Share

Kabanata 41

LUMABAS AKO ng silid pagkatapos kong maligo. Hindi naman kasi maaari na lagi na lang akong nasa kwarto dahil hindi naman ako ang may-ari ng bahay. Katulong pa rin ako at kung may kailangan gawin, kailangan kong magkusa para roon.

"Mara."

Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko at nakita ko si Nicko. Lumapit siya sa akin. Napakunot ang noo ko dahil tila ayaw niyang alisin ang tingin sa akin habang bakas ang kakaibang saya sa mukha nito. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya. "B-bakit?" tanong ko at tumalikod sa kaniya. Humakbang ako. Narinig ko rin ang paghakbang niya senyales na sumusunod siya sa akin.

"Date tayo, pwede?"

Napahinto ako sa narinig ko at lumingon kay Nicko. Nakita ko ang pagkaseryoso sa mukha nito, 'di ko iyon mabakasan ng pag-aalinlangan.

"Date? Gusto mong mag-date tayo?" gulat kong sabi habang nakatingin lang sa kaniya.

"Yes, kung papayag ka," anito pa, saka ngumiti sa akin. Alam kong seryoso siya roon kaya bakit hindi na lang ako pu
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status