FAZER LOGINWarning: Bl*od and T*rture. Disturbing scenes. Read at your own risk. DARIUS VITALE Tahimik akong nakatayo ilang metro ang layo mula sa kinaroroonan ni Boss. Nakasuksok ang dalawang kamay ko sa bulsa ng aking pantalon habang tahimik na pinagmamasdan ang bawat kilos niya. Nasa basement kami ng isa sa mga pribadong gusali ng pamilya Morozov. Malamig ang buong paligid, at ang tanging maririnig lamang ay ang mabibigat na ungol ng anim na lalaking nakaluhod at nakagapos sa harapan ni Konstantin. Sila ang mga lalaking dumukot kay Madame Evangeline. Sila ang mga taong nagdala sa kanya sa isang malayong lugar, ikinulong sa madilim na silid, at iniwan doon nang ilang oras na walang pagkain o tubig. Sila rin ang mga dahilan kung bakit halos mawala na si Boss sarili niya nang matagpuan namin ang kinaroroonan ng kanyang asawa. At ngayon, isa-isa nilang pinagbabayaran ang ginawa nila. Hindi ako kumikibo. Hindi rin ako nangangahas na makialam. Dahil sa totoo lang, maging ako ay h
EVANGELINE YUCHENGCODahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Sa loob ng ilang segundo ay malabo pa ang aking paningin, at ilang beses akong kumurap bago tuluyang matanaw ang pamilyar na kisameng nasa itaas ko.Sandali akong natigilan.Pamilyar ang kisame.Pamilyar din ang amoy ng silid.Nang bahagya kong igalaw ang aking katawan, saka ko lamang napagtanto na nakahiga ako sa isang malambot na kama. May kumot na nakatakip sa akin, at ang mga unan sa paligid ko ay ang mga unan na palagi kong ginagamit.Dahan-dahan kong iginala ang aking paningin.Ang mga kurtina. Ang maliit na mesa sa tabi ng kama. Ang mga bulaklak na nakalagay sa plorera.Kuwarto ko.Nasa kuwarto ako.Agad akong napabangon.“Ah!”Mabilis akong napaatras sa headboard habang kinakapa ang sarili kong mga braso at katawan. Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko maintindihan kung paano ako nakarating dito o kung gaano katagal akong nawalan ng malay.Ang huli kong naaalala ay ang madilim na silid.Ang mga tali sa aking
EVANGELINE YUCHENGCOHindi ko na alam kung gaano kalayo ang narating namin. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at tiningnan ang suot kong relo... at agad akong nanlumo ng mapagtanto ko kung ilang oras na ang lumipas mula ng sapilitan nila akong pinasakay. Anim na oras na. Hindi ko na makita ang mga gusali o mga ilaw ng lungsod. Sa tuwing sinusubukan kong silipin ang paligid sa maliit na bintana ng sasakyan, puro kadiliman at malalawak na bahagi ng kalsadang halos walang dumaraang sasakyan ang nakikita ko.Parang sinadya talaga nilang dalhin ako sa isang lugar na napakalayo mula sa syudad. Isang lugar na hindi madaling matutunton.At ang pinakakinatatakutan ko...paano kung wala talagang makahanap sa akin?Nang tuluyang huminto ang sasakyan, agad akong napatingin sa pinto. Dalawang lalaki ang bumaba at binuksan iyon. Bago pa ako makapagsalita, hinawakan nila ang magkabilang braso ko at sapilitang inilabas.“Please... saan ninyo ako dadalhin?”Wala pa rin silang sagot.Dinala nila
EVANGELINE YUCHENGCOPagkatapos kong mag-almusal, naisipan kong lumabas sandali upang bumili ng cake para kay Konstantin. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lamang naisip iyon, pero gusto ko siyang sorpresahin.Noong nakaraang mga araw kasi, napansin kong madalas siyang umuuwi nang pagod. Minsan ay halos hindi na niya nagagalaw ang hapunan dahil sa dami ng trabahong kailangan niyang asikasuhin. At bukod doon ay napag-alaman ko rin na mahilig siya sa matatamis. Kaya naisip kong kahit papaano ay mabigyan siya ng kaunting bagay na maaari niyang kainin habang nagpapahinga.Hindi naman kailangang mamahalin.Gusto ko lamang na mapasaya siya.“Ma'am Evangeline, handa na po ang sasakyan.”Napalingon ako sa babaeng katulong na lumapit sa akin. Si Agnes iyon, na siyang sasama sa akin ngayong araw.“Salamat, Agnes.”“Si Malrick na rin po ang kasama natin. Nasa labas na po siya.”Tumango ako bago inayos ang dala kong maliit na bag.Si Malrick ay isa sa mga tauhan ni Konstantin. Ilang beses ko
EVANGELINE YUCHENGCO Alas-diyes na ng gabi at tahimik na ang buong mansyon—maliban sa mahinang huni ng mga kuliglig at iilang yapak ng mga guwardiyang nagpapatrolya sa paligid. Malamig na rin ang simoy ng hangin, lalo na't nasa hardin ako at nakaupo sa isa sa mga upuang malapit sa mga rosas.Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa malaking orasan sa aking cellphone.Wala pa rin siya.Kanina pa ako narito. Noong una, balak ko lang sanang maghintay ng ilang minuto. Gusto ko lang siyang makita bago ako matulog at kumustahin kung kumain na ba siya. Ngunit lumipas ang mga minuto, naging isang oras, at hindi ko namalayang gabi na pala.Hindi ko alam kung anong oras siya karaniwang nakakauwi kapag may trabaho siya sa labas. Hindi rin naman ako nagtatanong nang madalas. Ayokong magmukhang nakikialam sa mga ginagawa niya.Pero ngayong gabi, hindi ko maiwasang mag-alala.“Ma'am Evangeline, baka gusto na po ninyong pumasok sa loob?”Napatingin ako sa isang katulong na lumapit sa akin. Si Agnes i
KONSTANTIN GABRIEL MOROZOV "Sir, the report will take some time. The accident happened twelve years ago, and we need to retrieve several archived records." I glanced at Darius, who was standing in front of my desk. "Then take your time and make sure you don't miss anything." "Understood. I'll also look into the background of Madam's stepmother and stepsister." "Good." He nodded before handing me another folder. "Regarding the prosthetics specialist, I've already contacted two reputable clinics. Both have specialists who work with advanced prosthetic technology. I'll send you their profiles once I've verified their credentials." Sinuyod ko ng tingin ang isang pahina bago muling inangat ang tingin sa kanya. "Make sure they're qualified. I don't want someone who will simply recommend the most expensive option. I want someone who understands what my wife needs." "Of course, sir." I leaned back in my chair. "And Darius?" "Yes, sir?" "Keep this investigation dis







