WARNING!! MATURED CONTENT READ AT YOUR OWN RISK! SPG R-18+
Jean "Saan ka galing kagabi!?" parang kulog ang sigaw ni Kaizer ang sumalubong sa 'kin paglabas ko galing ng CR. Lihim akong nagulat dahil naririto pala si Kaizer. Para bang sadya niya akong inaantay na lumabas ako ng banyo. Salubong ang kilay at naiinip na nakatayo sa gitna ng aming kwarto nakatingin sa pinto ng CR. Kanina pa ba ito dumating? Akala ko nasa office pa ito kasi maaga pa naman oras pa ng trabaho ngayon. "Pupunta akong dining," tugon ko hindi ko siya pinatulan sa patutsada niya sa 'kin. Sanay na ako sa galit at bulyaw ni Kaizer, kapag mayroon akong ginawa na hindi niya nagustuhan. "Tinatanong kita Jean, kung saan ka galing kagabi!?" "Okay fine, sa labas ako galing may katagpo akong lalaki. Ano happy ka na? Itanong mo rin kung sino ang kasama ko hindi mo pa nilubos," pabalang kong sagot sa kaniya. "Nakipagkita ka sa boyfriend mo—" "Puro ka na lang bintang! Oo nga pala. D'yan ka magaling. Kaya nga naging asawa kita. Natangay mo ako rito na parang priso sa mansion mo dahil sa mga mali mong paratang—" "Fucking shit! Ano 'to!?" hindi niya ako pinatapos magsalita dahil may pinakita siya kin. Natigilan ako ng inangat ni Kaizer ang kanang kamay niya. Hindi ko iyon napansin na may hawak pala si Kaizer na mga larawan. Hindi ko pa maayos na nikikita kung anong larawan na iyon. Pero sa paraan ng pagtatanong ni Kaizer, panigurado larawan ko at may kasama ako. Lalaki? Malamang kaya galit na galit ito sa 'kin. "Lakas ng loob mong makipagkita sa lalaki mo huh?" sabi nito't madilim ang mukha pagkatapos ay basta lang inihagis ang hawak na mga larawan kaya nagkalat iyon sa sahig. Wala sana akong pakialam ngunit nakita ko kuha ito kahapon ng makipagkita ako sa ex-boyfriend ko na si Noel. May kasama kami bestfriend ko bakit hindi hagip sa picture. Pambihira siniraan pa ako kung sino mang nagpadala kay Kaizer. Ex ko na lang si Noel, dahil simula ng sapilitan niya akong magpakasal sa kaniya. Pinutol ko na ang ugnayan sa ex ko. Mahal ko ngunit ayaw kong maging unfair kahit ako na lang ang nasasaktan ayos lang. Mali ang iniisip ni Kaizer. Ngunit hindi ko itatama kung anong una n'yang iniisip. Hahayaan kong isipin niya kung ano sa tingin niya ang nasa larawan. "Nakita mo mga picture itatanong mo pa. Anong mayroon sa picture na iyan bakit big deal sa 'yo." "Tang-na! Kasal tayo sa hotel ka nakikipagkita sa lalaki mo!" "Hindi lang siya basta lalaki. Siya ang mahal ko nakalimutan mo ba?" Humakbang ito palapit sa akin nagagalawan ang panga. Galit talaga siya sa akin senyales na naglabasan ang ugat sa braso ni Kaizer. Umatras ako. Inisang hakbang lang ni Kaizer ang pagitan namin. "Bibigyan ko ng leksyon ang lalaki mo. Ano kaya ang magandang gawin? Putulin ang mga paa o mabura sa mundo—" Nagpantig ang tainga ko kaya nagawa ko siyang insultuhin. “I hate you, Kaizer Julian Ezcalante. I will never learn to love you because you are a worthless person. Wala akong ibang nararamdaman dito sa puso ko kung hindi ang pagkamuhi lamang sa ‘yo! Katawan ko lang ang maaangkin mo ngunit hindi ang puso ko!" malakas kong bulyaw sa kaniya. Ngumisi lang ito at lumapit sa 'kin. Umatras ako ganun din si Kaizer. Wala itong kangiti-ngiti sa labi. Napalunok ako dahil bawat atras ko hahakbang naman si Kaizer palapit sa akin. Nakalolokong ngisi ang sumilay sa labi nito ng tumama na ang likuran ko sa naka saradong pinto ng CR. Wala na akong aatrasan. Itinukod niya ang magkabila niyang palad sa magkabila kong ulo. Napagitnaan ako ng magkabila n'yang braso. Hindi ako makalulusot dahil nagmistulang na akong nakakulong sa mga braso niya, ang kaibahan lang ngayon ay hindi siya nakayakap sa akin. Ngunit isang kilos ko lang magkadikit na ang aming katawan. "Tatakas ka ba ulit mmm, honey? Makikipagkita ka ulit sa boyfriend mo? Sinasagad mo ang pasensya ko, misis. Bukas na bukas din babagsak na ang maliit na negosyo ng boyfriend mo," malamig ang boses na bulong niya sa 'kin. Sobrang kumukulo ang dugo ko sa ugali nito. Ubod lakas ko siyang sinampal. Pinagsisihan ko rin ang nagawa ko dahil galit na galit si Kaizer. Nagtatagis ang bangang tinitigan niya ako. Hindi ako nagpakita ng takot sa kaniya. Ipinakita kong matapang ako kahit ang totoo natatakot ako sa mga oras na iyon baka saktan niya ako. Hindi pa naman ako pinagbuhatan ng kamay ni Kaizer. Ayaw ko lang dito sa ugali ng asawa ko. Wala akong kalayaan kumilos. Hindi ako makalabas ng mansyon niya ng walang sandamakmak na bodyguard. Kahit nga magpaalam akong dumalaw sa Lolo at Lola ko hindi ako nito pinapayagan kapag hindi ito kasama. Kapag hindi ko sinunod. Tanggal lahat ang tauhan na nakipagtulungan sa akin para makalabas ako ng bahay niya. "Sino na naman ang mauuto mo na tauhan ko mmm? May tatanggalin ba na naman ako dahil sa katigasan ng ulo mo?" anas nito dumukwang sa 'kin. Hinalikan ang tainga ko pababa sa leeg ko nagtagal doon sinipsip pa ang leeg ko panigurado mag-iiwan iyon ng marka. Hindi lang ako kumilos. Pinakita kong hindi ako apektado sa ginagaw niya. Siniil ako ng halik. Mapagparusang halik pilit along pinatutugon hindi ako kumilos. Tinulak ko ito ng mariin n'yang sinipsip ang labi ko pagkatapos ay kinagat ko iyon kaya binitiwan niya ako. "Dammit!" sinamaan niya ako ng tingin. "Lahat gawin mo na! D'yan ka naman masaya. Go ahead! Ipakita mo sa lahat na maimpluwensya ka kaya gusto mong sumunod lahat ng taong nakapaligid sa 'yo," ngumiti ako sa kaniya. "Kahit anong gawin mo. Si Noel lang ang mamahalin ko....Ay..." napatili ako ng ubod lakas niyang sinuntok ang pinto ng CR. Nanginginig ang labi ko dahil sa takot. Napayuko ako kinagat ko paloob ang buong labi ko dahil kung hindi ko iyon gagawin. Paniguradong bubuhos ang iyak ko sa harapan ni Kaizer. Ayaw kong ipakita rito nasasaktan ako. Kung nagagawa n'yang saktan ang damdamin ko. Sasaktan ko rin siya sa pagiging malamig ko sa kaniya. Inangat ni Kaizer ang baba ko. Nagtama ang mata namin. Hindi ako nagpakita ng ano mang emosyon. Naitago ko agad ang kanina na muntik kong pag-iyak. "Wala ka ng magagawa dahil akin ka lang, Jean Tejada. Hindi ka pu-pwedeng maagaw ng iba sa 'kin. Asawa kita at mananatiling asawa habangbuhay!" buong diin ang pagkakasabi niya pagkatapos basta lang akong binitiwan. --------------- Hind pa umiinit ang aking pang-upo sa upuan. May malakas na kalampag sa labas ng pinto ang naulinigan ko. Parang gustong gibain ang pintuan namin kung makakatok ang tao sa labas. Siraulong ‘to ah. Sino naman itong herodes na ito’t walang pakialam kung magiba ang pinto sa lakas nitong kumatok. Napilitan akong tumayo upang harapin ang taong nasa labas at ng matanong ko rin kung anong kailangan nito sa ‘kin. Galit ko pa iyong binuksan. Subalit napalunok ako ng masilayan ko ang mga taong nasa labas. Ganun din ang lalaking nabungaran ko sa pinto. Tila natigilan rin ito ng makita ako. Hindi ko mapangalanan ngunit pinasadahan pa ako nito ako ng tingin na may paghanga sa mata nito. Subalit kay daling magpalit ng emosyon ng kaharap kong lalaki. Ang kanina lang na paghanga nitong tingin ay biglang naging mabangis gustong manakit sa nagbabaga nitong mata. Guwapo sana ang kaharap ko ngayon na lalaki. Mga ganito ang tipo kong lalaki hindi gaano'n kaputi at matangkad. Shit! Nakalimutan kong may boyfriend nga pala ako ano bang ginagawa ko bakit humahanga pa ako sa iba. Guwapo nga kasi ang kaharap ko. Kahit naman siguro sinong babae hahanga rito. Tall dark and handsome na tanging sa TV o magazine lang makikita pero ngayon totoong nakikita ko nakatayo na parang hari sa harapan ko. “Nasaan si Claire?!” bulyaw nito napaigtad ako dahil sa bigla nitong pagsigaw. Naningkit ang mata nito ng mapansin ang reaksyon ko. Parang lalong uminit ang ulo. Humakbang ito palapit sa 'kin at sa takot ko. Mabilis akong umatras kaya napansin kong umigting ang panga nito parang galit sa aking pag-iwas sa kaniya. Sino ba ito bakit galit na galit hinahanap si mama Claire ko. Wait lang….shit! I-ito ba ang tinutukoy ni mama kanina na anak noong sinasabi niyang si Damian? Nanlaki ang mata ko. Ito nga siguro ang sinasabi niyang anak noong Damian kasi hinanap si mama. “Nasaan sabi si Claire?!” muling bulyaw nito kaya na bwisit ako rito. Pangalawa na nitong bulyaw sa akin bibingo na ito. Sinamaan ko ito ng tingin kahit pa nakakatok ito. “Wala siya rito. Bakit mo ba hinahanap ang mama ko!?” galit din ang boses ko na sumagot sa kaniya. Hindi niya ako pinatapos magsalita. Lumingon sa mga kasama sumenyas na pumasok sa loob ng bahay ko. Dito sa mayabang na lalaki ako galit dahil walang pakialam kung nasagi niya ako. Mabuti na lang malakas ang panimbang ko hindi ako natumba. “Teka lang po. Trespassing ang ginagawa mo. Hindi po kita pinahihintulutan pumasok sa bahay ko. Labas nga!” sabi ko pa, sabay tinulak sa balikat nito ngunit nagmistula akong walang lakas hindi lamang ‘to natinag. “Wala akong pakialam sa sinasabi ng anak ng mamatay tao. Wala kang karapatan na pagsabihan ako. Anak ako ng pinatay ng mama mo. Tinanong mo kung sino ako? Kaizer Ezcalante. Hinahanap ko ang mama mong kriminal," “Ano? Gago ka ba? H'wag mong matawag tawag na mamatay tao si mama ko idedemanda kita.” “Nasaan ang mama mo. Ilabas mo ang Ina mo kung ayaw mong pati ikaw ay managot din sa ‘kin,” “Wala nga rito ang hinahanap mo!” sigaw ko na. Dahil balak pa nila puntahan ang mga k’warto.” “Kung wala rito ang mama mo mabuti pa isasama kita para mapilitan siyang lumabas,” wika nito at walang sabi sabi na hinawakan ako sa palapulsuhan ko basta lang akong hinila ni Kaizer palabas ng bahay. Nanlaki ang mata ko ng mayroon pang tatlong lalaki lumapit dito. “Halughugin n'yo ang buong bahay kung totoo ang sinasabi nitong anak ni Claire.” “Yes, boss,” sabay-sabay na sagot sa kaniya ng tatlo. Muli akong hinila. Nagpupumiglas ako. Tinadyakan ko na sa binti walang nangyari naiilagan lang nito. “W-woi ano ba. Bitiwan mo nga ako ano ba nasasaktan ako! Kidnaping itong ginagawa mo p'wede kitang ipakulong—” “Kayo ng ina mo ang ipakukulong ko!” singhal nito sa akin. “Wala akong alam sa sinasabi mo. Ano ba! bitiwan mo nga ako!” bulyaw ko sa kaniya ngunit bingi lang ito tuloy pa rin akong kinaladkad patungo sa nakaparadang magarang sasakyan. Nang makarating kami sa magara nitong kotse. May lumabas na may-edad na lalaki driver siguro nito. Pinagbuksan kasi kami ng pinto sa passenger seat. “Ano ba saan mo ako dadalhin!?” pilit kong inaalis ang kamay nito sa palapulsuhan ko. Lalong humigpit ang hawak nito kaya napadaing ako sa sakit. Subalit wala itong pakialam kahit nasaktan pa ako. “Pasok sa loob! Mas masasaktan ka pa lalo kung magmamatigas ka. Kaya kung ako sa ‘yo. Maging mabait ka sa ‘kin para maging mabait din ako sa ‘yo.” “E, gago ka pala! Sapilitan mo ako tinatangay magiging mabait pa ako sa ‘yo. Wala akong kasalanan—” “Kasasabi ko lang. Kasalanan ng ina mo, damay ka na. Mabuti pa pumasok ka na sa loob kung ayaw mong ako mismo ang sapilitang tumulak sa ‘yo—” “Damn you!” inapakan ko ang paa mariin itong pumikit. Nasaktan nga siguro. Dumilat ito pabalya akong itinulak sa loob ng kotse. Tang-na buti na lang hindi ako tumama sa sandalan ng upuan napaka demunyo nito. Pumasok agad ito sa loob ng makapasok ako at malakas nitong isinarado ang pinto sa tagiliran niya. Lumingon sa ‘kin. Pinasadahan niya ako ng tingin. Kung p'wede lang ito masugatan sa aking titig ginawa ko na. “Hindi ako naniniwala sa bintang mo sa mama ko. Hindi niya iyon magagawa—” “Of course sasabihin mo iyan dahil ina mo siya.” “Nagkakamli ka lang mister! Please pakawalan mo ako rito.” “Hindi ka makakauwi hangga't 'di lumalabas ang mama mo!” Mariin akong napapikit. Naramdaman ko na lang tumulo na pala ang luha sa aking pisngi. Nag-vibrate ang phone ko. Mabuti na lang nasa bulsa ito ng pants ko ang phone ko kaya dala ko ito ngayon. Mabilis ko iyon hinugot upang silipin kung sinong nag-text. Napangiti ako at tila nagkaroon ng kakampi ng makita kong boyfriend ko ang nag-text. “Babe susunduin kita ng alas-singko. Okay lang ba sa 'yo?” Mabilis akong nag-type ng text. Subalit hindi ko natapos dahil biglang hinablot sa ‘kin nanlaki ang mata ko't nakipagagawan ako sa kaniya. “Akina na iyan! Wala kang karapatan na kunin ang phone ko ibalik mo sabi…” Inilaglag nito ang phone ko sahig ng kotse at pagkatapos inapakan nito.Jean “H'wag na kayong bumaba nila mommy,” bilin ni Kaizer ng mauuna pa dapat akong lumabas ng sasakyan niya. "Ha, bakit hindi? Paano natin makakausap si ms. Julia. "Baby, sabi ni Castro. Iba na si tita Julia. Naging bayolente na." "Sina Mikee at iyong kaibigan mong Dexter? Paano mga iyon." "Kaya ko silang i-handle. Trust me, ayaw ko kayo mapahamak," “Sama na lang ako kahit sa malayo lang kami,” giit ko kaya ka kamot kamot sa buhok niya si Kaizer. Napairap ako dahil malabo ko makumbinsi ang asawa ko. Bumuntonghininga si Kaizer. Pinasadahan ako ng tingin. “Misis ‘wag ng matigas ang ulo mo. Masyadong risky. Mamaya niyan makapuslit si tita Julia at ikaw agad ang pagbalingan ng galit. Dito lang kayo sa kotse. Mahihirapan siyang lapitan ka kung naririto kayo sa loob nila, mommy.” Gusto ko pa sanang pilitin siya. Ngunit sa tingin ko hindi ako pahihintulutan ni Kaizer na sumama. Kakausapin ko sana si Ms. Julia para sa huling pagkakataon. Nakikita ko sa paraan ng titig ni Kaize
Jean Hindi pa maayos ang pag-park ng sasakyan nila Kaizer lumabas na sila galing sa loob ng kanilang sasakyan. Mommy, Vera…bulong ko ng makita ko kasama sila lumabas sa kotse ni Kaizer. Lumabo ang aking mata dahil sa luha pumatak sa pisngi ko. Ito na ba ang huli ko sila makikita. Hanggang dito na lang ba kami magkikita? Si Mommy umiiyak din tinatawag ang aking pangalan same ni Vera umiiyak sila nakatingin sa akin. “Anak…” tatakbo si mommy palapit sa akin ngunit pinigilan siya ni kuya Anthony. “Ililigtas ko ang anak ko,” sigaw niya rito. Umiling ako sa mommy ‘wag siyang lumapit baka mapahamak siya. “Ma'am Claire, delikado po kung lalapit ka. Hindi papayag si boss Kaizer na mapahamak si ma'am Jean. Magtiwala po kayo sa manugang n'yo,” sabi rito ni kuya Anthony kahit hindi ko naman naririnig ang pinag-uusapan nila. “Ms. Julia sumuko ka na lang. Ako mismo ang magsasabi kay Kaizer na bigyan ka ng maraming pera. Diba iyon lang naman ang kailangan mo? Magkano ba? 100 million? S
Kaizer “Salamat Kaizer akala ko katapusan ko na kanina," saad ni mommy Claire paglabas namin ng presinto. Dalawa pa sila ni Vera ang mapapahamak kung hindi dahil sa sekreto nakabantay na tuhan ko sa bahay ni mommy Claire. Lingid sa kaalaman nito may tauhan talaga nakabantay dahil nga ayaw kong mabulilyaso ang pagdakip kay tita Julia. Naisip ko na ito gagawa ng paraan para makaganti. Hindi nga ako nagkamali si mommy Claire inuna niya. Mga LED lights. Naidispatsa na ng mga tao ko sa bahay ni Lola. Balak ni Julia na pasabugin iyon sa party. Inaakala yata ni Tita Julia ganun ako kahina magplano walang backup. Ginawan pa n'yang katarantaduhan si mommy Claire huh. Mga pipitsugin ang mga tauhan na kinuha niya dahil agad natakot ng binigyan ko lang ng tigi-isang suntok, kumanta agad siya ang itinurong mastermind. “Walang anuman mommy, hindi ko po papayagan na mapahamak ka dahil unang-una masasaktan ang asawa ko. Ayaw ko po nakikita umiiyak si Jean, kaya sa abot ng aking makakaya ga
Jean Nanlaki ang mata ko ng mayroon akong nakita mga tauhan na nakahandusay malapit sa main gate. Kanino tauhan ito hindi familiar ang mukha sa akin. Security team ba ito ng mansyon ni lola Dhebora? Pero bago ang mukha. Halos magkakatabi sila nakahandusay dalawa ay nakadapa. Ang dalawa ay nakatihaya. Gusto ko sana itanong sa lola Dhebora kung tauhan nila ito kaya lang hindi ko naisatinig dahil hanggang ngayon umiiyak si lola Dhebora. “Dhebora pwede ba ‘wag kang iyak nang iyak d'yan. Ang tapang mo diba? Ano bakit bahag pala ang buntot mo ngayon?” sigaw rito ni Julia. “Mali na ang ginagawa mo Julia. Paano pa pagkatiwalaan ng apo ko na bigyan ng mana. Kung nilustay mo lang naman ang pera sa sugal. At malaki ang ninakaw mo sa pera ni Damian sa banko, akala mo hindi iyon malalaman ng apo ko.” “Wala akong ninakaw naniniguro lang ako magkaroon ng saysay ang ilang taon kong pagtitiyaga sa trabaho. Isa pa ubos na iyon kailangan ko pa ng malaking pera may pag gamitan ako.” “Hindi iyon
Jean “Papatayin kitang matanda ka para magsama na kayo ni Damian sa impyerno. Akala mo ba aabot ka pa bukas sa birthday mo ha? Bukas bangkay ang i-celebrate ng mga bisita mo. Matagal akong nagtimpi sa iyo dahil akala ko kakampi kita. Akala ko sa akin ang loyalty mo. Tang ina kang matanda ka. Wala kang puso. Wala kang utang na loob! Lahat binuhos ko ang buhay ko pinagsilbihan ko kayo ni Damian. Kinalimutan ko ang sarili ko dahil sobrang mahal ko ang anak mo!” “Hindi matatawag na pagmamahal Ms. Julia,” “Manahimik ka pakialamera kang babae ka! Isa ka pa. Sunod-sunuran ang pamangkin ko sa iyo. Akala ko ipakukulong ang malandi mong ina. Nakatikim lang sa iyo nagbago na isip. Nandito ka na rin isabay na kita dito sa matandang hukluban na ito!” “H'wag ms. Julia. Maawa ka sa lola Dhebora please baka mapatay mo siya,” “Tanga ka ba?! Iyan naman talaga ang gagawin ko. Papatayin ko ito niloko nila ako ni Kaizer,” Gumuhit ang sakit sa mata ni Ms. Julia ng nakatingin kay lola Dhebora.
Jean Nagising akong wala si Kaizer sa tabi ko. Bumangon muna ako upang magbanyo at magmumog na rin. Nang maisip ko na wala akong damit. Pinuntahan ko ang walk-in closet ni Kaizer. Sinilip ko ang sinuot ni Kaizer sa akin na t-shirt kagabi. Parang duster naman ito sa akin itong t-shirt ni Kaizer. Pero saan nga kaya niya inilagay ang damit ko. Baba na lang ako para hanapin siya o itanong sa mga kasambahay kung laundry ni Kaizer sa kanila. Nagbihis muna ako ng t-shirt niya. Kasi naitulog ko na itong t-shirt tapos baba ako. Wala naman amoy ngunit gusto ko lang magbihis. May nakita akong boxer short ni Kaizer. Kumuha ako at isinuot iyon. At least kahit naka t-shirt ako may panloloob naman akong boxer short. Maluwag ang garter tinali ko na lang upang hindi mahubo sa akin. Pagkatapos malaking t-shirt ni Kaizer ang pantaas ko. Mukhang duster pa rin naman ngunit kere ko lang kaysa wala akong bihis. Nang matapos akong magbihis nilapitan ko ang phone ko at sinuklay ko lang ang buhok ko gam