Share

Chapter 5

Joseph was so mad at his father. He thinks his father has literally lost his mind. He thinks he is insane. 

Pinapunta siya ng daddy niya para sabihin na kailangan niyang ikasal kung hindi lahat mawawala sa kanya. 

At ang hindi niya matanggap ay 'yong maikasal sa isang babaeng hindi maganda. All of his girls are gorgeous and sexy. Hindi niya matanggap kung bakit ayun pa ang pinili ng daddy niya.

Mukhang gagawin ng daddy niya ang lahat para pumayag siya sa gusto nito.

"Kung hindi ka papayag.. pack your things and from now on, I will disown you! Hindi mo magagamit kahit singko sa pera ko and tatanggalin ko sa mana mo ang kompanya mo.." pananakot sa kanya ng daddy niya na mas ikinagalit niya.

He knows Carmela because he always watching her get bullied. Sinasadya niya itong panoorin dahil natutuwa siya kapag nasasaktan ito. 

Si Carmela ang pinakapangit na babaeng nakita niya sa buong mundo. Mas lalo siyang nagalit kay Carmela ng sinungitan siya nito ng bata pa sila. Kaya sa sobrang inis niya tuwang-tuwa siya na sinasaktan si Carmela ng mga kapwa niya estudyante.

Para kay Joseph, nagmamaganda lamang si Carmela ngunit hindi niya naman tipo si Carmela. Sadyang natapakan lang ang pride niya sa ginawa ng dalaga sa kanya.

Mas lalong nainis siya ng makita ang litrato ni Carmela na ipinakita ng kanyang daddy. Ang litrato na iyon ay halatang sikreto lamang kinuhaan ng litrato ang dalaga.

Wala siyang nagawa kundi pumayag sa gusto ng kanyang daddy. Kahit naman magpakasal siya, hindi niya naman iisipin na tunay ang kasal. Hindi kasal ang makakapaghinto sa kanya sa ginagawa niya.

He knows that his father is doing this because of his activities. 

Masayang kumain si Carmela ng almusal dahil sa kasabay niya ang magulang niya. But her happiness faded when his father told her about getting married as soon as possible. Her world collapsed again. Isip niya na wala na talaga siyang pag-asa kay Darwin.

"Wala ka naman choice kundi sundin kami.." makasariling sabi ni Alexander sa anak.

Her mother just looked at her with sad eyes. Naawa siya kay Carmela dahil mapipilitan itong pumayag para lamang sa kapakanan nila.

"You should be thankful that Mr. Villanueva wants you to marry his son.. kasi wala naman ng bulag sa mundo.." dagdag pa ng kanyang daddy. Carmela hides her emotion again. 

Nasasaktan ito dahil ang pinapalabas ng daddy niya na dahil pangit siya at walang magpapakasal sa kanya.

"Alexander ano ba! Ganyan ka pa magsalita pagkatapos ng ginawa mo! It's your fault tapos kung makasalita ka sa anak mo ganyan!" galit na tugon ng mommy ni Carmela.

Alexander just shook his head in response. He knows he's hurting Carmela but he chooses to still hurt her verbally.

Carmela agrees, maybe her father is right that no one will love her because she is ugly.

Tumingin si Joseph sa bintana at nakita niya si Carmela na nakatulala lamang sa bintana. Akala ng lalaki ay nasa library ito ngunit nasa loob lamang ng classroom.

Hindi napansin ni Carmela na pumasok na si Joseph sa kanilang room. Tulala pa rin siya dahil sa masasakit na salita na sinabi ng daddy niya.

"Hoy! Nerdy!" inis na tawag ni Joseph kay Carmela. Tumingin si Carmela ng narinig niya ang boses ni Joseph. Nagtataka siyang tumingin dito.

Anong ginagawa ng impakto na ito! tanong niya sa isip niya. Makita lamang niya ang presensya ni Joseph kumukulo na ang dugo ni Carmela.

"Pumayag ka na magpakasal tayo?" tanong ni Joseph na ikinanganga ni Carmela.

What! Itong playboy na 'to ang mapapangasawa ko gusto ko na lang mamatay! pag-aalsa ng kanyang utak.

"Yes ako nga iyon! I still dont get it bakit ikaw ang papakasalan ko? Wala naman special sayo! Look at yourself hindi naman ako bulag!" inis na sabi ni Joseph sa kanya. Pinigilan ni Carmela na lumabas ang luha niya.

"Kung ayaw mo sabihin mo sa daddy mo na itigil ang kasal!" inis na sagot ni Carmela. May punto naman ito kahit papaano.

"Ikaw ang umayaw sa kasal! Bakit ako?" galit na wika ni Joseph. Bawal siyang umayaw dahil sigurado siya na totohanin ng daddy niya ang panakot niya. 

"Kahit umayaw ako hindi rin naman nila iisipin ang nararamdaman ko!" inis na sabi ni Carmela. Suminghot siya dahil malapit ng tumulo ang luha niya.

Iniwas ni Joseph ang mata niya kay Carmela. For him, kahit naman ganyan si Carmela malakas ang loob nito at palaban kaya naawa siya ng makita niyang pinipigilan nito ang lumuha sa harapan niya.

"I'm here para sabihin sayo na kahit ikasal tayo itutuloy ko pa rin ang gawain ko. Don't expect me na magtino dahil sapilitan lang naman tayong ikinasal.." sabi ni Joseph. Bumuntong hininga ito at saka naglakad papalabas. Ngunit nagtago siya sa gilid upang makita kung ano ang reaksyon ni Carmela.

Lumuha si Carmela ng nakalabas na si Joseph. Inis niyang sinabunutan ang sarili niya sa inis.

Pilit ang ngiti ni Joseph at Carmela ng kinuhaan sila ng litrato. They are finally married. Mas pinili nila ang simpleng kasal upang walang makaalam kahit isa.

Carmela's mother just looked at her daughter with sad eyes again. Naawa siya sa anak dahil halata naman na napilitan si Carmela upang hindi makulong ang daddy niya.

"Ngumiti ka nga ng maayos! Kapag pangit 'tong picture natin lagot ka sa akin!" inis na wika ni Joseph sa napangasawa. Sumimangot naman si Carmela sa sinabi ng lalaki sa kanya.

Impakto talaga! Natural pangit kakalabasan dahil pangit yong kasama niya halatang walang utak! pagsagot ni Carmela sa utak niya.

Hindi pa siya makalaban sa lalaki dahil nakatingin ang daddy niya kanina pa sa kanya. Ngumiti siya ng malaki upang ipakita na masaya siya.

"Ano ba yan! Mukha kang serial killer sa ngiti mo!" puna na naman ni Joseph.

Pinangako ni Joseph sa sarili niya na pagsisisihan ni Carmela na nagpakasal siya sa kanya.

"Isa pa!" banta ni Carmela. Tumahimik na si Joseph dahil natakot ito na baka ipahiya sa daddy niya.

Pagkatapos ng pagkuha ng kanilang litrato. Lumapit ang daddy ni Joseph kay Carmela. Ngumiti lamang ito at hinaplos ang ulo niya.

Alam ni Mr. Villanueva na hindi siya nagkamali na piliin si Carmela bilang asawa ng kanyang anak.

Humanga siya rito dahil sa ugali ni Carmela at sa katalinuhan. Kaya pinili niya si Carmela upang maging asawa ng kanyang anak. Para sa kanya si Carmela ang magiging daan upang tuluyan ng magbago si Joseph at para tuluyan na itong makamove-on sa dating nitong kasintahan.

Yumakap ang mommy ni Carmela sa kanya na ikinabigla ng dalaga. Pinigilan niyang pumatak ang luha niya dahil ito ang unang yakap na naranasan niya.

Nakokonsensya naman si Alexander sa ginawa niya sa anak niya ngunit mas nagmatigas siya.

Pumasok si Carmela sa bahay na tutuluyan nila ng pigilin siya ni Joseph. Napatingin siya sa lalaki.

"Kahit mag-asawa na tayo bawal mong pakialaman ang gusto ko at saka ayaw kong malaman ito sa eskwelahan natin maliwanag ba?" seryosong sabi ni Joseph. Tumango si Carmela.

"Hindi rin ako masaya na malaman ng ibang tao na asawa kita kaya mas maganda nga itago na lang natin.." sagot ni Carmela na ikinainis ni Joseph.

Isip ni Joseph parang si Carmela pa ang talo dahil napangasawa siya. Inis niyang tiningnan si Carmela sa paakyat na sa kwarto nila.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
GLORIA GINA CALANOG
parang PRINCES HOUR kdrama...
goodnovel comment avatar
Merly Merelos
kaya.nga magkano lang ba ang pocketbook ngayon? maitatabi mo pa pagkatapos mong mabasa
goodnovel comment avatar
Ailyn Saher De Claro
nakaka asar kasi kelangan mo talagang magbayad para lang mabasa Ang karugtong... hays mas maganda pang basahin ung sa pocket book . Hindi pa sayang sa data...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status