ORLYN CITY, EARLY 2001
“When I grew up, I will marry you!”
Hindi alintana ng musmos na batang babae na kagagaling niya lang sa isang kidnapping incident. Nakasuot ito ng hospital gown at nakaupo sa gilid ng kama. She’s swaying her feet back and forth, with her smile as bright as the sun on her face. Tila ba tuluyan na nitong nakalimutan ang trahedya na naganap nang masilayan ang mukha ni John.
Tumayo sa dulo ng higaan si John at humalukipkip. “Silly. I might be married when that time comes. You’re so small, you see?”
The little girl pouts, her eyebrows met as she glared at the young man thirteen years older than her.
“Then promise me, stay single till then!” the girl snarled.
“Yes, yes.” Ginulo ni John ang wavy at maiksing buhok ng bata.
Sumang-ayon na lamang siya dahil alam niya na makakalimutan din nito ang sinabi. At isa pa, nasa ospital sila. Makakaistorbo sa ibang pasyente kung patuloy siyang makikipagtalo sa isang bata na may matilin na boses.
Yumuko si John sa harap ng bata para magka-level ang kanilang mukha. “Smile now, Princess.”
Matagal bago muling sumilay ang ngiti sa mukha ng bata. “Hmp! It’s a promise!” Nilapit niya ang kanyang kamay with her pinky sticking out to make a pinky swear with John.
He chuckled.
Five-year-old kids these days. All romance and fairytales.
Tinanggap na lamang ni John. He hooked his finger on her small, cute, and delicate pinky. “Promise.”
“Elle, anak!”
Lumayo si John sa bata nang humahangos na lumapit ang ina nito.
Elle…
Tinapik naman siya ng kanyang ama na si Robert na kasunod lang ng ina ng bata. “Did you get something from her?” bulong nito sa kanya.
“Wala siyang maalala.”
Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga. “Poor little thing. I can already guess who did these. Pero mailap sila. Hindi naman makapagsampa ng kaso ang pamilya ng bata dahil wala siyang maalala. Ni walang nakuhang ebidensya o kahit lead man lang ang mga pulis.”
Nagtataka na tumingin si John sa ama na nagsimula nang maglakad palabas ng kwarto ng bata. Muli niyang tinapunan ng tingin ang munting bata.
Pinupunasan nito ang mata ng ina. “Mama, huwag ka na po umiyak. Tinusok lang naman po nila ako ng karayom. Hindi po masakit, promise!”
Natawa siya sa pagpapalubag-loob ng bata. Taliwas sa sinabi nito, malakas ang pinakawalan nitong iyak nang makita na may suwero na nakatusok sa likod ng palad niya. Wala pa ang mga magulang nito nang magising kaya si John ang umalo. Siya rin kasi ang nagdala sa bata sa ospital kaya he is half responsible to make her feel safe.
Stay strong, and live peacefully little one.
Sa pinto ay nakita niya ang isang batang lalaki. Halos kaedad lang ni Elle. Nakipagtitigan ito sa kanya.
I’m not guilty. Hindi ko siya inaagawan ng candy. Bakit ang sama niya makatingin?
Akma siyang aalis nang sumigaw si Elle. “Ja, huwag mo akong kalimutan ha?!”
He smiled. Ilang beses siyang napangiti ng batang ito? Sa inosenteng ngiti sa mga mata at labi nito, maraming mahuhumaling. Kung sakali man na makalimutan niya o hindi niya mahintay ang bata…
I feel like I’m being serious with the promise.
He waved his hand and bid goodbye.
Hinding hindi na sila magkikita pa, so no need to mark this day.
Ang kailangan niyang gawin ngayon ay alamin ang tungkol sa krimen na naganap. Hindi niya hahayaang may mabiktima pa na katulad ng bata. Nagmadali siya na pumunta sa opisina ng ama.
“Dad!” pukaw niya sa ama.
Nakatanaw ito sa labas ng bintana habang hinahampas ang window frame, tanda na nasa malalim na iniisip ito.
“Dad!” ulit niya sa pagtawag dito.
“Don’t involve yourself on this matter, John.”
“But Dad–“
“Don’t make me repeat myself, young man! Nag-aaral ka pa. You’re just an eighteen-year-old guy who happened to rescue a girl. But your presence is no longer needed. Let me handle the rest.”
Lalo siyang naguluhan sa mga sinasabi ng ama.
“What do you mean? Ang gusto ko lang, mahuli iyong gumawa noon sa bata. Mahirap na, baka marami pang mabiktima. Mga bata lang sila!”
“I told you, don’t stick your nose where it is not needed!”
Paano nitong nasasabi na hindi siya kailangan? Ni hindi nga nito magawang tingnan sa mata si John para panindigan ang mga sinasabi.
Marahas na tumalikod si John. “I will do whatever I want. Kung ayaw niyong tumulong ako, gagawin ko nang mag-isa.”
“John, listen here.”
“No, you listen to me, Dad!” Muli siyang humarap sa ama. Kita niya kung paanong manlambot ang expression nito. Ngunit hindi siya magpapatinag. “I will look for these people. Hell or in the end of the world, I will chase them.”
“You’re not some hero in a fictional story, John. Soon, you will be a doctor like me. This kind of patient, some may die in your hands, some won’t even remember you, and some will resent you. This is a doctor’s life. Save who can be saved. And for those who can’t, send them with a prayer.”
“But she’s alive-“
“And I am not a police!”
Dito tila natauhan si John sa mga sinasabi. Kung hindi nagawan ng paraan ng mga pulis ang nangyari, what good can a doctor do in the situation?
Napalunok siya ng ilang beses. Siya ang nag-iisang magmamana ng ospital na ito. Save life or send them with a prayer, ito ang buhay na pinakilala sa kanya ng kanyang ama. Chasing the culprit who did wrong to their patients is no longer their jurisdiction.
“Alright. I understand.”
Tuluyan niya nang iniwan sa opisina ang ama. Sa waiting area ng ospital, nag-aabang ang kanyang mga barkada.
“Dude, ang tagal mo! Umuwi na iyong isa nating barkada. Apat na lang tayong maglalaro,” ani Brix.
“Tatlo. Uuwi na rin ako. May project akong tinatapos. Nag-relax lang ako sandali,” sabi naman ni Miguel.
“Ang boring niyo,” reklamo ni RC.
“Kailangan ko na ring umuwi. Next time na lang,” paalam niya at hindi na hinintay ang sagot ng mga ito.
Mabagal lang ang ginawang paglalakad palabas ng building ni John. Iniisip niya ang mga sinabi ng ama. Tila ba may alam ito sa nangyari at ayaw siyang madamay. Pinangako niya sa sarili na kapag naging doctor na siya at nagtatrabaho na sa ospital na ito, kung ano man itong tinatago ng kanyang ama, isisiwalat niya.
Mayamaya ay may humarang na batang lalaki sa harap niya. Ito ang batang lalaki kanina na masama ang tingin sa kanya.
“Hm? Who are you? I mean, what do you want?”
“T-Thank you for bringing her to the hospital.”
I see…
“Take good care of her, young man.”
She already has him.
Ginising si RC ng amoy na nakasanayan niya nang amuy-amuyin sa paggising at bago matulog. It was Ritchelle’s soothing scent. Niyakap niya nang sobrang higpit ang unan. It’s soft, squishy, and huggable, but still…it would be better if it was his wife he would woke up to.Nagpalipas muna siya nang ilan pang sandali bago bumangon. Mabilisan lang siyang naligo at bumaba na sa sala. Sumaglit muna siya kung saan ang mga porselana nina Ritchelle at ng mga magulang nito.Inalis niya ang cabinet kung saan dati nakalagay ang mga abo ng in-laws niya, at pinagawan ng altar sa sala. Hindi naman sila tumatanggap ng bisita kaya parang naging pahingahan na iyon ng yumao nilang mahal sa buhay.Naka-display din doon ang mga picture ni Ritchelle kasama ang parents nito. Mayroon din itong hiwalay na photo
Nasa kalagitnaan ng pagpapakalango sa espiritu ng alak sina RC nang lumapit sa kanila si Ellyna. Tumakbo pa ito na tila ba nagmamadali. Hinihingal pa nga ito. Akala niya ay may emergency sa mga anak nito. Nagulat pa siya nang sa kanya ito lumapit at hindi sa asawa nito."K-Kuya RC, si Ranier, tumatawag."Agad nitong inabot sa kanya ang phone nito.Napatitig na lang siya sa hawak na phone.Nagtataka siya. Bakit hindi sa phone niya tumawag ang anak? At bakit ito tatawag?Bigla siyang kinabahan. Tila ba nawala na parang bula ang epekto ng alak sa sistema niya. Naging alerto siya at hinanda ang sarili sa maririnig.Kung si Ranier na ang tumatawag, tapos hindi pa s
“Brain tumors are hard to detect lalo pa’t ang tingin ng pasyente ay simpleng pananakit lang ng ulo ang nangyayari hanggang sa isipin nila na normal lang iyon, dumagdag pa ang pabago-bago ng panahon. They would say that it was a seasonal occurrence, and refused to see a doctor. It was advised to see a doctor lalo kung may history sa family o ng head trauma. Isa pa sa nakakapigil sa mga tao na magpatingin sa doctor kahit pa alam niyang may trauma siya ay hindi agad nag-manifest ang symptoms. And in your case, it’s already more than two decades at sinabi mo rin na ngayon ka lang nagpatingin kaya…”Yumuko si Oliver sa magkasalikop nitong mga kamay, tla tinitimbang ang mga sasabihin na hindi siya mabibigla o matatakot.Pero ano pang silbi no’n? It was scary enough, knowing that she has a brain tumo
FEW DAYS AGO…Naibagsak ni Ritchelle ang likod sa malambot na sandalan ng sofa at tumingala sa puting kisame. Nagi-guilty siya sa sinabi niya na photo shopped ang ni-send sa kanya na pictures ni RC. Alam niya na ito ang kumuha ng mga larawan pero dineny niya pa rin.RC had enough of his past, maging ng mga away at problema na hindi naman para rito. Ayaw niyang maging ang current situation niya ay ito na naman ang sasalo. Kahit mag-asawa sila at lahat ay gagawin nito para sa kanya, hindi niya pwedeng hayaan na palagi na lang siyang nasa receiving side.This time, she will do everything to make RC happy. At lahat ng ikasasama nito, problema niya o ano pa man, she will try her best to eliminate those.This
KINABUKASAN, NAGISING na wala sa tabi niya ang asawa. Kung dati ay hahanapin niya ito, ngayon ay wala siyang gana. Alam niya naman na kung ano na ang ibang pinagkakaabalahan nito kapag wala na ito sa tabi niya.Walang ganang tinungo niya ang paliguan, at nag-asikaso na sa pagpasok sa trabaho. Lulunurin niya na lang siguro sa gabundok na papeles ang sarili. Basta ba sa kanya pa rin umuuwi si Ritchelle, wala na siyang pakialam kung anong gawin nito sa maghapon.Martyr, tangα, marupok? Kahit ano pang itawag sa kanya ng mga nakakaalam ng sitwasyon niya, wala siyang pakialam. Alam niya kasi na kapag kinumpronta niya ang asawa at ilaban ang karapatan niya gamit ang pirma nila sa legal na dokumento tulad ng marriage certificate ay babalik iyon sa kanya sa legal din na paraan—ang divorce.Ayaw niyang
NAIBAGSAK NIYA ang katawan sa upuan. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na sa isang iglap ay bigla na lang nagbago ang lahat sa kanila ni Ritchelle. Kung noon matatanggap niya pa kung nakipaghiwalay ito sa kanya, pero ngayon na naririnig niya na sa mga labi nito na mahal din siya nito, at nararamdaman niya naman iyon—hindi niya makakayang tanggapin nang gano’n-gano’n na lang.And when she said that the photos he took himself was edited, the words came out so casually. Hindi niya na rin maiwasang isipin na baka matagal na siyang niloloko ni Ritchelle sa mga pag-sugarcoat nito ng mga sinasabi nito.Baka nga, noong sinabi nito na mahal siya nito ay may kinakalantari naman itong iba. At baka matagal na itong pumupunta sa bahay ng lalaki bago umuwi sa bahay nila.He had been so