Share

Chapter 6

Penulis: Writer Zai
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-16 18:32:22

PINAGKAGULUHAN ng magkakaibigan si Avi, na halos ikangitngit ng kalooban ni Aedam. Inis na inis siya sa ginagawa ng mga ito sa kaniyang anak. Paulit-ulit na pinipisil ang pisngi nito. May pa-halik pang kasama.

"Enough!"

"Wait lang naman, dude. Huwag mong ipagdamot ang anak mo sa amin!" angil ni Drake.

"Nakakagigil ang anak mo, p're." Tumayo si Zeus. "Can we go to mall? Gusto ko siyang bilihan ng mga gamit."

"Oo nga!" Sinang-ayunan ito ni Jack.

"Me, too. Dress ang sa akin--"

"No!" pigil niya kay Kent. "We're not going to anywhere. Uuwi na kami, naghihintay sa amin ang lolo niya. At ikaw, Jack," baling niya rito. "May pinapaayos pa ako sa iyo, hindi ba?"

"Dude, maintindihan naman siguro ni Tito Damian kung hihiramin muna namin ang apo niya."

"I said no!" giit niya. "Pagpahingahin niyo muna ang bata."

Laglag ang balikat ng apat. Muling hinarap ni Drake ang anak niya. "Tomorrow na lang, baby. Isasama ka namin sa mall, okay lang ba iyon. You want toys? Barbie... or what?"

Ngumiti ito. "I have a lot of toys na po, e."

"Ouch!" Sapo ang tapat ng dibdib, nagkunwaring nasasaktan ito.

Napailing na lang siya. Alam niyang hindi ito titigilan ng kaniyang mga baliw na kaibigan. Hindi niya ipinagdadamot si Avi, ang sa kaniya lang, bigyan muna sila ng time.

"Okay, fine!" Itinaas niya ang kamay. "Bukas, isasama ko siya rito. Para kayong mga bata. Hindi niyo man lang pagpahingahin ang anak ko!" sermon niya sa mga ito. Lumapit siya kay Avi, binuhat ito. "Let's go, anak. Naghihintay na ang lolo mo sa bahay."

"But, how about your friend po?"

Hindi niya malaman kung matatawa ba siya o maiinis sa mga hitsura ng apat na lalaki nang lumingon siya. Daig pa ng mga ito ang pinagsakluban ng langit ang lupa.

"What was that face, huh?" He smirked. "Hiniwalayan ba kayo ng mga jowa niyo?" Pigil niya ang sarili. Kunti na lang, hahagalpak na siya ng tawa.

"Bro," lumapit sa kaniya si Tyron, halatang nagpipigil din.

"Pagbigyan mo na sila, kahit ngayon lang. Mga sabik sila sa bata. Ipahiram mo na sa kanila ang bunga ng iyong paghihirap with ungol."

Matalim niyang tinitigan ito. "Shut up, dude! Hindi naman titigil itong bata sa katatanong kung ano pinagsasabi niyo."

Hindi siya pinansin ni Tyron, inagaw nito ang bata sa kaniya. "Halika na! Wala rin siyang gamit sa inyo, isa pa'y inutos sa akin ni Tito Damian na ibili si Avi ng mga gamit." Pagkawika nito'y naglakad na ito palabas ng office niya.

Sumunod naman ang mga baliw niyang kaibigan. Kanina-kaniya pang sabi kung ano ang bibilihin para sa bata.

"Hurry up, daddy!"

Mariin siyang napapikit kasabay ang pag-massage sa sentido. "Tyron..." gigil niyang sabi. Mukhang tinuturuan ang kaniyang anak.

Binitbit niya ang bag at tuluyan nang nilisan ang office. Naraanan pa niyang nag-aayos ng gamit ang kaniyang secretary.

"Sofie, paki-follow-up mo ang inutos ko sa iyo kanina. Kailangan ko iyon... asap!"

"Yes, Sir."

"Daddy, let's go na po."

Sa halip na tugunin ang bata ay ang mga kasama nito ang binalingan niya. Matalim ang mata niya habang lumalapit sa mga ito.

"Huwag niyo ngang tinuturuan ng kung anu-ano ang bata!" Kinuha niyang pilit ang anak kay Tyron. Nagpatiuna siyang pumasok sa elevator.

"P're, kanina lang ay parang itinatakwil mo ang bata--"

"Shut up!" maagap niyang pigil dito.

"Daddy, bakit po palagi kang nakasigaw? Galit ka po ba sa mga kaibigan mo?"

Sinulyapan niya ang anak. "No, baby. Hindi ako galit. Iniisip ko lang kung..."

"Kung?"

"I-- uhm, iniisip ko lang kung ano ang pangalan ng mommy mo."

"My mom..."

"Shit!" murang lumabas sa isipan niya. Nagkamali siya ng sinabi. Hindi dapat niya binanggit ang tungk sa ina nito. Humibi ito. Pihadong iiyak na naman ang bata.

"I miss my mom, daddy." Umangkla ang braso nito sa leeg niya. Ang mukha ay isinubsob sa kaniyang balikat.

"Ssshh. I'm sorry. Don't worry, I'll find your mom." Hinagod-hagod niya ang likod nito.

Makahulugang nagkatinginan ang mga kaibigan niya, ang ilan ay nakaawang pa ang bibig.

"Iba talaga ang nagagawa ng may anak. Kaya kayo, kung gusto niyong tumino, magsipag-anak na rin kayo!" sermon ni Tyron sa iba.

"Nagsalita ang matino."

"You're right, Zeus!" segunda ni Kent. "May nabalitaan nga ako, may umiyak na babae dahil sa kaniya."

"What?"

"How?"

"Matapos kasing dalahin sa hotel, iniwan na parang basahan. Ni ha, ni ho, walang sinabi. Mukhang susunod sa yapak ng isa. Always daw may suot na protection, pero may isang nakatakas."

Napuno ng tawanan ang elevator. At kung wala nga lang siyang hawak na bata'y tiyak na nabatukan na niya ang mga baliw na kaibigan.

Nag-unahan sa paglabas ang lima nang bumukas ang elevator. Pinakahuli siya. Umangat ang mukha ni Avi, mukhang humupa na ang pagsesente ng anak niya.

"Daddy, sorry po."

"For what, baby?"

"Kasi po, umiyak na naman ako." Kinagat nito ang pang-ibabang labi.

"It's okay, baby. Nothing to worry. Are you okay now?"

Marahan itong tumango.

"Next time, huwag kang aalis sa kasama mo, ha! Tingnan mo ang nangyari, napahiwalay ka sa mommy mo. Tiyak na nag-aalala na siya sa iyo," malumanay niyang sabi rito. H******n din niya ito sa pisngi.

"Opo. Nakita po kasi kita kaya po ako lumapit sa iyo."

"Puwede kang mapahamak sa ginawa mo. Paano kung may bad guy? Malulungkot ang mommy mo, ako, ang lolo. Iiyak kami kapag may nangyaring masama sa iyo. Do you understand?"

Muli itong humibi at humikbi pa. "S-sorry po, daddy. G-galit ka po ba s-sa a-akin?" Bawat salita nito'y humihikbi ito.

"No, baby. Sinasabi ko lang sa iyo. Masama ang hindi nagpapaalam. Don't do that again, okay?"

"O-opo."

"Hug mo na si Daddy."

Niyakap siya nito. "Sorry po, daddy."

Hinagod-hagod niya ang likod para kumalma ito. Hindi nga siya nagkamali. Hindi na niya naririnig ang paghikbi nito. Nasa tapat na sila ng sasakyan nang umangat ang katawan nito. Binuksan niya ang panghuling pinto, inilagay doon ang gamit. Ang una naman ang binuksan niya't maingat na isinakay doon ang bata. Ikinabit niya ang seatbelt dito. Pumihit siya sa kabilang pinto. Nang makasakay ay sinuri niyang muli ang bata.

"Daddy, are we going home now?" naitanong nito, iwinagayway pa ang dalawang paa.

"No. Pupunta muna tayo sa mall, ibibili ka raw ng gamit ng mga tito mo."

"Tito? Yung pong friend mo?"

May ngiti sa labing tumango siya. Unti-unti na namang sumisigla ito. Bago niya patakbuhin ang sasakyan ay dumukwang siya't h******n ito sa labi.

"I love you, baby."

"Love you, too, daddy."

Hindi niya itatanggi, gusto na niya ang bata. Isang araw pa lang niya itong nakakasama ay nahulog na nang husto ang loob niya rito. Na-excite tuloy siyang makilala ang ina nito.

Pinatakbo na niya ang sasakyan. Sa harapan ng building naghihintay ang mga kaibigan niya. Nakita niyang tig-iisa ng sasakyan ang mga ito. At pareho rin ang kanilang gamit, nagkaiba lang sa kulay. At dahil hindi niya alam kung saan balak ng mga ito dalahin ang anak niya, siya ang nasa huli. Sa pagliko niya palabas ng street ay sumigaw si Avi na sobra niyang ikinataranta.

"Mommy! She's my mommy. Daddy, stop the car! Stop the car!" Kinalampag pa nito ang bintana ng sasakyan.

"Shit!" Hindi niya napigilang magmura kahit dinig ng bata. Mabilis na apak sa preno ang ginawa niya. "Where, baby?" Hindi niya malaman kung ano ba ang dapat maramdaman. Makikilala na ba niya ang ina nito?

"Daddy, baba po ako. Please po, daddy." Tumingin ito sa kaniya. Ang mata ay nagmamakaawa.

Iginilid niya ang sasakyan. Lumabas siya ng sasakyan. Habang papunta siya sa kabilang pinto ay bumilis ang pintig ng kaniyang puso. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman niya. Iginala pa niya ang mata. May mangilan-ngilang tao ang nasa paligid, ngunit hindi niya alam kung sino sa mga iyon ang tinutukoy ng anak niya.

"Daddy, hurry up po." May pagmamadaling lumabas ito ng sasakyan. Hinila nito ang kamay niya. Maliksi itong tumakbo. Sumasayaw ang suot nitong palda, maging ang buhok.

"Careful, baby," nasabi na lang niya nang muntikan itong madapa dahil sa pagtakbo.

Huminto ito sa kanilang nilikuan. Nagpalinga-linga tulad niya. Nakailang ikot pa ito.

"Where is she, baby?" Para na siyang naghahanap ng karayom sa nakabuntong dayame.

"Daddy..."

Maagap niyang tiningnan ang bata. Nakahibi na naman ito. Anumang oras ay iiyak na. Agad siyang lumuhod sa harapan at mabilis na dinaluhan ang bata.

"What's wrong, baby?" may pag-aalalang tanong niya.

"She's gone, daddy." Tuluyan na itong lumuha.

Parang kinurot ng pino ang puso niya nang umagos ang luha nito. Niyakap na lang ito ng mahigpit.

"That's enough. Namalik-mata ka lang siguro." Bumitiw siya. Pinunasan ang luhang dumadaloy sa magkabilang pisngi nito. "Don't worry, hahanapin ko ang mommy mo. Stop crying na." Para gumaan ang pakiramdam ay paulit-ulit niyang h******n ito sa pisngi.

"But I saw her, daddy." Humikbi itong muli.

"I think, namalik-mata ka lang. Let's go na. Naghihintay na sila sa atin. You want toy?" Inalo na lamang niya ito. "Tito Tyron said, he will buy you anything you want."

Pilit nitong pinahuhupa ang sarili. Pinigilan ang paghikbi. "T-talaga po?"

Tumango siya. "And Tito Kent said, dress ang bibilihin niya para sa iyo."

"I want ice cream po, daddy." Kahit lumuluha ay nakangiti ito. Namumula na naman ang ilong at lagot siya kapag nagkataon. Wala siyang hawak na tissue.

"Okay, baby. If that's what you want." Binuhat na niya ito.

"Daddy, sipon."

Lagot na, Aedam!

"Wait, baby. Pigilan mo muna, ha. Nasa car ang tissue." Naalala niyang may inilagay siya roong tissue.

"I can't, daddy. Sipon po, daddy."

"Hold mo muna, baby. Malapit na tayo." Halos takbuhin na niya ang kinaroroonan ng sasakyan. At kapag minamalas nga naman, naiwan pala niyang nakabukas ang pinto. Dumoble ang tibok ng puso niya.

Ibinaba muna niya si Avi sa gilid at inapuhap ang tissue. Kumuha siya ng lima at idinikit iyon sa ilong ng bata.

"Thank you po, daddy."

"Diyan ka muna, itatapon ko lang ito." Nakita niyang may malapit na basurahan. Nagdumali siyang pumunta, itinapon ang tissue at muling bumalik sa kinaroroonan ng sasakyan.

Ipinasok na niya ang bata. Mabuti na lamang, walang masasamang tao sa lugar na iyon, kundi tiyak na ubos na ang laman ng sasakyan niya. Sa pagsakay niya'y nag-ring ang kaniyang cellphone.

Unknown number ang nakalagay.

Sinagot na rin niya iyon, at dahil nagmamaneho ay ini-loudspeaker niya. Sa una ay hindi nagsasalita ang nasa kabilang linya.

"Wala ako sa mood para makipagbiruan sa iyo!" gigil niyang sabi.

"Hello, Sir!" Mukhang napilitan ding magsalita.

"Mommy..." hiyaw ni Avi.

Ihihinto sana niya ang sasakyan, ngunit maagap na nagsalita ang kausap niya sa phone.

"Baby, anak," garalgal ang tinig nito. "How's your day, anak?"

Binagalan niya ang pagpapatakbo. Nagsalubong ang kilay niya. Hindi pamilyar sa kaniya ang tinig.

"I'm okay po, mommy." Maging si Avi ay tila tunog na ng motor na ang boses.

"May kasalanan ka sa akin, umalis ka sa Tita Ninang mo nang walang paalam. Don't do that again, baby."

Alam niyang lumuluha na ang nasa kabilang linya. Hindi niya alam kung bakit biglang nanuyo ang kaniyang boses. Parang nawalan ng lakas ang kaniyang tuhod. Pakiramdam niya'y mabubuwal siya.

"Sorry po, mommy." Tuluyan nang napaluha si Avi. "Bad po ako."

"No. Hindi ka bad, baby. I know, gusto mo lang makita ang daddy mo. Are you happy now?"

In his peripheral vision, sumulyap ng tingin sa kaniya si Avi. Hinayaan lang niya at naghintay sa isasagot nito.

"Yes po, mommy. Sobrang saya ko po. Daddy loves me, mommy. He said in a million times and I love him po. Ikaw din po, mommy. Love ko po kayong pareho, pati si lolo, Tito Tyron at 'yong iba pa pong friend nj Daddy."

Hindi niya napigil ang mapangiti. Bakit ang saya-saya niya sa tuwing sinasabi ng bata na mahal siya nito? Ang gaan-gaan ng pakiramdam niya kahit hindi pa one hundred percent na siya ang ama nito. Ito ba ang tinatawag na lukso ng dugo? Isa pa, napakagaan ng pakiramdam niya sa bata. Iisang araw pa lang niya itong nakakasama, pero kakaibang pagbabago ang ginawa nito sa pagkatao niya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Val Erie
salamat sa update author
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • INSTANT DADDY    Chapter 131

    Hindi na naman lubayan ang isipan ni Meadow sa narinig na pakikipag-usap ni Aedam sa kung sino man. Ayaw siyang patahimikin. Para iyong turumpong paikot-ikot. Ang daming tanong ang tumatakbo sa isipan niya. Sino ang taong kausap nito? Wala siyang ibang kilala na tinatawag nitong tito. "Hindi kaya may iba si Aedam?" Maagap niyang ipinilig ang ulo at binura ang katagang pumasok sa isipan. Hindi kailanman ito magkakaroon ng ibang babae. Babaero man ito noon, pero napatunayan niyang nagbago ba ito... hindi lang isang beses, kundi maraming beses na.Huminga siya ng malalim. "Siguro'y isa sa kaibigan niya o kaya naman ay anak ng board members," kumbinse niya sa sarili. Natigil ang paglalakbay ng isipan niya nang pumasok ang kaniyang anak. Masiglang-masigla ito. "Mommy, ang ganda po talaga rito!" buong paghangang sambit nito. Hindi ito ang unang beses na pumunta sa lugar na ito. Nang bago pa lang sila ikakasal ni Aedam ay isinama sila rito at kasama ang buong barkada ng kaniyang asawa.

  • INSTANT DADDY    Chapter 130

    Pinagmamasdan ni Meadow si Avi, masiglang-masigla ang kaniyang anak, patungo na sila sa three days vacation sa resort ni Kent. Katabi si Aedam, na hindi binibitiwan ang kaniyang kamay. Nasa likuran ang kanilang anak, katabi nito si Eliza, kasama rin nila si Cindy na tahimik lang sa kanilang likuran. Hindi na sumama si Paula dahil may lakad ito. "Nak..." "Yes po, mommy?" "Hindi ka napapagod?" "Saan po, mommy?" Nilingon niya ito. Hawak ang paborito nitong stuff toy na regalo ni Drake. Ang mata ay seryosong nakatitig sa kaniya. "Ang ingay mo e." Humagikgik ito, ang kanang palad ay nakatakip sa bibig. "Sorry, mommy. Excited lang po ako." "Pagdating mo sa resort ni Kent, wala ka nang energy," aniya, kahit alam niyang hindi kailanman mangyayari yun. Tiyak na full ang energy nito pagdating sa kanilang pupuntahan. "Baka sabihin mong lalo nang naging hyper yang anak mo," tugon ni Aedam. "Paniguradong tatalon agad yan sa pool." Sumang-ayon siya sa sinabi ng asawa. Akal

  • INSTANT DADDY    Chapter 129

    Pumitik ang isang daliri sa kamay ng lalaking matagal nang nahihimbing. May benda ang kaliwang pisngi at may nakakabit na dextrose sa kamay nito, mayroon ding oxygen sa bibig. Gumalaw ang talukap, hanggang sa unti-unting bumuka ang mata. Sa una ay malamlam ang kaniyang nakikita, kaya't muli siyang pumikit, at nang muling magmulat at kaagad niyang sinuri ang paligid. Naantala ang pag-uusisa niya sa paligid nang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang babaing nakasuot ng kulay puti. Mabilis itong lumapit sa kinaroroonan niya nang makitang mulat na ang kaniyang mata. "Thanks God, you're awake, Sir," sabi nito kasabay ng pagtanggal sa nakakabit sa bibig niya."Where am I?""You're at the Sta. Lucia Mental Hospital, Sir."Mabilis na nagsalubong ang kilay niya sa narinig. "I'm in-- what?" Pilit niyang pinoproseso ang sinabi ng nurse."Oh sorry, Sir. Explain ko po sa iyo ng maayos. May facility rin ang pagamutan ito para sa mga pasyente na nagkakasakit o yung mga taong nakakasakit ng malubha

  • INSTANT DADDY    Chapter 128

    Bihis na bihis si Rex dahil may balak siyang puntahan. Nagbilin siya kay Meadow na magpatulong sa pag-aayos ng kanilang dadalahin patungo sa resort ni Kent. Masiglang-masigla ang katawan niya, parang ang gaan ng pakiramdam. Abot hanggang langit ang kaniyang ngiti, dahil successful ang pagganap niya bilang si Aedam. Wala ni isang nakakahalata. Pino siyang gumagalaw at kapag nagkakaroon ng kaunting aberya ay maayos niyang naitatawid, tulad na lamang ng pagtawag ng St. Luke Hospital, na kung saan ay naka-confine ang tatay ni Brenda. Nang oras na yun ay kinabahan din siya, mabuti na lamang napaniwala niya ng asawa sa kaniyang alibi. Sa pagdaan niya sa terrace ay nandoon ang kaniyang anak. Nagpupumilit itong isama niya, ngunit mariin siyang tumanggi. Hindi sa ayaw niyang makasama ito, kundi dahil sa dadalawin niya si Darwin sa hospital. Nagpadala ng message ang nurse na itinalaga niyang magbabantay dito, bumubuti na raw ang kalagayan ng ginoo. Simula nang makulong si Brenda ay unti-unting

  • INSTANT DADDY    Chapter 127

    Hindi mabilang sa daliri kung ilang beses nang humagalpak ng tawa si Aedam dahil sa anak niyang si Avi, kahit si Meadow ay tuwang-tuwa rin. Hindi pa rin ito nagbabago, napakabibo pa rin. Sumasayaw ito sa harapan nilang mag-asawa na sinasamahan pa ng pagkanta. Napansin niyang magaling itong kumanta, at nakatitiyak siyang hindi sa asawa niya nakuha ang ganoong talent, dahil hindi ito sintunado ito. Narinig na niya itong kumanta nang nagbubuntis pa ito sa kanilang anak. Nahiya pa ito nang malamang narinig niya at simula noon ay palagi na niya itong inaasar. Kung kaya't siguradong sa kaniya o kaya ay sa side niya nakuha yun... but he's not Aedam. Hindi na babalik pa kahit kailan si Aedam. Sino siya? Siya si Rex. "Yes! You heard it right? Ako si Rex at ang totoong Aedam ay nasa maayos nang kalagayan." Humagalpak ang kaniyang isipan. Tagumpay ang kaniyang plano— ang kanilang plano. Matagal ang pinaghintay ni Rex para maisakatuparan ang plano. Ang lahat ng tungkol kay Aedam ay kaniyang

  • INSTANT DADDY    Chapter 126

    Pang-ilang beses nang hinimas ni Meadow ang umbok ng tiyan, gutom na gutom ba talaga siya. Ayaw naman niyang kumain ng ibang pagkain, dahil ang tanging gusto niyang malasahan ay bilo-bilo. Para maaliw ay pinanuod na lang niya ang mag-amang naglalaro ng scrabble. Seryoso ang dalawa, walang nais magpatalo, hanggang sa pumasok ang kaniyang beanan. "Nandito ka na pala, Aedam!""Opo, dad. Pinauwi na ako ni Tyron, isa pa'y sumama ang pakiramdam ko." Finally, nagsabi rin ito ng totoong nangyari kung bakit maagang umuwi ang asawa niya. Nang mapadako sa kaniya ang paningin nito'y inirapan niya ito. "How's your feeling right now, anak?" naitanong ni Damian dito."Don't worry, dad. I'm okay na. Nahilo lang ako kanina," tugon nito na hindi inaalis ng titig sa kaniya. "Kapag may nararamdaman ka, huwag kang mag-alinlangan na magsabi sa amin ha." "Yes, dad!" "I'll go upstairs muna, mag-change lang ako ng suot ko." Tumayo si Damian. "By the way, sinabi sa akin ni Tyron na balak niyo raw pumunta

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status