After five years, Xander is turning 40 soon. What’s with the age when he doesn’t even think of quitting as a bachelor? But it doesn’t mean to say that he isn’t going to marry anymore.
He is not even picky, it is just that, something happened five years ago which he couldn’t forget.
That very day, while inside the elevator, gusto niyang balikan ang babaeng iyon. He is responsible for her at that very moment dahil may nangyari sa kanila. He was not raised to disprespect woman lalo pa’t limang babaeng magkakasunod ang kanyang mga kapatid na babae.
Bumalik si Xander sa kanyang opisina kaharap ang maraming pending na trabaho ng araw na iyon. Tulad ng mga nagdaang taon, kaharap niya ang mga pipirmahang papeles at tseke. May iri-review siyang mga proposals mula sa mga kliyente, in and out of the country. What a busy day for him? He was able to survive because he had a loyal secretary. Ngunit ng umagang iyon, wala pa si Eula. First time na nangyari ito. Ni minsan ay hindi niya nagawang umabsent o kahit ma-late.
“Sir, nasa ibabaw na po ng desk ninyo ang inyong schedule for the next 15-30 days hanggang makahanap kayo ng bago ninyong sekretarya. Pasensiya na po…”
“Next 15-30 days? Kalahating buwan? Bakit?” Nakita niya ang letter of resignation sa ibabaw ng mesa.
“Tsk! Tsk! Tsk! Bakit ngayon pa kung kailan…” Napabuntunghininga si Xander.
Hindi niya tuloy alam kung ano ang gagawin. Sandali siyang huminto, yumuko at nag-isip kung ano ang gagawin sa halip na magalit at bumunganga. He is calm under pressure. Natigilan siyang bigla at napasandal sa kanyang malambot na upuan.
“I am getting married, Sir Xander.”
Hindi pa makapaniwala si Xander hanggang sa makita niya ang wedding invitation sa ibabaw ng kanyang mesa. Buntis na rin daw kasi siya.
“Kailangan ko na rin pong harapin ang pagpapamilya, Sir.“ Iyon ang huli nilang pag-uusap. Bago umalis, inayos pa rin niya ang kanyang 15-day schedule.
Nakipag-bargain pa si Xander. Tatanggapin pa rin niya si Eula sa kompanya matapos niyang ikasal at manganak pero tinanggihan niya ang alok na iyon.
Hindi sumagot si Eula, bagkus ay sinabi niya, “Kayo po ba, walang balak? Mauunahan ko na po kayo? Napag-usapan na rin po namin ni Lucas na pagtutuunan ko muna ng pansin ang aming pamilya…ang aming magiging mga anak. Sir, malaki naman po ang naipon ko. Sapat na po iyon upang magpasimula ng aming buhay,”
Biglang natawa si Xander sa kanyang sarili sa kauna-unahang pagkakataon ng kanyang buhay. Pag-aasawa? Pagpapamilya?
Buti pa si Eula, she has finally decided to build her family. As in desidido siya dahil hindi na siya papipigil. Siguro ito na rin ang panahon para mag-isip- isip ng future.
Maaga pa lang, na-stress na siya sa kanyang nalaman. Whew! Niluwagan niyang ang kanyang necktie. Napatingin siya sa tambak na papeles sa ibabaw ng kanyang mesa. Napahawak siya dito na parang ipinagpi-pray over. Pinag-iisipan kung ano ang unang makabubuting gawin. He is into deep and serious thinking. He feels the stress.
Stress is real.
Iyong meet-up lang nila ni Victorina na nauwi sa one-night stand sa kung sinong babae lang.
He considered it the worst meet-up of all because he never expects himself to carelessly take someone else into bed ng hindi pa niya nakikilala ng lubusan, lalo nang kung noon lang niya nakita.
Noone ever knew why until that day he is still a bachelor. Pinagsisihan niya ang araw na tuluyan siyang umalis ng hotel.
Alam niyang may nagawa siyang hindi tama. Nasira niya ang kinabukasan ng babaeng iyon.
After nilang magkita ni Mr. Newman ay hindi na niya nababanggit sa usapan ang kanyang mga anak. Nahahalata niya ang matinding lungkot sa matandang lalaki.
Madalas rin silang magkita at uminom sa Club Roman pagkatapos ng kanilang trabaho.
“Xander, take over my company.” Sumandal ang matanda na animo’y pagud na pagod sa kanyang trabaho. Umiling-iling ang lalaki.
“May problema po ba?”
“I don’t think I can make her come and manage our business. Siya pa naman ang inaasahan kong magmamana ng lahat ng ito. Mahirap na may anak kang babae. Hindi mo maaasahan sa negosyo.”
“Tito, puwede naman po siguro ninyong kausapin ng masinsinan.”
Naglabas na ng sama ng loob ang lalaki. Gusto na niyang awatin ito dahil nakarami na sila ng inom. Nakinig na lang siya sa kanyang mga hinaing.
Yeah, Valdemor Newman owns a big and successful company for two decades, Halos kasing edad nito ang Mondragon Textile Company.
“I need a secretary, ASAP.” utos ni Xander. At hindi naman sila nabigo. May mga aplikanteng dumating.
“Ms. Lily Beckham, your next…” sabi ng babae.
Tumayo siya at naglakad patungo sa loob ng opisina.
And her fate will be decided after the interview with the boss.
Kumatok siya ng tatlong beses atsaka pumasok ng marinig ang “Come in” sa loob ng kuwarto.
He put down his glasses and looked at her from head to toe and from toe to head. Ramdam niya ang pagbabago ng temperatura sa loob at biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Biglang nag-init ang pakiramdam niya.
She stopped from there. Hindi siya makaalis sa kanyang kinatatayuan.
“Good morning Sir. I am Lily Beckham, ” But he signaled to stop so she stopped. At pa-simple niyang tinangkang tanggalin ang pagkakasabit ng takong sa carpet.
“Mangangalay ka sa pagtayo. Angtaas pa naman ng heels mo,” sumilip siya sa gilid ng mesa.
Pinagpawisan siya sa sitwasyon ng iangat niya ang kanyang sapatos ngunit sumabit ang kanyang takong sa himulmol na sinulid ng carpet. Mabilis ang kilos ng lalaki at nasalo siya nito.
Yumuko ang lalaki. Iniangat ng bahagya ang kaliwang paa ni Victoria upang tanggalin ang pagkakasabit ng sinulid sa kanyang takong. Nawala sa loob niyang mapahawak sa ulunan nito.
“Thank you, Sir.” Ni hindi niya alam kung paano hihingi ng pasensiya sa aksidenteng nangyari. “Sorry, Sir. Pasensiya na po,”
Iyon din ang simula ng mas kapana-panabik na encounter nilang dalawa.
“Are you okay now?” Muling tanong nito.
Tumango lang si Victoria ni hindi na niyang magawang tumingin sa kanyang kausap. Kailangan niyang makuha ang spot na iyon sa Mondragon.
Kaya ang pag-aasawa ay parang biyahe lang talaga. Minsan, may nauuna sa biyahe at mayroon namang nagpapa-last trip. May mga taong hindi naman nagmamadali pero susunod na lang o ‘di kaya naman ay hahabol na lang. Mahuli man daw sa biyahe ay makakabuo pa rin naman ng pamilya. Iyon ang mahalaga. Xander’s life started the day Victoria cross each other’s path even in the most unimaginable way. There is a reason why they have to meet again. He met several women but nothing compares to the young Newman. Hinangaan naman talaga noon si Xander ang kanyang Economics Professor. He was a graduating student by then. Hindi naman niya niligawan ang batam-bata pa noong teacher niya, si Miss Grace. Mahiyain at soft-spoken ang batang propesora. Si Xander lang ang tutok na tutok na nakikinig sa kanya. She never raises her voice. She always smiles and very calm ang kanyang boses that Xander would even dose off. Hindi niya namalayan, na silang dalawa na lang sa classroom. Hinintay pa siya ng guro na magi
Pinalapit ng pari sina Xander at Victoria sa mismong altar upang pumirma sa kanilang tipan sa Diyos. Isang sagradong kasunduan sa hapag ng Panginoon na sila ay magsasama sa hirap at ginhawa, sa sakit o kalusugan hanggang kamatayan ang maghiwalay sa kanilang dalawa. “This is what it feels to be under God’s grace, receiving his blessings through the sacraments. Thank you, Lord!” Tahimik na usal ni Xander ng mapatingala siya sa malaking krus. “Pasalubungan natin ng masigabong palakpakan sina Mr and Mrs. Alexander Damien Yu.” Walang pagsidlan ng tuwa ang bagong kasal at ang lahat ng dumalo matapos ang buong seremonya. Binati sila ng lahat ng nandoon ng malakas na palakpakan at humiling ng halik mula sa sa kanila. Hindi naman nila binigo ang kanilang mga bisita. Tuluyang bumalon ang luha sa mata ng dalawa. “I can’t believe it, Xander.” “This is our new beginning, Victoria.” Luhaan silang pareho. “Akala ko talaga ay tuluyan ka nang mawawala sa akin. Ah, Lord! Salamat!” “Thank God!” L
Pili lang ang mga bisita sa kasalang Newman - Yu. Sino ang makapagsasabi na ang sanggol na ipinanganak noong araw ding maaksidente si Xander at ang mga magulang niya ay nagbigay sa kanya ng panibagong pag-asa. He never told them one thing. “Xander, napakabait mo talaga!” “Salamat po, Tita.” “Gusto ko din sanang magkaroon ng anak na lalaki na kasing pogi at kasimbait mo.” “Kung may anak lang po kayo eh, siya na ang pakakasalan ko para maging mama ko na rin po kayo.” tugon ng lalaki. Buntis na noon si Cecilia. Nagulat na lang siya ng muli silang dumalaw sa kanya. Malaki na ang tiyan ng babae. “Xander, puwede mo bang ingatan ang anak ko kapag lumabas siya?” Nilapitan siya ng binatilyo at kinuha ni Cecilia kamay niya saka inilagay sa kanyang tiyan. Naka-total bed rest daw siya dahil delikado ang kanyang pagbubuntis. “Po?” “Babae ang magiging anak namin ng Tito Val mo. I like you for my Victoria to be his husband.” “Hala, Tita, mabuti po ba kung magugustuhan niya ako paglaki bala
Gustong magsisi ni Victoria sa kanyang mga ginawa. Hindi kasi niya naiintindihan ang lahat. Hindi naman nagalit si Xander sa kanya bagkus ay naawa siya para pahirapan ng ganoon. “Sigurado ka bang ikakasal tayo bukas? What about our reception and the entourage?” “It’s all done, my darling. I handled every tiny details for you. Ayokong ma-stress ka but I am so sorry to make you angry and worry. Mahal na mahal kasi kita kaya sinunod ko lang ang mahigpit na bilin ni Papa. In this way, I’d be able to redeem myself from having you disgraced for the first time. I never meant to play a game with you. I am not a great pretender infront of you. I really love you, Victoria.” “Oh, Xander!” Nasa gitna ng pagmumuni-muni si Victoria habang mahigpit niyang niyakap ang unan at inamoy ang pabango ni Xander ng bigla siyang mapabalikwas sa kanyang kinahihigaan. Pagkaalis na pagkaalis ni Xander ay nagulat siya sa sopresang inihanda ng mga kapatid ng kanyang fiance. All of them bought gifts for Victori
“I think so!” “Maalala pa kaya niya ang mga sinabi niya?” Napangiti lang si Xander dahil naaalala niya ang nangyari. Hindi na nakapasok si Victoria kinabukasan dahil sa dami ng nainom niya. Wala na ang magkakapatid na Yu. Umuwi na rin si Xander. Hindi niya alam kung anong nangyari. Lumabas siya ng kuwarto at nakitang naglalaro ang kambal sa bakuran. Nandoon din ang Mama at Papa niya. Lumabas siya para halikan ang mga bata at nilapitan na siya ni Ella. “Gising ka na pala. Do you want to eat?” Nagmamadaling umiwas ang babae ngunit hinila siya ni Ella sa kusina. “Let’s go out, Victoria. Gusto ko sanang mag-window shopping.” “Sige po. Tayo lang po ba o isasama natin si Papa at ang mga bata?” “Kung gusto mo…” Tumango siya. Tahimik na lang si Victoria. She doesn’t feel well that day. Masakit ang ulo niya sa hang-over. Hindi niya mapahindian ang ina na minsan lang magyaya sa kanya. Madalas nila iyong gawin kapag wala siya sa mood. Either, ibinubuhos niya sa pagkain o pagbili ng kung an
Kinabukasan ay maaga silang nagsalu-salo sa almusal. Hindi na nakaiwas si Victoria sa good morning kiss ni Xander. Hindi pa rin siya umimik. Hinayaan lang niya ang binata. “I’ll fetch you by six.” “Medyo busy ako eh. Huwag na lang.” “I said 6pm.” “I said I’m busy. Nakikinig ka ba sa akin?” “Okay, fine! Pero kapag mag-asawa na tayo, hindi na puwede ang ganyang sagot mo sa akin. Kapag sinabi kong susunduin kita ng 6pm, I’d be there before six and don’t keep me waiting.” “Kung magiging asawa mo ako?” “Victoria!” “Bakit, Mr. Alexander Damian Yu? Anong drama mo? Bakit mo ako susunduin ng bandang six? Ano? Tapos mo na akong paglaruan? Tsss!” “Hanggang dito ba naman sa pagkain eh magsasagutan kayong dalawa! Victoria!” “Sorry, Pa.” Yumuko ng tingin ang babae. “Wala ka nang pinipiling lugar!” "Kumain ka ng mabuti kung marami kang gagawin ngayon. You need that. Una na ako.” At nagdikit ang kanilang mga labi. “Victoria, okay ka lang ba?” tanong ni Ella. Halatang hindi siya masyadong