Miles' Point of View*Muntik na akong masamid nang sabihin yun ni Dylan kay Ion at itong bakla naman na nasa tabi ko ay nakanganga lang siya na parang binagsakan ng langit at lupa."I'm what?""Ikaw ba ang ama ng kambal?""Hindi ako ang ama... ako ang kanilang fairy godmother."At ayun napatawa ako ng malakas dahil sa sinabi ni Ion. Pambihirantung baklang ito. Lumabas na talaga ang totoong kulay niya."Hindi siya ang ama ng mga anak ko, Dylan."Dahan-dahan na lang napatango si Dylan habang nakatingin kay Ion."Mommy."Yumakap sa akin ang lalaking anak ko at binuhat ko naman siya. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Dylan. "I think I already know kung sino ang ama nila."Sabay naman kaming napatingin kay Dylan. Makikita naman kasi sa lalaking anak ko kung sino ang ama nila dahil photocopy kasi sila."Don't worry, walang makakaalam sa bagay na 'yan."Mahinang ani niya sa akin na kinangiti ko na lang. Pero teka lang alam ba niya na kasal ako noon?"Dylan, alam mo ba ang tungkol sa akin noo
Miles' Point of View*Nakatulala ako habang nakatingin sa doctor. Anong pinagsasabi ng doctor na ito? Naka-intact naman lahat ng memories ko at panaginip lang ang lahat ng napapaginipan ko. Impossible naman kasi ang sinasabi niya na nangyayari lang ang lahat ng iyon sa movies lamang. "Miles?"Napatingin naman ako kay Dylan na nag-aalalang nakatingin sa akin. Kanina pa nakaalis ang mga doctor na nag-check sa akin."Kung ano ang sinasabi ng doctor ngayon ay kalimutan mo na lang ang bagay na yun. Ang importante naman 'di ba ay ang ngayon."Tama siya. Kung iisipin ko pa siguro ang nakaraan ko at sasakit lang ang ulo ko kakaisip.Mas lalong sumasakit kasi ang ulo ko pagnaaalala ko ang bagay na yun.Dahan-dahan naman akong napatango dahil sa sinabi niya sa akin."Mas mabuti na nga ang ganun.""Ihahatid na kita sa baby mo."Napangiti na lang ako at dahan-dahan na napatango. "Let's go."Lumakad na kami at inanalayan naman niya ako hanggang makarating kami sa kwarto ng anak kong babae.Naki
Miles' Point of View*"Miles?"Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa taong nasa harapan ko habang may panlalaki ang mga mata nito."Mommy, you know that handsome guy?"Napatingin ako sa anak kong babae na nakatingin kay Dylan. Hindi pa rin maiiwasan ang bilis ng tibok ng puso ko dahil alam na ni Dylan ang tungkol sa anak kong babae."Ah...""Hello, darling. I'm your mom's friend.""Mommy, ang gwapo naman ng friend niyo po."Napangiti naman si Dylan at ako naman ay nakatingin lang sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?""Ah, may binisita lang ako na kasamahan ko. Hindi ko akalain na makikita kita dito, Miles."Nakikita ko ngayon ang ngiti niyang makalaglag panty.Naka-mask at sunglasses siya ngayon pero kilalang kilala ko pa rin siya."Baby, mag-uusap muna kami. Mauna ka muna sa kwarto mo, okay?" Dahan-dahan namang napatango ang anak ko sabay ngiti. "Nice to meet you, Uncle Handsome."Napangiti naman si Dylan at dahan-dahan na napatango."Nice to meet you too, darling. Don't wo
Miles' Point of View*Lumapit siya sa akin at nagulat ako nung hawakan niya ang kamay ko at dinala niya ako sa kitchen at agad namang nagsilabasan ang mga taong nandidito.Naramdaman ko ang kamay niya na masakit na nakahawak sa pulsuhan ko. Malakas ko namang binawi ang kamay ko at walang emosyon akong nakatingin sa kanya."At ano ang ginagawa mo?" walang emosyon na ani ko sa kanya."Ikaw! Anong ginagawa mo dito! Nilalandi mo ba si Zep!"Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Ano na naman ang pinagsasabi ng babaeng ito?Teka kung makaasta ha parang sila ni Zep. "Miss Samantha, for your information. Mukhang hindi mo alam kung ano ang ginagawa ko dito... ah bakit mo naman kailangan malaman? Sino ka ba sa palagay mo?"Natigilan naman siya sa sinabi ko kasabay nang panlalaki ng mga mata niya."W-What..."Napatingin naman siya sa likod ko at nagulat ako nung natumba siya bigla na kinalaki ng mga mata ko na hindi ko naman siya hinawakan.Biglang bumukas ang pintuan at napat
Miles' Point of View*Nakahawak ako sa phone ko para i-message si Justin kung ano ang mga ihahanda ngayong friday. Plano kasi na gagawin ang proposal in friday agad kaya madalian ang ginagawa namin ngayon. 'Miles, kinakabahan talaga ako sa mangyayari sa friday. Pero nandyan ka naman kaya minus ang kaba ko. I really trust you.'Mahina na lang akong natawa sabay iling iling na lang dahil sa ka-artehan ng lalaking ito. Ito ba talaga ang kakilala kong cassanova na hinahabol ng mga babae? Gusto ko ring makita kung sino ang maswerteng babae ang nagpatino sa kanya. 'Ah, isabay natin sa birthday ng kapatid ko ang handaang magaganap ngayong friday.'Napaisip naman ako sa chat niya. Mukhang pwede yun. Akala ko mag-iisip pa ako kung ano ang event na gaganapin namin ngayong Friday.Agad ko naman siyang ni-replayan.'Ayos lang ba sa kanya na iisahin natin ang birthday niya at ng kapatid mo?''Ayos lang naman sa kanya. Mas okay nga sa kanya dahil close silang dalawa.'Napasandal na lang ako sa u
Miles' Point of View*Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Ano naman ang pakealam niya kung may iba ako eh wala na naman kami."Is he enough to satisfy you?""Ano naman ang pake mo kung pinagpalit kita sa boyfriend ko ngayon?"Di ko napigilan na sabihin ang bagay na 'yun sa harapan niya at natigilan naman siya. Hindi kasi ako sumasagot sa kanya noon pa man. Pwes iba na ang noon sa ngayon at sariwa pa rin sa alaala ko ang ginawa niya. Yes, mag-asawa nga kami ng isang taon pero sa isang araw man sa isang taong yun ay wala akong maalala o nakita na pinahalagahan niya ako. Nagiging sweet siya minsan pag nasa kama kami pagkatapos nun ay wala na.Naalala ko pa ang sinabi niya nung unang gabi ng kasal namin."Never ever akong magkakaanak sa 'yo, Miles. Iyon ang tatandaan mo."Habang naaalala ko ang sinabi niyang iyon ay kumikirot ang puso ko na para bang pinaghihiwa hiwa sa sobrang sakit."Sorry..."Napatingin ako sa kanya at umuna siyang lumakad pa derecho at ako naman ay na