Thank you sa pagbabasa... Thank you sa gems. Twist and revelation in YELO's and YUMI's life started. Sa mga readers ni Trace na narito, sana magustuhan at samahan niyo rin ang story nitong ISYUMI ko hanggang dulo.
ICE “Hindi kaya pulis ‘yan?” pabulong na tanong ng isang lalaki sa mga kasama. I remained calm. Hindi ako pulis pero may isa sa kanila na gumana ang utak at nakaisip pagdudahan ako. Sinulyapan ko ito at tinantya. “Pulis?” Tinitigan ako ng lalaking nag-utos kanina kay Johnny na kausapin ako. Ang lider nila. “Malabo,” sabi nito, “walang pulis na gan’yang lahi sa Pilipinas. Kung pulis sa bansa nila, na nagbabakasyon dito sa Pilipinas, ay ‘yon pwede pa.” “Sabagay…” sang-ayon ng kanina naghinala na pulis ako. “Guwapo masyado, eh! Mga gan’yang itsura sa bansa natin ay pag-aartista nga pala ang pangarap.” “Do you know this address?” singit kong tanong para naman mapaniwala ko sila na naliligaw nga lang ako at hindi maintindihan ang sinasabi nila. “This…” Lumapit iyong Johnny sa akin, binasa ang address naa pinakita ko, at pagkatapos ay napatingin sa mga kasama. Napakamot. “Ano?” tanong ng lider nila kay Johnny. “Ituro mo na kung saan ang lugar para makaalis na ‘yan!” “Taguig man,”
ICE “Get up!” Hinila ko si Morris patayo. “Pilitin mong humakbang at doon mo ‘ko hintayin sa sasakyan.” Itinuro ko ang kotse na iniwan ko fifteen to sixteen meters mula sa pwesto namin. Pinilit naman ni Morris pero bumagsak lang ito agad tatlong hakbang pa lang. Hinila ko ito ulit para makatayo at inalalayan na lang sa paglakad. “Ba—bakit mo ako tinutulungan?” tanong niya. Nagtataka. Nasa mga mata na wala siyang tiwala sa akin at takot, nagdududa na papatayin ko rin. Well, I would. Isang maling galaw niya at patay na talaga siya sa akin. I was just giving him a chance that I didn’t give to others who attempted to kill me. Ilang hakbang na lang ang layo namin mula sa kotse kaya minadali ko na ang pag-akay kay Morris, pakaladkad na. “Papatayin mo rin ako, ‘di ba?” tanong niya nang ibaba ko siya sa gilid ng sports car at buksan muna ang pinto niyon para maisakay siya. “Bakit hindi mo na lang gawin agad? Bakit—” “Hindi na kailangan. You’re as good as dead after your boss finds yo
YUMI “You’re—” “Summoned.” Ako na ang tumapos ng sasabihin ni John. Araw-araw naman ay iyon ang paborito niyang linyahan. Tumayo na ako at binuksan ang pinto. Nauna na rin akong lumakad papunta sa opisina ni Helio. Hindi na ako kumatok, binuksan ko na lang agad ang pinto ni Helio at pumasok. “Wha—” I cut my words nang makitang hindi lang pala si Helio ang nasa loob ng opisina nito. Tiningnan ko ang dalawang Princep na kausap niya, na parehong napakunot ang noo at nagtinginan muna bago sila tumingin kay Helio. Nasa mga mata nila ang tanong kung ano ang ginagawa ko roon at bakit buhay pa ako. Napalingon ako kay John na katulad ng dati ay pumwesto ulit sa gilid ng pinto, nagbabantay. She should tell me na may mga kausap si Helio. She should, but she did not. Strange. Well, kung sinadya ni John na hindi ipaalam sa akin na naroon ang dalawa, base sa pagkagulat nila nang makita ako, ay dalawa lang ang maaring dahilan. First, John and Helio were conniving and doing some surprises
YUMI“Anghel and Axel…” bulong ko sa mga pangalan na binanggit ni Helio. Iniisip kung totoo ang sinasabi niya. At kung totoo kaya na nabalik na kay Ice ang mga anak namin…“Uh-huh…” Helio answered with her usual nonchalant way of talking. “Wanna see them?” Hindi ako umimik pero gusto nang sumabog ng dibdib ko. Gusto kong isipin na nagsisinungaling lang siya para utuin na naman ako pero kilala ko si Helio. She could be cruel but will never be a liar when it comes with her offers when handling a deal. She knows how to well utilize her aces. She’s a gambler, a brilliant one.“Spill it out!” I hissed. “Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong ipagawa sa akin at gagawin ko basta hahayaan mo akong makasama ang mga anak ko! I could live a double life. I could lie to Ice and the rest about not being back in Incognito and still work for you, but promise me you will let me be with them! Like how you let your sister have a family, then let me be like her, too!”“Woah… That was a bold proposal,” Hel
YUMIHelio threw her aces again for me. That's what she was saying. So, there was no third one. Ako ang ginamitan ng dalawang alas ni Helio para makabalik sa Incognito. I smirked. Nilapitan ko si John at isinara ang pinto na kabubukas niya lang para lumabas na sana kami. Muli kong binalikan si Helio. “So?” I pursed my lips. “Do you want me to thank you for giving me another chance to be back in hell?” I taunt. “You must.” Tamang sinulyapan lang niya ako at muling ibinalik ang tingin sa painting na gawa ng kapatid niya. “But for clarity, I threw my ace not for you to be back in Incognito, my dear Hugo. I threw my ace for you not to be eliminated. Sinigurado ko lang na walang gagalaw sa ‘yo pagkatapos ng nangyari sa Illinois. I plotted it perfectly pero may sumira.” “Wow!” pang-asar ko na lang. “Ang totoo ay gusto ko pang marinig ang mga kwento tungkol sa nangyari noon sa Illinois, kung paanong buhay sina Liza at Libby. “You threw one of your aces for me so I wouldn't be killed, is
ICE“Where are we going, Papa?” tanong ni Ebony na ikinatingin ko sa kaniya sa rearview mirror. Nasa likod na upuan silang apat na magkakapatid. Kaming lima lang ang magkakasama. Iniwan ko sina Clarita at Viviana sa hotel para may kasama si Libby. I can’t bring Libby now, I want to have time with my children alone. “Meeraateqarfik!” Ivory replied to Ebony and giggled. She said orphanage in Greenlandic language. Idinagdag kasunod na baka naisip ko nang ilagay sa ampunan ang mga kapatid nilang lalaki kaya doon kami pupunta.Napailing na lang ako lalo na at nakitawa na rin si Ebony. Kasunod ay nag-uusap na sila sa salitang Kalaallisut, the Greenlandic language used by Eskimos, na natutunan nila sa orphanage sa Greenland kung saan sila dinala ng triplets at iniwan noon. They kept talking in that language. Hindi naman umiimik sina Anghel at Axel na parehong nakatingin lang sa nadadaanan naming mga puno at tanawin. Ebony and Ivory continued talking. Hindi ko na sila sinaway pa tutal ay hi
YUMI“Death?” Helio asked with a hint of sadness and irony in her tone. Hindi naman ako umimik. I shoulda left her in her office kanina pa, pero may kung ano sa tono niya ang dahilan kaya nanatili pa rin ako roon. And that’s new. Helio seemed not aware of her emotion but it was obvious. She was affected by what I said. But… why?“Don’t you know that if I chose death years ago, ay wala ang Incognito?” malungkot na sabi niya. “Wala ka sana sa harap ko ngayon kung sakali. They will take you away from me. Kagaya ng ginawa nila kay—” she stopped. “They—” Helio shook her head in despair. “All I did was for you to survive this world! You ungrateful one!” That made me curious. May tinutukoy siya at gusto kong malaman kung sino ‘yon. It isn’t her sister. Not even Cent. Kung kilala ko ang sinasabi niya ay alam kong babanggitin niya ang pangalan. And she used the pronoun ‘they’ to refer to some people who take away that person. Whoever that was ay gusto kong malaman kung sino iyon… Helio brea
Illinois, USA2019AGENT HMadaling mamatay pero mahirap mabuhay. My life is such a jumbled mess!There is nothing special about the life I need to work for; I have no one. No family. No friends. No beliefs… siguro kung mamamatay ako kahit anong oras ay balewala. Walang makakaalala, walang makakapuna. Oo, walang makakaalala dahil kahit ang grupo na nagpalaki sa akin at pinagtatrabahuan ay babalewalain lang sigurado ang pagkawala ko. I'm nothing but a tool for them. They don't even treat me like a person with my own life.Magulo na ang buhay ko pagkapanganak ko pa lang. Hindi ko nga kung alam sino ang mga magulang ko. Isa lang ang totoo sa akin sa ngayon, ang pangalan ko na ibinigay na lang ng organisasyon na nagpalaki sa akin. Hugo. Just Hugo. Wala akong apelyido, lahat kami na nasa grupo ay walang apelyido. Babae ako, babae kaming lahat na nasa Incognito pero walang nakakakilala sa totoong kami maliban sa pangalan namin na alam sa underground society. Sinadya ang pangalan namin