Share

Chapter 004

Author: Author Rain
last update Last Updated: 2024-12-25 12:40:46

 "Andrea, sweetheart. We were discussing the possibility of you working at Caleb's company once you graduated from college and after your wedding. Ano sa tingin mo, iha?" tanong ni Mrs. Lopez kay Andrea pagbalik ng mga ito sa dining room kung saan ay kumakain na sila.

At sa mga katagang iyon ni Mrs. Lopez ay muntik nang mabilaukan si Daphne. Her stepdaughter was as dumb as a rock. She never wanted to work. Ni hindi nga nito sineseryoso ang pag-aaral. Paano nasabi ng ginang na makakagraduate ito ng college?

"Eh balae, alam mo itong anak ko na ito ay nagsimula nang mag-invest sa iba't ibang kompanya, kaya naman kumikita na siya nang malaki. At saka sa palagay ko ay hindi siya magiging komportable na magtrabaho sa kumpanya ng magiging asawa niya, tama ba ako anak?" Pagtatanggol ni Antonio sa anak nito.

"Yes, dad...'' napapangiwing sagot ni Andrea dahil alam niyang walang katotohanan ang mga pinagsasabi nito. "Aalagaan ko na lamang si Caleb sa bahay."

Invest? Anong alam niya dun? Ang alam niya lamang ay gumastos. Bumili ng mga mamahaling bag at sapatos.

“Wow! I'm so impressed! At a very young age, she knows how to invest. You must be very proud of her." nakangiting sambit ni Mrs. Lopez habang pinapanuod ang anak na hinihila ang upuan para kay Andrea.

"Oo naman balae. Hindi lamang maganda ang anak ko. Matalino din siya kaya naman napakaswerte ko na ako ang naging ama niya, at napakaswerte din ng mapapangasawa niya.'' sagot ni Antonio na bumaling ng tingin sa asawa na tumango tango naman bilang pagsang-ayon dito kahit na labag ito sa kanyang kalooban.

Nakilala ni Daphne si Antonio sa pamamagitan ng isang kaibigan. Isa siyang biyudo at nakatira sa probinsiya kasama ang anak nito. Kapitbahay lamang nito ang kapatid na si Roberto at ng anak nitong si Natnat.

Mayroon siyang ibang lalakeng gusto pero may asawa ito. Kaya naman nabaling ang atensiyon niya kay Antonio at kinalimutan ang taong pinakamamahal niya.

Nagdate sila ng dalawang beses, at sa ikatlong beses ay ipinakilala nito ang anak na si Andrea. Noong una ay nag-aalinlangan siyang makipaglapit sa bata, ngunit sa kalaunan ay natanggap niya na rin ito bilang kanyang sariling anak at sobrang napamahal na din ito sa kanya.

Para naman kay Andrea, hindi rin madali sa una. Hindi niya kayang magkaroon ng pangalawang ina, pero dahil sa ipinakitang pagmamahal ni Daphne sa kanya, at pagbibigay ng lahat ng kapritso niya ay napamahal na din siya dito. Mas mahal niya na ito ngayon kaysa sa tunay niyang ina na pumanaw noong siya ay limang taong gulang lamang dahil sa pagsuwag dito ng isang kalabaw habang namimitas ng bunga ng mais sa bukid.

Natapos ang kanilang tanghalian nang walang malinaw na pag-uusap tungkol sa kasal dahil biglang tumawag ang personal assistant ni Caleb. Nagkaroon daw ng emergency meeting sa opisina dahil isa sa mga investors nila sa Singapore ay nagback out.

“I’ll just call Andrea to talk about our wedding. It was such a pleasure meeting you all. Dad, mom, I'm going...” Iyon ang mga huling salitang binitawan ni Caleb bago ito umalis sa bahay ng mga Mondragon.

"Daddy, ano nang gagawin ko ngayon?" naiiyak na tanong ni Andrea sa kanyang ama.

Pagkaalis kasi ni Caleb ay sumunod na rin ang mga magulang nito, at sinabing pag-uusapan na lamang ulit nila ang kasal kapag may desisyon na si Caleb.

Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas ay nagtext ang binata kay Andrea. Ang laman ng mensahe nito ay: ‘I’ll notify you if I’m not busy. I want you to come to my penthouse so that we can talk about the preparation for the wedding. I also want to make sure that I’m your first. I want a virgin wife.’

"Daddy, pano na to. Hindi---" hindi na nito natapos ang anumang sasabihin sa ama dahil bigla na lamang lumipad ang palad nito at dumapo sa kanyang kaliwang pisngi. Sa lakas ng impact ay natumba ang dalaga sa sahig. "Daddy anong kasalanan ko?! Bakit mo ako sinampal?"

"Anthony, ano bang ginagawa mo sa anak mo!" agad namang awat ni Daphne sa asawa. "Bakit mo sinasaktan ang bata? Anong ginawa niya sa'yo?"

"Umalis ka sa harap ko! Huwag mong harangan yan kung ayaw mong ikaw ang masaktan!" pagbabanta nito sa asawa, at nang lumayo ito ay sinipa naman sa tiyan si Andrea na ikinapilipit nito sa sakit. Ang mga butas ng ilong ni Antonio ay lumaki-laki sa sobrang galit.

"Tama na, daddy!" sigaw ni Andrea na hawak ang tiyan habang namimilipit sa sakit. Nagtataka siya kung bakit siya sinasaktan ng ama na ngayon lamang nito ginawa. "Ano bang kasalanan ko? Bakit mo ako sinasaktan?"

"Dahil isa kang puta! Malandi kang babae ka!" galit na bulyaw nito sa anak. "Kung sino-sino na lamang kasi ang kinakalantari mo! Dahil diyan sa kalandian mo, mawawala ang oportunidad ng kompanya na bumangon muli! Nandito na ang pagkakataon Andeng! Malapit na sa kamay natin. Mawawala pa!"

"Eh hindi ko naman alam na gusto niya pala ng virgin na asawa!" ganting sagot ni Andrea sa ama. "Wala na siyang mahahanap na ganoong babae dad! Lahat nang kakilala kong babae hindi na virgin!"

"Tumigil ka!" Sinampal siya nitong muli na ikinasubsob niya sa sahig bago pagapang na lumapit sa ama at yumakap sa isang binti nito. "Huwag mo akong masagot-sagot ng ganyan kung ayaw mong ibalik kita sa probinsiya!"

"Daddy, I'm sorry." humahagulgol na pagmamakaawa nito. "Gagawin ko ang lahat. Hindi naman siguro niya malalaman na hindi na ako virgin. Please, dad. I want your trust in this. Gagawa ako ng plano. Pakakasalan niya pa rin ako, maniwala ka. Please, daddy. Please trust me..."

"Trust?" singhal ng ama sa kanya. "Matagal na akong walang tiwala sa'yo, Andrea. Tumayo ka diyan at ayusin mo ang sarili mo!" 

Dali-dali namang tinulungan ni Daphne ang stepdaughter at pinaupo ito sa sofa bago hinarap si Antonio. "Huwag ka nang magalit sa bata, Anthony. Alam mo namang ineenjoy lang niya ang kabataan niya." malambing na saad nito habang hinaplos-haplos ang dibdib ng asawa sa pagbabakasakaling lumamig ang ulo nito. "Huwag kang mag-alala. Mayroon akong naisip na plano para dito. Trust me on this, Anthony. I know we'll get through this...''

"At ano naman ang plano mong iyan?" tanong ni Anthony na ang mga mata ay puno ng kuryosidad.

Matalino ang kanyang asawa, kaya naman malaki ang tiwala niya dito at alam niyang mapagtatagumpayan nila ang problemang kanilang kinakaharap dahil dito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I am your Legal Wife   Chapter 168

    Pumasok ulit sa school si Nathalie. Napansin niyang hindi na siya masyadong pinagchichismisan ng ibang mga estudyante. Panaka-nakang sinusulyapan siya ng mga ito, pero wala namang sinasabi.Okay na rin ang pakiramdam niya. Pagkatapos niyang makunan, medyo traumatic pa rin ang nangyari, pero unti-unti na siyang nakarecover at maayos na ang pangangatawan niya.,Malapit na ang bakasyon. Ibig sabihin, makakapunta na siya sa Amerika para ibalik ang dati niyang mukha. Iyon ang napag-usapan nila ni Caleb noong nakaraang linggo pagkauwi nila galing sa mga pekeng Mondragon. Mayroon din daw itong sorpresa sa kanya. Sana daw ay huwag siyang mabibigla.Hindi siya excited sa sorpresa nito dahil hindi naman siya mahilig sa mga ganito. Mas excited siyang ibalik ang dati niyang mukha.Nagtataka din siya kung bakit hindi sila ginugulo ni Andrea ngayon. Mula nang manggaling sila sa bahay ng mga ito ay hindi pa ulit niya ito nakikita. Siguro ay nauntog ang ulo nito sa pader at nagising. Napagtantong hin

  • I am your Legal Wife   Chapter 167

    Ang mga pekeng ngiting nakaplaster sa mukha ng mga pekeng Mondragon ay hindi napalis hanggang sa tuluyang mawala sa paningin nila ang mag-asawa. Nang marinig nila ang pag-alis ng sasakyan ng mga ito ay saka lang unti-unting bumalik sa pagiging seryoso ang mga mukha nila.“Bakit parang ang bait mo naman yata sa malanding ‘yun, mommy!” agad na kinumpronta ni Alvin ang kanyang ina. Tahimik lang siyang nakikinig sa mga pinag-uusapan ng mga ito kanina habang naglalaro sa cellphone nito.Hindi sumagot si Daphne. Umupo ito sa sofa na iritable ang mukha. Galit siya. Galit na galit siya dahil sa naging takbo ng mga pangyayari. Hindi niya akalain na sa plano nilang pagpapalit ng mukha ni Natnat ay kanya iyong sinamantala para makuha si Caleb, at pakasalan siya nito.Ang alam lang niyang motibo ng dalaga noong una ay dahil sa pagkamatay ng tatay nito. Pero ngayon, natuklasan nila na buhay pa si Claire at ang tumutulong sa kanya ay ang malanding nanay ni Natnat na si Sandra.Sino ba ang mag-aaka

  • I am your Legal Wife   Chapter 166

    Ipinikit niya ang kanyang mga mata at ngumiti ng makahulugan. Ngunit dagling napawi ang mga ngiti sa kanyang mga labi nang narinig niyang muling bumukas ang pinto. Akala niya ay ang kakambal niya ulit ito kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon para idilat ang mga mata, pero naramdaman niya ang isang mabigat na katawan na pumaibabaw sa kanya. Nagulat siya at idinilat ang mga mata. “Caleb, anong ginagawa mo?” tanong niya sa asawa. Sinusubukan niya itong itulak paalis sa kanya, pero sa sobrang bigat nito ay hindi niya kaya.Nagkatitigan sila at nakita niya ang pait at sakit sa mga mata nito. “Dahil sa pera? Talaga?” nakaismid na tanong nito sa kanya. “Pinakasalan mo ako dahil sa pera?”Nanlaki ang mga mata niya. Narinig nito ang sinabi niya kay Andrea. O baka naman inirecord ni Andrea ang usapan nila at ipinarinig nito ang lahat sa asawa niya.“Goddamit, Nathalie! I am not your fucking pet para ipahiram kay Andrea!” galit na sigaw nito sa mukha niya. Hindi siya nagpakita ng pagkat

  • I am your Legal Wife   Chapter 165

    “Halika na. Kumain na muna tayo.” nagpatiuna na si Tonyo sa paglalakad papunta sa dining room at agad namang sumunod ang asawa nito at si Alvin.Nagsimula na ring maglakad si Nathalie habang hawak siya sa kamay ni Caleb nang biglang sumabay sa kanila si Andrea at ikinawit ang braso nito sa asawa niya.Napahinto bigla si Caleb. “Andrea, please.” mariing saad nito.“What?” parang hindi naman ito naapektuhan sa inasal ni Caleb. “Be a gentleman, Caleb. I’m still your wife’s cousin, baka nakakalimutan mo.”‘She’s actually Caleb’s sister-in-law.’ iyon ang nasa isip ni Nathalie. At hindi naman sa pagiging ungentleman. Alam ng asawa niya na may gusto pa rin sa kanya si Andrea kaya umiiwas lang ito.“Natnat, dito ka na maupo.” halos umikot ang mga mata niya nang makitang ipinaghila pa siya ni Tonyo ng upuan, samantalang si Daphne ay ipinaglagay agad siya ng kanin sa plato.Habang nakatingin sa nakahaing masasarap na pagkain ay hindi maiwasang hindi maisip ni Nathalie ang kanyang ama. Hindi man

  • I am your Legal Wife   Chapter 164

    “Sino siya, Nathalie?” muling tanong ni Caleb.Hindi pa rin niya sinasagot ito.“Ayaw mong sabihin kung sino ang lalaking ‘yun?” mukhang nauubusan na ng pasensiya ang asawa at nababahala siya. Bigla siyang kinabahan. Anong gagawin nito kay Andres?Kinuha nito ang cellphone mula sa ibabaw ng dashboard at nagsimulang magdial ng number. “Ayaw mong sabihin? Fine! I’ll ask David to investigate him.”“Caleb, ano ba!” inagaw niya ang cellphone dito, pero mabilis nito iyong nailayo. “Bakit kailangan mo pa siyang paimbestigahan? Hindi mo na kailangang malaman kung sino siya. Sinabi na niya sa’yo, di ba? Isa siyang kababata.”“At bakit hindi ko siya paiimbestigahan?” sagot nito sabay hagis ulit ng cellphone sa ibabaw ng dashboard. “Mukhang inlove siya sa asawa ko. Pano kung agawin ka niya sa akin? Wala ba akong karapatang malaman kung sino siya? At totoo ba ang sinabi niya na siya ang first love mo?”“Eh ano naman sa’yo?” nakaismid na sagot niya dito. “Bakit ikaw, wala ka bang first love? Wala

  • I am your Legal Wife   Chapter 163

    Para makapag-usap sila ng maayos, dinala ni Andres si Nathalie sa isang restaurant. Habang isineserve ang inorder na pagkain ng binata ay tahimik lamang na nakaupo at palihim niyang tinitigan ang kababata.Nakasuot ito ng white long sleeve polo na nakabukas ang tatlong butones sa itaas. Ang buhok nito na dati ay itim na itim at medyo magulo, at wala nang time magpapogi dahil nga sobrang busy sa trabaho, ngayon ay naka-textured crop at kulay brown na. Kitang-kita ang ma-muscle nitong katawan dahil bata pa ay batak na sa trabaho.Ibang-iba na ang itsura nito na dati na probinsyanong-probinsyano, ngayon ay masasabing laking ibang bansa ito. Mukha na din itong successful dahil sa bihis at magarang kotse nito.“What happened?” may accent na rin pati ang pagsasalita ni Andres. Napayuko si Nathalie nang marealized niya na kanina pa nakatitig sa kanya ang kababata. Ang tinutukoy siguro nito ay kung bakit pareho na sila ng mukha ni Andeng.“Mahabang kuwento, Andres.” sagot niya kasabay ng isan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status