Share

KABANATA 4

CARINA CHERYL'S POV

MATAPOS ng mainit naming sagutan ay umalis ako sa opisina niya na tanging wallet ang dala, tutal lunch break na din naman, kakain nalang ako sa canteen ng building. Nakahinga lang ako ng maluwag ng tahimik akong makasakay sa elevator.

Pagkarating sa canteen ay mga mangilan-ngilang empleyado ang bumati sa akin na nginitian ko na lang. Wala ako sa mood para makipag-usap. 

"Ate, isang rice nga po tsaka isang adobo." Saad ko sa tindera sa canteen. Madali lang naman niya itong ibinigay sa akin kaya naglakad na ako pagkatapos kong ibigay yung bayad. Buti na lang may isang bakanteng mesa pa sa may bandang gitna.

Nang makaupo ay sinimulan ko na agad ang pagkain upang makabalik agad sa trabaho, kailangan kong tapusin agad ang mga kailangan kong gawin para makauwi ako agad. 

"Miss, can I sit here?" Saad ng lalaking nagpaalam pang makikiupo sa bakanteng upuan gayong nakaupo na siya.

"Nakaupo ka na, may magagawa pa ba ako?" Singhal ko at ibinalik ng muli ang atensyon sa pagkain.

"Ang sungit mo naman. By the way, I'm Bryan, from the accounting department." He offers his hand na tinitigan ko lang. 

"Look, Mr. I don't care who you are, so please spare me." Walang ganang sabi ko.

"Are you on your period?" Sabi pa nito na tuluyang nagpaubos ng pasensya ko. I'm not in the mood. Magsasalita na sana ako upang singhalan siya ng may nauna ng nagsalita sa likod ko.

"Leave her alone Mr. Monteverde." Mariing sabi ng isang pamilyar na boses, bakas dito ang pagbabanta, unti-unti ko itong tiningala at nakita ko ang nag-aalab na tingin ni Radcliff sa lalaking nagngangalang Bryan Monteverde.

"Y-yes Sir, I'm sorry Miss." Paumanhin nito at takot na kinuha ang kanyang pagkain bago kami talikuran. 

Ipinagpatuloy ko na lang muli ang aking pagkain dahil biglang nagbago ang ambiance ng canteen, mas lalo itong tumahimik na tila ba takot gumawa ng kahit na anong ingay.

"Come with me." Nag-uutos na sabi ng lalaking akala ko ay umalis na kanina pa.

"Why would I?" 

"Cheryl, I won't repeat myself. Alam mo ang kaya kong gawin sa tuwing nauubos ang pasensya ko." Gigil na sagot nito na nakapagpatigil sa akin.

"Who are you to control me? I am just your secretary, not your property." Mariin ko ding saad at tumayo, iniwan ko na ang natitira ko pa sanang pagkain. Nawalan na ako ng gana. 

Mabilis ko siyang nilagpasan at nagtungo sa exit door. Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay nahigit na nito ang aking braso. Hinila ako nito patungo sa parking lot at sapilitang pinapasok sa kotse niya sa backseat.

"Pwede ba tigilan mo na ako? Kasi nakakapagod na! Nakakapagod ka na." Pahina ng pahina na sabi ko habang siya ay nanatiling nakatitig sa mga mata ko.

"Pinakawalan na kita noon, hindi ko na hahayaan pang maulit yun." Radcliff said while holding my cheek.

"Pinakawalan mo na ako noon, kaya hindi ko hahayaang makapasok ka ulit sa buhay ko ngayon." Balik na saad ko.

"Can you please hear me out? I'll explain to you everything." Nakikiusap ang tono nito, nanatili akong tahimik.

Siguro ito na ang oras para pakinggan ang paliwanag niya.

"I love you so much Cheryl, to the point na handa akong isuko ang kaligayahan ko para sa kaligtasan mo, na handa akong isuko ka dahil ikaw ang kaligayahan ko. Ikaw ang lakas ko Cheryl, pero ikaw din ang dahilan para manghina ako." Nakita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.

"Hindi ko gustong iwan ka, hindi ko gustong mawala ka, at lalong ayokong mawalay ka sa akin, pero wala akong magawa, mayaman ako, kaya kong protektahan ka, pero hindi pagdating sa pamilya nina Hazel. Mayaman lang ako, mapanganib sila. Ginawa ko lahat ng makakaya ko maprotektahan ka habang nasa piling kita, pero sa bawat araw na dumadaan mas lalo lang nanganganib ang buhay mo, na sa tuwing pagmulat ko ng mata, natatakot na akong wala ka na sa tabi ko. Hindi ko gustong sumama kay Hazel, pero yun lang ang tanging paraan para hindi nila kunin ang buhay mo. Sa limang taon na wala ka sa tabi ko, palagi kang hinahanap ng puso ko. Kaya kahit mahirap makaalis sa pamilya ni Hazel kinaya ko, gumawa ako ng paraan kasi ikaw yung gusto kong makasama eh, ikaw." Huminto ito sa pagsasalita at bahagyang tumingala upang mapigilan ang pagpatak ng kanyang luha. 

Ngunit hindi ito napigil sapagkat naguunahang nagbagsakan ang butil ng luha sa magkabila nitong mata. Sumandal ito sa balikat ko upang maitago ang mukha, hinayaan ko na lang iyon.

"Ayoko sanang iwan ka eh, kaso nung magagawan ko na ng paraan, pati pamilya mo pinagbantaan, kaya napilitan akong sumama sa kanya. Hanggang sa lumipas ang taon at tuluyang binawian ng buhay ang ama ni Hazel, nawalan ng lakas ang buong angkan nila at yun ang naging pagkakataon ko upang makalaya sa kanila. Inaasahan ko na pagbalik ko ay kinamumuhian mo ako, pilit kong inihanda ang sarili ko, pero ngayong nararanasan ko na ang pagkamuhing nararamdaman mo, parang unti-unti akong dinudurog kahit na noon pa man ayy durog na durog na ako,"

"Mahal kita, at yun ang hindi nagbago." Huling saad niya bago ko maramdaman ang dahan-dahan nitong pagyakap sa bewang ko. Nagtagal iyon ng limang minuto bago ko kinalas ang pagyakap niya.

"I-i have to go." Pinilit kong hindi mautal ngunit nabigo ako. Dali-dali kong binuksan ang pinto ng kotse at tumakbo papunta sa kinaroroonan ng sasakyan ko, buti na lang at nasa mini pocket ng blusa ko ang susi. 

Mabilis ko itong pinaharurot papunta sa lugar na naging saksi ng pagtumba ko, sa lugar kung saan ko nilabas lahat ng hinanakit ko.

Nang makarating doon ay agad akong naupo sa dulo, at sumilip sa bangin sa ibaba nito, hanggang sa unti-unting bumalik sa utak ko ang mga ala-ala magmula ng makilala ko ang lalaking mahal ko. Ang lalaking nagpabago ng buhay ko, ang lalaking naging dahilan para sumaya ako, at ang lalaking naging dahilan para maramdaman ko ang lungkot na labis na pumatay sa pagkatao ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status