LOGINEKSAKTONG ALAS siyete ng gabi ay handa na si Isaviel para sa dinner. Hindi niya alam kung ano ano ba ang dapat niyang maramdaman. Six years… It has been six years simula nang huli niyang nakasama sa harap ng hapag ang kanyang ama, ang kapatid niya maging si Anton. t ngayon ay ito sila. Muling magsasalo sa mesa dahil na rin sa kagustuhan ng kanyang namayapang Lolo.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Isaviel bago muling tinapunan ng huling sulyap ang sarili sa harap ng kanyang life-sized mirror.She was wearing a white dress na umabot sa gitna ng kanyang binti ang haba. Wala iyong manggas kaya nakalitaw ang kanyang makinis at maputing braso. Hinayaan lamang niyang nakabagsak ang lagpas balikat at alon-along buhok.Pinuno niya ng hangin ang baga bago tuluyang humakbang palabas ng kanyang silid. Walang pagmamadali na bumaba siya sa grandiyosong hagdan kahit na natitiyak niyang naroon na ang mga makakasalo niya sa hapunan.Kung p’wede lang sanang hindi niya sundin ang bil
ALAS NUEBE NA ng umaga at kompleto na sa loob ng study room ang lahat. The room smelled like coffee ngunit hindi niyon kayang itago ang tensiyon na bumabalot sa bawat isang naroon. Well, maliban kay Isaviel at Anton na parehong tila walang pakialam sa mangyayari. Ngayon babasahin ng abogado ni Don Roberto ang iniwan nitong testamento para sa mga naiwang tagapagmana. Kung tutuusin ay noon pa sana iyon binasa, kinabukasan mismo pagkatapos ng libing ng Don ngunit dahil sa pagkakasakit ni Isaviel ay ipinagpaliban na lang muna ng abogado.“So, everyone’s ready, I assumed,” may ngiti sa mga labi na sabi ni Atty. Suarez habang inaayos sa ibabaw ng makapal na mesang gawa sa mahogany ang mga papeles na kailangan.Tumango si Eduardo na umayos pa ng upo sa tabi ng anak na si Venice.Isaviela sat on the left side of the long narra table. She was wearing a long black dress.Her hair was in a low bun. Isang mahinang buntong-hininga ang pinakawalan niya habang ang mga kamay na nakapatong sa ibabaw
“WHERE’S Viel?” kaagad na bungad ni Anton nang makabalik siya sa mansion ng mga Castañeda. Katatapos lang ng libing ni Don Roberto ngunit mas pinili ni Isaviel na huwag sumama. Gusto ng babae na manatiling buhay sa alaala nito ang namayapang Don. Hindi na rin naman ito pinilit ni Anton lalo’t nakikita niya ang kalagayan ng babae. Kitang-kita ang pangingitim sa paligid ng mga mata ni Viel. Patunay ang kawalan nito ng tulog. Tulala din ang babae simula pa nang dumating ito. Ni hindi halos nagsasalita. Ayaw ring kumain nang maayos.At ayaw man niyang aminin ngunit labis ang pag-aalala ni Anton para sa babae.“Nasa silid ho ni Don Roberto, Sir.” sagot ng katulong na napagtanungan ni Anton.Kumunot ang noo ng lalaki. Ano ang ginagawa ni Isaviel sa silid ng Lolo nito?“Kailan pa siya doon?" "Kanina pa po, Sir, pagka-alis po ninyo.”Mas lalo pang lumalim ang kunot sa noo ni Anton dahil sa narinig. “Kumain na ba siya?" muli niyang tanong sabay sulyap sa suot niyang relong-pambisig.Umiling
NANG MATANAW ANG pasangang daan mula sa sinasakyan niyang tricycle ay isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Isaviel. Nanlalamig ang mga palad niya at nagsisimula na ring manginig ang kanyang katawan. Ilang minuto na lang ay nasa Hacienda Castañeda na siya. Isang walang buhay na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Isaviel. Ilang beses din niyang ikinurap ang mga mata para pigilin ang mga luhang nagsisimula na namang mamuo sa gilid ng kanyang mga mata. She’d been crying for days now. Just yesterday ay nasa Milan siya para sa huling araw ng fashion week kung saan isa siya sa tatlong star model ng isang kilalang brand. At kahapon din nang matanggap niya ang balitang kailanman man ay hindi niya napaghandaan. She was crashing dahil sa balita pero wala siyang choice kundi tapusin ang natanguang engagement. Pagkatapos ng event ay hindi na siya sumama sa after-party at kaagad na nagbook ng ticket pauwi sa Pilipinas. Hindi na siya nagpahinga dahil pagkatapos ng fashion event ay ka


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




