Nag-panic si Meadow nang makitang nagkakagulo ang nurse. Kaya ba siya kinakabahan ay dahil dito? Hindi ba makaka-survive ang asawa niya? Mariin siyang pumikit at taimtim na nanalangin. "Kahit para sa anak natin, Aedam, lumaban ka, please!" Mangiyak-ngiyak na siya, nanginginig ka rin ang tuhod sa sobrang takot. Ang puso ay parang luluwa na. "What's goin' on?" Iminulat niya ang mata nang marinig si Tyron. Nasa tabi pa rin niya si Drake, nakatitig lang ito sa kaibigang kinakausap ang nurse."Nagkaroon po ng flat lines ang heartbeat ng kaibigan niyo, pero ginagawa po ni Doctora ang lahat. Babalitaan ko na lang po kayo. Excuse me po." Nagdumaling pumasok ang nurse sa loob. Naiwan silang walang masabi. Kapwa nangangapa at hindi malaman kung ano ang gagawin. Paano na? Paano kung tuluyang mawala ang asawa niya? Sa isiping 'yon ay parang gustong bumigay ng kaniyang tuhod. Hindi niya kakayanin. Napasinghap si Meadow nang biglang tumunog ang cellphone na nasa bag niya. Nanginginig ang kamay
Sunod-sunod ang pagtahip ng dibdib ni Meadow, nasa hospital siya para samahan si Aedam. Nang araw na 'yon gaganapin ang surgery para sa asawa niyang nasunog. Kasama rin niya ang lahat ng kaibigan nito, at ang asawa niya'y nasa loob na ng operating room. Hindi na sumama ang beanan niya, dahil kailangan ito sa CromX. Marami raw itong tatapusin. Habang masayang nagkukuwentuhan ang mga lalaking nasa gilid, ang iba ay nakatayo, merun ding nakaupong tulad niya, binalikan niya sa isipan kung paano unang nag-krus ang kanilang landas ng asawa. Nagkaroon siya ng malubhang karamdaman na nauwi sa pagkabulag. Gumuho ang mundo at hindi alam ang magiging kinabukasan. Ulilang lubos na siya at ang tanging nag-aalaga sa kaniya ay si Yolly, na ina ni Brenda. Hanggang sa may mag-offer na hospital na kung saan siya na-confine. May eye donor siya at libre niyang makukuha, maging ang gagastusin niya sa hospital ay sagot nito. Isang beses niyang nakausap ang magbibigay sa kaniya ng panibagong liwanag "Magan
Sinamahan si Meadow ni Cindy hanggang pool. Habang tinatahak ang daan ay nagtatanong siya rito, na agad naman nitong sinasagot. Mahiyain ang dalaga. Simple lang sumagot, at maganda nga ito. "Anong year mo na pagpasok?" "Fourth year na po." Bagama't tumatango ay nakakunot ang kaniyang noo. "Nag-stop ka ng pag-aaral?""Opo e. Kulang po sa pinansiyal."Tumango siyang muli. Twenty-five na ito kaya naitanong niya ang bagay na 'yon. May ilan pa siyang katanungan at walang pasubaling sinasagot ito ng dalaga. Hanggang sa marating nila ang tapat ng pool. "Mommy..." Kumaway sa kaniya si Avi, naliligiran ito ni Paula at Eliza.Gumanti siya ng ngiti rito at muling ibinaling ang tingin kay Cindy. "Gusto mong mag-swim?" "Po?" Napangiti siya. "Huwag mo na ngang samahan ng po. Nagmumukha akong matandang buntis e." Natawa siya sa sinabi niya. "Ilang taon lang naman ang agwat ko sa iyo.""Eh, kasi po..." Napakamot ito sa ulo, saka'y ngumiti. "Go na, samahan mo sila," pagtataboy niya rito. "Mag-c
Masayang-masaya nang umuwi si Meadow. Nakausap at nayakap na niya si Aedam, bagama't hindi pa ito masyadong nagsasalita, masaya na rin siya. Pero bakit may iba siyang nararamdaman? Parang may mali. May ibang pitik ng puso siyang nararamdaman. Habang nasa ospital ay tumawag si Damian, gusto raw siyang makausap ng anak. Kukumustahin lang pala si Brix Railey. Kinukumusta rin nito si Aedam, kung tumawag na at kung kailan uuwi. Nang dahil doon ay pilit niyang inignora ang nararamdaman. Nakausap na rin niya ang doktor, sinabi nitong as soon as possible ay isasaayos na nito ang operation. Iyon din kasi ang gusto ng mga kaibigan ng asawa niya, ang maisaayos ang nasirang katawan nito.Matapos mai-park ng driver ang sinasakyan ay agad na siyang umibis. Sapo ang may kalakihang tiyan habang pumapasok sa mansyon. Nasa bukana pa lang ng pinto ay naririnig na niya ang matinis na boses ng kaniyang anak. Masayang-masaya ito. Hindi pa man siya tuluyang nakalalapit ay napansin na siya ni Damian, nagla
"Lolo, kailan po ang balik ni daddy?" Nagkatinginan si Meadow at Damian, kasalukuyang nasa harap sila ng hapag-kainan, pinagsasaluhan ang nakahaing pagkain. Nakaramdam siya ng kaba at awa na rin para sa anak. Wala itong kaalam-alam sa nangyayari. Pinili niyang huwag ipaalam sa bata ang nangyari kay Aedam. Pinalabas niyang nasa ibang bansa ito dahil may aayusin doong trabaho. "Hindi ko alam, apo." Masuyong hinaplos ni Damian ang pisngi ng anak niya, saka'y ngumiti. "Don't worry, babalik din ang daddy mo, kapag natapos na siya roon. For the meantime, kumain ka muna dahil lalabas tayo. Na-miss ko na ang bonding nating dalawa."Saan po tayo pupunta?" tanong nito. Tila curious na curious. Napaka-inosente ng anak niya."Saan mo gusto?""Kahit saan po." Sumubo ito ng pagkain. Ang pisngi ay namumutok na."What if mag-mall na lang tayo? Mag-play tayo sa time zone, tapos tatalunin natin si Ate Eliza sa bowling." Humagikgik ang anak niya. At nang dahil sa nakikita ay nawala ang agam-agam sa i
Huminto si Meadow sa tapat ng nakapinid na pinto. Kanina pa nanginginig ang katawan niya. Nakiusap siya kay Jack na kung puwede niyang bisitahin ang asawa, pumayag naman ito. Pero ngayong nasa harap na siya ng ICU, parang ayaw na niyang ituloy. Dinadaga ang dibdib niya. Ngayon ay nagdadalawang isip siya kung itutuloy ba o hindi na. "Pero gusto kong makita ang aking asawa," bulong ng isipan niya."Are you okay?"Nasa likuran niya si Jack, nakaagapay sa kaniya. Sinabi nitong dumalaw rin si Tyron. Sayang lang at hindi sila nagpang-abot. Umalis din ito agad dahil busy sa kompanya. Ang kaniyang biyenan ay kagabi dumalaw, nakausap niya ito bago siya matulog. Nangako itong pagkatapos ng work ay muling bibisita sa anak."O-oo." Sinamahan niya ng tango ang sagot niya.Huminga siya ng malalim. Saka'y pinihit ang door knob. Nang nasa labas ng ICU ay hindi na halos siya makahinga, lalo na ngayong nakita ang kalagayan ng asawa. Tila sinasakal siya. Parang gusto niyang sumigaw pero hindi niya maga