Share

5. KNOWS 1

Penulis: Sophia Sahara
last update Terakhir Diperbarui: 2023-01-13 16:01:12

YUMI

"Ice?" tanong ni Sir Rex sa akin na parang naniniguro kung tama ang narinig niya na pangalang binanggit ko. 

Tumango naman ako na nakalabi pa kasi... kasi hanggang doon lang ang naalala ko. 

"You know the man's nickname? That's quite interesting..." sabi pa ni Sir Rex na parang may kung anong lumalaro sa isipan niya. "He is Isidro Ferreira."

Isidro? So iyon pala ang pangalan ng lalaki... Ang pogi tapos Isidro? Nagsalubong ang mga kilay ko. Ang pangit kasi ng name. Pang-lolo.

Pero teka... na-realize ko na parang ang pogi nga pala ng name na Isidro. Ang sexy. Parang ang sarap iungol. Hmm... Bakit ngayon ko lang naisip 'yon?

I shrugged my shoulders at tiningnan muli ang picture ng lalaki. May kung ano akong naramdaman sa puso ko habang nakatingin sa picture niya. 

Panghihinayang. 

Pero... para saan? Bakit? 

"Ano pa ang ibang naaalala mo?" 

Napatingin ako kay Sir Rex, at napakamot ulit ako sa leeg ko. Bakit ba ang dami niyang tanong na parang interesado siya kay Isidro?

I put my hand in my mouth, gasping. OMG! Ang gwapo ni Sir Rex pero mukhang may crush kay Isidro. Hala siya! 

"May naalala ka na bang iba? You know his nickname. It means you were close to him before. He cannot be called by his nickname, Ice, by people he didn't allow."

Napanganga ako sa sinabi ni Sir Rex. Talaga? Naging malapit ako sa Ice na 'to? I glanced at the man's picture again. I frowned. True kaya? Echosero naman itong boss ko. Baka hindi naman... baka ano lang... baka...

"Try to remember more, Yumi."

"Baka po naging... naging boyfriend ko..." patsamba ko na naman na sagot. Bahala na magselos si Sir Rex kung may gusto siya kay Isidro. Dami niyang tanong at natatakot ako sa style niya makatingin. 

Napasulyap tuloy ako sa painting ng magandang si Mirabella. Alam kaya ni Mirabella na bisexual si Sir Rex kaya niya iniwan?

Ang sabi ng mga tsismosang katulong ay tumakas si Mirabella sa villa noon kung saan siya itinago ni Sir Rex kay Ma'am Julianna. After ni Mirabella tumakas ay nabalitaan na na-deads dahil nasama sa eroplanong sumabog. Hay... Sumalangit sana ang kaluluwa ng maganda at mabait na si Mirabella.

Ibinalik ko ang tingin kay Sir Rex. Kaya pala... Naunawaan ko na kung bakit kahit gaano kaganda si Madam J ay hindi magustuhan ni Sir R. Now I know the reason...  In love si Sir R sa ex ko na si Ice!

Oo, ex ko si Ice kahit hindi ako sure. Hindi naman siguro niya sasabihin ang palayaw niya na Ice sa akin kung hindi naging kami. Mga allowed nga lang daw na person ang nakakaalam ng palayaw niyang Ice. Alam ko, so it means allowed ako kasi naging kami.

Yeah! My Ice Ice Baby... I giggled.

"What the..." Sir Rex frowned with my answer. Napailing. Nagselos na nga yata. "Kailangan mong maalala si Ice, Yumi!"

"N-naging boyfriend ko nga po siya, sir..." ulit ko. Hindi ko man sigurado ang sinasabi ko ay bahala na. Basta panindigan ko na lang ang nasabi ko at saka para matapos na ang pagtatanong sa akin.

"Fuck!" Asar na pinukpok ni Sir Rex ang mesa. "Magseryoso ka nga sa mga sagot mo, Mayumi!"

Napalunok ako. I checked the table, matigas iyon. Hindi man lang nasaktan? Mutant yata ito. Bisexual na gwapong mutant. Muli ay napangiti ako. Natatawa sa naisip.

"Yumi, umayos ka nga! Kanina ka pa!"

"Se—seryoso naman po ako sa sinabi ko. Baka lang naman naging kami... Hindi ko rin kasi maalala tapos sabi niyo hindi niya pinagkakalat ang nickname niyang Ice, kaya ayun..." I shrugged. "Naisip ko na siguro naging jowa ko siya," I tried to explain kahit lalo nang sumasama ang tingin niya sa akin. Napatingin ako sa painting ni Mirabella at kung pwede lang ako magpatulong sa kaluluwa ni Mira ay ginawa ko na. 

"This convo is turning nonsense..." badtrip na bulong ni Sir Rex.

Napasulyap naman ako ulit kay Sir Rex. Medyo nag-iba na ang tono ng boses niya ngayon. Baka kaunti na lang at bati na kami. 

"S-Sir Rex, kung c-crush niyo po si Ice ay okay lang naman po sa akin. Wa—"   

"What the fuck, Mayumi?!" Sir Rex bolted, and I don't know what's got into me, but instantly I...

I immediately picked up Sir Rex's gun on his table, stepped back, cocked it,  and pointed it to him. I was like someone readying to fight back and shoot him if he attacked. 

Sir Rex was just staring at me coldly. Parang wala man lang kapaki-pakialam na nakatutok ang baril sa kaniya. 

Baril?! I blinked. Bakit ko kinuha ang baril? Paano kong naisip na...

Natulala ako dahil sa nagawa ko at nabitawan ang baril ni Sir Rex. May mali... Bakit naman kasi may baril sa mesa? At ang ikinilos ko dahil nagulat ako ni Sir Rex... Ano 'yon? Hindi ko maintindihan...  

I gulped. Napailing ako. Natakot kasi ako kay Sir Rex kaya gano'n ang reaksyon ko. Iyon ang sure na rason. Pero... normal ba 'yon?

Napatingin ako kay Sir Rex at naguguluhan kung bakit nakatitig lang din siya sa akin. Parang may kung ano siyang iniisip na...  na hindi nakakatuwa. Parang hinihintay niyang may gawin pa ako. 

Oh, no! Napangiwi ako. Mawawalan na yata ako ng trabaho sa ginawa ko sa boss ko. Pero tinakot niya kasi ako. Nagagalit siya pabigla-bigla tapos tumayo siya kaya akala ko sasaktan niya ako.

I was still in daze and still thinking kung paano magpapaliwanag nang natawa ng mahina si Sir Rex at napailing. Ay, baliw na yata! Sayang naman... 

"Nice... Do you remember everything now, Mayumi?" nang-aarok ang tingin na tanong niya.

"Sorry po, sir." Umiling ako at dinampot ang baril na nabitawan. "Hindi ko po alam kung ano ba ang dapat kong maalala." Ibinalik ko ang baril sa mesa.

"You must remember, Mayumi..." He tiredly said. "You know how to use a gun, it means you didn't forget your skills." Kinuha ni Sir Rex ang baril. "It's amazing to watch how fast your movements earlier. You grabbed a gun and cocked it swiftly just like that." Sir Rex smirked. "You're a pro, Mayumi. Ang kailangan lang talaga ay makaalala ka. At sana maalala mo na ang lahat bago ka pa nila mahanap."

Naguluhan ako. Ano bang pinagsasabi nitong boss ko na kailangan kong maalala? Kahit nga ako sa sarili ko ay nagtataka na ilan lang ang naaalala ko.

At sinong naghahanap sa akin? Magulang? Asawa? Boyfriend? Tropa? Sino? Baka iyong nagsabi na kapatid ko siya pero wala akong tiwala do'n. Ayoko sa taong 'yon!

"Wala po akong maintindihan," wika ko. "Sorry po. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari sa akin kanina. At kung bakit ko alam na Ice ang name niyang crush niyo ay—" Naputol ang sinasabi ko sa masamang tingin ni Sir Rex. In denial pa yata. Napalunok ako. Gwapo nga pero sumpungin. "B-Basta po iyon lang ang sinabi niya sa akin na name niya," patuloy kong paliwanag na lang. "B-Baka po naging kaklase ko pala siya dati. I... I suffer concussion before as what I was informed. T-That is also the reason probably so I can't remember everything from the past, Sir Rex. Baka po kapag gumaling na ang utak ko eh maging o-okay na. Baka maalala ko rin lahat."

"So you admit that you have amnesia? Why you didn't inform me at first?"

Amnesia? Amnesia nga ba ang sakit ko? 

Pero... naalala ko man ang pangalan ko at saang bansa ako nagmula. Ngayon ay naalala ko pa si... Ice. Si Ice na pogi na crush ni Sir Rex na pogi rin. Ngumiti ako sa naisip at nang mukhang papatay na si Sir Rex nang tingnan ko ay iniyuko ko na lang ang ulo ko.

Bakit ko pa ba kasi nasabi iyong concussion na naisip ko? Kung ano-ano na talaga nauungkat ni Sir Rex itanong. Okay lang naman sana kung alam ko ang isasagot kaso hindi ko maalala lahat kaya kahit ako ay nalilito lalo. 

Huminga ako ng malalim habang nag-iisip pa ng ipapaliwanag ko. Sinalubong ko ang tingin ni Sir Rex nang balikan ko ang mabilis na pagkuha ko ng baril kanina, pagkasa at pagtutok sa kaniya. Nagawa ko ng mabilisan at nakakapagtaka nga.

At... ang totoo ay marami na rin talaga akong ipinagtataka sa sarili ko nakaraan pa. Kahit kasi nakakaramdam ako ng nerbyos kaharap itong boss ko ay parang balewala sa akin. Nagagawa ko pang makipag-usap at mag-self-defense pa nga. 

I know this is not normal about me. Ever since ay napapansin ko na rin... and the way I handled my emotion and my reflexes ay weird kasi— alam ko. I have some movements and reflexes na hindi ordinaryo para sa gaya kong pag-aalaga ng bata ang trabaho. 

"You're not answering..." napapailing na sabi ni Sir Rex. 

"Hindi ko po kasi alam ang sasabihin ko. Maniwala po kayo na wala akong mahanap na sagot sa isip ko kaya kahit ako ay... kahit ako ay naguguluhan, Sir Rex."

Tinitigan na naman ako ng gwapong bisexual na parang nauubos na ang pasensya. Kasalanan ko ba na wala akong maalalang iba?  

'Sige pa, titigan mo ako. Sunod 'yan ay crush mo na ako.' I smiled with my inner thoughts.

Sir Rex sighed. Mukhang pagod na. "You can go back to Reign, Yumi." He dismissed me. 

"Opo." Tumalikod na ako at humakbang papunta sa pinto. Bubuksan ko na sana ang pinto nang...

"Hugo!"

Mabilis pa ako sa alas-kwatrong lumingon. "Yes, sir?"

Hindi naman nagsalita si Sir Rex. He snickered. Nagtaka ako. Tatawag-tawagin ako tapos ngingisi-ngisi at natatawa lang. Sabi magseryoso pero siya ang malakas ang trip. Pasalamat siya at boss ko siya kung hindi ay—

"And you remember your other name." Sir Rex grinned lopsidedly. "Great."

Natulala ako. Ano ba ang pinagsasabi ni Sir Rex? Anong other name?

"Now, this is somehow amusing, isn't it, Mayumi?" He smiled playfully. "Or should I say... Hugo?"

Hugo...

Unti-unti nanlaki ang mga mata ko. Napahakbang ako paatras. Pinagpapawisan ako ng malamig. Bigla ay parang umiikot ang paningin ko. Nahihilo ako at nasusuka. I fell on the floor.

May kung anong  alaala ang pumapasok sa isip ko pero pilit kong nilalabanan na huwag hayaan na guluhin nila ang kapayapaan ng utak ko.

The name... My other name...

******

"Hugo!"

"Hanggang ngayon ay palpak ka pa rin sa arnis, Hugo! Paano pa kung katana na ang kaharap mo?! Sa arnis pa lang hirap na hirap ka na!"

"Ang sabi ko ay aralin mo ang mabilisang pagkasa at pag-dismantle ng baril, Hugo! Tigilan mo ang panonood lang sa mga kasama mo!"

******

My eyes turned blurry as childhood memories returned to me now. 

Hugo. Yeah... Ako nga si Hugo. 

Pero bakit? Bakit ako lagi napapagalitan ng... nanay ko ba 'yon? At kung ako si Hugo ay bakit Mayumi ang pangalan na naalala ko?

I blinked as other flashes of memories entered my mind. 

God! Oh, God!

I think... I think I am getting my memories back now. 

Fucking hell!

I gritted my teeth as I remember all now...

Incognito. Princeps. Helio!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Bei
Ayan nkk alala kn khit ppno
goodnovel comment avatar
Charmz1394
baka buhay pa si mira
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • ICE FERREIRA (Wild Men Series #50)   (S3) 39. INFORM 2

    ICE “Iniisip mo?” tanong ni Yumi sa akin habang nagda-drive ako papuntang ospital ni Jake para kitain namin si River. “Hmm?” Inilapit niya ang kamay sa tainga ko at kasunod ay hinila-hila niya ang earlobe ko. “Ikaw,” I answered. Hindi ko siya nilingon dahil nakatutok ang mga mata ko sa kalsadang liko-liko. “Ako?” ani Yumi at natawa. “Are we going to be cheesy again, Yelo?” She then poked me in the waist with her finger. “Oo, ikaw.” Kinuha ko ang kamay niya at dinala sa bibig para dampian ng halik. “Ikaw ang iniisip ko, mi esperanca. Lagi naman ikaw kaya dapat alam mo na ‘yan.” Yumi giggled in amusement. “Zigzag ang daan, Yelo…” usal niya. “Are you saying na naiisip mo ako habang nakatitig ka sa kalsada? Kinukumpara mo ba ako sa kumplikado ng daan dito?” “Mas kumplikado ka pa sa zigzag na daan, Yumi. But you know I love complications. Basta ikaw.” “That’s really cheesy, Yelo.” Natawang piniga ni Yumi ang pisngi ko. “Anyway, looking at the zigzag road… What’s wrong with Trace? P

  • ICE FERREIRA (Wild Men Series #50)   (S3) 38. INFORM 1

    YUMI“Mommy!” tawag ni Courtney sa akin at mabilis na lumapit. Iniwan niya ang mga kapatid kalaro ang tatlong anak ni Trace. Nasa garden ng Doze’s Palace kami. Katatapos ng lunch ng tumawag sa akin si Izzy, nangangamusta. We did videocall at kaya ako napunta sa garden ay para mapakita ko kay Aleya ang mga ‘pusa’ ni Trace. Tuwang-tuwa si Aleya kaya naisip kong imbitahan sila rito sa isla sa susunod, especially dito sa Doze’s Palace. I will just asked Trace and Chloe’s permission at kapag pumayag ay yayayain ko talaga ang mag-inang Izzy at Aleya. Back to the day after malaman ni Ice na anak niya si Yara, hindi na siya pumayag na hindi kami madala rito sa isla ng Foedus. Hindi naman kami naisama ni Ice agad, tinapos muna ang blood transfusion na kailangan ni Yara at siniguradong okay na siya bago kami lumabas ng ospital. At two days lang pagdating namin dito sa isla ay dumating din sina Trace at Chloe. Kasama ng mag-asawa ang tatlo nilang anak. Dahil nasabi sa akin ni Ice ang nangyari

  • ICE FERREIRA (Wild Men Series #50)   (S3) 37. WRATH 3

    ICEI got all their attention, but my eyes went to Yara… there she was, sleeping serenely… so beautiful, so fragile. At ang magaling na Pellegrini ay nasa isip agad na mapapangasawa ng anak niya ang anak ko? Nakakagago ang tarantadong ‘yon!“Papa!” Ebony and Ivory duetly greeted me. Nilapitan ko sila. Kinausap. Idinaan sa pabirong pagsita ang kunwaring inis ko sa kanila na sumama sila sa mama nila at nakipagsabwatan. Then, I looked at Courtney… kahit siya ay kunwari sinimplehan kong pagsabihan. Only Axel and Anghel didn’t say anything. Pareho lang silang pinaglilipat-lipat ang tingin sa amin ng mama nila. The two from the moment I found them were still the same with their ways. Pareho pa ring nag-oobserba sa paligid palagi ang ginagawa dahil iyon ang bagay na kinalakihan nila kay Cent. In fact, iyon ang itinuro talaga ni Cent sa kanila, ang matuto silang mag-obserba para hindi sila mapahamak kay Louisianna. Kaya kahit matagal nang wala si Louisianna ay dala-dala pa rin nila ang ug

  • ICE FERREIRA (Wild Men Series #50)   (S3) 36. WRATH 2

    ICE“Sir, are you okay?” muling tanong ng nurse. Nagtatakang nakatingin sa akin dahil natulala na ako.And who wouldn’t? Sa daming kalokohan ni Mayumi ay dapat hindi na ako magtaka pa sa panibagong sikreto na itinago niya sa akin. Pero iba ito? Ninakaw niya ulit ang pagkakataon kong makasama siya habang nagdadalang-tao siya sa anak ko. At ang masakit… pinaniwala niya akong kay Fumagalli si Yara unang beses ko pa lang nalaman ang tungkol dito.“Sir?” muling kausap ng nurse sa akin. I nodded. I gaped. “Thank you.” Sa wakas ay nasabi ko. I sighed heavily and looked at the nurse’s face. I smiled at her. “May I know kung saan ang room ni Ya—” I stopped and clicked my tongue. “I mean… saan ang roon ni Ysidra Ferreira?”I saw hesitation in the nurse’s eyes. Nasa mga mata niya rin ang katanungan kung bakit ko gustong malaman ang kuwarto ni Ysidra Ferreira ay kanina ibang pangalan nga naman ang hinahanap ko. “Sir…” the nurse said awkwardly. Umiling siya. Nag-aalangan ibigay sa akin ang numero

  • ICE FERREIRA (Wild Men Series #50)   (S3) 35. WRATH 1

    YUMI“See you later, Izzy…” paalam ko sa kausap sa telepono habang inaayos ang mga dadalhin kong mga gamit ni Yara. Ang sabi ni Izzy wala pang nahahanap na kapareho ng blood type ni Yara kaya gusto kong kabahan. AB negative si Yara at ang pareho niya ng blood type ay ang quadruplets pero hindi naman pwede ang mga ito mag-donate.I needed to look for some donor at kung kailangan ko ipa-hack lahat ng computer system ng mga ospital sa buong mundo ay gagawin ko para lang masigurado na makakahanap ako ng pwedeng donor para kay Yara. I could ask Ice to help me pero para ko na ring inamin sa kaniya na siya ang tunay na ama ni Yara. Not now. Malapit na matapos ang problema ni Gigi. Once okay na ang lagay ni Gigi sa La Falange ay magagawa ko na rin magpaalam sa kaniya. I could no longer use Gigi. Unfair iyon sa kaniya. At kahit pa paulit-ulit niyang sabihin na tanggap niya ang kung anong kaya kong isukli sa pagmamahal niya ay mali pa rin paasahin ko siya. “Everything Gucci?” tanong ni Court

  • ICE FERREIRA (Wild Men Series #50)   (S3) 34. SMILE 2

    ICEThree. Two. One. Time’s up. I’m done with my count down.“Tara,” aya ko kina Leviticus at Exodus. Lumakad na kaming tatlo papunta sa chopper na sasakyan namin pabalik ng Manila.“Saan tayo?” tanong ni Levi na nanalo sa rock, paper, scissors game nilang dalawa ni Exo kanina. Ang pustahan nila ay kung sino ang nanalo ay siyang magpipiloto. “Bulacan. Sa mansion ni Alguien,” sagot ko. Mas okay na doon kami dumiretso para makausap ko pa si Trace bago ko sugurin si Mayumi.“Call Gen, Exo!” malakas ang boses na utos ni Leviticus sa kambal dahil naka-aviation headset na ito at umandar na rin ang elisi ng helicopter. “Sabihin mo sa Bulacan na niya tayo kitain at kailangan natin makabalik agad. Sabi ni Paige ay paalis siya bukas papuntang Paris kaya samantalahin natin na sa atin iiwan ang Big 3.”“Kailangan magpaalam muna tayo kay Alguien,” tugon ni Exodus. “At alam mong OA ‘yon, kailangan personal ang paalam. Hindi rin ‘yon basta maniniwala na iiwan sa atin ang Big 3 kaya kailangan kumbin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status