''Ulitin mo ang sinabi mo!'' ''Bitiwan mo ako! Aray! Aray!'' ''Huwag na huwag mong babastusin ang Mama ko lalo na nang tulad mong pinulot lang ng kapatid ko sa isang bar! Akala mo ba hindi ko alam na syota ka ng bayan?'' ''Hindi totoo 'yan!'' ''Hindi totoo o nahihiya ka lang malaman ng mga anak mo na ang ina nila ay cheap na babae?'' Ibinuhos ko ang galit sa dibdib ko sa paghigpit ko ng hawak sa buhok ni Neri. Malakas ang loob ko nang mga oras na iyon dahil alam kong bagsak ang dalawa kong kapatid sa kalasingan. ''Aray! Tumigil ka na! Tulong!'' ''Nasaan na ngayon ang tapang mo? Ilabas mo na para makalbo kita!'' ''Aray, aray! Bitiwan mo ako!'' Mas matangkad ako kay Neri. Advantage ang mahahaba kong braso kaya hirap ito na abutin ako. ''Patay ka mamaya sa asawa ko!'' ''Tama! Baka patay ka na nga niyang datnan!'' ''Makukulong ka!'' ''Wala akong pakialam! At least, libre lahat doon! Wala akong pakikisamahan na mga taong ang kakapal ng mukha at apog!'' Tumatakbong pumasok ng kuwarto ang dalawang hipag ko. At parang iyon ang nakuhang pagkakataon ng mga ito para makaganti sa akin dahil sumugod agad ang mga ito sa akin. Hindi ako sanay sa mg away kahit ilang beses na akong napapaharap kapag si Emie ang kasama ko. At wala rin akong kaalam-alam sa self-defense. Pero nang mga oras na iyon na alam kong nanganganib sa kamay ng tatlo kong mga ungrateful na hipag ang buhay ko ay bigla na lang lumabas ang pagiging amasona ko. Marahil isa iyon sa mga hidden talent ko. Hindi ko binibitiwan ang pagkakahawak ko sa buhok ni Neri. At nang makahanap ako ng tiyempo na makawala sa dalawa na gusto nang hawakan ang mga braso ko, marahas kong sinipa ang mga ito saka pinalipad ko ang isa ko pang kamay na sumapol kay Liza at nagpatumba rito. Pero dahil tatlo sila, dehado ako. Alam ko na anumang oras ay babagsak ako. Pero bigla na lang dumating ang super duper heroine ng buhay ko. And she saved my fvcking day! ''Aahhhhhh!'' sigaw ni Emie nang sumugod na agad pinalipad ang trademark niyang flying kick. Tama ang naisip ko. Hindi basta aalis ang kaibigan ko nang hindi ako safe. Safeness for her is with my windows close. Alam ni Emie na kapag nasa loob na ako ng silid ko ay una kong isinasara ang mga bintana. Minsan na kasi akong nasungkitan ng mga gamit at sinilipan ng mga tambay na manyakis.GUSTO nang patikumin ng suntok ni Olivia ang nakabukang bibig ni Renzo na kanina pa hindi matigil sa kakatawa. Hindi na nga nito halos maikuwento nang maayos sa ina ang dala nitong magandang balita.Well, for them it's good news. Pero para sa kanya, isa iyong bangungot. Marami na rin naman siyang nakaharap na mga kriminal. But these two are beyond evil. They used the pain of others to get the things they really wanted; fame, wealth, and power. Kahit pa ang maging kapalit niyon ay kalungkutan o buhay ng ibang tao. They didn't care at all."Will you stop!" asik ni Margarita."If you can see her face, Ma, siguradong mababaliw ka rin sa kakatawa. Oh, my! She's deadly serious and emotionally distraught!""Yes, I get it. Pero simulan mo sa simula para mas maintindihan ko."Umayos naman sa pagkakasalampak ng upo si Renzo at sumeryoso ito. "I was not really sure when I came there that we will get a positive result. Helena is smart as she is a successful businesswoman. So, I doubted if she wou
"WHY of all places? Bakit naman dito, anak?""Dahil ligtas kayo rito," tugon ni Hector sa naging tanong ng ama."Hindi iyon ang nakikita namin," wika naman ng ina ng binata."Believe me. This place is safe. I've been here many times."Sinundan din ni Hector ang pagsuyod ng tingin ng mga magulang sa paligid. Bago pa nakalabas sa ospital ang ama niya ay nakabili na siya ng bago nilang malilipatan. At ilang bloke lang iyon mula sa bahay nina Emie. Sa Tondo.Malayong-malayo ang lugar na iyon sa nakagisnan ng kanyang mga magulang.Hindi kalakihan ang bahay. Pero maayos naman itong tingnan; semi-bungalow at medyo may malawak itong bakuran saka driveway.Nag-migrate na sa Amerika ang dating nagmamay-ari nito at ibinenta na iyon. Eksakto naman na naghahanap siya ng malilipatan nila noon.Siguro nakatadhana siya hindi lang para kay Emie. He is also destined to live in a place na kilala sa Maynila na magulo at matao.Alam niyang maninibago ang kanyang mga magulang sa magiging buhay nila. Pero i
HUMAHANGOS na pumasok si Pavlo. At natuon naman ang tingin dito ni Helena mula sa kinauupuan niya sa mahabang sofa."Amigo."Tinabihan ni Pavlo si Helena. "How do you feel? Kailangan mo ba nang gamot? But it would better kung dadalhin kita sa ospital."Pinigilan niya ang kaibigan sa braso nang akto itong tatayo. "There's no need.""Pero mukhang hindi ka okay."Yumakap siya sa kaibigan saka siya muling humagulhol."What really happened?" usisa nito habang masuyong tinapik-tapik sa likuran si Helena."It's just painful. Let's stay like this for a while. I'm really exhausted."Sandali ngang nanatili sa ganoong posisyon ang dalawa hanggang sa kumalma si Helena.Humiwalay siya sa yakap at tinuyo ang mga luha. "I will be fine.""Uminom ka kahit gamot.""I took it already.""Good. Teka nga pala. Bakit hindi ko nakita sa labas ang assistant mo? At wala rin siya rito sa loob." Pinagala pa nito ang tingin sa paligid ng silid. "Did you send her away for an errand?""I fired her.""What?" bulalas
PIGIL na pigil ni Helena ang bumabangon na galit sa kanyang puso. Ang inaasahan niya ay isang masayang pagtatagpo. But she feels more betrayed. And it happened over and over again since she came back to the Philippines. Trust is really not easy to give and find.She wanted to curse Renzo for fooling her, betraying her, using her. But Josh reminded her something. To know her enemies and be wise with her action."Tahan na po," malumanay na saway ni Olivia habang tinatapik-tapik sa likuran ang kayakap."I'm sorry. I just can't believe it." Luhaan siyang kumalas at tumitig uli sa dalaga. "Ikaw na nga ba iyan, Lily? Ikaw ba talaga ang nawawala kong anak?""Pasensiya na po. Wala kasi akong maalala tungkol sa kabataan ko. Ang alam ko lang po ay may iniwan sa akin na bracelet noon si Mama bago siya umalis. At iyon na ang naging huling alaala ko sa kanya.""Come here, come her." Inalalayan ni Helena ang dalaga na maupo. At tumabi siya rito. "Did you have it?""Ho?""May iniwan nga akong bracel
"MADAM, nandito po si Director Nuńez."Mula sa pagtanaw sa kawalan ay natuon ang tingin ni Helena sa kanyang assistant. Hindi agad siya nakasagot. Inaanalisa niya pa sa isip ang napag-usapan nila ni Josh."Let him in.""Yes, Madam.""By the way..."Huminto ang assistant sa akto na sanang pagtalikod. "Yes, Madam?""This would be your last day working with me.""H-Ho?""Ayoko nang makita kita pag-alis ng bisita.""Pero, Madam -""Don't ask the reasons. Dahil baka sa presinto na kita sagutin niyan."Hindi na ulit nag-usisa pa ang babae. Agad na itong tumalikod at nagmamadali nang lumabas ng silid. Sumalubong dito si Renzo na nasa harap na ng pinto."Anong sabi?""Sir, tinanggal na niya ako sa trabaho.""Hindi iyan ang gusto kong marinig. Can I come in?""Mukha pong alam na ni Madam Helena na nagtatraydor ako sa kanya. Nakita niya ang pinakabit mo sa aking audio bug.""Shut up," saway ni Renzo na napatingin pa sa ilang bodyguard na hindi kalayuan sa kanila."Sorry, sir.""Let's talk about
PAREHONG napatda sina Josh at Renzo nang magsalubong sila sa isang pasilyo ng hotel. Nagkatitigan pa sila. At halata sa mga mukha nila na hindi nila gusto ang presensiya ng isa't isa."What are you doing here?""Bakit? Pag-aari mo na rin ba itong hotel?" sarkastikong balik-tanong ni Josh. "Inangkin mo na nga ang ospital maging si Lolo, pati ba naman dito gusto mo na akong pagbawalan? Ibang klase ka ring maging gahaman.""Just get out of my way!"Humarang si Josh sa daraanan ni Renzo na akto nang hahakbang. "Huwag kang pakasiguro na makukuha mo ang lahat. Baka sa paghahangad mo nang marami, walang matira sa iyo.""You're still underestimating me after all you have gone through. Tsk! But I think that's how you showed your defeat.""Nasa climax pa lang tayo ng laban." Ngumisi siya. "And the exciting part is nearly to happen. Kaya kung ako sa iyo, plan your wise moves. Baka magkamali ka ng hakbang at mahulog ka sa bangin na puno ng patalim."Nakakalokong tumawa si Renzo. "Jeez! What's wit







