تسجيل الدخولNaglaho ang ngiti sa labi ni Samantha.“Iyon ba ang paraan mo para takutin ako?”“Friendly reminder,” Reeva said, leaning in slightly. “He’s an emotionally detached man. Kaya huwag kang magpakakampante dahil lang nakakapasok ka sa opisina niya at nakakalabas na parang ikaw ang babae niya. Kahit mapansin ka pa niya, iiwan ka rin niya tulad ng ginawa niya kay Alexa.”Bahagyang dumilim ang mga mata ni Samantha, ngunit nanatiling kalmado ang boses niya.“Tapos ka na ba?”“Tapos?” Ngumisi si Reeva. “Hindi pa nga ako nagsisimula, Samantha. Maghintay ka lang at makikita mo.”Samantha stepped past her, shaking her head in disappointment. Hindi na ito tungkol kay Alexa o sa kung ano mang may kinalaman dito. Tungkol na ito kay Reeva. Purong selos na hindi na nito kayang itago.Sa totoo lang, kahit noong magkaibigan pa sila, hindi naman talaga nito itinago iyon.Ganyan na talaga si Reeva. Hindi lang sa kanya, kundi maging sa ibang tao.At ngayon, hindi maiwasang isipin ni Samantha kung paano ba
Tahimik na kumain si Caleb, at sa unang pagkakataon, tila hindi ito aligaga habang kumakain. Nasa pagkain ang buong atensyon nito, at paminsan-minsan kay Samantha.Kakaibang saya ang naramdaman ni Samantha habang pinagmamasdan ito. Ang paraan ng pagluwag ng kunot sa noo nito, ang mahinang tunog ng tinidor na tumatama sa plato, lahat iyon ay tila nagpapatunay na sa wakas, nasisiyahan itong kumain.Sa tuwing nakikita niyang kumakain si Caleb noon, para bang napipilitan lang ito.Palagi nitong sinasabing kaunti lang talaga itong kumain, at totoo naman iyon. Pero kahit ang mga taong mahina ang gana ay nasisiyahan pa ring kumain, hindi ba?Si Caleb lang ang hindi. Hanggang ngayon. Hindi namalayan ni Samantha na nakangiti na pala siya hanggang sa mag-angat ng tingin si Caleb at nahuli siyang nakatitig dito.“What?” tanong nito habang dahan-dahang ngumunguya.Napailing si Samantha habang napapangiti sa sarili.“Wala lang. Kasi ngayon ko lang yata nakita na ganyan karami ang kinain mo.”Bahag
Sumilay ang kinang ng relo ni Caleb nang tamaan ito ng matalim na sinag ng araw na sumisingit mula sa mga blinds habang niluluwagan niya ang kanyang necktie at napabuntong-hiningang naupo sa upuan.Kakagaling lamang ni Caleb sa tatlong oras na board meeting na pakiramdam niya ay anim na oras ang itinagal. His head throbbed from the endless debate about profits and expansions. Ubos na ubos na ang pasensya niya bago pa man siya nakabalik sa opisina.Paulit-ulit na nag-vibrate ang cellphone sa ibabaw ng mesa sa tabi niya. Hindi na kailangang tignan ni Caleb ang screen para malaman kung sino ang tumatawag. Si Alexa.The phone kept buzzing. Bawat ugong ay tila paalala ng kaguluhang wala na siyang lakas harapin. Natapos ang tawag. Ilang segundo lang, tumawag na naman ito.Caleb exhaled through his nose, jaw tightening slightly before he finally pressed a button to silence it completely. Wala siyang obligasyong bigyan ng oras si Alexa, lalo na matapos ang ginawa nito.Sumandal siya sa upuan
Sumalubong sa mukha ni Samantha ang sariwang simoy ng hangin sa umaga, malamig ngunit may bahagyang init na nagbibigay-ginhawa.Malalim siyang huminga at saka dahan-dahang nagbuga ng hangin habang sumasabay sa ihip ng hangin ang kanyang buhok. It had been days since she stepped foot in the agency. Dahil sa kanyang aksidente, sa baliw na plano ni Erikson at sa lahat ng nangyari pagkatapos niyon, halos nakalimutan na niya ang pakiramdam ng muling mapabilang sa mundong ito.Lunes na, at sa wakas ay nakabalik na siya sa trabahong tunay na para sa kanya, ang pagiging modelo. Ngunit hindi naging madali iyon. Halos magmakaawa pa siya kay Caleb bago ito pumayag na makabalik siya sa trabaho. Gusto pa nitong manatili siya sa bahay at magpahinga, pero para kay Samantha, sapat na ang ipinahinga niya."Pakiramdam ko ilang buwan na akong hindi nakakapunta rito," natatawang sabi niya habang isinusuklay ang buhok sa likod ng kanyang tainga at inaayos ang handbag na nakasabit sa balikat niya.She rea
Mukhang tuwang-tuwa ito, at mababanaag sa mga mata ni Samantha ang tahimik na pagmamalaki habang inaabot nito ang isa sa mga mangkok.“Here. Thought you might be hungry,” she said, smiling. “It looked too good to resist.”Napakurap si Caleb at bahagyang nag-alinlangan bago agad na itinago ang anumang bakas ng pag-aalala sa kanyang mukha. Sa amoy pa lang, ramdam na niya ang bahagyang pangangati sa lalamunan. Pero paano niya sasabihin iyon kay Samantha? Ayaw niyang mawala ang ngiti sa mukha nito.Naglaan ito ng oras para isipin siya at bumili pa ng pagkain para sa kanya dahil inakalang gutom siya. Paano niya tatanggihan ang pagkaing inihanda nito nang may gano'ng pag-aalala? Kaya sa halip na tumanggi, tinanggap ni Caleb ang mangkok at bahagyang tumango.“Salamat,” simpleng sabi niya, puno ng init ang kanyang tinig.Binuksan ni Samantha ang sarili nitong pagkain at agad na nagsimulang kumain.“Grabe, ang sarap nito,” sabi ni Samantha habang napapapikit sa kasiyahan. “Kailangan mo itong t
Lumipas ang ilang araw, at sa wakas ay dumating na rin ang pinakahihintay na weekend. Ito mismo ang weekend na matagal nang ipinagdarasal at inaabangan ni Zia. It was afternoon, and the hot sun hung lazily in the sky, spilling gold over the park. Masigla ang paligid, may mga batang nagtatawanan sa mga swing, mga pamilyang nagpi-picnic habang nagkukwentuhan, at mga batang walang sapin ang paa na masayang tumatakbo sa luntiang damuhan. Nakaupo si Samantha sa isang kahoy na bangko sa ilalim ng malaking puno ng roble. Bahagyang sumasayaw ang kanyang buhok sa malamig na simoy ng hangin, katabi si Caleb. Nakatiklop ang manggas ng itim nitong polo, at napalitan ng tahimik na kasiyahan ang karaniwan nitong seryosong ekspresyon habang pinagmamasdan sina Zia at Ella na naghahabulan sa damuhan. Umalingawngaw ang masayang halakhak ni Zia habang sinusubukang habulin si Ella. Maya-maya, sabay silang bumagsak sa damuhan sa kakatawa habang ang kanilang mga bestida ay sumasayaw sa hangin na paran
Pagkauwi ni Samantha nang gabing ‘yon, matapos maligo ng malamig na tubig, naupo siya sa gilid ng sofa ni Sophia. Mahigpit niyang hawak ang isang tasa ng tsaa na hindi man lang iniinom. Hanggang ngayon ay pilit pa rin niyang inuunawa ang hindi inaasahang pagkikita nila ni Caleb kanina.Ang matatali
Katatapos lamang ni Samantha sa pagpirma ng ilang dokumentong kinakailangan bago umalis. Kinuha niya ang kanyang handbag at akmang lalabas na sana nang harangin siya ng isang babae.“Miss Buenvenidez?” the woman asked with a polite but tight smile.Huminto si Samantha at mahigpit na hinawakan ang k
The interview came to an end with polite smiles and scattered applause. Isa-isang lumabas ng hall ang mga aplikante, kasabay ng tunog ng kanilang mga takong sa marmol na sahig habang bumabalot sa paligid ang mahihinang bulungan.Sa labas, malapit sa parking lot, may maliit nang grupo ng mga babae n
Noong huling beses na tumapak si Samantha sa Pilipinas ay buntis, at wasak ang kanyang puso.Ngayon, muli siyang bumalik, suot ang mataas na takong, hawak ang manipis na portfolio, at pilit na pinipigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay.Hindi niya halos makilala ang sariling repleksyon sa sal






![Cover your eyes baby [Series 1]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
