Share

Chapter 2: Father

Gulat ang mga mata ng Ina ni Solen ng pag buksan sya nito ng pintuan nang makitang duguan ang anak at ang lalaking kasama nito.

“Anong nangyari?!” natatarantang tanong ng kanyang Ina.

Dahan-dahang pinahiga ni Solen ang lalaki sa munti nilang sofa. Hindi pa ito nag kasya dahil sa hubog ng katawan ng lalaki na parang kasing tigas pa ng bato ang balikat.

“Sandro, kumuha ka ng maaligamgam na tubig at plangana!” pag uutos nito sa kanyang kapatid na agad naman nitong sinunod.

“Natagpuan ko sya sa Satanas Bridge” maikling sagot ni Solen.

Kaya tinawag na Satanas Bridge ang bangin ay dahil literal na sinusundo ni kamatayan ang mga dumadaan na mga sasakyan doon.

“Ma swerte ka at hindi ka sinundo ni kamatayan” Mahina nyang bulong. Hindi nya ipag kakaila na nag aalala sya para sa kalagayan ng lalaki. Ngunit hinihiling nya na sana ay nakalimutan na ng lalaki ang nangyari sa kanilang dalawa, limang taon ang nakakalipas.

Wala pang ilang segundo ay bumalik na ang kanyang kapatid na may hawak na plangana. Kahit mahapdi ang kamay nya mula sa natamong sugat sa kanyang palad, tiniis nitong pigain ang dimpo upang linisan ang sugat ng lalaki.

Hindi malalim ang mga sugat nito. Katamtaman lang na galos, hindi kagaya sa kanya na kailangan pa atang tahiin dahil napunit ang balat ng kanyang kamay matapos nyang pagkasyahin ang kanyang kamay sa maliit na butas ng bintana ng kotseng binasag.

Lumapit sa kanya ang kanyang Ina at inagaw nito ang dimpo, “Ako na jaan at gamutin mo yang sugat mo”

“Ano bang nangyari sa inyo?” usisa ng kanyang Ina habang pinupunasan ang mukha ng lalaki. Ngayong nawala na ang ibang dugo sa mukha ay lumitaw nanaman ang angking ka gwapuhan nito.

“Sigurado ako Car accident nanamn yan, Ma. Wala na atang nag daang buwan na walang na di disgrasya sa Satanas Bridge na yan eh” sabat ni Sandro.

“Anong car accident nanaman ‘yang pinag uusapan nyo?”

Huminto si Solen sa pag gamot ng kanyang sugat nang marinig ang boses ng kanilang ama. Kalalabas lang nito ng kwarto at halatang kagigising palang nito.

Tila ba naka kita ng multo at nanigas sa kinatatayuan ang kanyang ama ng makita nito ang mukha ng lalaki.

Niyakap ng kaba si Solen. Kilala ba ito ng kanyang ama?

Lumipat ang tingin sa kanya ng ama.

“Na aksidente ba sya habang papunta dito?”

Tumango si Solen habang tinitignan ang reaksyon ng kanyang ama. Mabibigat ang yapak na nag lakad ang ama sa kinaroroonan ng lalaki.

Umupo ito at kinapa ang bulsa ng pants ng lalaki.

“Anong ginagawa mo Roberto!” Sita ng kanyang Ina.

“May kukumpirmahin lang ako” sagot nito. Kalaunan ay nakita na ng ama ang pakay.

Wallet iyon ng lalaki. Mataba-taba pa nga ang wallet. Hindi ipag kakaila na mayaman ang lalaki dahil nakikita nya sa kanyang kinauupuan ang kulay black na card na sumisilip at alam ni Solen na bihira at madalas sa television nya lang ito nakikita.

Binuksan iyon ng ama at doon nakita nito ang Isang ID.

“Erwin Tovias” Basa nya sa pangalan nito. Tumaas ang kilay ni Solen, narinig nya na ang pangalan na ‘yon. Saan nga ba?

“Kilala mo ba sya pa?” tanong ni Sandro.

“Oo. Sya ang taga pag mana ng lupa na tinitirahan natin”

Nahulog ni Solen ang hawak na bote ng Betadine. Ang laman nito ay tumutulo sa sahig habang nag si sink-in sa kanyang utak ang sagot ng ama.

Taga pag mana? Sya ba ang sinabi ng mga aramadong lalaki kanina? Napa tayo sya mula sa pag kaka upo.

Pwede kayang mag makaawa sya sa lalaki na h’wag kunin ang lupa sa kanila total ay may nangyari na sa kanila noon? Siguro naman ay papayag ang lalaki dahil buong pagkatao nya ang binigay dito.

“Baka pwede ko syang kausapin kapag nagkaroon na sya ng malay” napa tingin sa kanya ang mga magulang. Napa lunok sya, “Kasi ako ang nag ligtas sa kanya. Baka may pagkakataon na hahayaan nya tayong tumira dito kasi kung hindi ko ginawa ‘yon ay tiyak na mamamatay sya”

O sabihin nya nalang sa lalaki na may anak silang dalawa?

Grabe talaga mag laro ang Tadhana at muli silang pinag tagpo.

“Sa tingin mo ganoon kadali yon anak? Galing sya sa pamilyang mayaman at imposible rin na pag bibigyan ka nya sa kahilingan natin at gagawin nya ang lahat para paalisin tayo rito.” Malungkot na sabi ng Ama.

“Taga pag mana sya ng lupain at Isa sya sa mga CEO ng Isang sikat na kompanya sa Manila.” Sabat naman ng Ina.

Muli syang tumingin sa lalaki. Ganoon pala kayaman ang ama ng kanyang anak.

“Pero parang nakita ko na sya noon”

Napa tingin sya sa biglang nag salitang kapatid.

“Sa palengke ko sya nakita. May hinahanap syang Babae na kulot daw at maganda”

Kumabog ang puso ni Solen sa narinig.

Hinahanap ba sya nito gaya ng sinabi sa kanya ni Erwin noong gabing may nangyari sa kanila?

“Wala namang masyadong kulot dito sa atin.” Tumingin sa kanya ang kapatid. “Si Ate lang ang kulot na kilala ko pero hindi ko alam sa salitang maganda”

Kinuha ni Solen ang towel at binato sa kapatid.

“Aray!” inda nito habang tumatawa.

“Ano pang sabi at bakit daw nya hinahanap ang Babae?” tanong ng ama.

“Nabuntis nya raw po eh” nabingi si Solen sa katahimikan na bumalot sa bahay. “At may taga pag mana na raw po sya”

Alam ni Erwin? Alam ng lalaki?!

“May kamukha rin talaga sya eh!” Suhestiyon ni Sandro.

May nag kakarera na atang mga kabayo sa puso ni Solen. Kamukhang kamukha ni Erwin ang kanyang anak, para silang pinag biyak na bunga. Hawig na hawig, mini version ng kanilang anak.

“Mama” tawag sa kanya ni Shielo. Napatitig silang lahat sa anak na naalimpungatan at kinakamot ang mata. Humihikab ito at tumakbong pumunta sa kanya.

Binuhat nya ito.

Nahulog ang panga ng kanyang kapatid. At umangat ang hintuturo nya, tinuturo si Shielo at Erwin.

“Sabi ko na nga ba! Ang gwapo kong pamangkin ang kamukha ng Lalaki!” Tuwang tuwang sigaw nya. Hindi maipinta ang mukha ng kanilang magulang.

Niyakap nya ng mahigpit ang anak. Sasabihin ba nya ang totoo sa mga magulang? Pero magulang nya ang mga ito at dapat nilang malaman ang totoo.

“Sya ang ama ni Shielo.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status