Home / Romance / I'm Crazy For You / I'm Crazy For You Chapter 125

Share

I'm Crazy For You Chapter 125

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2025-02-24 22:51:01

Napalunok si Jal. Alam niyang nasasaktan si Cherry—pero alam din niyang hindi siya puwedeng sumuko.

“Cherry…”

"Huwag mo akong tawagin sa pangalan ko na parang wala lang nangyari!" Tumaas ang boses ni Cherry, nanggigigil na. "Jal, gusto kitang paniwalaan, gusto kong ipaglaban ka—pero paano kung ang dapat kong ipaglaban ay ang sarili ko na?"

Natahimik ang lahat. Pati ang kalmadong si Prescilla ay hindi makapagsalita.

"Paano kung ako na ang talo sa laban na ito, Jal?" Kumakawala na ang luha sa mga mata ni Cherry. "Paano kung napagod na akong umasa na sa huli, ako pa rin ang pipiliin mo?"

Hindi niya na hinintay ang sagot ni Jal. Tumalikod siya at tuluyang lumayo.

At sa pagkakataong iyon, hindi na siya nilingon ni Jal.

At si Prescilla?

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya, bago niya marahang ibinulong sa sarili—

"At sa huli, ako ang natira."

Palabas sa VIP room si Cherry na umiiyak at nakita ito ni Marites na kakabreak lang sa trabaho.

"Cherry! Anong nangyari?!" Napaatras
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy for you Chapter 325

    Pagkalipas ng ilang linggo, nagkaroon ng desisyon ang korte tungkol sa paghahati ng kanilang mga ari-arian. Ang buong proseso ay puno ng tensyon at emosyon, ngunit sa kabila ng lahat ng ito, isang bagay ang malinaw,ang pagkatalo ng kanilang relasyon ay hindi nagtakda ng hangganan para sa kanilang pagiging magulang. Si Jal, bagamat nahulog ang lahat ng iniwasan nilang alitan, ay nagpakita ng malasakit kay Prescilla, lalo na para kay Miguel."Nais ko na mapanatili ang mga bagay na magpapagaan sa kanya, Prescilla," sabi ni Jal sa isang pag-uusap nila pagkatapos ng desisyon ng korte. "Ito na lang ang magagawa ko para kay Miguel."Hindi na kayang itago ni Prescilla ang bigat sa kanyang puso, ngunit pinili niyang magpatawad. Ang tahanan na siyang nagsilbing simbolo ng kanilang pag-ibig ay tinanggap na niya bilang isang bahagi ng bagong simula—ang bahay na siya na lang ang matitirhan kasama ang anak nilang si Miguel."Salamat, Jal," wika ni Prescilla nang matanggap ang pag-aalok niyang ibiga

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy for you Chapter 324

    “Magiging okay din tayo, Jal. Sa huli, magiging magulang pa rin tayo ni Miguel. Siguro ito na ang tamang panahon. Hindi natin kayang itulak ang sarili natin sa isang relasyon na nasira na.” Sagot ni Prescilla, ang tinig ay malalim, ngunit puno ng pagtanggap sa kanyang mga pagkatalo.Si Jal, nang makita ang tapang ni Prescilla, ay hindi nakasagot, ngunit nagpatuloy pa rin silang maglakad. Sa huli, ang kanilang paglalakad ay nagsilbing simbolo ng bagong simula—ng bagong buhay na puno ng respeto, ngunit nawala na ang pagmamahal bilang mag-asawa. “Wala na, Jal,” ang kanyang isipan ay paulit-ulit na bumangon, sinasabi sa kanya na ang lahat ng pagsubok, ang mga saloobin at ang mga araw ng pagsisisi ay nagbunga na ng isang desisyon na hindi na maaaring bawiin. Ang pagmamahal nilang dalawa ay naglaho sa oras ng pagkatalo, ngunit ang kanilang pagiging magulang kay Miguel ay isang bagay na hindi mawawala.Si Jal, na patuloy na naglalakad sa tabi ni Prescilla, ay hindi nakapagbigay ng sagot. An

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy for you Chapter 323

    Tahimik silang naglalakad, ang bawat hakbang nila ay parang isang daang taon ng sakit na hindi matanggal-tanggal. Si Prescilla, ang mga mata’y naglalakbay sa malalayong tanawin, ang bawat hakbang na tinatahak ay puno ng hindi makatarungang pasakit. Si Jal, sa tabi niya, ay gumagapang sa sarili niyang mundo, ang puso’y puno ng mga tanong at pagsisisi, ngunit walang lakas upang itama ang mga pagkakamali."Prescilla..." Ang boses ni Jal ay humaplos sa kanyang tainga, puno ng bigat, isang boses na hindi na kayang magtago ng takot. "Hindi ko alam kung paano tayo napunta dito. Sa lahat ng mga buwan, sa lahat ng hirap, siguro... siguro iniwasan na lang natin ito."Tumingin si Prescilla kay Jal, ang kanyang mata ay tila sumasalamin sa lahat ng paghihirap na kanilang dinaanan. "Ang alam ko, Jal," sabi niya nang mahinahon, ang tinig ay malalim at matatag, "hindi ko na kayang maging bahagi ng isang relasyon na wala nang tiwala. Hindi ko kayang itulak ang sarili ko sa isang buhay na puro away, si

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy for you Chapter 322

    Tumango si Prescilla, hindi na kayang magpaliwanag pa. Alam niyang, sa kabila ng lahat ng paghihirap na pinagdaanan nila, may mga bagay na kailangan nilang tanggapin at pakawalan.Ang pirma sa dokumento ay naging isang simbolo ng kanilang pagkatalo pero sa kabila ng lahat, isang hakbang patungo sa kalayaan. Ang huling pamamaalam.Pagkatapos nilang mag-sign ng mga dokumento, tumayo ang abogado at naglakad patungo sa kanilang harapan. Si Atty. Rivera, isang kalmado at mahinahong tao, ay tumingin sa kanila ng may malasakit. Ang mga mata niya ay naglalaman ng pag-unawa sa matinding emosyon na kanilang dinadanas, ngunit alam niyang kailangan niyang magbigay gabay sa kanila sa huling hakbang na ito.“Prescilla, Jal,” nagsimula si Atty. Rivera, ang boses ay puno ng kabigatan. “Ang annulment ay isang legal na proseso na hindi madali. Ngunit ang hakbang na ito, kahit gaano kasakit, ay may layuning makapagbigay sa inyo ng bagong pagkakataon na magpatuloy sa inyong buhay. Ipinapakita nito na, ba

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy for you Chapter 321

    Kinabukasan, maagang nagtipon sina Jal at Prescilla sa harap ng office ng kanilang abogado. Ang araw na iyon ay tila isang mabigat na hakbang para sa kanila, isang hakbang na magbibigay ng wakas sa isang kabanata ng kanilang buhay na puno ng pagmamahalan, sakit, at mga pangarap na unti-unting nauurong.Habang papalapit sila sa pintuan ng opisina, hindi maiwasan ni Prescilla ang mag-isip. Ang bawat hakbang na nilalakad nila ay tila nagdadala ng kabigatan, at sa bawat paghinga, nararamdaman niyang ang mundo nila ay tila nagiging mas makitid at puno ng pasakit. Ngunit, sa kabila ng lahat ng iyon, naroroon siya—para sa anak nilang si Miguel, at para sa kanyang sariling kapayapaan.Si Jal naman ay tahimik sa tabi ni Prescilla. Ang mga mata niya ay puno ng pagsisisi at hindi malirip na kalungkutan. Alam niyang hindi na nila kayang ibalik ang lahat. Ang pagkakalayo nilang dalawa ay tila isang sugat na hindi na kayang pagalingin pa. Nais sana niyang itama ang mga pagkakamali, ngunit alam niya

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy for you Chapter 320

    “Ipapa-file ko na ang annulment, Jal. Kung ikaw ang pipiliin mo, ipagpapatawad kita. Pero ako, maghahanap ako ng sarili ko. Hindi ko na kayang maging bahagi ng isang kasaysayan na puro sakit.”“Prescilla…” mahinang tawag ni Jal, ang tinig niya puno ng kalituhan. “Kung ganito na lang, hindi ba’t mali? Hindi ba’t may pagkakataon pa?”Sumandali, napagmasdan ni Prescilla ang mga mata ni Jal—puno ng pangungulila, ng takot na mawala siya. Ngunit hindi na ito ang dahilan para siya magbago ng isip. Iba na ang lahat. Ang kanyang puso ay naglalakad na sa sariling landas, isang landas na wala nang pagsasama sa sakit at pagdududa.“Oo, sigurado na ako,” sagot ni Prescilla nang tahimik, ngunit matatag. Ang mga salitang iyon, para bang kinuha mula sa isang pusong halos naubos na sa lahat ng pagsubok at hindi pagkakaintindihan.Naglakad siya palayo, iniwasan ang mga mata ni Jal. Ngunit bago siya makarating sa pintuan, naramdaman niyang humakbang siya pabalik, patungo kay Jal, na ngayon ay tila napak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status