"SIR, please take care of my daughter. Gusto niya'y may sandalan kapag natutulog. Yakapin mo siya habang mulat pa ang mata. Painumin mo rin ng milk," bilin ng nasa kabilang linya.
Hindi siya makapagsalita. Hindi maiproseso ng utak kung ano ba ang dapat sabihin sa kausap. "Mommy, ikaw po ba yung nakita ko kanina?" "Yes, baby." "Then, why are you hiding, mommy?" Ilang segundong tumahimik ang nasa kabilang linya. Kakaibang pitik ang sumisipa sa kaniyang puso. Hindi alam kung bakit ganito ang nararamdaman. Kahit ilang beses na niyang pinapakinggan ang boses ay hindi talaga niya mahalukay sa kailaliman ng isip kung sino ito. "Mommy, you don't love daddy anymore?" Parang may bumarang malaking bato sa lalamunan niya. Love? Siya? Mahal siya nito? Shit! Sino ba ang kausap nila? "Baby, I have to go. Tinatawag na ako ng tita ninang mo. I love you, baby. Take care of yourself. Huwag kang magpalasaway, ha!" Huli na nang rumihistro sa isipan niya ang sinabi nito. Ni hindi man lang siya nakapagsalita. Hindi natanong ang pangalan. "F*ck!" mura ng isipan niya matapos mag-end ang tawag nito. Agad niyang idi-nial ang number na ginamit nito, ngunit operator na ang sumasagot. Out of coverage na. Nahigit niya ang hininga sa labis na inis sa sarili. Kumulo ang dugo niya sa gigil. "Bullshit!" bulong niya. Muli niyang idi-nial ang number at tulad ng una, hindi na iyon nag-ri-ring. Sinulyapan niya ang katabing bata. Kampante na ito. Ang paa ay sumasayaw habang nakalawit sa upuan. "Baby..." "Yes po, daddy?" Masiglang bumaling ito sa kaniya. "Don't you remember your mommy's name?" Sandali itong napipilan. Waring nag-iisip. "Ang tawag po sa kaniya ni Tita Ninang ay Mariz." "Mariz?" Hinalukay niya sa kailaliman ng kaniyang isipan ang pangalang Mariz, pero tinamaan siya ng sampong sipa, he can't remember her name. Gigil na gigil na siya. Nakararamdam na rin siya ng inis sa ina ng bata. Kung siya ang ama nito, bakit hindi ito nagpapakita sa kaniya? Takot ba ito? O, galit sa kaniya? Pero, kung anak niya ito, hindi ba dapat siya ang dapat magalit? Nag-ring muli ang phone niya, but this time, si Tyron ang tumatawag. "Hurry up, dude! Nagkaroon ka lang ng anak, bumagal ka nang mag-drive," pabirong saad nito. Lalong nadagdagan ang inis niya. Ang kilay niya'y nagbabanggaan na. Tinanong niya kung nasaan ang mga ito, at matapos marinig ang sagot ay agad niyang tinapos ang tawag. Wala siya sa mood para makipagbiruan. Diniinan niya ang engine, brake. Sa isang iglap ay nasa parking lot na siya ng mall. Nakita niyang nakatayo ang lima sa harapan ng kani-kanilang sasakyan. Matapos makapag-park ay binuhat na niya si Avi. "Daddy, galit ka po ba sa akin?" Sinulyapan niya ang bata. Nagpapaawa na naman ang anyo nito. "No. I'm upset with your mom." "Why po?" "Basta!" "Daddy, mahal mo po ba ang mommy ko?" Mahal? Paano niya mamahalin ito? E, hindi nga niya kilala ang ina ng batang ito. Nag-apuhap siya ng maisasagot. Mabuti na lamang, sinalubong sila ni Drake. "Hi, baby!" Pilit nitong kinuha sa bising niya ang bata. Ibinigay niya na rin ito. "Bakit natagalan kayo?" Alam niyang siya ang tinatanong ni Drake, pero dahil sa bata ito nakatingin, si Avi ang sumagot. "I saw my mom po." Awang ang bibig nang lingunin siya ng kaibigan. Nagtatanong ang mata nito. Tango ang isinagot niya. "Nakilala mo na ang mommy niya?" "No!" Umarko ang kilay ni Drake pero hindi ito nagsalita, bagkus ay tumitig sa kaniya. "Hindi siya nagpakita sa akin. Si Avi lang ang nakakakita sa kaniya. She called me. Ibinilin lang ang bata." "You asked her name?" Iling ang isinagot niya. "How did she get your number?" Natigilan siya sa mga tanong nito. Hindi niya naisip iyon kanina, tulad din ng hindi niya naisip na itanong ang pangalan ng ina ng bata. Makailang beses niyang minura sa utak ang sarili, dahil sa katangahang nagawa. "Bakit ang slow ko ngayon?" Inis na inis siya sa sarili. "Hindi ka na nakapagsalita," siniko siya nito. "Huh? Uhm, iniisip ko kung paano niya nalaman ang number ko." "Who?" "Sino?" Panabay na tanong ng iba pa niyang kaibigan. Tsk. Humihina ka na ngang talaga, dude," tinig ni Drake, umiling pa ito. "Tinawagan siya ng ina ni Avi. Ang seste, hindi niya naitanong ang pangalan at hindi niya alam kung paano nalaman ang kaniyang number." Kita niya ang pag-awang ng bibig nang ilan sa kaibigan, si Tyron nama'y ngumisi lang. "Don't worry, dude. Bukas na bukas ay aalamin ko kung sino ang ina ni Avi. Ako na ang bahala," hayag ni Jack. Tinapik pa ang balikat niya. "For the meantime, mag-shopping muna tayo. Excited na akong ipamili ng gamit ang anak mo." Tinulak nito si Drake papasok ng mall. Naiwan siyang umiiling. Walang kapaguran ang magkakaibigan sa pamimili ng gamit ni Avi. Lahat ng maibigan ng mga ito ay kinukuha, kahit ayaw ng bata. Mapa-laruan, damit o sapatos man. Pinagtinginan na sila ng ilang costumer, maging ng mga saleslady. May ilang nagpapa-cute pa. Nang magsawa ay sa supermarket naman sila nagpunta. Siya ang nakararamdam ng pagod para sa mga kaibigan niya. Hindi lang sa mall natapos ang pagsisilbi ng mga kaibigan niya kay Avi. Inihatid din sila nito sa bahay. Ang balak niyang sa condo matulog ay hindi na naman natuloy dahil sa bata. Wala pa roon ang kaniyang ama nang pumasok sila. Napuno ng gamit ni Avi ang silid niya. Habang ipinapasok ay hindi niya napigil ang mapangiti. Iba rin pala kapag may kaibigan kang kalog. Dadamayan ka sa lahat ng oras. Alagang-alaga pa ang kaniyang anak. Nang oras na ng pagtulog ay pinalinisan muna niya ito At dahil lalaki ang mga kaibigan niya, sa isang kasambahay na niya pinagawa. "Kailangan mong mag-hire ng nanny para kay Avi, Aedam." Tumaas ang tingin niya kay Tyron. Abala siya sa cellphone, nagbabaka-sakaling mag-ring ang number ng ina ni Avi. "Yeah! Bukas ay magpapahanap ako." "Don't worry, dude, ako na ang bahala," singit ni Kent, tumabi pa ito ng upo sa kinauupuan niya. Si Zeus ang nagpatulog sa kaniyang anak. Tulad nga ng sinabi ng ina nito, naghanap ang bata ng milk at gusto pa ay may nakayakap. Dumating na rin ang kaniyang ama. Kinumusta nito si Avi. Hatinggabi na nang umalis ang kaniyang mga kaibigan. Matapos niyang ihatid sa labas ng gate ay muli siyang bumalik sa silid. Naabutan niyang himbing na himbing ang bata. Mukhang napagod sa paglilibot sa mall. Pumasok siya sa banyo para maglinis ng katawan. Sa walk-in-closet na siya nagbihis. Boxer at sando ang isinuot niya. Umupo siya sa gilid ng kama't pinakatitigan ang mukha nito. Hindi niya akalaing may makakatabi siyang bata sa pagtulog. Ni sa panaginip niya ay hindi iyon sumagi. Kung mukha lang ang pagbabasihan, masasabi niyang anak niya ito, dahil hawig na hawig sila. Masaya siyang nakilala't nakasama ito. Sa maikling panahon ay napalapit na ang loob niya sa bata. Maingat niyang iniangat ang kumot. Tumabi siya ng higa rito. Pinagsawa ang mata sa pagtitig dito. Itinukod pa ang siko at ginawang patungan ng ulo ang palad. Pinasadahan ng daliri ang malambot nitong pisngi. Nang magsawa ay dinampian ito ng halik sa noo. Tulad ng bilin ng ina, niyakap niya ito. SUMIRAY-SIRAY na pumasok ng condo si Aedam. Nagkayayaan ang magbabarkada at hindi niya napigilang maparami ang inom. Hindi na niya pinagkaabalahang buhayin ang ilaw, kabisado na niya ang bawat sulok ng kaniyang unit. Pumasok siya sa silid. Malamlam ang ilaw na nagmumula sa lampshade na nasa gilid. Sa paghiga niya sa kama ay may narinig siyang ungol. Ungol na nagmumula sa babae. Sumilay ang pilyong ngiti sa kaniyang labi. Inapuhap ng kamay niya ang umungol. "Baby..." Binuklat ang kumot at tumambad sa lasing niyang isipan ang magandang imahe ng babae. Nakapikit ang mata nito. Blue nighties ang suot. Ang dalawang bundok ay parang nilagyan ng malalim na ilog sa ginta. "What a beautiful view! Pero, sino ang babaing ito?" Tuluyan nang nilamon ang kakarampot na katinuan niya ng pagnanasa. Tila isa siyang gutom na hayop. Walang pakundangang sinibasib ang nakahaing pagkain. Nagkamalay ang babae. Sa una ay pumalag ito. Mahigpit niyang hinawakan ang dalawang pulsuhan para hindi ito makagalaw. Nilakumos ito ng halik. Bumaba ang labi niya sa leeg, paulit-ulit iyong pinaraanan ng dila. Ang kaninang pagtanggi ay napalitan ng mumunting ungol. Sin**sip, at marahang kinagat, hindi alintana kung mag-iiwan ng marka ang kaniyang ginagawa. Bumaba pa ang labi niya. Naglunoy sa pagitan ng dalawang bundok, at pinaglaruan iyon gamit ang dila. Para siyang dumi**la sa lollipop. Gamit ang dila ay hinawi niya ang manipis na telang tumatabing sa dibdib nito, at sa isang iglap ay natumbok niya ang nais. Pinagsawa niya ang sarili. Para siyang uhaw na sanggol na tangay ang dibdib ng ina. Tagaktak ang pawis ni Aedam nang magmulat ng mata. Napabalikwas pa siya ng bangon. Sunod-sunod ang pagtahip ng kaniyang dibdib. "Panaginip?" Sinuklay ang buhok gamit ang sariling palad. "O baka'y ibinabalik ako ng aking panaginip sa nakaraan?" Tinapunan niya ang katabing bata. Pilit niyang inalala ang mukha ng babaing napanaginipan, ngunit bigo siya. Hindi rumihistro sa nanlalabong kamalayan ang mukha ng babae. "Sino ka ba?" sambit niya sa sarili. Mariing pikit ng mata ang ginawa niya. Pinayapa ang sarili. "Makikilala rin kita."Masayang-masaya nang umuwi si Meadow. Nakausap at nayakap na niya si Aedam, bagama't hindi pa ito masyadong nagsasalita, masaya na rin siya. Pero bakit may iba siyang nararamdaman? Parang may mali. May ibang pitik ng puso siyang nararamdaman. Habang nasa ospital ay tumawag si Damian, gusto raw siyang makausap ng anak. Kukumustahin lang pala si Brix Railey. Kinukumusta rin nito si Aedam, kung tumawag na at kung kailan uuwi. Nang dahil doon ay pilit niyang inignora ang nararamdaman. Nakausap na rin niya ang doktor, sinabi nitong as soon as possible ay isasaayos na nito ang operation. Iyon din kasi ang gusto ng mga kaibigan ng asawa niya, ang maisaayos ang nasirang katawan nito.Matapos mai-park ng driver ang sinasakyan ay agad na siyang umibis. Sapo ang may kalakihang tiyan habang pumapasok sa mansyon. Nasa bukana pa lang ng pinto ay naririnig na niya ang matinis na boses ng kaniyang anak. Masayang-masaya ito. Hindi pa man siya tuluyang nakalalapit ay napansin na siya ni Damian, nagla
"Lolo, kailan po ang balik ni daddy?" Nagkatinginan si Meadow at Damian, kasalukuyang nasa harap sila ng hapag-kainan, pinagsasaluhan ang nakahaing pagkain. Nakaramdam siya ng kaba at awa na rin para sa anak. Wala itong kaalam-alam sa nangyayari. Pinili niyang huwag ipaalam sa bata ang nangyari kay Aedam. Pinalabas niyang nasa ibang bansa ito dahil may aayusin doong trabaho. "Hindi ko alam, apo." Masuyong hinaplos ni Damian ang pisngi ng anak niya, saka'y ngumiti. "Don't worry, babalik din ang daddy mo, kapag natapos na siya roon. For the meantime, kumain ka muna dahil lalabas tayo. Na-miss ko na ang bonding nating dalawa."Saan po tayo pupunta?" tanong nito. Tila curious na curious. Napaka-inosente ng anak niya."Saan mo gusto?""Kahit saan po." Sumubo ito ng pagkain. Ang pisngi ay namumutok na."What if mag-mall na lang tayo? Mag-play tayo sa time zone, tapos tatalunin natin si Ate Eliza sa bowling." Humagikgik ang anak niya. At nang dahil sa nakikita ay nawala ang agam-agam sa i
Huminto si Meadow sa tapat ng nakapinid na pinto. Kanina pa nanginginig ang katawan niya. Nakiusap siya kay Jack na kung puwede niyang bisitahin ang asawa, pumayag naman ito. Pero ngayong nasa harap na siya ng ICU, parang ayaw na niyang ituloy. Dinadaga ang dibdib niya. Ngayon ay nagdadalawang isip siya kung itutuloy ba o hindi na. "Pero gusto kong makita ang aking asawa," bulong ng isipan niya."Are you okay?"Nasa likuran niya si Jack, nakaagapay sa kaniya. Sinabi nitong dumalaw rin si Tyron. Sayang lang at hindi sila nagpang-abot. Umalis din ito agad dahil busy sa kompanya. Ang kaniyang biyenan ay kagabi dumalaw, nakausap niya ito bago siya matulog. Nangako itong pagkatapos ng work ay muling bibisita sa anak."O-oo." Sinamahan niya ng tango ang sagot niya.Huminga siya ng malalim. Saka'y pinihit ang door knob. Nang nasa labas ng ICU ay hindi na halos siya makahinga, lalo na ngayong nakita ang kalagayan ng asawa. Tila sinasakal siya. Parang gusto niyang sumigaw pero hindi niya maga
"Mommy, where's daddy?" Napahinto si Meadow sa paglalagay ng kanin sa pinggan ng anak. Nahugot din niya ang kaniyang hininga. Nag-apuhap siya ng idadahilan. Sinulyapan niya si Manang Fe na katabi ng bata. Kasama nilang kumain ang mga kasambahay, pinasabay na niya para marami sila sa hapag-kainan. "M-may t-tinatapos pa anak sa office si daddy," dahilan niya. Nabubulol pa siya. "Ang tagal namang dumating. Ipapakita ko ang mga nagawa ko sa kaniya, 'tsaka, hihingi ako ng reward.""Anak, ano ang sabi ko sa iyo?""E, mommy, hindi naman po para sa akin ang hihingin ko kay daddy, 'di ba Ate Eliza?" Bumaling ito sa dalaga na nasa tapat nito. Nangingiting tumango si Eliza. "Para sa mga street children."Umingos siya, kunwaring naggalit-galitan. "Huwag ko lang mabalitaan na nanghihingi ka na naman, Avi, ha! Mapapalo na talaga kita!" sermon niya rito. "Relax, mommy. Ang puso mo. Sige ka, papangit si baby niyan," tugon ng anak niya na may kasama pang kumpas ng kamay.Lihim siya natawa sa ina
"May nahanap ka bang kahit anong bakas?" Umiling ang rescuer na patuloy na hinahalughog ang pinangyarihan ng insidente. "Still, negative, Sir Jack." "E 'yong taong sinasabi niyong nakakita sa nangyari, where is he?" "Nandoon po sa gilid." Itinuro nito ang bahaging kaliwa ng kanilang kinaroroonan. Mabilis silang sumugod doon. Kasama pa rin ni Jack si Drake at Zeus. Si Greg ay dinala na sa hospital para magamot ang natamong sugat. Medyo bata pa ang lalaking sinasabing nakakita sa nangyari. May mga ilang katanungan siya rito, at maayos namang masagot. "Hindi ko lang po matiyak kung ang sakay ng sasakyan ang narinig kong sumisigaw." Halos sabay silang tatlong magkakaibigan na napasinghap sa sinabi ng ginoo. Nagkaroon sila ng pag-asang buhay pa ang kanilang kaibigan. Hindi lang basta kaibigan ang turing niya kay Aedam, kundi kapatid na rin. Tinulungan siya nito noon nang magkaroon ng mabigat na suliranin. Halos lahat sila, natulungan nito. Kaya kahit sira-ulo sila, tinitingala nila
Gusto sanang sumama ni Meadow kay Jack, babalik ito sa pinangyarihan ng insidente, pero mariing tumanggi ang binata. Hindi siya pinayagan ng tatlong lalaki. "Isipin mo ang sanggol na nasa sinapupunan mo, Meadow," sabi pa ni Drake. Wala siyang nagawa kundi hayaan ang tatlong umalis. Sumama si Drake at Zeus kay Jack, baka sakali raw na makatulong sa paghahanap kay Aedam. Ngayon ay mag-isa na siya sa malawak na living room. Naiwang blangko ang isipan, hindi alam kung ano ang gagawin. Hindi niya kakayanin kung mawawala si Aedam sa buhay niya. Aaminin niya, nang pumasok siyang secretary nito, nagagalit siya sa tuwing pagagalitan nito kahit wala namang dahilan. Nagtatago siya sa cr para ilabas ang lahat ng bigat nasa dibdib. Tiniis niya ang mga masasakit na salitang natatamo rito, hindi dahil sa utos ni Brenda, kundi sa mahal niya ito at ayaw niyang mapahamak. Pero, nang gabing aksidenteng may nangyari sa kanilang dalawa, doon na siya nagpasyang umalis. Huminga siya ng malalim at pilit