NANG MATANAW ANG pasangang daan mula sa sinasakyan niyang tricycle ay isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Isaviel. Nanlalamig ang mga palad niya at nagsisimula na ring manginig ang kanyang katawan. Ilang minuto na lang ay nasa Hacienda Castañeda na siya.
Isang walang buhay na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Isaviel. Ilang beses din niyang ikinurap ang mga mata para pigilin ang mga luhang nagsisimula na namang mamuo sa gilid ng kanyang mga mata. She’d been crying for days now.
Just yesterday ay nasa Milan siya para sa huling araw ng fashion week kung saan isa siya sa tatlong star model ng isang kilalang brand. At kahapon din nang matanggap niya ang balitang kailanman man ay hindi niya napaghandaan. She was crashing dahil sa balita pero wala siyang choice kundi tapusin ang natanguang engagement.
Pagkatapos ng event ay hindi na siya sumama sa after-party at kaagad na nagbook ng ticket pauwi sa Pilipinas. Hindi na siya nagpahinga dahil pagkatapos ng fashion event ay kaagad din siyang lumipad. Pagkarating sa NAIA ay nagchance passenger para kaagad na makarating ng Romblon.
Walang nakakaalam na darating si Isaviel kaya wala ring sumundo sa kanya sa airport. Nag-arkila na lamang siya ng tricycle na maghahatid sa kanya sa Hacienda Castañeda na pag-aari ng kanyang Lolo.
Isang malalim na buntong-hininga ang muling pinakawalan ni Isaviel lalo na nang pagliko ng tricycle ay natanaw niya ang matayog at tila nagmamalaking villa na nakatayo sa pinakatuktok ng burol. Puno ng pait na tinanaw niya ang villa hanggang sa ilang sandali pa ay papasok na sila sa Hacienda Castañeda.
Habang binabaybay ng tricycle ang sementadong daan ay puno ng lungkot na pinagmasdan niya ang dinadaanang naglalakihang mga puno na maayos na nakalinya sa magkabilang gilid ng kalsada. Sa kaliwang bahagi ay ang malawak na taniman ng mais at sa kabila naman ay ang walang hanggang manggahan. At sa paglagpas pa ay ang ekta-ektaryang palayan habang sa tanaw naman ang hindi mabilang na baka sa isa pang burol.
“Nandito na po tayo, Ma'am…”
Napakislot si Isaviel nang marinig ang tinig ng driver. Wala sa loob na gumala ang paningin niya sa labas ng tricycle na hindi niya namalayang huminto na pala.
Sinalubong ang mga mata niya ng pamilyar na paligid at wala sa loob na bumaba.
Anim na taon…
Anim na taon bago muling naramdaman ni Isaviel ang pamilyar na haplos ng hangin ng Hacienda Castañeda. Anim na taon bago niya muling naramdaman ang mamasa-masang lupa ng hacienda sa ilalim ng kanyang Jimmy Choo hees.
“Dito na lang po ba ang mga maleta mo, Ma'am?” magalang na tanong ng driver na hawak ang dalawang maleta ni Isaviel.
Wala sa loob na tumango si Isaviel.
“Magkano ho, Manong?” mahina ang tinig na tanong niya.
“One hundred fifty ho, Ma'am.”
Tumango si Isaviel. Binuksan niya ang shoulder bag na hawak saka kinuha ang kanyang walllet at kumuha ng dalawang daan.
“Keep the change ho,"
" Naku, marami pong salamat, Ma'am!” tuwang bulalas ng driver na bakas sa anyo ang labis na saya.
Hindi na sumagot si Isaviel. Humarap siya sa villa saka ito pinagmasdan. Wala pa ring nagbago sa paligid. Naroon pa rin ang malawak na hardin na natatamnan ng iba’t-ibang klaseng rosas. Walang bakod sa palibot ng villa. Tanging nagtataasang boguenvilla lamang na may ibang-ibang kulay ng bulaklak ang nagsisilbing bakod na mas lalo namang nakadagdag ng ganda sa paligid. Naroon pa rin ang matandang puno ng suha sa kabilang gilid ng villa na kasalukuyang hitik sa bunga.
Ipinikit niya ang mga mata at sinamyo ang hangin. Amoy ulan. Amoy rosas. Amoy ng lugar na minsan na niyang tinakbuhan para maghilom at buoin ang sarili.
Nang mula sa nakabukas na p***o ng malawak na veranda ay lumabas si Nana Nena. Ang mayordoma sa villa. Mas maputi na ang buhok nito ngunit maliksi pa rin ang kilos.
Nanlaki ang mga mata ng matandang babae nang makita si Isaviel.
“Issa…” nanginginig ang tinig na bulalas nito bago malalaki ang mga hakbang na lumapit kay Isaviel. “Dumating ka, iha. Bakit hindi ka nagpasabi para nasundo ka sana sa airport. Ano ang sinakyan mo papunta rito?” sunod-sunod na tanong ni Nana Nena. Bakas sa tinig nito ang labis na pag-aalala para sa nakatulalang dalaga. Sandaling huminto sa paghakbang si Nana Nena at may tinawag. “Lando, anak! Madali ka rito. Kunin mo ang mga maleta ng senyorita Issa mo.” tawag nito sa bunsong anak.
Mula sa kabilang bahagi ng villa ay sumungaw ang binatang anak ni Nana Nena. Nagmamadali itong lumapit at kinuha ang dalawang maleta ni Isaviel.
“Issa, iha…” tawag-pansin ni Nana Nena sa dalagang hindi pa rin kumikibo.
Isang tango lang ang ibinigay ni Issa sa matandang siya na ring tumayo niyang ina noon. She couldn't speak. Her throat felt tight. Her body was starting to shake. Halos hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa. She was scared.
Tiningala niya ang villa. The light on the second floor balcony was still on. Isang mapait at puno ng sakit na ngiti ang gumuhit sa magkabilang sulok ng kanyang mga labi nang sumagi sa kanyang isipan ang ilang masaya at malungkot na alaala roon.
“Where’s Lolo, Nana?” usal ni Isaviel sa nanginginig at mahinang tinig.
Puno ng simpatyang hinawakan ni Nana Nena ang braso ni Isaviel at iginiya ang dalaga patungo sa naghihintay na villa.
“Hindi na kayo nagpang-abot ng Lolo mo, iha." malungkot ang tinig na ani ni Nana Nena.
Batid ng matanda kung gaano kalapit si Isaviel sa matandang Castañeda.
Nanubig ang mga mata ni Isaviel. Six years of pride. Six years of anger. And now she was too late.
Humigpit ang hawak niya sa shoulder bag.
“Where is he?”
“Sa sala, iha. Nakaburol na.”
Sandaling napapikit si Isaviel sa narinig. At sa mabagal na hakbang ay tuluyan nang nakarating sa malaking p***o ng Villa si Isaviel at Nana Nena. Kaagad na bumungad sa dalaga ang malawak na receiving area.
Tila biglang huminto ang pag-ikot ng mundo niya nang makita ang kulay puting ataul na nakahimlay sa pinakagitna. Napapalibutan ito ng mga sampaguita at rosas. Mga paborito ng Lolo niya.
Kasabay ng sunod-sunod na pagbagsak ng mga luha ni Isaviel ay nanginig ang buo niyang katawan.
“Oh, grand…” bulalas ni Isaviel sa tinig na puno ng pighati at sakit.
Mula naman sa isang sulok ng salas ay mabilis na humakbang si Anton palapit kay Isaviel na nagsisimula namang makaramdam ng pangangapos ng hininga.
“G-Grand… I-I’m so s-sorry.”
Suminghap-singhap si Isaviel. Wala sa loob na umangat ang kamay niya na tila ba naghahanap ng makakapitan.
Kaagad na hinawakan ni Anton ang kamay ng babae.
“Viel," puno ng pag-aalala sa tinig na tawag ni Anton.
Nanigas si Isaviel nang marinig ang pamilyar na tinig ng lalaki.
Anton…
At bago pa man maibuka ni Isaviel ang kanyang bibig para magsalita ay tuluyan nang nilamon ng dilim ang kamalayan niya. Dahil sa pinagsama-samang puyat, pagod at pighati ay tuluyan nang hindi kinaya ng katawan niya.
"Viel! Shit…”
NANG MULING MAGKAMALAY si Isaviel ay nasa loob na siya ng isang pamilyar na silid. Natigilan siya. Wala sa loob na umikot ang paningin sa paligid. Tumuon ang pansin niya sa picture frame na nakapatong sa ibabaw ng isang hindi kataasang cabinet. Kumunot ang noo niya.
Inalis ni Isaviel ang comforter na nakabalot sa katawan niya saka bumangon. Ngunit bago pa man siya tuluyang makababa ng kama ay narinig niya ang mabigat at mabagal na pagbukas ng p***o.
Napatingin doon si Isaviel.
“Isaviel...”
Her name. In his voice.
Kumurap-kurap ang mga mata ni Isaviel.
"Y-You,” halos ayaw bumuka ang bibig na anas ni Isaviel habang ang mga matang puno ng halo-halong emosyon ay nakatutok sa lalaki.
Nakatayo si Anton sa doorway. Naka-black suit ito. Walang necktie. Kita na rin ni Isaviel ang stubble nito na halatang ilang araw nang napabayaan. At ang eyebags nito ay p’wede nang makipagtagisan ng laki sa eyebags niya. He seemed tired but his eyes looks the same. It was the same pair of eyes who were looking at her years ago.
Sharp. Cold. Full of hate.
Napakurap si Isaviel. Wala sa loob na napakapit siya sa comforter. Mahina siyang tumikhim.
"Anton,” aniya sa mahina at paos na tinig. Pinilit niyang maging pormal at kalmado kahit na nagsisimula na namang manginig ang katawan niya. "Thank you for arranging Lolo’s wake.” aniya.
Sinulyapan ni Anton ang picture frame na nakapatong sa cabinet bago ibinalik ang pansin kay Isaviel.
“It’s nothing." malamig ang tinig na tugon ng lalaki.
Umiral ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa. And it makes Isaviel feel so heavy. Kinagat niya ang pang-ibabang labi na tila ba sa pamamagitan niyon ay mababawasan ang kung anumang nararamdaman niya. Wala sa loob na ipinikit niya ang mga mata na tila ba sa pamamagitan non ay maiiwasan niya ang ilang alalalang pilit na sumisilip mula sa tagong bahagi ng kanyang isipan.
Napatingin naman si Anton sa mga labi ng babae. Kumunot ang noo niya bago tumiim ang anyo. Humugot siya ng marahas na hininga.
Idinilat ni Isaviel ang mga mata bago pilit na tumayo.
Tiningnan siya ni Anton from head to toe na tila ba inuuri ang kanyang buong pagkatao. Wala sa loob na napapiksi si Isaviel. Dama din niya ang tensiyon na unti-unting namumuo sa pagitan nila ng lalaki.
“You’re thinner.”
Hindi alam ni Isaviel kung paano sasagot.
“I’ve been busy with work.”
“Modeling?” Tumango si Anton. “I saw you in the Vouge magazine and in the billboard along Edsa.”
Kumunot ang noo ni Isaviela. He saw her?
Of course he did. She was everywhere.
Tinitigan niya si Anton.
“When did you arrive?”
“Just now.”
“Kumain ka na ba?”
“Not yet.”
Humakbang palapit si Anton at pinindot ang intercom na nasa gilid ng kama.
“Nana, can you cook something for Viel?” sandaling huminto sa pagsasalita si Anton. Nilingojn niya si Isaviel. “May particular ka bang gustong kainin?”
Umiling si Isaviel. Wala sa tanong ni Anton ang pansin niya kundi sa pangalang binanggit nito.
‘Viel’…
A familiar feeling suddenly enveloped her.
And pain.
“Light lang muna siguro, Nana. Baka mabigla ang tiyan ni Viel, eh. Salamat.”
“Sige, iho…” dinig ni Isaviel na sagot ni Nana Nena.
Muling itinuon ni Anton kay Isaviel ang kanyang pansin. Muli niyang pinasadahan ng tingin ang kabuoan ng babae. Muling umiral ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
“You should eat more, Viel. Mukhang isang ihip lang ng hangin ay tatangayin ka na.”
Kumunot ang noo ni Viel pero sa halip na patulan ang lalaki ay tinalikuran niya ito. Humakbang siya palapit sa maliit na pabilog na mesa kung saan nakapatong ang dala niyang shoulder bag.
Umupo naman si Anton sa sofa.
“Sit here, Isaviel."
Hindi pinansin ni Isaviel ang lalaki.
"Isaviel, I said sit here. Maya-maya lang ay darating na si Nana Nena dala ang pagkain mo.”
“Please, Anton…”
Tumiim ang anyo ni Anton. Pinagmasdan niya si Isaviel. And as if on cue, tatlong mahihina at sunod-sunod na katok ang narinig nila kasunod ng boses ni Nana Nena.
Kaagad namang tumayo si Anton para pagbuksan ng p***o ang matanda.
“Anton, iho, nandito na ang pagkain ni Issa."
Kinuha ni Anton ang tray na hawak ni Nana Nena kung saan nakalagay ang isang bowl na umuusok na sopas at isang basong gatas.
Bumuga ng hangin si Isaviel. Wala siyang nagawa kundi umupo. Ipinatong naman ni Anton ang hawak na tray sa pabilog na mesa at umupo sa tapat ni Isaviel.
“Why now?”
Napatigil sa akmang pagsandok ng sopas si Isaviel at puno ng pagtatakang tiningnan si Anton.
"What?”
“Why come back now?”
“I was in Milan. It’s hard to book a last minute flight,” sagot niya, staring at her bowl.
“Six years, Isa. You didn’t even send a message. Not one. Not even when your grandfather got sick last year.”
Napayuko si Isaviela. She didn’t know. No one told her.
‘But she could have reach out and ask.’ anang isang bahagi ng isipan niya.
Napakagat-labi siya.
“Can we not talk about this?” iwas niya. “I’m here for Lolo.”
“Because you left? Because you filed for annulment and left the papers on our bed?”
Napatigil siya sa pagsubo.
Her chest tightened. Muli ay naroon ang pamilyar na sakit na tila kahit anong gawin niya ay hindi niya kayang takasan. And it's killing her.
Three days. She only need to endure it for three days.
“Not now, Anton,” pakiusap niya. “This is Lolo’s wake. Let’s respect that.”
Tumahimik si Anton. But she could feel the anger radiating off him. It hadn’t changed. If anything, it got worse.
Pagkatapos kumain, kahit tatlong subo lang ay tumayo si Isaviel.
Nagsalubong ang mga kilay ni Anton.
“Tapos ka na?"
Tumango si Isaviel.
“Will you… Will you please leave? Maliligo lang ako. Gusto kong makita si Lolo."
Napatitig si Anton sa babae bago walang kibong tumayo. Humakbang siya patungo sa p***o at lumabas nang walang paalam.
Nang maisara ang p***o ay isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Anton. He leaned against the door and closed his eyes tightly. Tila bigla siyang napagod nang makaharap si Isaviel.
“Bakit ngayon ka lang bumalik, Viel?” he whispered.