Share

Ch. 52

Matapos ang pag uusap nina Atanasha at Kent ay agad siyang tumungo sa grocery store para hanapin sina Manang Fe at Kuya Roy. Pag pasok niya ay madali niyang inikot ang paningin sa lugar. Iilan lang naman ang mga tao roon ngunit hindi niya pa rin makita ang mga ito. 'Saka niya naisipang ikutin na lamang ang grocery store.

Sa mahigit limang minuto niyang pag iikot ay doon niya lamang nakita sila Manang Fe, habang si Kuya Roy naman ay nagtutulak ng cart. Nasa dulo ito ng hallway kaya naman agad niya itong tinakbo.

"Manang!" Sambit ni Atanasha habang hinihingal pa dahil sa kaniyang itinakbo. Napatingin naman sa kaniya ang dalawa.

"Oh hija, saan ka galing? Natagalan ka yata. May nangyari ba?" Tanong ni Manang Fe sa naghahabol na hiningang si Atanasha.

"Po? Ahh ano po kasi medyo mahaba po kasi yung pila sa atm machine... 'Saka nakasalubong ko rin po yung kakilala ko, medyo nagkamustuhan lang po ng kaunti..

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status