Narinig ni Victoria ang mahinang katok sa master’s bedroom ng bahay na iyon. Dati nga ay mas gusto niyang sa maid’s quarter na lang ngunit hindi pumayag si Dr. Jang lalo na sa kalagayan ng babae. Nadatnan niyang inaayos nito ang damit nilang mag-ina.
“Uuwi po muna ako sa Pilipinas. Isasama ko silang dalawa.”
“Are you going to work or something? O uuwi ka sa papa mo?”
“Hindi ko po alam kung tatanggapin ako ng papa ko sa katayuan ko. May anak na kambal at walang asawa? Disgrasyada? Look at me, this is not who I used to. Hindi ko alam kung mapapatawad niya ako.”
“Walang magulang na nakakatiis sa kanyang anak. Alam mo, once na nakita na ng papa mo ang mga apo niya. I tell you he will be happy at makakalimutan na niya ang galit niya sa iyo.”
“Kaya lang, kapag hinanap po niya ang asawa ko. Anong sasabihin ko?”
“Eh ‘di sabihin mo, naano lang,” sabay-tawa ng dalawa. Iyon ang gusto ni Victoria sa kanyang katukaya, nakakapag-joke pa rin kahit seryoso na ang mga bagay-bagay. “By the way, see if you can get a job in Mondragon Textile Company.”
“May kakilala po ba kayo doon?” Iginalaw ni Dr. Jang ang kanyang kilay upang sabihing oo.
“May opening sila doon. I will also message my Ku… ah, tatawagan ko na lang ‘yung kakilala ko doon para back-up mo. I will tell him that you will come.”
Niyakap ni Victoria ng mahigpit ang anak. Hindi siya lumingon dahil baka magbago ang isip niya. Tahimik lang si Calix. Hindi siya nagtatanong ng kahit ano.
“Iwan mo muna dito si Maricel kung hindi mo siguradong may mag-aalaga sa kanila.”
“Iyon din po sana ang ipapakiusap ko.” Tumulo na ang luha ni Victoria. Sa loob ng limang taon na palagi silang magkakasama sa hirap at ginhawa ay mas pinili niyang iwan ang kambal na babae dahil sa maselan nitong kondisyon. Espesyal ang pag-aalaga sa kanya kahit nalampasan na niya ang krisis sa kanyang operasyon.
“Don’t worry, Victoria. Makakaraos rin kayong mag-iina.”
Humanap talaga siya ng on-line job where she accepts commissions on textile designs. Victoria’s passion is in Clothing. Nakuha niya ang galing na iyon sa kanyang papa. Nakaraos silang mag-iina sa laki ng bayad sa bawat designs na maaaprubahan sa kanya until she got an exclusive contract from Mondragon Textile Company.
And probably, that day is the most tiring day for Xander.
Naupo si Xander sa highchair sa loob ng Club Roman. Same spot where he used to take a shot. Moderate drinker naman siya at doon siya tumatambay pagkatapos ng kanyang trabaho. Lumilingon siya sa entrance upang tingnan kong dumating na ang kanyang hinihintay.
“Xander, hanggang ngayon binata ka pa rin. Wala ka bang balak mag-asawa?” Sometimes this becomes an embarrassing question for a person like Xander.
Hindi na nagtataka si Mr. Valdemor J. Newman sa sinapit ng binata. Alam niyang malaki naging epekto ng kahihiyang sinapit niya kay Victorina ngunit hindi nagpaapekto si Xander pagdating sa kanilang mag-business partner. Mabait pa rin ang binata when it comes to taking charge of the company. Victorina acts as his dummy. Para siyang puppet na display lang ngunit susunod sa mga iuutos ng nakatataas sa kanya. She is well-paid for that.
“Sir, mukhang mahihirapan na akong makahanap ng babaeng magiging tapat at totoo sa relasyon sa mga panahong ito,” ‘Yong full-package, beauty and IQ na may kasamang EQ na rin sana.
Hindi na rin magawang nakapagreto pa ni Valdemor.
Kung hahanap rin lang naman ng relasyon si Xander, sisiguraduhin niyang seryoso at pangmatagalan ang babaeng mahahanap niya. Ayaw niyang mag-aksaya ng panahon at oras kung makikipaglokohan lang pala siya. Wala na siyang oras para makipaglokohan.
Malayo na ang nilakbay ng kanyang isipan. Maya-maya pa ay may tumapik sa kanyang balikat. Binati niya ang lalaki. Naupo ang matanda sa katabing upuan.
“Kanina ka pa ba?” tanong niya.
“Kadarating ko lang po. Waiter!” Saka sila binigyan ng dalawang baso. Ipinatong ang isang bucket ng yelo sa tapat nila at nilagyan ng alak ang kanilang mga baso. “Ah, Sir. I need a new secretary. Umalis na si Miss Eula. Mag-aasawa na po kasi siya eh,”
“Wow, that’s good!” Nakangiti siya at iniabot ang yelo saka nilagyan ang kanilang mga baso.
“Yeah, good for her.” Nilaro niya ng konti ang yelo sa baso nito. Doon lang muna tumitig.
“Lalagay na siya sa magulo ngunit masayang buhay ng pag-aasawa. Mabuti pa talaga ‘yong secretary mo, nakuha pang mag-lovelife sa kabila ng sobrang busy sa trabaho. Bakit hindi mo siya gayahin?”
“Saan po? Sa paghahanap ng sekretarya o sa pag-aasawa?” Napapailing na lang si Xander. Bigla kasi niyang naisingit ang pag-aasawa sa usapan. “Joke lang po! Huwag na po kayong mag-alala. I already had a new secretary.”
Hindi niya sinabing tumawag ang kapatid at mukhang nagpadala ng anghel na tugon sa kanyang dalangin.
Sabay na umalis ang dalawa matapos ubusin ang laman ng kanilang baso. Inalalayan niya ang matanda sa paglalakad.
Minsan ganoon ang bonding nila ni Mr. Newman. Mayroon silang one-shotglass policy during weekday from work. Ibig sabihin, hanggang isang shotglass lang ang iinumin nila bago umuwi. Sa Club Roman sila madalas magtagpo upang mag-usap-usap ng maraming bagay tungkol sa negosyo at sa buhay. Parang tatay na rin ang turing niya rito. Sa kanya siya humihingi ng payo tuwing may mga mabibigat na desisyon sa kompanya at maging sa personal na buhay nito.
Matalik na kaibigan ng mga Yu ang pamilya ng mga Newman. Graduating na si Xander ng maaksidente ang kanyang pamilya. Si Mr. Newman ang tumayong ama para sa kanilang anim na naulila.
Naiwan sa kanya ang napakalaki at napakabigat na responsibilidad sa kompanya at sa kanilang pamilya. Si Xander pa ang nag-aasikaso sa kanyang mga kapatid kahit may tig-isa-isa silang yaya. Sinikap niyang palaguin ang negosyo ng kanyang magulang para makapagtapos silang lahat. Mabuti naman at kahit nagkaroon ng maraming problema sa ekonomiya nitong nagdaang mga taon ay hindi pinabayaan ng Diyos ang kanilang negosyo.
Kung kaya, Xander had been the most workaholic CEO in Skyscraper Business Center. He had been living in his condo unit alone for a couple of years now.
Now that he is turning forty soon, nakikita niyang magbabago na ang takbo ng buhay niya.
Maging sa labas pa lang ng opisina ni Xander ay nagbulungan na ang mga staff.
“Applying for a secretary…” Wow! akala nila ay kliyente na may business appointment sa kanilang boss. Angganda ng porma niya at hindi mo mapagkakamalang aplikante. Sa damit pa lang eh, mukhang modelo. Kung magsalita ay very confident. Napailing pati ang receptionist. mukhang mali ang pinasok niya.
“Are you sure?”
“Yes, I am pretty sure. I would want to apply for a secretary.”
Umupo na lang siya at naghintay na tawagin ang kanyang pangalan.
“I am going to get a job here, right now!” Iyon ang sabi niya. Desperado si Victoria na makuha ang spot na iyon. Malaki ang tiwala niyang makukuha niya ang trabahong iyon.
“What? Sigurado kang secretary ang kukunin mong trabaho?” Halos magpanting ang tenga ni Ella ng marinig ang sinabi ng kanyang pamangkin. Masinsinan silang nag-uusap sa loob ng kuwarto habang mahimbing na nakaidlip ang bata.
Si Victoria ay bumangon at dahan-dahan silang lumabas ng kuwarto upang hindi maistorbo ang anak sa usapan nila.
“Yes, Tita. Ako pa ba? I can do it besides I am graduate of a Four-year course.”
“Kahit na. Baka mahirapan ka. Very demanding ang trabaho ng isang sekretarya. Si Lucresia nga ay hindi magkandaugaga sa mga trabaho niya sa opisina ng papa mo. Eh, kung ‘yan din lang naman pala ang gusto mong trabaho ay sa sariling kompanya na lang ninyo ikaw magtrabaho.”
“At ano? Maging sekretarya ni Ate Victorina. Gone are the days na magiging sunud-sunuran ako sa kanya. I can prove her this time that I am better than her.”
“Then take her spot. Ikaw ang magpatakbo ng kompanya kaysa kung kanino ito ipinagkakatiwala ni Valdemor.”
“I’ll take one step at a time, Tita. Huwag po kayong mag-alala. I will make sure to get what is rightfully mine from the beginning. Sa tingin po ba ninyo ay umuwi ako para lang maging secretary? There’s a reason for everything.”
Natahimik si Ella sa sinabi ng babae. Nakita niya ang lakas ng loob sa kanya maging ang tapang at tatag ng kanyang paninindigan ngunit hindi maitatago ang ikinukubli nitong paghihiganti.
Si Marinella ang sumundo kay Victoria sa airport. Tuwang-tuwa siya ng makita ang batang lalaki na kasama nito.
“Siya na ba ang anak mo, Victoria? Napakapoging bata. What’s your name?”
“Yes, Tita. Bless kay Lola Ella.”
“My name is Calix po.”
“Ay huwag namang Lola. Mamita na lang. Teka nakakaintindi ba siya ng Tagalog?” Tumango ang bata.
Nagmano nga ang bata sa kanya. Siya ang pansamantalang titingin sa bata habang nasa trabaho si Victoria. Ibinigay nito ang susi ng kanyang condo unit at ang kotse na regalo sa kanyang ng ama noong maka-graduate siya sa high school.
Masyadong matagal ang interview ni Xander sa huli at paglabas ni Ms. Newman, dali-dali rin siyang pumasok sa loob ng opisina.
“Sir…” Pagud na pagod si Sir. Tulala siya paglabas ng huli. Hindi na siya nagsalita pa. Ikinampay niya ang kanyang kamay na ang ibig sabihin eh, tantanan niya muna siya. Wala siyang nagawa kundi lumabas. Hinayaan niya siyang magpahinga.
Mahaba-haba pa naman ang buong maghapon. Sasabihan naman niya siya kung sino ang pababalikin. Pero nakita niyang problemado siya ng papasukin na siya.
“Sir, sino po?”
Napapailing si Xander. Parang gusto niyang sabunutan ang kanyang sarili sa inis.
“Miss Geneva, let me be at peace with myself.”
"What! Eh kaya nga niya siya pinatawag kasi pag-uusapan namin ang tungkol sa kanyang bagong sekretarya tapos papalabasin kaagad siya. Ano ito? Wala siyang mapili."
Nakasimangot ang CEO paglabas ng opisina at sinenyasan niya ang lahat sa labas.
"Nakakagigil talaga si Sir. Tapos ang aga niyang umalis." Nasa loob pa naman si Geneva ng sarili niyang opisina at hindi siya nasabihan ni Bambie. “Bakit di mo sinabi kaagad na umalis na si Sir? Anong oras? Mahahabol pa ba?” Iniiwasan pa naman niyang i-message si Sir sa messenger kasi pinagbawalan na siyang mag-send ng message sa kanya doon. Wala siyang choice.
Aalis si Xander for Australia at mainam kung may napili na siya. Geneva will train her bago niya siya isabak sa totoong laban.
Pero sino nga!
Hindi napigilan ni Ella si Victoria. Sa dinami-rami ng trabaho ay pagiging sekretarya pa ang kanyang naisip na hanapin.
Victoria exactly knew what she wants.
Umalis si Xander sa opisina na hindi malinaw kung sino ang kukunin niyang sekretarya. Pag-uwi niya sa condo, saka niya nabasa ang text ni Geneva. “Sir, sino po ang magiging secretary ninyo?” OO nga pala, nakalimutan niyang ibilin sa kanya.
“Call Ms. Lily Bechkam. Ikaw na ang bahala sa kanya habang nasa biyahe siya. Okay lang ba na turuan mo na siya kung ano ang dapat niyang malaman bilang isang sekretarya?”
“Opo, kayang kaya niya siyang turuan. “ sabi ni Geneva. She will be underprobation. She can fire her anytime kapag hindi siya pumasa kay Geneva.
“I have business trip for 3 days. So for the time being make her ready for her task and responsibility.”
“Yes, Sir.” And everything is settled.
Alam naman nila kung gaano kabait na boss si Xander pero napakaistrikto nito pagdating sa trabaho. Hindi siya naninigaw ng empleyado. Kung mayroon siyang ‘di- gusto, sinasabi niya ng diretsahan. Ayaw niyang dinadala ang problema sa trabaho. Gusto niya ay naka-focus ang mga isipan ng kanyang empleyado sa dapat nilang gawin. Kung trabaho, trabaho lang.
“Yes, Sir. Iyon po ang sasabihin ko.” Dinig niyang sagot niya sa kabilang linya.
Kailangan din niyang maging pamilyar simula sa kanyang schedule for the day. Kailangang well-coordinated lahat ang kanyang gawain. Ayaw niya nang may kulang. Ayaw niya nang may nakakalimutan.
“Yes Sir. Sasabihin ko po iyan.”
Sa kabila ng lahat ay hindi niya maintindihan kumbakit may kung anong tibok siyang naramdaman sa bagong sekretarya.
“See you in three days, Miss Secretary.”
Kaya ang pag-aasawa ay parang biyahe lang talaga. Minsan, may nauuna sa biyahe at mayroon namang nagpapa-last trip. May mga taong hindi naman nagmamadali pero susunod na lang o ‘di kaya naman ay hahabol na lang. Mahuli man daw sa biyahe ay makakabuo pa rin naman ng pamilya. Iyon ang mahalaga. Xander’s life started the day Victoria cross each other’s path even in the most unimaginable way. There is a reason why they have to meet again. He met several women but nothing compares to the young Newman. Hinangaan naman talaga noon si Xander ang kanyang Economics Professor. He was a graduating student by then. Hindi naman niya niligawan ang batam-bata pa noong teacher niya, si Miss Grace. Mahiyain at soft-spoken ang batang propesora. Si Xander lang ang tutok na tutok na nakikinig sa kanya. She never raises her voice. She always smiles and very calm ang kanyang boses that Xander would even dose off. Hindi niya namalayan, na silang dalawa na lang sa classroom. Hinintay pa siya ng guro na magi
Pinalapit ng pari sina Xander at Victoria sa mismong altar upang pumirma sa kanilang tipan sa Diyos. Isang sagradong kasunduan sa hapag ng Panginoon na sila ay magsasama sa hirap at ginhawa, sa sakit o kalusugan hanggang kamatayan ang maghiwalay sa kanilang dalawa. “This is what it feels to be under God’s grace, receiving his blessings through the sacraments. Thank you, Lord!” Tahimik na usal ni Xander ng mapatingala siya sa malaking krus. “Pasalubungan natin ng masigabong palakpakan sina Mr and Mrs. Alexander Damien Yu.” Walang pagsidlan ng tuwa ang bagong kasal at ang lahat ng dumalo matapos ang buong seremonya. Binati sila ng lahat ng nandoon ng malakas na palakpakan at humiling ng halik mula sa sa kanila. Hindi naman nila binigo ang kanilang mga bisita. Tuluyang bumalon ang luha sa mata ng dalawa. “I can’t believe it, Xander.” “This is our new beginning, Victoria.” Luhaan silang pareho. “Akala ko talaga ay tuluyan ka nang mawawala sa akin. Ah, Lord! Salamat!” “Thank God!” L
Pili lang ang mga bisita sa kasalang Newman - Yu. Sino ang makapagsasabi na ang sanggol na ipinanganak noong araw ding maaksidente si Xander at ang mga magulang niya ay nagbigay sa kanya ng panibagong pag-asa. He never told them one thing. “Xander, napakabait mo talaga!” “Salamat po, Tita.” “Gusto ko din sanang magkaroon ng anak na lalaki na kasing pogi at kasimbait mo.” “Kung may anak lang po kayo eh, siya na ang pakakasalan ko para maging mama ko na rin po kayo.” tugon ng lalaki. Buntis na noon si Cecilia. Nagulat na lang siya ng muli silang dumalaw sa kanya. Malaki na ang tiyan ng babae. “Xander, puwede mo bang ingatan ang anak ko kapag lumabas siya?” Nilapitan siya ng binatilyo at kinuha ni Cecilia kamay niya saka inilagay sa kanyang tiyan. Naka-total bed rest daw siya dahil delikado ang kanyang pagbubuntis. “Po?” “Babae ang magiging anak namin ng Tito Val mo. I like you for my Victoria to be his husband.” “Hala, Tita, mabuti po ba kung magugustuhan niya ako paglaki bala
Gustong magsisi ni Victoria sa kanyang mga ginawa. Hindi kasi niya naiintindihan ang lahat. Hindi naman nagalit si Xander sa kanya bagkus ay naawa siya para pahirapan ng ganoon. “Sigurado ka bang ikakasal tayo bukas? What about our reception and the entourage?” “It’s all done, my darling. I handled every tiny details for you. Ayokong ma-stress ka but I am so sorry to make you angry and worry. Mahal na mahal kasi kita kaya sinunod ko lang ang mahigpit na bilin ni Papa. In this way, I’d be able to redeem myself from having you disgraced for the first time. I never meant to play a game with you. I am not a great pretender infront of you. I really love you, Victoria.” “Oh, Xander!” Nasa gitna ng pagmumuni-muni si Victoria habang mahigpit niyang niyakap ang unan at inamoy ang pabango ni Xander ng bigla siyang mapabalikwas sa kanyang kinahihigaan. Pagkaalis na pagkaalis ni Xander ay nagulat siya sa sopresang inihanda ng mga kapatid ng kanyang fiance. All of them bought gifts for Victori
“I think so!” “Maalala pa kaya niya ang mga sinabi niya?” Napangiti lang si Xander dahil naaalala niya ang nangyari. Hindi na nakapasok si Victoria kinabukasan dahil sa dami ng nainom niya. Wala na ang magkakapatid na Yu. Umuwi na rin si Xander. Hindi niya alam kung anong nangyari. Lumabas siya ng kuwarto at nakitang naglalaro ang kambal sa bakuran. Nandoon din ang Mama at Papa niya. Lumabas siya para halikan ang mga bata at nilapitan na siya ni Ella. “Gising ka na pala. Do you want to eat?” Nagmamadaling umiwas ang babae ngunit hinila siya ni Ella sa kusina. “Let’s go out, Victoria. Gusto ko sanang mag-window shopping.” “Sige po. Tayo lang po ba o isasama natin si Papa at ang mga bata?” “Kung gusto mo…” Tumango siya. Tahimik na lang si Victoria. She doesn’t feel well that day. Masakit ang ulo niya sa hang-over. Hindi niya mapahindian ang ina na minsan lang magyaya sa kanya. Madalas nila iyong gawin kapag wala siya sa mood. Either, ibinubuhos niya sa pagkain o pagbili ng kung an
Kinabukasan ay maaga silang nagsalu-salo sa almusal. Hindi na nakaiwas si Victoria sa good morning kiss ni Xander. Hindi pa rin siya umimik. Hinayaan lang niya ang binata. “I’ll fetch you by six.” “Medyo busy ako eh. Huwag na lang.” “I said 6pm.” “I said I’m busy. Nakikinig ka ba sa akin?” “Okay, fine! Pero kapag mag-asawa na tayo, hindi na puwede ang ganyang sagot mo sa akin. Kapag sinabi kong susunduin kita ng 6pm, I’d be there before six and don’t keep me waiting.” “Kung magiging asawa mo ako?” “Victoria!” “Bakit, Mr. Alexander Damian Yu? Anong drama mo? Bakit mo ako susunduin ng bandang six? Ano? Tapos mo na akong paglaruan? Tsss!” “Hanggang dito ba naman sa pagkain eh magsasagutan kayong dalawa! Victoria!” “Sorry, Pa.” Yumuko ng tingin ang babae. “Wala ka nang pinipiling lugar!” "Kumain ka ng mabuti kung marami kang gagawin ngayon. You need that. Una na ako.” At nagdikit ang kanilang mga labi. “Victoria, okay ka lang ba?” tanong ni Ella. Halatang hindi siya masyadong