Huminto si Meadow sa tapat ng nakapinid na pinto. Kanina pa nanginginig ang katawan niya. Nakiusap siya kay Jack na kung puwede niyang bisitahin ang asawa, pumayag naman ito. Pero ngayong nasa harap na siya ng ICU, parang ayaw na niyang ituloy. Dinadaga ang dibdib niya. Ngayon ay nagdadalawang isip siya kung itutuloy ba o hindi na. "Pero gusto kong makita ang aking asawa," bulong ng isipan niya."Are you okay?"Nasa likuran niya si Jack, nakaagapay sa kaniya. Sinabi nitong dumalaw rin si Tyron. Sayang lang at hindi sila nagpang-abot. Umalis din ito agad dahil busy sa kompanya. Ang kaniyang biyenan ay kagabi dumalaw, nakausap niya ito bago siya matulog. Nangako itong pagkatapos ng work ay muling bibisita sa anak."O-oo." Sinamahan niya ng tango ang sagot niya.Huminga siya ng malalim. Saka'y pinihit ang door knob. Nang nasa labas ng ICU ay hindi na halos siya makahinga, lalo na ngayong nakita ang kalagayan ng asawa. Tila sinasakal siya. Parang gusto niyang sumigaw pero hindi niya maga
"Mommy, where's daddy?" Napahinto si Meadow sa paglalagay ng kanin sa pinggan ng anak. Nahugot din niya ang kaniyang hininga. Nag-apuhap siya ng idadahilan. Sinulyapan niya si Manang Fe na katabi ng bata. Kasama nilang kumain ang mga kasambahay, pinasabay na niya para marami sila sa hapag-kainan. "M-may t-tinatapos pa anak sa office si daddy," dahilan niya. Nabubulol pa siya. "Ang tagal namang dumating. Ipapakita ko ang mga nagawa ko sa kaniya, 'tsaka, hihingi ako ng reward.""Anak, ano ang sabi ko sa iyo?""E, mommy, hindi naman po para sa akin ang hihingin ko kay daddy, 'di ba Ate Eliza?" Bumaling ito sa dalaga na nasa tapat nito. Nangingiting tumango si Eliza. "Para sa mga street children."Umingos siya, kunwaring naggalit-galitan. "Huwag ko lang mabalitaan na nanghihingi ka na naman, Avi, ha! Mapapalo na talaga kita!" sermon niya rito. "Relax, mommy. Ang puso mo. Sige ka, papangit si baby niyan," tugon ng anak niya na may kasama pang kumpas ng kamay.Lihim siya natawa sa ina
"May nahanap ka bang kahit anong bakas?" Umiling ang rescuer na patuloy na hinahalughog ang pinangyarihan ng insidente. "Still, negative, Sir Jack." "E 'yong taong sinasabi niyong nakakita sa nangyari, where is he?" "Nandoon po sa gilid." Itinuro nito ang bahaging kaliwa ng kanilang kinaroroonan. Mabilis silang sumugod doon. Kasama pa rin ni Jack si Drake at Zeus. Si Greg ay dinala na sa hospital para magamot ang natamong sugat. Medyo bata pa ang lalaking sinasabing nakakita sa nangyari. May mga ilang katanungan siya rito, at maayos namang masagot. "Hindi ko lang po matiyak kung ang sakay ng sasakyan ang narinig kong sumisigaw." Halos sabay silang tatlong magkakaibigan na napasinghap sa sinabi ng ginoo. Nagkaroon sila ng pag-asang buhay pa ang kanilang kaibigan. Hindi lang basta kaibigan ang turing niya kay Aedam, kundi kapatid na rin. Tinulungan siya nito noon nang magkaroon ng mabigat na suliranin. Halos lahat sila, natulungan nito. Kaya kahit sira-ulo sila, tinitingala nila
Gusto sanang sumama ni Meadow kay Jack, babalik ito sa pinangyarihan ng insidente, pero mariing tumanggi ang binata. Hindi siya pinayagan ng tatlong lalaki. "Isipin mo ang sanggol na nasa sinapupunan mo, Meadow," sabi pa ni Drake. Wala siyang nagawa kundi hayaan ang tatlong umalis. Sumama si Drake at Zeus kay Jack, baka sakali raw na makatulong sa paghahanap kay Aedam. Ngayon ay mag-isa na siya sa malawak na living room. Naiwang blangko ang isipan, hindi alam kung ano ang gagawin. Hindi niya kakayanin kung mawawala si Aedam sa buhay niya. Aaminin niya, nang pumasok siyang secretary nito, nagagalit siya sa tuwing pagagalitan nito kahit wala namang dahilan. Nagtatago siya sa cr para ilabas ang lahat ng bigat nasa dibdib. Tiniis niya ang mga masasakit na salitang natatamo rito, hindi dahil sa utos ni Brenda, kundi sa mahal niya ito at ayaw niyang mapahamak. Pero, nang gabing aksidenteng may nangyari sa kanilang dalawa, doon na siya nagpasyang umalis. Huminga siya ng malalim at pilit
"Jack, puwede bang huwag niyo munang sabihin kay Avi ang nangyari kay Aedam, please?" May panginginig sa boses ni Meadow. Anumang oras ay darating na ang kaniyang anak, at ayaw niyang mabigla ito sa masamang balita. Nagkatinginan si Jack at Drake, kalauna'y tumango na rin ang dalawa. "Magpahinga ka na muna, Meadow. Ako na ang bahala kay Avi," sabi ni Drake. Aalalayan sana siya nito pero maagap siyang tumanggi. "Hihintayin ko rito ang aking anak. Mayamaya na lang siguro, sabay kaming aakyat sa itaas. Gusto kong ibalita sa kaniya na lalaki nga ang kapatid niya." Pino siyang ngumiti. Saglit pa ay humahangos na dumating si Zeus. Bitbit nito ang may kalakihang plastic at base sa hugis ay mango ang laman n'on. Anihan na ng mango. Ilang araw ito sa probinsiya para mag-harvest ng tanim. "Kararating ko lang pero masamang balita agad ang bumungad sa akin," sabi nito, kasabay ang paglapag ng dala sa mesa. "Is he dead?" Walang nais magsalita sa kanilang tatlo, kaya't mukhang nakuha
Hindi mapalagay si Meadow, bakas sa mukha ang matinding takot at may kasamang lungkot. Nasa sasakyan na sila, ang driver na ni Avi ang nagsundo sa kanila, habang ang anak ay nasa school pa. Nagpapadaan siya sa lugar na tinutukoy ni Jack, pero mariing tumanggi si Simon. Sinasabi nito na delikado pa kung susuong pa sila roon. "Paula, wala pa bang chat si Jack?" "Wala pa po," tugon nito na sinamahan ng iling. Lalo siyang nakadama ng takot. Kaninang nasa clinic ay nawalan na siya ng malay, hindi niya kinaya ang masamang balita. "Aedam..." Ipinikit niya ang mata at taimtim na nanalangin. Dasal niyang sana'y ligtas ang asawa. Nakiusap si Meadow sa mga bodyguard na dumaan sa pinangyarihan ng aksidente, pero mariing tumanggi si Simon. "Kabilin-bilinan po sa amin ni Sir Jack na ideritso ka na sa mansyon, Ma'am," sabi nito. Hindi na siya nakipagtalo pa. Iniisip niya rin ang anak na nasa sinapupunan. Nang magkamalay siya sa clinic ay binilinan siya ng doktor na mag-ingat.