Share

CHAPTER 4

Nanatili sa tabi niya ni Valdemor si Ella. Hindi na ito nakapag-asawa. She is special in the eyes of the man. Kakambal siya ng namatay nitong asawa na si Cecilia.

“Maraming salamat sa pag-aalaga mo sa mga bata. Malalaki na rin sila.” Tahimik na tumalikod si Ella. Tumagilid rin ng higa ang lalaki at hinalikan siya sa kanyang balikat.

“Anong sasabihin ng mga anak mo kapag nalaman nila ang tungkol sa atin?”

“Hindi nila maibibigay ang kaligayahan ko, Ella. Ako pa rin ang ama nila. Makikinig sila sa akin. I don’t need their approval. Hangga’t nandito sila sa poder ko, ako pa rin ang masusunod.”

“Val…”

“Huwag ka nang malungkot. Mahal na mahal kita, Ella.” Muli nilang pinagsaluhan ang init ng buong magdamag sa kabila ng isang lihim na pagsalo sa kama.

Niyakap ni Valdemor ng mahigpit si Ella. Naghihintay lang siya ng tiyempo. Gusto niyang sabihin ang lahat pagbalik ni Victoria galing sa America. Alam niyang ang bunsong anak ang unang matutuwa sa kanyang ibabalita.

Ngunit nagbagong bigla ang lahat.

“Valdemor, huwag mong gawin iyan sa anak mo. Pakinggan mo muna ang paliwanag niya.”

“Hindi pa ba sapat ang sinasabi ng mga larawang iyon, Ella. She is a disgrace. Hindi siya makakatuntong sa pamamahay ko. Ikinahihiya ko siya.” Kumalat ang mga larawang iyon kahit sa internet.

Hindi na makakauwi si Victoria tulad ng inaasahan nila.

Pagbalik ni Victorina ay parang balewala lang ang lahat dahil nabaling kay Victoria ang galit ng ama.

Sa kabilang banda, hindi naman ganoon kasakit kay Xander ang lahat. He felt being saved by the bell because of what happened. Masyado lang siyang disturbed sa babaeng umiiyak sa likod ng halamanan. Ni hindi niya nakita ang mukha nito ng ibigay niya ang panyo.

Hindi rin niya kilala ang lalaki. Si Victorina lang ang kilala niya. Napailing siya. Ipinamukha talaga niya na hindi niya gustong magpakasal kay Xander dahil mas bata ang ipinalit niya rito.

Nagkita pa rin sila sa Hotel Majorica.

“Ang lakas naman ng loob mo para gawin sa akin ito, Victorina. Matapos mong pagmukhain mo akong tanga sa harap ng maraming tao. Heto at gusto mong makita ko ang kasal mo sa iba. You are extremely impossible.”

“I don’t care. Do I look like affected? NO! Because I don’t like you. Puwede mo pa rin namang tulungang makaahon ang kompanya ng hindi nagpapakasal sa akin?”

Samantala, matapos ang seremnonya. “Congratulations, Victoria!” Masaya sana ang kanyang graduation kung nandoon ang kanyang ama. Hindi na niya sinabi sa mga kaibigan ang buong nangyari.

Iniwasan na niya si Carlo.

“What do you plan? Gusto mo bang sabay tayong umuwi ng Pilipinas?” Umiling ang dalaga. Gusto niyang umiwas sa mga kaibigan.

She experienced the worst scenario in her life. Everything is cut off on her. Wala na siyang natanggap na allowance. Her credit card was cut off too. Luckily, she is wise enough to save as much money as she could.

Hanggang sa dumating ang araw ng panganganak ni Victoria.

“Lalakasan mo ang loob mo, Victoria.”

“Dr. Jang…”

Tiniis niya ang siyam na buwan na halos magtago siya. Hindi niya sinagot ang anumang tawag mula sa mga kaibigan. Nababasa niya ang mga mensahe nila ngunit hindi siya nagre-reply.

Tumulo sa gilid ng mga mata ang luha ng dalagang ina. Nasira ang buhay niya at iniwan pa siya ng kambal na anak. Tinurukan ng anaesthesia si Victoria. Kambal ang magiging anak niya thru caesarian section.

Pagkagising ni Victoria ay nasa loob na siya ng isang pribadong kuwarto. Si Dr. Victoria Jang, isang Filipino-Korean ob-gynecologist ang umasikaso ng lahat para sa kanya. Malaki ang utang na loob niya rito.

Puno ng galit at poot ang nararamdaman ni Victoria. Nasa isip niya ang paghihiganti sa lahat ng mga nararanasan niya ngayon. Ipinangako niyang magtutuos sila sa takdang panahon. 

Hawak niya ang mga sanggol.

“Victoria, ang cute ng mga babies mo. Anong ipapangalan mo sa kanila?”

“Valdemor Calixto…” Calix ang nickname ng sanggol na lalaki. “Siya naman si Marinella Cecilia,” Maricel naman ang nickname ng babae.

“Very nice names,”

Nababawasan ang pagod at pangamba ni Victoria sa tuwing makikita ang kanyang mga bagong silang na sanggol. Hindi niya maipaliwanag ang labis na kasiyahan ngunit nagdulot ng malaking takot sa kanyang puso ang kinakaharap na pagsubok sa kondisyon ng kanyang anak na babae.

She’s a blue baby. Nagiging kulay blue ito sa tuwing iiyak. Siya ang madalas umiyak sa kambal.

“Dr. Jang, bakit siya nagiging kulay blue? What’s wrong?”

“Huwag kang mag-alala. May solusyon naman diyan.”

Hindi makapaniwala si Victoria. Malaki na ang nagagastos sa kanyang panganganak. At baka maoperahan pa ang sanggol dahil sa butas nito sa puso.

“Kailangan muna natin siyang palakihin. Atleast a year old before baby Maricel will be operated. Don’t worry, hahanap tayo ng mag-i-sponsor sa kanyang operasyon.”

“Dr. Jang, bakit po napakabait ninyo sa akin?”

“May mga kapatid rin akong babae. Panganay namin ay lalaki at lima kaming babae. Mga ulila na kami at kaming magkakapatid na lang ang nagdadamayan.”

“Ah, buti ka pa. Ganyan kayong magkakaptid?”

“May kapatid ka ba?”

“I don’t know if she really treated me as a sister. Wala ako sa kalagayang ito kung hindi rin dahil sa kanya.”

“How about your boyfriend?”

“Hindi ko alam kumbakit parang unfair ang tadhana sa akin. Everything is taken away from me. I am as poor as a rat now. If not with you, baka sa kalye na lang kami tumira.”

“May dahilan ang lahat, Victoria.”

“Yeah, they always say that “” kapag hindi na kayang ipaliwanag kumbakit nga ba nangyari ang lahat ng ito. Every question must have an answer.”

“Tama ka diyan. But you don’t always get the right answer to every question. Kapag hindi ka nagtiwala sa Diyos, palagi kang magtatanong kung nasaan siya sa mga panahong ito.”

“I don’t question God about that, Dr. Jang. The fact that you here with me at my lowest, I feel as if I found a mother and a sister in you.”

“Salamat…”

“Dr. Jang, may ipapakiusap lang po ako sa iyo.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status