LOGINAGNES LA TRINIDAD's POV
“I want that baby gone by tomorrow.”
Nagpanting ang tainga ko dahil sa mga salitang binitawan niya. Salubong ang mga kilay niya at matalim ang pagkakatitig sa akin.
“Henry ano bang sinasbai mo?! We’ve been waiting for this child for ten whole years!”
Lumapit ako sa kanya para hawakan siya sa braso pero marahas niyang hinawi ang mga kamay ko.
“I said I don’t want it, Agnes! Hindi ka ba talaga nag-iisip?! I’m busy with my project! Sa lahat ng naging project ko for the past years, ngayon ko lang nakuha ang approval ni Dad. I can’t afford any distraction right now!”
Distraction. I felt my heart being shattered to pieces when I heard that.
“Henry you’re being unreasonable. Matagal nang gustong magkaroon ng apo ng mga magulang mo. Especially your Dad! Sigura–”
“Can you please shut up?!”
Napasinghap ako nang ibato niya ang flower vase sa direksyon ko. Laking pasasalamat ko na dumiretso iyon sa pader sa likuran ko at hindi sa akin mismo. Napahawak ako sa tiyan ko habang nagbabayada ang mga luha sa aking mga mata.
“T*ngina, napakakulit mo naman, Agnes! Hali ka! Ako na mismo ang magdadala sa iyo sa hospital!”
Hinawakan niya nang mahigpit ang pulsuhan ko. Mabilis akong nagpumiglas habang pilit na lumalayo sa kanya.
“No, Henry! Please don’t! Hindi ako papayag na ipalaglag mo ang anak natin!”
Marahas niya akong kinaladkad at nang makarating kami sa labas ng bahay ay sapilitan akong pinapasok sa sasakyan.
I reached for my phone inside my pocket. Sigurado akong tutulungan ako ng Tatay niya kapag nalaman niya ang nangyayari.
“Who are you calling huh?! You b!tch!”
Isang malakas na sampal ang sumalubong sa pisngi ko. I was lying in the mud, watching him destroy my phone.
“N-No, Henry please… I need to save our child…”
“Isusumbong mo ako kay Daddy?! Walangya ka talaga!”
“Aaahhh!!!”
Sa gulat ko, matapos niyang pagpira-pirasuhin ang cellphone ko ay sunod niya akong pagtatadyakan. Malakas, agresibo, at sa hindi ko malaman dahilan ay puno ng desperasyon.
“Kung ayaw mong ipalaglag iyan sa Doktor, ako na mismo ang gagawa!”
Paulit-ulit kong naaalala ang mga ginawa niya sa akin kagabi. Kung paanong hindi niya ako tinigilan saktan at tadyakan hanggat hindi niya nakikitang may tumatagas na dugo sa mga hita ko.
Pagkatapos non ay doon lang siya tumigil, doon ko pa lang nakuha ang cellphone kong nagkabasag-basag na at saka natawagan ang kaibigan kong si Grace para saklolohan ako.
Awang-awa ako sa sarili ko. Halos gumapang ako sa kalsada dahil sa labis na sakit, makahingi lang ng saklolo.
Malamig ang hangin sa loob ng hospital room at nakasisilaw ang nakasinding bombilya na kanina ko pa tinititigan, pero hindi ko alintana ang lahat… wala akong maramdaman.
Pakiramdam ko ay nasa pagitan ako ng pagkamanhid at nakamamatay na sakit.
Nang malaman kong buntis ako ay limang oras kong hinintay ang pagdating ni Henry. I was very excited because finally, I could give him an heir.
Nang sa wakas ay maipakita ko sa kanya ang pregnancy test, imbes na matuwa at mag-celebrate ito gaya ng inaasahan ko, mabilis na nagsalubong ang mga kilay niya. Hinampas niya ang hawak kong pregnancy test at pinagsisigawan ako.
Sobrang sakit. Para akong sinasaksak nang paulit-ulit tuwing maaalala ko iyon, kung paanong gustong ipalaglag ni Henry ang bunga ng pagmamahalan namin, at kung paano niya ako sinaktan. Pinagbuhatan niya ako ng kamay kahit nasa sinapupunan ko ang anak niya…
Nakapatong ang kamay ko sa itaas ng tiyan kong ngayon ay wala nang dala-dalang sanggol. Sobrang hapdi na ng mga mata ko pero wala pa ring tigil sa pag-agos ang aking mga luha.
“Until when are you gonna cry? Hindi ka ba napapagod?” tanong ni Luis.
Nakasandal siya sa gilid ng pintuan ng kuwarto ko, nakahalukipkip at kunot ang noong nakatitig sa akin.
“I’m gonna k*ll that bast*rd. Just give me the word, Agnes. I’ll do it without a second thou—”
Hindi niya itinuloy ang gusto niyang sabihin, pero ramdam ko namang pinipigilan niya ang sariling sumbatan ako. After all, I left him for Henry just to please my family back then.
Napakahabang katahimikan ang namayani sa buong kuwarto. Hindi na ako umiiyak pero pakiramdam ko ay hindi na rin ako humihinga. Hanggang sa sunod-sunod na malalakas na katok ang gumimbal sa amin.
"Agnes! Buksan mo 'tong p***o!" Boses ni Henry ang pumailanlang sa labas.
Kagad na nanginig ang mga kamay ko nang marinig ang boses niya. Parang bumalik sa isip ko ang mga ginawa niya sa akin kagabi—ang hitsura niya habang paulit-ulit na sinisipa ang tiyan ko…
"Don't make us wait here, Agnes!" Boses iyon ni Mama Anabelle, ang biyenan ko.
Mabilis na tumayo si Luis. I saw him clench his fists bago humarang sa pintuan at harapin sila.
"Get out. You have no right to be here," kalmadong sabi ni Luis ngunit puno ng pagbabanta.
"What the hell are you doing here?!" dinig kong asik ni Henry. "Get out of my way! May pag-uusapan kami ng asawa ko!"
"Asawa?" Napahalakhak si Luis. "Ngayon naaalala mong asawa mo siya? After leaving her bleeding on the street?! After you killed your own child?!"
"B-Buntis si Agnes?” hindi makapaniwalang tanong ni Mama.
I smiled bitterly. Tama, sinabunutan niya ako nang hindi man lang nalalaman ang pinag-aawayan namin ni Henry. Gaya ng dati, magkakampi silang mag-ina sa tama man o sa mali.
“Tsk! Ma, mamaya ko na ipapaliwanag. Please huwag ka nang sumaba—ahhh!”
“Anong huwag sumabay?!” Dinig ko ang paghampas niya kay Henry. “Buntis pala ang asawa mo?! Wala ka man lang sinasabi sa akin tapos pinagsisipa mo pa siya sa tiyan?!”
“You did what?!” pumailanlang ang singhal ni Luis. “You piece of fuck!”
"Luis... stop," mahinang utos ko sa kanya.
Hindi siya pwedeng magalit; hindi ko hahayaang makagawa siya ng bagay na ikasisira ng reputasyon niya para sa akin. Hindi na kakayanin ng konsensya ko iyon.
"Let him in," dagdag ko habang nakatitig lang sa kisame. "Papasukin mo ang asawa ko."
Mabilis niya akong nilingon. Nangungunot ang noo habang matalim ang mga titig.
"Agnes, are you serious?! After everything he did to you, papapasukin mo pa rin ang demonyong 'yan?!"
Bago pa man ako makasagot ay mabilis nang sumabat si Mama mula sa likod ni Henry.
"See?! Narinig mo naman siguro?! So get out of the way! Huwag kang umasta na parang ikaw ang asawa niya!"
"He's still my husband, Luis..." mahinang wika ko bago pa sila magpang-abot. "We need to talk."
Magandang araw po, si Mir po ito. I woke up with very sad news, NINAKAW po ako istoryang isinulat at pinaghirapan ko. Hindi na po bago sa aming mga Authors ang manakawan ng kwento. Pero gusto ko po sanang malaman niyo ang epekto sa amin nito. Para sa aming mga nagsisimula pa lang, sobrang nakakasira po ng loob. Maraming successful writers na tinitingala namin at gusto naming tularan. Pero paano po kami aabot doon kung hindi pa kami umaarangkada, may humihila na kaagad sa amin paatras? Hindi po basta-basta ang pagsulat ng mga istorya, lalo ng mga nobela. Umaasa po kami na isang araw hindi na namin kailangang magtrabaho para sa iba, at matustusan kami ng sarili naming talento. Pero malabo pong mangyari iyon kung ganitong palagi kaming ninananakawan. Para po sa mga READERS, please po huwag sana kayong tumangkilik sa mga nagbebenta dito sa f******k. Nasa platforms po ang mga libro. Goodnovel, D****e, Yugto, Selebox, etc. Kung ayaw niyo pong magbayad may bonus at rewards po, pw
MGA KWENTONG DAPAT MONG BASAHIN!1. MARRYING THE GAY BILLIONAIRE> GENRE: RomCom | Marriage of Convenience | Fake Relationship | Enemies to Lovers>Vibe: Masaya, nakakakilig, puno ng asaran at bangayan!>FAMOUS LINE: "Kailangan ko ng pera, at kailangan mo ng asawa. Kaya 'wag ka nang maarte diyan at halikan mo na ako!"> BUOD:Si Rowan Fontano ay isang supladong CEO ng cosmetics company na pilit na pinag-aasawa dahil sa tsismis na siya ay gay. Si Samarah Castillo naman ay isang palabang beauty queen at rakitera na desperadong nangangailangan ng pera para sa sakit ng kapatid.Para sa pera at pamilya, papasok sila sa isang kontrobersyal na kasunduan. Kakayanin kaya ng isang Gay Billionaire ang kaniyang Amazonang bride?> BAKIT MO ITO DAPAT BASAHIN?Kung naghahanap ka ng kwentong nakatatanggal ng stress, puno ng katatawanan, at may sobrang nakakakilig na asaran ng dalawang taong ayaw magpatalo, ito ang para sa iyo!SAAN MABABASA?: GOOD NOVEL2. ANG LIHIM NI PUKANGKANG>GENRE: Rom-Com | Sm
3rd Person’s POV Ang buhay daw ay parang isang nobela. Masaya, nakakatawa, nakakakilig. Pero puno rin ng mga pagsubok na sa umpisa ay hindi natin malaman kung bakit kailangan nating pagdaanan. Minsan, mapapatanong na lang tayo sa Diyos kung bakit kailangan nitong mangyari at kung bakit sa atin ito kailangang mangyari. Napakahirap intindihin ng mga bagay na nagdudulot sa atin ng labis na sakit. Lalo na kapag ginawa naman natin ang lahat para masolusyonan ang mga problema at hadlang, pero patuloy tayong kinakastigo ng buhay. Life is full of twists and turns. At hindi lahat ng istorya ay nauuwi sa happy ending. Ito ang reyalidad ng buhay. Pero paano ba natin masasabi kung may happy ending ang bawat kwento? Ano ba ang basehan ng mga libro? Ano ba ang pamantayan mo sa buhay mo? Siguro, hindi man maiintindihan ng iba. Siguro, masakit para sa kanila. Pero ang sandaling ito na ang pinakamasayang parte ng buhay ni Luis. Pareho silang nakahiga ni Agnes sa iisang kama sa loob ng kwa
3rd Person’s POV Natigilan si Adela, “O-opo… paano niyo po nalaman iyon?” “Oh diba? Sisihin mo ang nanay mo. Mukhang nagmamahalan naman na sila dahil kaya na nga niyang bigyan ng atay hindi ba? Bakit gusto mo pang manggulo ako doon sa dalawa?” “Tita, hindi po ganon iyon. Oo nga po at ibinigay niya ang liver niya kay Mama. Pero ginawa niya lang po iyon para sa akin. Ang totoo po, ni minsan hindi po sila nagsama ni Mommy sa iisang kwarto. Kahit ako pa po ang mag request non nung bata ako, mas hahayaan niya pang umiyak ako magdamag kesa tumabi sa Mama ko. Tita, masakit man pong aminin pero kayo pa rin po ang mahal ni Daddy. Hanggang ngayon, sa tuwing dapit hapon, palagi pa rin po niyang tinatanaw iyon dahil ganon daw ang hilig niyong gawin. At saka… “ May kinuha siyang isang maliit na box sa loob ng kanyang bag, “Ito po.” Kinuha niya iyon at binuksan. Natuptop niya ang kanyang labi nang makita ang nilalaman ng maliit na kahon. Isa-isa niyang binuklat ang mga litrato. Pictures niya iy
3rd Person’s POV “Paano kung magkabalikan kami kapag nakausap ko siya?” Nakaupo siya sa harap ng vanity mirror sa loob ng kanilang kwarto habang naglalagay ng pulang lipstick. Nasa likod niya si Gabriel na sinusuklayan ang mahaba at puting buhok niya. “Edi good for you, may love life ka ulit. Hindi na tayo teenagers para mag love triangle pa ano?” Pareho silang napangiti habang magkatinginan sa salamin. Pero parehong mapait ang mga ngiting iyon. “Basta, kapag hindi, uwi ka lang sa akin. Maghihintay lang ako.” Inabot ni Agnes ang isang kamay niya at hinalikan iyon. “Salamat, Gabriel.” Sa kabila ng pagkatagal-tagal na pagmamakaawa ni Adela na makausap si Agnes, sa wakas ay pinaunlakan na siya nito. Siniguro niyang magiging maayos ang lahat. Ito lang ang tanging magagawa niya para makabawi sa Ama. “Sa tingin mo ba kakausapin niya tayo? Pakiramdam ko galit pa rin siya sa amin ni Mama,” kabadong tanong ni Adela habang hawak ang kamay ng asawa. Pinisil ni Mateo ang kamay niya a
3rd Person’s POV “Hoy, Gab! Iyong mga brief mo dito sa banyo bakit ba hindi mo isampay sa labas? Itong matandang ito oh! Napakadugyot talaga!” reklamo ng matandang babae habang bitbit ang hanger ng mga brief. “Mamaya na, nanonood pa ako eh! Nahuli na nung asawa iyong kabit ng mister niya!” sigaw naman ni Gabriel na nasa harap ng telebisyon sa sala. “Manonood ka dyan o bubuhusan ko ng gasolina itong mga brief mo?!” Dahil doon ay inis siyang tumayo. Bagamat sinusumpong ng rayuma ay mabilis siyang tumayo at lumapit sa babae. “Akin na bilisan mo! Walang rewind iyong pinapanood ko!” bwelta niya, nakakunot ang noo. Pero imbis na ibigay ay tumalikod si Agnes at tumakbo palayo. “Hoy! Yung brief ko!” singhal ni Gabriel. Animong mga teenager na naghahabulan at nag-aagawan sa mga maluluwag na brief. Sa mga lumipas na taon ay nagsama na din sa iisang bahay ang dalawa. Kung ano man ang relasyon nila ay palaisipan pa rin para sa iba. Maging ang mga kaibigan nila ay walang malinaw na ideya k







