Share

2. HIS EVIL PLAN

Author: Mir
last update publish date: 2026-08-18 10:29:00

AGNES LA TRINIDAD's POV

Napabuntong-hininga siya at padabog na tumabi.

“Matuto kang lumugar, bro,” patutsada ni Henry bago siya bungguin sa balikat at tuluyang lagpasan.

Naiwan sa gilid si Luis, nakakuyom ang mga kamao at nag-iigting ang panga sa galit habang pinapanood ang mag-ina na lumapit sa kama ko.

Nakatitig lang ako sa asawa ko habang patuloy sa pag-agos ang mga luha sa aking mga pisngi. Pilit kong inipon ang natitirang lakas para makapagsalita.

"Wala na... wala na 'yung anak ko,” puno ng sama ng loob kong sabi.

Pero imbes na magulat o magpakita man lang ng kahit kaunting lungkot, unti-unting gumuhit ang isang ngiti sa mga labi ni Henry. Para bang isang magandang balita ang narinig niya at parang hindi niya anak ang nawala.

"Thank God,” aniya sabay halik sa kamay ko. “Honestly, Agnes... maybe it’s for the best. Isipin mo na lang 'yung career mo. You’ve been wanting to return to acting, right? How can you rebuild your career if you're stuck raising a child? Ikaw lang ang iniisip ko."

Napatitig ako kay Mama Anabelle, umaasang sasaklolohan niya ako.

"This is our fresh start, Agnes. 'Di ba sabi ko sa iyo kapag okay na ang kumpanya, I’ll support your career fully? Ito na iyon. Kaunting tiis na lang. Makakabalik ka na sa showbiz nang walang iniisip. So stop crying, okay? It’s fine."

‘Kaunting tiis na lang’—sampung taon ko nang naririnig iyon mula sa kanya. Nawalan na iyon ng kahulugan sa akin.

"Hay, ewan ko sa inyong dalawa!" singhal ni Mama Anabelle. “Ikaw naman kasi Agnes, alam mo naman palang buntis ka, bakit nagdrama-drama ka pa at tumakbo sa kalsada?! Ano bang akala mo, bida ka sa telenovela? Maryosep!”

“M-Ma…” humihikbi kong tawag.

Siya ang inaasahan kong makaintindi sa akin sa kabila ng mga nangyari. Babae rin siya, may anak din siya. Dapat ay maintindihan niya ang pinanggagalingan ko.

“Ma, huwag mo nang ganyanin si Agnes. Masama ang pakiramdam niya,” saway ni Henry habang hinahaplos ang pisngi ko.

Para akong napapaso sa bawat haplos niya. Masakit, nakakatakot, at nangangatal ang buo kong katawan.

“Hay, ang kawawang apo ko!” May bahagyang pag-asang sumilay sa dibdib ko nang marinig ko iyon.

“Pero hayaan mo na! Dapat nga magpasalamat ka pa sa Diyos at hindi ka natuluyang matali sa bahay! Alam mo namang mahihirapan si Henry na suportahan 'yang pag-arte mo kung may inaalagaan kayong sanggol."

‘Paano nila nagagawang sabihin ang mga ganitong bagay? Tao pa ba sila?’

“O-Opo Ma, naiintindihan ko po,” halos maduwal kong pagsang-ayon sa kanila.

Para akong masusuka habang pinakikinggan silang mag-ina.

Sumilip si Henry sa suot niyang wristwatch. "Ma, we need to go. Kailangan ako ngayon sa opisina," madali niyang sabi.

Mabilis siyang tumayo na animo'y may emergency.

“Oh sige, Agnes. Kaya mo namang umuwi mag-isa, 'di ba? Nakunan ka lang, hindi ka baldado.”

"I have to go, Agnes. I’m sure you understand, right? Alam mo namang ayokong madisappoint sa akin ang family mo. Rest well, okay? Mamayang hapunan na ako uuwi sa bahay. Lutuan mo na lang ako ng sinigang na hipon para masabayan kitang kumain.”

Napaawang ang bibig ko nang magawa niya pa akong utusan sa kalagayan kong ito.

Matapos ang ilang oras ay nagpumilit akong umuwi na. Ayaw man ni Luis ay wala rin siyang nagawa.

“Why are you helping me?” direktang tanong ko habang inaalalayan niya akong makahiga sa kama. “I thought you hated me.”

Inirapan niya lang ako. Nasa loob na kami ng bahay namin ni Henry. Panay ang sermon sa akin ni Luis nang kaming dalawa na lang, pero hindi naman niya ako iniiwan. Inihatid pa niya ako hanggang sa loob ng aking kuwarto. He even carried me bridal style.

'Wala pa rin siyang pinagbago, he’s still a gentleman,' bulong ko sa aking sarili.

“Grace called me,” tipid niyang sagot.

Tumango ako. “May koneksyon pa rin pala kayo sa isa’t isa.”

Si Grace ang hiningan ko ng saklolo noong takbuhan ko si Henry. Pero dahil sa kabuwanan na rin niya ay delikado nang lumabas pa siya para mag-drive, lalo pa't umuulan. Hindi ko naman akalaing kay Luis pala siya hihingi ng tulong para mapuntahan ako.

“Yeah, ikaw lang naman itong binura ako sa mundo mo,” sarkastikong aniya. “Aren’t you gonna tell your parents about this? Kailangan nilang malaman kung ano ang ginagawa sa 'yo ng pamilya De Luca."

Mabilis akong umiling. "No, Luis... huwag."

He stared at me with pure frustration. "Muntik ka nang mamatay! He killed your baby! Nasisira na ang buhay mo tapos ayaw mo pang magsalita?!" 

Ironic. Kitang-kita ko ang inis sa mga mata niya pero ramdam na ramdam ko ang concern sa boses niya.

"H-Hindi sa ganoon. Ayaw kong madamay pa sina Mama at Papa sa away-mag-asawa namin," mahinang sagot ko. "I don't want them to suffer because of my mistakes. Mag-aalala lang sila, at baka kung ano pa ang mangyari sa kanila kapag nakialam sila sa mga De Luca."

"So ano, hahayaan mo na lang 'to?" giit pa ni Luis habang hawak ang sariling noo, “Mamamatay ako sa pag-aalala sa iyo, Agnes.”

“Luis, asawa ko pa rin siya. At… ano ba ang kaya kong gawin? I am nothing without him, Luis.”

Napailing siya at saka ako tinalikuran. Pinanood ko siyang pihitin ang doorknob ng p***o ng kuwarto, ngunit bago siya lumabas…

“You know what, Agnes? Fuck your marriage. And fuck you for not giving your child justice.”

Galit ang pagkakasabi niya noon pero mas nangibabaw ang sakit na madidinig doon. Kasabay ng malakas na pagbagsak ng p***o ay para akong sinampal ng mga salitang binitawan ni Luis.

Tuluyan akong napahagulgol. Ang anak ko… nawala sa akin ang anak ko nang hindi ko man lang siya nayayakap o nakakahawakan.

“I’m sorry… I’m sorry, baby. Gustuhin man kitang ipaglaban, pero hindi ko rin magawang ipaglaban ang sarili ko…”

Hindi ako tanga, iyon ang isang bagay na sigurado ako. Pero pilit kong isinasantabi ang lahat para sa mga De Luca dahil alam kong wala sa pamimilian ko ang pakikipaghiwalay.

My family’s law firm is partnered with Henry’s business. Ako mismo ang nagprisinta sa sarili ko para magpakasal sa kanya, at ito lang ang kaisa-isang dahilan kung bakit ako tinatrato nang maayos ng sarili kong pamilya.

Ilang oras ang lumipas, narinig ko ang pagdating ng kotse ni Henry. Kahit hirap ay pilit akong tumayo para salubungin siya. Ngunit hindi pa ako nakakababa ng hagdan nang marinig ko siyang may kausap sa telepono.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I am my Husband's Mistress    60. EMOTIONALLY UNSTABLE

    3rd Person’s POV"I'm not interested in whatever your friends are talking about," malamig at kumpiyansang pakli ni Agnes habang iniisa isa ang tingin sa iba pang miyembro ng grupo. "Wala akong planong gambalain o ang buhay mo. Gusto ko lang talaga ng bagong mapagkakaabalahan, isang bagay na makakapagpakalma sa utak ko."Bahagyang itinaas ni Gabriel ang kaniyang kilay, saka umismid, “That’s good then”.”He tried to sound calm pero dinig na dinig ang sarkasmo sa boses niya. Hindi niya inalis ang madilim na titig sa babae. "At sa tingin mo, ang patakbuhin 'yang Big Bike ngayon sa gitna ng gabi ang magpapakalma sa 'yo? Knowing you’re coming here with five guys waiting for you, you got quite the nerve.""Oddly enough... yes," sagot ni Agnes sabay isang tipid na ngiti na hindi man lang umaabot sa kaniyang mga mata. “Hindi naman ako natatakot.”Lalo niyang nakuha ang atensyon ni Gabriel nang sabihin niya iyon.Tumalikod si Gabriel at sumandal sa pader. Binunot niya ang isang pakete ng sigar

  • I am my Husband's Mistress    59. GABRIEL

    3rd Person’s POV Napatitig si Agnes sa screen ng kaniyang telepono habang pilit na kinakalma ang sarili. Sa kabilang linya, hindi tumitigil ang boses ng kaniyang kasambahay na si Cely sa pagpapayo. She just called her to vent out. Para isumbong ang mga ginagawa ni Luis at Grace. Pero ngayon ay siya na naman ang tinatalakan ni Cely. "Naku, Ma'am Agnes, pakinggan mo ako," pagsusumamo ni Cely mula sa kabilang linya habang may hawak na basahan sa kabilang kamay. "Kailangan niyo pong lumabas at maghanap ng ibang pagkakaabalahan para hindi kayo tuluyang kinakain ng depresyon diyan. Subukan niyo pong maghanap ng bagong hobby o kahit anong paglilibangan para maiba naman ang iniisip niyo. Pwede kayong mag travel, mag-aral sumayaw o kaya balikan niyo iyong dati niyong career bilang isang artista." "Cely, ayoko muna," pagtanggi ni Agnes. "Wala ako sa mood magpunta sa kung saan-saan o makipaghalubilo. Saka iyang pag-aartista, matagal ko na yang kinalimutan. Sa dami na ng nangyari sa buhay ko si

  • I am my Husband's Mistress    58. BURNT

    3rd Person’s POV Pagkaakyat nina Luis at Adela sa ikalawang palapag, mabilis na pumunta si Grace sa madilim na kusina. Dinig na dinig ang tunog ng kanyang stiletto sa sahig. Animong rumarampa pa at panay ang hampas ng kanyang buhok. "Oh? Agnes, gising ka pa pala?" pambungad niya sa babaeng tahimik na nag-iinom mag-isa. Ang sarap sarap na makita si Agnes sa ganong kalagayan para sa kanya. "Bakit ang dami mo yatang niluto? Nag-dinner na kami sa labas, eh. Ikaw naman, nag-abala ka pa." Tinapik niya pa si Agnes sa balikat. Sinisilip niya ang mga lumalamig nang pagkain habang si Agnes ay nananatiling nakatulala sa baso ng wine, walang kakurap kurap, walang kaimik imik, at walang kahit anong emosyon sa mukha. Inilapit pa ni Grace ang kaniyang mukha sa gitna ng mesa at nanlaki ang mga mata sa nakasulat sa cake. "Oh Gosh! Hala! Anniversary niyo ba ngayon?" bulalas niya, sabay takip sa kaniyang bibig na para bang talagang nagugulat. "Bumili ka pa ng cake? Oh gosh, Agnes, I’m so sorry... K

  • I am my Husband's Mistress    57. ANNIVERSARY

    3rd Person’s POVMabilis na napatingin si Luis kay Grace, naghahanap ng pwedeng idahilan. Bubuka pa lang sana ang bibig ni Luis para magpaliwanag nang mabilis na humawak si Grace sa magkabilang kamay ni Adela."Of course, baby!" masayang singit ni Grace sa pagitan ng dalawa, may panlalaki ng mga mata at mabilis na pinangunahan si Luis. "Magkakasama tayo sa iisang bahay nina Daddy Luis mo! Di ba, Luis? Magiging isa tayong super happy family!""Grace, wait—" aalma pa sana si Luis at gustong ituwid ang sinabi nito, subalit naputol ang kaniyang salita nang biglang tumayo si Adela sa kaniyang upuan."Yehey! Magkakasama na kami ni Daddy Luis sa bahay!" masayang sigaw ng bata sabay pumalakpak at magtatalon sa sobrang tuwa.Napatingin si Luis sa bata. Nakita niya ang walang kapantay na sigla at saya sa mukha ni Adela, ang saya na sana ay matagal na niyang naiparamdam kung pinanindigan lang niya ito. Nalunok ni Luis ang sariling laway. Nawalan siya ng lakas na basagin ang pangarap ng bata.“San

  • I am my Husband's Mistress    56. HAPPY FAMILY

    3rd Person’s POVNakapaninibago ang katahimikan sa loob ng penthouse.Suot ang kanyang robe, bumaba sa hagdan si Agnes para hanapin ang kanyang nobyo. Isang kasambahay ang agad na lumapit sa kaniya habang nagpupunas ng lamesa."Nasaan asi Luis? Pati iyong mag-ina, bakit hindi ko nakikita?" tanong niya."A-Ah, Ma'am Agnes... maaga po silang umalis nina Sir Luis at Ma'am Grace," alanganing sagot ng katulong. "Dinala po si Adela sa hospital para ipa check-up."Napakunot ang noo ni Agnes. “Hospital? Bakit, may sakit ba 'yung bata?""Wala naman po daw ma'am. Sabi lang po ni Sir Luis, gusto lang niyang makasigurado na nasa maayos na kundisyon ang bata.""Gusto lang makasigurado..." pabulong at puno ng panunuya na ulit ni Agnes sa kaniyang sarili. Kailan pa naging ganito ka-paranoid si Luis sa isang simpleng bata? Kapag si Mateo ang nagkakasakit sinasabi lang niya na pampatibay daw iyon. Tapos itong Adela na maayos naman, ipapa check up niya pa? Tss!Hindi na siya nagtanong pa. Hinayaan na l

  • I am my Husband's Mistress    55. PALAMUNIN

    3rd Person’s POV "Mamaya na 'yan," putol ni Agnes sa galit ng lalaki. "Nakahanda na ang hapunan. Maghapunan na tayo." Walang nagawa si Luis kundi ibaba ang telepono. Sabay-sabay silang tatlo na lumipat sa dining area. Sobrang awkward ng katahimikan sa hapag-kainan. Walang sinumang nagtatangkang magsalita, ang tanging naririnig lamang ay ang mahinang kalansing ng mga kutsara at tinidor sa plato. Samantala, sa labas ng gate, masayang bumaba ng taxi si Grace. Bitbit niya ang napakaraming malalaking paper bags ng mga mamahaling brand na pinamili niya gamit ang card ni Luis. Taas ang noong lumapit si Grace sa gate, bitbit ang kaniyang mga shopping bags, at sunod-sunod na pinindot ang doorbell. Ngunit lumipas ang ilang minuto, walang sinumang lumalabas para pagbuksan siya. Inilabas niya ang kaniyang telepono at paulit-ulit na tinawagan si Luis. Ngunit walang sumasagot. Abalang kumakain ang lahat habang wala siya. Nanggagalaiti na si Grace sa inis. Nakatayo siya sa gitna ng kadiliman sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status