LOGINEKSAKTONG ALAS siyete ng gabi ay handa na si Isaviel para sa dinner. Hindi niya alam kung ano ano ba ang dapat niyang maramdaman.
Six years… It has been six years simula nang huli niyang nakasama sa harap ng hapag ang kanyang ama, ang kapatid niya maging si Anton. t ngayon ay ito sila. Muling magsasalo sa mesa dahil na rin sa kagustuhan ng kanyang namayapang Lolo. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Isaviel bago muling tinapunan ng huling sulyap ang sarili sa harap ng kanyang life-sized mirror. She was wearing a white dress na umabot sa gitna ng kanyang binti ang haba. Wala iyong manggas kaya nakalitaw ang kanyang makinis at maputing braso. Hinayaan lamang niyang nakabagsak ang lagpas balikat at alon-along buhok. Pinuno niya ng hangin ang baga bago tuluyang humakbang palabas ng kanyang silid. Walang pagmamadali na bumaba siya sa grandiyosong hagdan kahit na natitiyak niyang naroon na ang mga makakasalo niya sa hapunan. Kung p’wede lang sanang hindi niya sundin ang bilin ng kanyang Lolo… Pakiramdam ni Isaviel ay lumipas ang napakahabang sandali bago niya tuluyang narating ang komedor. At pagbungad pa lamang niya sa malaking p***o ay kaagad niyang nakita ang kanyang ama na katabi ang asawa nitong si Clara, ang ina ni Anton. Naroon na rin si Venice na hindi maipinta ang mukhang nilingon siya. Si Anton naman ay nakaupo sa kabisera. Ito ang pumalit sa Lolo niya ayon na rin sa karapatang ibinigay dito ng namayapang matanda. It was supposed to be a dinner set for five but for Isaviel, it felt like a courtroom. Five people. One broken family. “Late ka," kaagad na puna ni Anton nang makita si Isaviel. Mabilis nitong pinasadahan ng tingin ang anyo ng babaeng nakatayo pa rin sa doorway. Mabining humakbang palapit sa mahabang narra table si Isaviel bago sumagot. “Sorry," tipid na tugon niya sa lalaki. Well, paano ba niya sasabihin dito na wala siyang balak na makisalo sa mga ito sa hapunan. Kung p'wede lang sana. ‘Oh, Lolo… you’re making this hard for me.’ anang isang bahagi ng isipan ni Isaviel bago tuluyang umupo sa bandang kaliwa ni Anton. She was one set awat from him. Isang ngiti naman ang ibinigay ni Clara kay Isaviel. It was too bright that Isaviel could easily say the old woman was faking it. "Hi, Issa. Ang tagal mong nawala, ah. So, how are you? I heard, kasal pa rin pala kayo ng anak ko.” Isaviel forced a smile and looked at Anton’s mother. "Good evening po, Tita Clara.” bati niya sa matandang babae. Kaagad na umasim ang mukha ni Clara nang marinig ang pagbati ni Isaviel. “Oh, stop calling me Tita.” Natigilan si Isaviel pagkuwa’y tumango. Kahit naman noon pa ay malayo na ang loob ng ina ni Anton sa kanya. Kagaya ng kanyang ama ay mas gusto nito ang Ate niya. At kahit nang ikasal sila ni Anton noon ay hindi siya nito hinayaang tawagin itong ‘Mama’. Mas lalo pa nga’ng bumigat ang pakikisama nito sa kanya nang sa halip na si Venice ay siya ang napangasawa ng anak nito. Tanggap naman iyon ni Isaviel ngunit hindi rin naman niya itinatanggi na nasasaktan siya sa pagtrato nito sa kanya lalo’t wala naman siyang maisip na dahilan noon para hindi siya nito magustuhan. Sandaling umiral ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang lima. Isang mahinang bungisngis ang pinakawalan ni Venice pagkaraan ng ilang sandali. “At least honest si Mama.” turan nito pagkatapos tapunan ng nanunuyang tingin si Isaviel. Sandaling dumaan sa anyo ni Isaviel ang kirot nang marinig ang sinabi ng kanyang nakatatandang kapatid. Yes. Mama ang tawag ni Venice sa ina Anton. Noong una ay Tita lamang ang tawag nito sa matandang babae pero nang itakda ang kasal nito at ni Anton ay ‘Mama’ na ang tawag nito sa ina ng lalaki. At hindi na iyon nagbago. “Venice,” Clara warned softly. “What?” untag ni Venice pagkuwa’y ikinibit ang magkabilang balikat. “Dinner naman ito, diba? Dapat honest.” Nanatiling walang kibo si Isaviel. Wala siyang sapat na energy para makipagpalita ng masasakit na salita kay Venice. “Stop it, Venice. Nasa harap tayo ng pagkain.” tiim ang anyo na sabad ni Anton. Tinapunan nito ng tingin ang asawa at nang makitang walang kahit na anong emosyon sa anyo ni Isaviel ay marahas na lamang na bumuga ng hangin ang lalaki. Sa harap nila ay nakahain ang umuusok na sinigang na bangus sa miso. Paborito iyon ni Isaviel. Mayroon ding adobo, pritong manok at chopsuey. Mahinang tumikhim si Eduardo bago nagsalita. “So. This is... this is what the will wants.” Walang kahit isang sumagot. Tiningnan naman ni Clara si Anton pagkatapos niyang tapunan ng sulyap si Isaviel. “Are you sure about this, Anton? It would be a lot easier if you just signed the–” “Enough, Mama!” malamig ang tinig na putol ni Anton sa iba pang sasabihin ng ina. “Ako ang magde-desisyon para sa sarili ko. Please, stay out of this. Alam ko kung ano ang ginagawa ko." Natahimik si Clara samantalang sumimangot naman si Venice. Matalim ang mga matang tinapunan pa ng huli ng tingin si Isaviel. Inabot ni Anton ang sandok para sa kanin at nilagyan ang plato ni Isaviel. "Eat.” Bumakas ang pagprotesta sa mukha ni Isaviel ngunit hindi iyon pinansin ni Anton. “Ako na, Anton." Tila walang narinig na nagsandok ng ulam si Anton at nilagyan ang plato ni Isaviel. Inabot din niya ang maliit na mangkok saka iyon nilagyan ng sinigang na bangus. "Now, eat. Ubusin mo ‘yan nang magkaroon ng kahit konting laman ang katawan mo.” Kumunot ang noo ni Isaviel dahil sa ginawa ni Anton samantalang hindi naman maipinta ang anyo ni Venice. Hindi nito maitago ang labis na selos dahil sa nakikitang pag-asikaso ng lalaki kay Isaviel. "Thanks but I can manage, Anton.” walang emosyong ani ni Isaviel bago dinampot ang kutsara at tinidor. Dinampot naman ni Venice ang kopitang may lamang wine saka iyon deritsong tinungga. “So this is it, huh? We all have to pretend that we’re one big happy family because of Lolo’s last wish.” bakas ang pait sa tinig na ani ni Venice pagkatapos ibaba ang hawak na kopita. “Venice, tama na,” saway ni Eduardo sa panganay na anak. “No, Dad,” sagot ni Venice sa ama. “I’m just saying what everyone’s thinking. Thirty million lang ang nakuha ko, a condo unit and an apartment building while they get the hacienda, the company, and they get to play mag-asawa again.” t “Venice, I didn’t ask for this.” turan ni Isaviel na ibinaba ang hawak na kobyertos. “Obviously,” naka-ismid na tugon ni Venice sabay irap sa kapatid. “Because if you did, you wouldn’t have run away six years ago.” “Enough,” Anton slammed his palm on the table. Umalog ang mga basong may lamang inumin na naging dahilan para matapon ang ilan sa mga iyon. Napatingin ang lahat kay Anton maliban kay Isaviel na muling itinuon ang pansin sa pagkaing nasa kanyang plato. “We’re here because of Lolo Roberto,” mababa ngunit naroon ang pagbabanta sa tinig na sabi ni Anton. “Not because we want to. Not because we like each other. So let’s just eat then we can all go back to hating each other in our rooms.” “Anton, calm down.” ani ni Clara sa anak ngunit hindi ito pinansin ng lalaki. Ibinaling ni Anton ang pansin kay Isaviel na tamilmil ang pagkain. “Ubusin mo lahat ng inilagay kong pagkain sa plato mo, Viel." aniya sa babaeng hindi nag-abalang mag-angat ng paningin. Patuloy lang ito sa ginagawang pagtusok sa adobo gamit ang tinidor. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Anton saka itinuon ang atensiyon sa sariling pagkain. Ilang sandali pa ang lumipas at tanging ang ingay lamang ng mga kobyertos ang maririnig sa loob ng komedor. Walang kahit isang nagtangka na magbukas ng usapan. And it was the most awkward dinner of Isaviela’s life. “Anton, kamusta yung rose farm?” tanong ni Eduardo na tapos nang kumakain. Hawak nito sa kamay ang basong may lamang alak. “Okay lang naman,” tipid na tugon ni Anton. Siya ang inatasan ng namayapang Don na mamahala sa ilang ektaryang rose farm na naroon lang din sa loob ng hacienda. “Isaviela, how’s Paris? Marami ka pa bang shoot?” tanong naman ni Clara na kataka-takang sa unang pagkakataon ang nagpakita ng interes sa ginagawa ni Isaviel. “Okay lang naman po. May mga naiwan akong trabaho but I’m here now” “Three months, Issa. Kaya mo ba? I bet, no. Three months,” may matamis na ngiti sa mga labi na sabi ni Venice sabay sulyap kay Anton na biglang dumilim ang anyo. “Then you’ll leave again.” dugtong niya. “Venice,” halos sabay pang saway nina Eduardo at Clara sa babae. Maasim ang anyo na umismid si Venice. “What? Iyon naman talaga ang totoo, ah.” Padarag na binitawan ni Anton ang hawak na baso saka matalim ang mga matang tiningnan si Venice na nagkibit lang naman ng balikat. Muling umiral ang nakabibinging katahimikan hanggang sa nauna nang tumayo si Clara. “I’m going to bed. Goodnight everyone.” ani ni Clara bago lumapit sa anak. “Sleep well, Anton." aniya bago tuluyang tumalikod. Ni hindi siya nag-abalang tapunan ng sulyap s Isaviel. Sunod namang tumayo si Venice na bakas ang makamandag na ngiti sa mga labi. “Enjoy your ninety days, Issa. Don’t mess it up or else wala kayong mamanahin.” aniya bago tila reynang nagmartsa palabas ng komedor. "Aakyan na rin ako, Issa.” ani naman ni Eduardo pagkuwa’y tumayo at humakbang na palabas. Ni hindi na nito hinintay ang magiging sagot ng bunsong anak. Nang mawala ang mga kasama nila ay mas lalo pang nailang si Isaviel dahil silang dalawa na lamang ni Anton ang naiwan. Tahimik lang ang lalaki habang ang mga matang nanunuri ay nakatutok sa kanya. His piercing brown eyes… At hindi niya iyon kayang tagalan. Kahit noon pa man ay hindi niya kayang tagalan ang titig ni Anton. There was something in his eyes na nagbibigay sa kanya ng hindi komportableng pakiramdam. He meant no harm, alam iyon ni Venice pero hindi niya maintindihan ang sarili. “Tapos ka nang kumain.” Tumango si Isaviel bago sumandal sa kanyang upuan. “This is awkward." Umangat ang kilay ni Anton. Pinagmasdan niya si Isaviel. For six years na hindi sila nagkita ng babae ay walang ipinagbago sa anyo ni Isaviel. Tila mas lalo pa nga itong gumanda. Ang dating itim na itim nitong buhok ay kulay mais na ngayon na bumagay naman dito. Mas tumangkad rin ito. Ang hindi lang niya nagustuhan ay ang sobrang kapayatan ng babae. "You're too skinny, Viel.” puna ni Anton bago sinimsim ang alak sa hawak niyang baso. Umangat ang kilay ni Isaviel. “I'm not." " Yes, you are.” Bumuga ng hangin si Isaviel. “I'm a model, Anton. Hindi ako p’wedeng tumaba.” Umismid si Anton pagkuwa’y tumango. "Yeah, right… The Isaviel Castaneda.” Kumunot ang noo ni Isaviel nang mahimigan ang pait sa tinig ni Anton ngunit sa halip na bigyan iyon ng pansin ay tumayo na siya. “Gusto ko nang magpahinga, Anton." aniya bago tinalikuran ang lalaki ngunit hindi pa man siya nakatatlong hakbang ay muling nagsalita ang lalaki. "Ipinalipat ko na sa master’s bedroom ang mga gamit mo." Nanlaki ang mga mata ni Isaviel. Marahas siyang napalingon sa lalaking tila walang anumang pina-ikot-ikot sa baso ang alak na laman niyon. “What?!” “You heard me right, Viel.” “No! We can't sleep together, Anton. Doon ako sa dati nating silid.” Bagot na ibinaba ni Anton ang hawak na baso bago tila nag-aapoy ang mga mata na tinitigan si Isaviel. "Hindi ko rin gustong makasama ka sa iisang silid, Isaviel but this is what your grandfather's will. Nakakalimutan mo na ba? I'm doing you a favor here. Wala naman akong pakialam kung mapunta sa gobyerno ang villa na ito pero ikaw, kaya mo bang mawala sa iyo ito?" Hindi kaagad nakakikibo si Isaviel. Tama ito. Kung tutuusin ay hindi naman apektado si Anton. Walang mawawala rito kahit pa hindi nito sundin ang bilin ng kanyang Lolo. Kumuyom ang mga palad ni Isaviel. “The will said act as husband and wife,” patuloy ni Anton. “It didn’t say same bed but it didn’t say separate rooms either. I can sleep on the couch, Viel. Huwag kang mag-aalala. Hindi na mauulit ang mga nangyari noon. I won't force myself to you, my dear wife. Let's do this and get it done with." “Anton—” “Enough talking, Isaviel. Not now, okay. Pagod na ako. Wala pa akong matinong tulog simula nang mamatay ang lolo mo." “But—” “Mauna ka nang umakyat. Susunod na ako.” Hindi nakakibo si Isaviel. Sandali niyang tinitigan si Anton pagkuwa’y tumango saka tumalikod. Malapit na siya sa p***o nang muli siyang tawagin ng lalaki. “Viel," Napahinto si Isaviel ngunit hindi siya lumingon. “Bakit ka umalis?” Anton asked in a voice hoarse. “Bakit ka nagfile ng annulment?" Napapikit si Isaviel. Kumuyom ang mga palad niya dahil sa tanong ng lalaki. Yeah, right. He doesn't know. Masyado itong galit sa kanya noon para malaman kung ano ang nangyayari sa kanya. "I don't want to talk about it, Anton.” aniya sa malamig na tinig. Hindi kaagad kumibo si Anton. “Did you ever think about coming back?” " No. Never.” At dahil nakatalikod siya kay Anton ay hindi niya nakita ang pagdaan ng hindi mapangalanang emosyon sa anyo ng lalaki dahil sa sagot niya. “Goodnight, Viel.” ani ni Anton pagkaraan ng ilang sandali. Muling naging malamig ang tinig nito na nagdala ng kakaibang nginig kay Isaviel. Huminga ng malalim si Isaviel bago tumango. “Goodnight…” mahina ang tinig na aniya bago tuluyang lumabas ng komedor. At naiwan si Anton na nakasunod ang mga mata sa asawa.EKSAKTONG ALAS siyete ng gabi ay handa na si Isaviel para sa dinner. Hindi niya alam kung ano ano ba ang dapat niyang maramdaman. Six years… It has been six years simula nang huli niyang nakasama sa harap ng hapag ang kanyang ama, ang kapatid niya maging si Anton. t ngayon ay ito sila. Muling magsasalo sa mesa dahil na rin sa kagustuhan ng kanyang namayapang Lolo.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Isaviel bago muling tinapunan ng huling sulyap ang sarili sa harap ng kanyang life-sized mirror.She was wearing a white dress na umabot sa gitna ng kanyang binti ang haba. Wala iyong manggas kaya nakalitaw ang kanyang makinis at maputing braso. Hinayaan lamang niyang nakabagsak ang lagpas balikat at alon-along buhok.Pinuno niya ng hangin ang baga bago tuluyang humakbang palabas ng kanyang silid. Walang pagmamadali na bumaba siya sa grandiyosong hagdan kahit na natitiyak niyang naroon na ang mga makakasalo niya sa hapunan.Kung p’wede lang sanang hindi niya sundin ang bil
ALAS NUEBE NA ng umaga at kompleto na sa loob ng study room ang lahat. The room smelled like coffee ngunit hindi niyon kayang itago ang tensiyon na bumabalot sa bawat isang naroon. Well, maliban kay Isaviel at Anton na parehong tila walang pakialam sa mangyayari. Ngayon babasahin ng abogado ni Don Roberto ang iniwan nitong testamento para sa mga naiwang tagapagmana. Kung tutuusin ay noon pa sana iyon binasa, kinabukasan mismo pagkatapos ng libing ng Don ngunit dahil sa pagkakasakit ni Isaviel ay ipinagpaliban na lang muna ng abogado.“So, everyone’s ready, I assumed,” may ngiti sa mga labi na sabi ni Atty. Suarez habang inaayos sa ibabaw ng makapal na mesang gawa sa mahogany ang mga papeles na kailangan.Tumango si Eduardo na umayos pa ng upo sa tabi ng anak na si Venice.Isaviela sat on the left side of the long narra table. She was wearing a long black dress.Her hair was in a low bun. Isang mahinang buntong-hininga ang pinakawalan niya habang ang mga kamay na nakapatong sa ibabaw
“WHERE’S Viel?” kaagad na bungad ni Anton nang makabalik siya sa mansion ng mga Castañeda. Katatapos lang ng libing ni Don Roberto ngunit mas pinili ni Isaviel na huwag sumama. Gusto ng babae na manatiling buhay sa alaala nito ang namayapang Don. Hindi na rin naman ito pinilit ni Anton lalo’t nakikita niya ang kalagayan ng babae. Kitang-kita ang pangingitim sa paligid ng mga mata ni Viel. Patunay ang kawalan nito ng tulog. Tulala din ang babae simula pa nang dumating ito. Ni hindi halos nagsasalita. Ayaw ring kumain nang maayos.At ayaw man niyang aminin ngunit labis ang pag-aalala ni Anton para sa babae.“Nasa silid ho ni Don Roberto, Sir.” sagot ng katulong na napagtanungan ni Anton.Kumunot ang noo ng lalaki. Ano ang ginagawa ni Isaviel sa silid ng Lolo nito?“Kailan pa siya doon?" "Kanina pa po, Sir, pagka-alis po ninyo.”Mas lalo pang lumalim ang kunot sa noo ni Anton dahil sa narinig. “Kumain na ba siya?" muli niyang tanong sabay sulyap sa suot niyang relong-pambisig.Umiling
NANG MATANAW ANG pasangang daan mula sa sinasakyan niyang tricycle ay isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Isaviel. Nanlalamig ang mga palad niya at nagsisimula na ring manginig ang kanyang katawan. Ilang minuto na lang ay nasa Hacienda Castañeda na siya. Isang walang buhay na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Isaviel. Ilang beses din niyang ikinurap ang mga mata para pigilin ang mga luhang nagsisimula na namang mamuo sa gilid ng kanyang mga mata. She’d been crying for days now. Just yesterday ay nasa Milan siya para sa huling araw ng fashion week kung saan isa siya sa tatlong star model ng isang kilalang brand. At kahapon din nang matanggap niya ang balitang kailanman man ay hindi niya napaghandaan. She was crashing dahil sa balita pero wala siyang choice kundi tapusin ang natanguang engagement. Pagkatapos ng event ay hindi na siya sumama sa after-party at kaagad na nagbook ng ticket pauwi sa Pilipinas. Hindi na siya nagpahinga dahil pagkatapos ng fashion event ay ka







