Vera Nang tuluyang makalayo kami ni Noel kay Sean. Parang nakonsensya ako sa ginawa ko. Tinulungan ako pumunta rito dapat pala maayos kong kinausap. “Noel siya na ba?” kakilala niya yata ang nagtanong kasi kumaway si Noel sa kaniya. Ngumiti lang si Noel hindi sumagot at tinuro patungo bahay nila. Ibig niyang sabihin diretso na kami. Kung maingay sa labas mas double sa loob ng makarating kami sa harapan ng bahay nila Noel. Walang gate bahay nila Noel. Ngunit mayroon bubong sa harapan. Nakita ko naka park pangpasada n'yang tricycle. Kaya pala hindi yata bumiyahe. Ang bisita nila nag-iinuman at kantahan. Wala sa labas ang mama ni Noel. “Nasa loob yata si Mama,” tila nahulaan niya hinahanap ko. Maya rin naman lumabas nang nasa pinto na kami. “Noel narito ka lang pala. Hinahanap ka na sa loob ng mga bisita mo. Ah kasama mo pala ‘yan?” wika ni Aling Marisol. “Inimbitahan ko siya mama.” “Kakaunti lang naman handa maraming bisita,” saad nito medyo nabigla ako hindi ko ng
Vera "You don't believe me, alam ko iyon Vera. Hindi na ako nagulat. Gayunpaman hindi magbabago ang damdamin ko sa 'yo. mahal pa rin kita kahit na paulit-ulit mo akong pagtawanan," “Ahehe…palabiro ka talaga Sean. Tara na nga dami mo ng sinasabi,” wika ko sabay marahan siyang pinalo sa braso dahil binigla niya ulit ako sa mga salita niya. Napapansin ko kasi madalas si Sean magsalita ng nglish. Noong una hindi ko lang iyon pinansin kasi nga maangas ito. Ngunit madalas niya na talaga iyon gawin. Mukha pa nga sanay ito magsalita ng English. Dahil dere-deretso. Ay ewan! Kalokohan talaga nitong kapitbahay ko hindi mawawala. “Minsan kasi maging seryoso ka naman Sean.” “Seryoso ako Vera, seryoso ako sa ‘yo.” “Weh? Bakit panay mo pang-aasar sa akin? Tigilan mo ‘yan Sean, hindi bagay sa ‘yo.” “Sinong bagay sa ‘yo iyong bansot na manliligaw mo? Walang ibang nababagay sa ‘yo, ako lang, mahal. Tayo lang ang bagay sa isa't isa." “Sean nag-u-umpisa ka na naman,” “Lagi ka naman ga
Vera Sa looban pa ang bahay nila Noel ngunit narinig ko na ang malakas na videoke. Bumaba pa si Sean kinuha sa ‘kin dala ko. Sinamaan ko ng tingin hindi lang nakinig makulit ito hindi ako titigilan kaya hinayaan ko na. Dati na kami nakapunta rito ni Jean, noong highschool kami grade nine at grade ten kasi classmate kaming tatlo. Timing iisa kaming grupo sa subject noon na science lima kami noon. Niyaya niya kami rito na raw sa bahay nila gumawa ng project. Pumayag naman kaming ka grupo niya kaya ibang kapitbahay niya kilala ako. Ito ang pangatlo ko nakapunta rito. Nang malapit na kami sa bahay nila Noel. Nakasalubong ko ang isa naming ka batch na si Sheila. Binati niya ako at kinumusta. “Wow! Big time ka na ngayon Vera ah,” pabiro sabi pa nito. Buong paghanga nakatingin kay Sean. Nginitian ko lang at kinumusta ko lang din kung saan siya nag-ta-trabaho. “Ikaw She, saan ka nag-ta-trabaho? Wala na rin akong balita sa iba nating mga ka batch. Maliban sa iilan na kapitbahay nami
Vera Bago pa umalis sina Sean. Bumalik nakabalik na ako sa boutique. Napangiti ako ng pagmasdan ang binili ni Sean na pagkain para sa akin. Alam na alam talaga nito hindi ako magsasawa sa silog. Kahit araw-araw ito ang almusal ko walang umay sa ‘kin. Bago pa ako mag-umpisa kumain may pumasok na text sa phone ko. Nasa harapan ko lang naman pinatong ko sa table kaya mabilis ko iyon nadampot. Sean yabang: Ubusin mo ang pagkain mo, para ganado kang magtrabaho hanggang hapon. Dahil especial delivery lang naman ‘yan galing sa g'wapo mong kapitbahay na mahal kang tunay. Bumungisngis na pala ako habang binabasa ko ang text ni Sean. Nang napagtanto ko iyon natampal ko ang noo ko. Ano ba ang ginagawa ko nadadala ako sa corny jokes nitong ni Sean. Kumain muna ako bago magtrabaho. Nag-text si Noel habang ako kumakain. Noel: Vera, sorry kanina iniwan lang kita basta. Naiintindihan mo naman diba. Ako: Of course. Magkikita naman tayo mamaya okay lang. Noel: Nakita ko na naman iyong ma
Vera “Pasensya na po Mrs. Salas kung pinag-antay kita ayaw po agad umalis ng driver,” iyon agad ang bungad ko sa kaniya ng ako'y makarating sa harapan niya. “Okay lang hija, sulit naman mag-antay kasi maganda ka gumawa ng gown. Kung wala kang lakad pumunta ka ha?” tugon niya sa akin. “Salamat po Mrs Salas susubukan ko po pumunta,” Ang saya lang dahil pinuri niya ang gawa ko kahit first time n'yang magpagawa sa ‘kin. Binuksan ko ang pinto ng boutique namin ni Jean. “Pasok po kayo Mrs. Salas,” magalang kong saad sa kaniya. Pinauna ko pa siya pumasok bago ako. “Ibabalot ko lang po ang gown mo ma'am, kaya maiiwan po muna kayo rito. Maupo ka po muna mrs. Salas. I-check ko pa po ang gown kung wala akong bakas na naiwan na hindi nadaanan ng makina ko,” paalam ko sa kaniya. Binuksan ko rin muna ang TV bago ko siya iwanan sa sofa. “Kapag may mga kaibigan akong gustong magpagawa ng gown i-recommend kita.” “Wow talaga po ma'am? Ngayon pa lang po salamat na agad. Basta po hindi lan
Vera Naabutan ko naka-park ang tricycle ni Noel, sa harapan ng boutique pagdating namin ni Sean. Nakaupo si Noel sa backride. Napangiti ako dahil buo na ang araw ko bawing-bawi kahit sinira ng mayabang na kapitbahay ko. Tumigil ang tricycle ni Sean. Nakita ko na si Mrs. Salas, nakangiti akong kinawayan ito. Mabuti na lang hindi galit. Mabilis akong bumaba. Aba bumaba rin si Sean kaya inirapan ko dahil pumunta sa harapan ko. Nakatanaw ako kay Noel ng may sabihin si Sean sa akin. Hindi ko kinibo dahil atensyon ko sa pagtanaw sa kinaroroonan ni Noel. “Susunduin kita mamaya,” saad nito habang pinagmasdan ako. Maya-maya dumukwang. “Mahal, sabi ko susunduin kita mamaya pagsarado ng boutique mo,” “Sean!” may inis ang boses ko tinulak noo niya humalakhak sabay mahinang hinaplos ang pisngi ko kaya napalunok ako. “Pero nakita ko nag-blush ka, mahal,” sabay kindat sa ‘kin doon ako totoong pinamulahan ng mukha hindi kanina. “Kapal mo!” “Kitang-kita ko nga hindi ka pa makatingin ng