Share

Kabanata (3)

Ehdrey’s Point of View

“Babe, please, ‘wag ngayon.” Hinawi ko si Zyren nang bumababa na ang mga paghalik niya sa akin.

“F* Babe!” Bigla niyang sigaw na siya kong kinagulat. Takot na takot akong napabangon habang nakatitig sa kanya. Napamura na kasi siya at first time niya lang gawin sa akin ‘yon ngayon.

“Babe, kasi masama ang pakiramdam ko.“ Mahinahon kong sabi.

“Ayan naman palagi ang idinadahilan mo 'di ba?!” Sa tono palang niya ramdam kong magkakagalit ulit kami kahit kababati lang namin kanina pero kasi tinatamad ako ngayon. Parang wala ako sa mood gawin 'yung kagustuhan niya. Parang gusto ko nalang matulog at magpahinga.

"Babe, intindihin mo naman sana ak—"

“Palagi naman 'di ba?! Babe, tell me, kanino ko ba dapat ginagawa ‘to? ‘Di ba sa ‘yo lang? Because you are my wife and this is your responsibility to me as your husband!” Nakayuko lang ako at tumatango habang nagagalit siya. “Kaya nga kita pinakasalan at pinili para rito!” Dugsong pa niya pero hindi ko nagustuhan iyong huli niyang sinabi. Napasimangot agad ako.

“Ah, pinakasalan mo ako dahil lang dito?” Nainis ako bigla. Hindi na ako nakapagpigil pa kahit ayoko na sana na mag-away kaming dalawa. “Parausan n’yo lang kaming mga babae para riyan sa kasiyahan n’yo ha! Sagutin mo ako, Babe!”

Biglang naging mahinahon ang itsura niya. “H-Hindi ‘yun ang ibig kong sabihin, Babe.”

Ako na ngayon ang nagagalit sa kanya. “Ah, talaga? Anong ibig mong sabihin do’n sa sinabi mo? Magpaliwanag ka!”

Nairita siya sa pagsigaw ko kaya napasimangot ulit siya. “Babe, pag-aawayan na naman ba natin ‘to? Tch!” Napalalim siya ng hininga. Hindi ako sumagot dahil naiinis pa rin ako sa kanya. “K. Fine. Magpapalamig muna ako riyan sa labas. Babalik din ako.” Sabay labas niya kaya naiwanan ako ritong mag-isa.

Isinubsob ko na lang ang mukha ko sa unan at dito ako napaluha. Minsan talaga kahit mababaw na bagay ay pinag-aawayan naming dalawa. Kung sabagay, hindi rin naman niya kasi naiintindihan ang sitwasyon ko ngayon na minsan, moody ako or sensitive o kaya naman ay mabigat ang pakiramdam ko. Sa tuwing isusurprise ko kasi siya at sasabihin ko sa kanyang buntis ako at magkakaanak na kaming dalawa, may tampuhan kami o 'di naman kaya may sakit ako. Humahanap pa kasi ako ng magandang tyempo dahil gusto ko hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na 'yon kapag nalaman niyang magiging isang ama na siya.

*****

Darren's Point of View

Nakangiti akong lumabas ng kuwarto namin ni Sophia rito sa bahay nina Ozu. Masaya ako kasi nagkabati na ulit kaming dalawa. Nagkaintindihan kami sa mga dapat naming gawin as a couple. Papunta ako ngayon sa kusina para ipagtimpla siya ng gatas kasi isa iyon sa mga pampatulog niya kaya ipagtitimpla ko siya.

Pero nagulat ako nang matanaw ko si Zyren dito sa kusina. Nasa dining table siya at mag-isang umiinom. “Ano na naman ang problema niya?” Sambit ko.

Tuluyan ko siyang nilapitan. “Dre,” Tinabihan ko siya. “Anong problema? Bakit umiinom ka ulit?”

Tumagay muna siya. “Ayon, nag-away ulit kami ni Ehdrey.” Hayag niya.

Napailing naman ako. “Bakit madalas yata kayong nag-aaway?”

“Ayaw niyang magpa—hindi ko alam kung bakit.”

“What? As in ‘yung—“ Sumesenyas ako.

“Oo ‘yun nga.” Nagshot pa ulit siya.

“Pero bakit? Naalala ko tuloy sina Ozu at Crystal. Ayan din 'yung naging problema nila dati, remember?”

“Pero iba naman ‘yung sitwasyon namin ngayon sa kanila, dre. Ewan ko ba sa mga babae, hindi mo minsan maintindihan.” Napapailing siya.

“Dre, gano’n naman talaga ang mga babae. Kadalasan mainit ang ulo nila pero wala tayong magagawa kundi ang intindihin sila. Pag-usapan n’yo ‘yan ni Ehdrey, ‘wag mong solohin baka matulad ka sa akin. Hindi mo malulutas 'yan ng mag-isa.”

“Siguro magkabati na kayo ni Sophia kaya ka ganyan." Nginitian ko na lang siya. "Nga pala, buti napipigilan mo ‘yung—wala pa ba talagang nangyayari sa inyong dalawa ni Sophia?”

Napatayo ako dahil sa itinanong niyang ‘yon. Nag-umpisa na akong timplahan ng gatas si Sophia. Umiling ako sa kanya. “Dre, ginagalang ko si Sophia. Gagawin ko lang sa kanya ‘yon kung may permiso niya. Saka hindi pa naman daw kami kasal kaya heto, tiis lang muna.”

“E, ano kung hindi pa kayo kasal? Kailangan pa ba ‘yon sa panahon ngayon? Darren, hindi ka rin makakapagpigil isang araw—tandaan mo ‘yan.”

Napangisi ako. “Kaya ko pa, dre.”

“Bakit kasi ayaw mo pang pakasalan?” Natahimik ako sa sinabi niya. Tinimpla ko ng mabuti iyong gatas.

“Darating din ako riyan.” Matipid kong sagot.

“Pero hanggang kailan? Paano kayo makakabuo ng pamilya niyan kung hindi mo naman ginagawan ‘yan ng moves? Nahuhuli na tayo sa mga king, dre.”

“Parang ikaw nakabuo na, ah?” Kantsaw ko.

Napangisi siya “Alam mong gustong-gusto ko ng magkaanak ‘di ba? Kaya nga lagi akong nakamoves pero damn! Ayaw niyang magpagalaw.” Sabay iling niya. “Ewan ko ba sa asawa ko ginagawa ko naman ang lahat.” Pahabol pa niya.

“Dre, pag-usapan n’yo nalang ‘yan ni Ehdrey. Sabihan mo siya, para naman maliwanagan siya na kailangan n’yo ‘yan. Nga pala, kita nalang tayo bukas. Hinihintay pa kasi ako ni Sophia sa kuwarto namin.” Tinapik ko nalang siya sa balikat.

“Sige. Uubusin ko nalang naman na ‘to, papasok na rin ako sa kuwarto namin.”

Hindi na ako sumagot, basta tinapik ko nalang siya at tuluyan na akong umalis do’n. Pagbalik ko sa kuwarto nakatulog na pala si Sophia kaya pinagmasdan ko nalang siya. No choice ako kundi ako nalang ang iinom ng gatas.

*****

Kinabukasan, nandito kaming lahat sa kitchen, nakapalibot sa isang malaking lamesa at kumakain ng breakfast except lang kina Zyren at Ehdrey.

“Bakit ang aga yata umalis nung dalawa?” Tanong ni Ozu. Sina Ehdrey at Zyren ang tinutukoy niya.

“Nag-away sila. Nakakuwentuhan ko si Zyren kagabi.” Hayag ko.

“Parang madalas na silang nag-aaway. Makakasama kay Bestie ‘yon lalo na at nagdadalang tao siya—“ Napahinto si Jamie sa sinasabi niya at mabilis niyang tinakpan ang bibig niya.

“Bestie,” Suway naman ni Sophia sa kanya. Nagkatinginan silang tatlo nina Crystal.

“Anong ibig mong sabihin do’n, Hon?” Tanong naman ni Ezikiel kay Jamie. Natigil kami sa pagkain lahat.

“Wala na tayong maitatago. Sabihin na natin sa kanila.” Suhesyon ni Crystal.

“Si Ehdrey, two months na siyang buntis.” Hayag ni Sophia.

“You mean nakabuo na si Zyren?” Pagkaklaro ko.

“Oo beb, pero quite lang kayo kasi gusto ni Ehdrey na siya ang magsabi no’n kay Zyren. Gusto niyang i-surprise si Zy pero sa tuwing magtatapat siya, nagkakataon naman na may tampuhan silang dalawa.”

“Woah! Good news ‘yon para sa kanya.” Bigkas ni Ozu. Tuwang tuwa kaming mga King para kay Zyren.

“Tignan mo nga naman, nagda-drama ‘yon kagabi hindi niya alam na natupad na pala ‘yung hinihiling niya.” Umiiling na sabi ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status