/ Romance / I'm Crazy For You / I'm Crazy for you Chapter 277

공유

I'm Crazy for you Chapter 277

작가: MIKS DELOSO
last update 최신 업데이트: 2025-06-19 20:24:39

Umiling si Gemma. “Hindi ka tanga, anak. Isa kang ina na minsang nagmahal ng buo. Hindi mo kailangang ikahiya ‘yon.”

“Pero Ma, masakit eh. Hindi ako galit kay Miguel. Hindi rin ako galit kay Prescilla. Galit ako sa sarili ko… kasi hindi ko siya kayang kalimutan. Mahal ko siya pero hindi ko siya pwedeng ipaglaban.”

“Anak…” Lumapit si Gemma at niyakap si Cherry. “Hindi mo kailangang ipaglaban kung hindi ka naman pinipili. Pero hindi ibig sabihin noon ay kailangan mong kalimutan ang pagmamahal. Ang mahalaga, hindi mo pinipilit ang sarili mong sumira.”

“Ma, mahal ko siya… pero mas mahal ko ang mga anak ko. Kaya kahit pira-piraso ako, pipiliin ko pa ring lumayo kung ‘yon ang tama para sa kanila.”

Tumango si Gemma.

"At doon, anak, nando’n ang tunay mong tapang. Hindi sa pagkalimot. Kundi sa pagtanggap. Sa pagpili ng tama kahit masakit."

Napayuko si Cherry. Hawak pa rin niya ang malamig na tasa ng kape pero tila ang bigat ng kanyang damdamin ang mas mabigat kaysa sa tasa. Ang kanyang tinig a
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy for you Chapter 284

    Muling tumingin si Madam Luisa sa kanyang anak-anakan.“Prescilla,” ani niya, mas mahina ngayon ang tinig. “Hindi mo kailangang maging perpekto para matawag na ina. Pero kailanman, hindi rin mapapatawad ng pagkakataon ang sinadyang pananakit lalo na sa inosente. Si Mike ay bata. Hindi mo siya kaaway. Hindi mo siya pagsasalitaan ng ganon, lalo na’t alam mong si Jal ang ama niya.”Napaluha si Prescilla. Nanginginig ang boses nang magsalita. “Wala akong balak saktan siya... hindi ko... hindi ko naisip…”“’Yun na nga ang problema,” sagot ni Madam Luisa. “Hindi ka nag-isip. Nagpadala ka sa selos. Sa galit. Sa takot na baka hanggang ngayon, hindi pa rin ikaw ang mahal.”Tahimik si Jal. Bagamat hindi niya gustong marinig ‘yon, alam niyang totoo.Lumapit siya kay Prescilla at dahan-dahang naupo sa tabi nito.“Hindi ito tungkol sa kung sino ang mahal ko noon. Hindi rin ito dapat labanan ng mga bata,” mahinang sabi ni Jal. “Pero Prescilla, kung hindi mo kayang tanggapin ang mga anak ko, mas mab

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy for you Chapter 283

    Sa labas ng bintana, tahimik ang gabi. Walang ulan, walang hangin. Pero sa loob ng bahay, may nanay at anak na magkaakbay sa gitna ng katahimikan, habang pinipilit buuin ang kanilang lakas—para sa tatlong batang natutulog sa kabilang kwarto, walang kaalam-alam na may pusong ginigiba’t binubuo ng paulit-ulit, para lamang sila’y mapanatiling buo.At sa gabing iyon, bago muling huminga ng malalim si Cherry, bumulong siya sa kanyang sarili.“Para sa kanila… pipiliin ko ulit. Araw-araw. Hangga’t kaya ko.”Sa Mansion ng mga Pereno – Gabing Puno ng Sigawan at LuhaMainit ang ihip ng hangin sa labas ng mansyon, pero mas mainit ang sigawan sa loob.Sa loob ng sala, galit na galit si Jal habang pabalik-balik na naglalakad. Si Prescilla naman ay nakatayo sa tapat niya, nanginginig ang katawan—hindi sa takot, kundi sa galit na matagal nang kinikimkim.“Ano bang iniisip mo, ha, Prescilla?” singhal ni Jal, halos sumabog na ang tinig. “Bata si Mike! Nadapa si Miguel dahil naglaro sila, hindi dahil s

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy for you Chapter 282

    Tahimik ang buong bahay. Ang tanging maririnig ay ang mahinang ugong ng bentilador at ang impit na paghikbi mula sa kwarto ng mga bata. Sa silid ni Cherry, nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak pa rin ang maliit na laruan ni Mikee na naiwan sa bag.Dahan-dahang bumukas ang pinto. Pumasok si Gemma, ang kanyang ina, bitbit ang isang tasa ng maligamgam na gatas. May bakas ng pag-aalala sa mukha nito—hindi lamang bilang lola, kundi bilang isang inang nasasaktan para sa anak niyang sugatan."Anak..." mahinang tawag ni Gemma, inilapag ang tasa sa lamesita. "Natutulog na sila."Tumango lang si Cherry, hindi tumingin. Hindi siya umiiyak, pero namumugto na ang kanyang mga mata, at halata ang bigat ng kalooban niya sa bawat buntong-hininga.Umupo si Gemma sa tabi niya. Ilang sandali silang hindi nagsalita. Sa pagitan nila, naroon ang katahimikan—ang uri ng katahimikang mas mabigat pa sa anumang sigawan."Ayaw ko na silang ipahiram, Ma..." bulong ni Cherry, halos hindi marinig.Napatingin si Gemm

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy for you Chapter 281

    “Hindi mo kailangang maging sapat, Prescilla. Kasi sapat ka. Pero hindi mo rin kailangang saktan ang ibang tao para mapatunayan ‘yon.”“Ayaw ko na ng weekend na ‘to,” bulalas ni Mikaela. Umiiyak na siya. “Gusto ko na lang kay Mommy…”“Mikee…” bulong ni Mike, “Ako kasi…”“Hindi mo kasalanan,” bulong ni Mikee, yakap siya.Pigil ang hinga ni Jal. Tumalikod siya kay Prescilla. “Kailangan nating mag-usap—pero hindi ganito. Hindi sa ganitong sitwasyon.”“Ano na naman, Jal?” mahinang sabi ni Prescilla. “Tatakas ka na naman? Iiwas ka na naman?”“Hindi ako tumatakas,” mariing sagot ni Jal. “Pero hindi ko hahayaang madamay ang mga bata sa init ng ulo natin.”Marahan niyang hinawakan ang kamay ng mga anak. “Halika na, mga anak. Uuwi na tayo.”“Ayaw mo talaga ako piliin, ‘no?” bulong ni Prescilla habang tinatanaw ang paalis na mag-aama. “Kahit anong gawin ko, siya pa rin…”Hindi na lumingon si Jal. Hindi na siya nagsalita.At ang katahimikan ng sala, napuno ng hindi mabigkas na tanong—hanggang ka

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy for you Chapter 280

    Sa sumunod na weekend, ganoon ulit.Tahimik ang paghahanda. Mabigat ang pamamaalam. Pero mas buo na ang tinig ni Cherry.“Mag-iingat kayo ha? At kung may hindi kayo komportable, sabihin n’yo kay Daddy n’yo. Lagi kong pinapakinggan ang puso niyo, kahit wala ako sa tabi n’yo.”Nagyakap silang magkakapatid bago sumakay sa kotse ni Jal.“Bye, Mommy. I love you!”“I love you too. Magpakabait. Mommy is just here.”Si Mikee ang unang lumapit, bitbit ang isang stuffed toy.“Mommy, ‘di ba puwede ka sumama?”Umiling si Cherry. “Hindi muna ngayon, anak. Mas okay kung kayo lang muna ng Daddy niyo.”“Pero ‘di ba si Tita Prescilla nando’n?” tanong ni Mike.“Basta magpakabait kayo. Kung may nangyari na hindi niyo gusto, sabihin n’yo agad kay Daddy. O i-message si Mommy.”“Okay po,” mahina nilang tugon.Pagdating ni Jal sa labas, tahimik lang siyang bumusina. Walang dating ngiti ni Cherry. Walang matagal na titigan. Tanging tungkulin na lang.Bago pumasok sa kotse ang mga bata, lumuhod si Cherry sa h

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy for you Chapter 279

    Sa likod ng tahimik na pagtanggap, sa gitna ng hindi pagkakasundo, at sa ilalim ng araw tuwing Sabado at Linggo—may isang ina na handang magsakripisyo para manatiling buo ang mundo ng kanyang mga anak.Kahit siya mismo, araw-araw, unti-unting binubuo ang sarili niyang nawawasak.At ngayon, araw ng Sabado. Tumilaok ang manok sa labas. Habang ang araw ay unti-unting sumisilip sa bintana, bumangon na si Cherry para ihanda ang mga bata. Habang inaayos niya ang uniporme nina Mikee, Mike, at Mikaela, may kirot sa puso niya na hindi niya pinapansin. Tila isang panghabang-buhay na pagpapaalam ang bawat weekend na kasama sila ni Jal ngunit wala siya.“Mommy, susunduin po ba kami ulit ni Daddy ngayon?” tanong ni Mikaela habang nilalagyan ni Cherry ng clip ang buhok.“Oo, anak. Tulad ng dati,” sagot ni Cherry, pilit ang ngiti. “Weekend ngayon, di ba? Time niyo ‘yan with Daddy.”“Eh ikaw, Mommy? Hindi ka na naman po sasama?” tanong naman ni Mikee, habang naglalagay ng rubber shoes.Umiling si Che

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status