Share

I'm Destined with The Chick Magnet King (Book 1)
I'm Destined with The Chick Magnet King (Book 1)
Author: MsjovjovdPanda

Kabanata (1)

Sophia's Point of View

Halos mapaluha ako ngayon dahil sa nakikita kong kapaligiran. Punong-puno kasi ng mga bulaklak itong loob ng simbahan. May hawak din akong wedding bouquet habang nakasuot ng wedding gown. Feel na feel ko ngayon ang paglalakad sa aisle. Bawat segundo dinadama ko.

Sa tuwing mapapasulyap naman ako sa mga bisita namin napapangiti ako, pero sila naluluha, 'yung iba naman tuwang-tuwa.

Malapit na ako ngayon sa pinakaunahan nitong simbahan kung saan nandon ang pari at sa wakas, ang lalaking matagal ko nang gustong makaisang dibdib na si Darren Min—na kilala bilang isang chick magnet king. Napakaguwapo niya ngayon. Lahat ng suot niya ay kulay puti. Hindi ko maiwasang hindi kiligin lalo na at mahahagkan ko na siya mamaya at malapit na kaming maging isa.

Finally, 'yung pinakamatagal ko nang inaasam-asam na mangyari ito na talaga. Matutupad na.

"Yes, I do—" Biglang napamulat ang mga mata ko at maputol ang sasabihin ko nang matagpuan ko ang sarili kong nananaginip lang pala ako at tumutulis ang nguso ko.

Agad akong napabangon sabay buntong hininga. "Sa panaginip na lang ba talaga palagi mangyayari 'yon?" Tanong ko sa sarili ko.

Pagtingin ko sa tabi ko, wala pala rito si Darren sa kama. Hindi na naman siya umuwi, magdamag na naman siguro siya sa trabaho niya. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nakaramdam ng pagkalungkot. Namimiss ko lang din siguro kasi kung ano kami dati hindi tulad ngayon, masasabi kong may nag-iba.

Oo live-in partner kaming dalawa, dalawang taon na simula nang magsama kami sa iisang bahay—dito sa bahay niya, kasama ng pamilya ko. Oo kasama ang pamilya ko at siya ang may gusto no'n.

Nagkakilala kami dahil sa best friend kong si Crystal, na naging asawa ni Ozu. Isa sa miyembro ng mga king si Darren na kinabibilangan nina Ozu Kang, Ezikiel Tan, Zyren Do at SIYA. Mayayaman lahat sila. Pang apat sa mga king si Darren. Isang dakilang Chick Magnet na nainlove sa akin nung magtransform ako from nerd to model. Ako dati si Balat, pero ngayon si Sophia Zamora na.

Pero minsan hindi ko maiwasang hindi tanungin ang sarili ko. Talaga bang gusto niya akong maging future wife niya? Kasi naman, sa aming magkakaibigan kami nalang ang hindi kinakasal at kami nalang ang hindi nagkakaanak.

*****

Napabuntong hininga na naman ulit ako. Break time ko ngayon at nandito ako sa trabaho ko. Mas pinili kong mapag-isa at umupo rito sa bench kaysa sumamang kumain kasama ng mga katrabaho ko. Gusto ko lang mapag-isa at makapag-isip-isip. Hindi ko lang kasi maiwasang hindi maisip si Darren palagi. Para kasing may itinatago siya sa akin. Kung magtatanong naman ako sa kanya iibahin niya lang ang usapan kaya mas pinili ko nalang na manahimik.

Tumikhim ako ng dala kong hot chocolate drink. Muli akong napatingin sa kawalan at napabuntong hininga na lang ulit ako.

"Bestie!"

Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Ehdrey, ang asawa ni Zyren. Mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan ko kaya nagbeso kami at nagkangitian. Masaya ako na makita ulit siya rito sa Shining Company. Buhat kasi nang mapangasawa niya si Zyren hindi na siya nito pinatrabaho.

"Mabuti naman at napabisita ka?" Masaya kong turan. Magkahawak kamay pa kami.

"Naboboring na rin kasi ako sa bahay, e. Wala naman akong ginagawa kaya naisip kong bisitahin ka rito. Miss na miss na kita!" Nagyakapan kaming dalawa. "Na miss ko rin itong Shining Company." Pinagmamasdan niya ngayon itong buong building habang pinagmamasdan ko naman siya.

Dati kasi magkasama kami rito na nagtatrabaho. Pero dahil nga ayaw siyang pagtrabahuin ni Zyren naging taong bahay nalang siya. Nang bigla kong maisip na nagdadalang tao nga pala siya. "Ah, Bestie, kumusta pala ang pinagbubuntis mo? Two months na 'yan ‘di ba?" Marahan kong hinawakan ang tiyan niya.

Tumango siya. "Oo, two months na. May mga pagkain na nga akong pinaglilihian." Hinayaan ko lang siyang magkuwento. Tuwang-tuwa ako kasi nga magkakababy na rin siya, susunod na siya kina Crystal na may anak ng kambal na lalaki kay Ozu. Si Jamie naman na may isang baby girl kay Ezikiel—magkakaibigan lahat kami.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako bigla ng inggit sa kanila. Siguro kasi kami ni Darren wala man lang kahit anong naipaplano sa buhay.

"Bestie?"

Nagbalik ako sa ulirat ko nang tapikin ako ni Ehdrey. "Ah, sorry Bestie." Todo ang paghingi ko ng tawad sa kanya. "May pumasok lang bigla sa isip ko, pasensiya na." Pagpapaliwanag ko pa.

Hanggang sa naramdaman kong hinawakan niya bigla ang kamay ko kaya napatitig ako sa kanya. Napaisip tuloy ako kung weird na ba mga kinikilos ko. "May problema kayo ni Darren?" Aniya.

Hindi agad ako nakasagot bagkus ay napayuko nalang ako. Hindi ko kasi ugali na magbahagi agad ng problema kahit na Bestie ko pa siya. Isa pa, buntis siya. Ayoko na siyang madamay pa. "Puwede kang magkuwento sa akin."

Napatitig akong muli sa kanya at mapakla akong napangiti. "Konting tampuhan lang naman 'to Bestie pero maaayos din naman agad namin 'to." Umiiling-iling ako dahil gusto kong iparating sa kanya na ‘wag niya na kaming alalahanin pa.

Minabuti kong balikan nalang ang usapan tungkol sa baby niya. Gusto ko kasing solohin nalang kung ano ang problema ko. "Nga pala, kailan mo planong sabihin kay Zyren na magkakaanak na kayong dalawa?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Ha?" Bigla siyang napalihis ng tingin sa akin. Hinimas niya ang tiyan niya tapos ngumiti rin siya. "Malapit na. Gusto ko kasi siyang i-surprise kaya lang—"

Nananatili lang akong nakatingin sa kanya. "May problema?" Turan ko.

"Tampuhan lang din Bestie kagaya n’yo ni Darren."

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. "Natural lang naman siguro sa couple ang nagkakatampuhan 'di ba?"

"Oo." Pagsang-ayon niya sa sinabi ko. "Pero 'wag lang lumala." Napatingin ako sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa matapos niyang sabihin ‘yon.

"Miss Sophia!"

Nailipat namin pareho ni Ehdrey ang tingin namin sa mga katrabaho kong tumawag sa akin ngayon. Napatayo na ako. "Bestie, magkita nalang tayo mamaya sa bahay nina Ozu at Crystal, ha? Tapos na pala ang break time ko." 

Tumayo na rin siya at ngumiti sa akin. "Sige, Bestie." Nagbeso ulit kami. Aalis na sana ako nang bigla niya akong pigilan. "Bestie, gusto ko lang palang sabihin sa 'yo na, kung may problema ka man, nandito lang ako para sa inyo ni Darren."

Muli ko siyang hinarap. "Thank you, Bestie." Tumango lang siya at ngumiti sa akin. Tuluyan ko na siyang iniwanan do'n.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status