Beranda / Romance / If We Love Again / Chapter 11: Kiss

Share

Chapter 11: Kiss

Penulis: J.R. McKay
last update Terakhir Diperbarui: 2021-09-30 12:30:12

True to his words, Erhart stopped pestering her. Magkasabay pa rin silang pumasok at umuwi sa trabaho, pinapansin pa rin nito ang mga kasamahan niya pero kapag silang dalawa na lang ang magkasama ay wala itong kibo. Nalipat na ang locker nito sa 19th floor kaya nabawasan ang pagpunta nito sa 18th floor. Pabor ‘yon sa kaniya pero may parte sa pagkatao niyang tutol do’n. Hindi niya maunawaan kung bakit.

“Sarah, friendly pala ‘yong boyfriend mo?”

Pinihit niya pasara ang faucet at saka itinapat sa hand dryer ang basang kamay. Nagkunwari siyang hindi ito narinig. Hindi naman sila close ng current fling ni Viggo kaya wala siyang panahong makipag-plastikan dito.

“Balita ko, maraming nagkakagusto sa kaniya,” patuloy nito sa kabila ng pande-deadma niya. “Maliban doon, nakita ko rin na iba-iba ang babaeng kasama niya.”

Hindi niya inaasahan na mino-monitor pala nito ang bawat galaw ng hilaw niyang boyfriend. “Stop beating around the bush. I don’t want to waste my time.”

Nagpahid muna ito ng lipstick sa labi bago sumagot. “Gusto ko lang sabihin sa ‘yo na malaking pagkakamali na hindi mo pinili si Viggo dahil tiyak na lolokohin ka lang ng boyfriend mo.” Namaywang pa ito. “Marami siyang babae, hindi tulad ni Viggo na nasa akin lang ang buong atensyon.”

Muntik na siyang matawa sa winika ni Cynthia. Siya pa talaga ang sinabihan nito? “Dapat ka palang magpasalamat sa akin,” sarkasitiko niyang turan.

Nag-isang linya ang kilay nito. Tila hindi maarok ng utak ng babae ang naging pahayag niya. Poor girl! Nilayasan niya ang dalaga bago pa ito makapag-react. Unfortunately, nagtagpo ang landas nila ni Viggo paglabas niya sa restroom.

“Sarah.”

“Viggo.”

Namagitan ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nila matapos banggitin ang pangalan ng isa’t isa. Iyon ang unang beses na pinansin siya ng binata makalipas ang ilang linggo simula nang malaman nitong may nobyo na siya. She felt awkward.

“Congratulations!” basag nito sa katahimikan. “Ang galing mo talaga.”

“Thank you!” Last month, nanguna ang team niya pagdating sa performance under sa cluster ni OM Pia at pangatlo naman sa pangkalahatan. “Congrats din sa ‘yo.” Pumangalawa naman ito sa kaniya. Mahilig man itong maglaro ng feelings ng kababaihan ngunit seryoso ito pagdating sa trabaho.

“Salamat.” Ngumiti ito, sabay iling. “Bakit kahit anong gawin ko ay hindi pa rin kita malampasan? Ano bang sekreto mo?”

Nabigla siya sa tinuran nito kaya hindi siya agad nakakibo. Naghintay siya kung may iba pa itong sasabihin pero tikom na ang bibig nito. “Well, wala naman akong sekreto. Lalo mo pang pagbutihan sa susunod para ma-achieve mo ang ‘yong goal,” aniya.

“I will but I want to ask something in return if I beat you.”

“Mayroon kang hihilingin sa akin?” paglilinaw niya.

He nodded.

Nakikipaglaro ba ito sa kaniya? Mayroon itong binabalak na hindi maganda? “Ano ‘yon?”

“I want—” Naudlot ang pagsasalita nito nang biglang sumulpot si Cynthia. Kumuyapit ito sa braso ng lalaki at lihim siyang inirapan. “I’ll talk to you later.”

Tumango na lang siya kahit hindi niya alam kung bakit kailangan pa niyang gawin ‘yon.

NAISIPAN ni Sarah na pumunta sa pantry, sa 6th floor, kahit may dala siyang baon. Nagustuhan niya kasi ang chili crab siomai na binili ni Erhart at hinahanap-hanap niya ang lasa no’n pati ang lemonade. Pabalik na siya production floor nang makita niya ang grupo ni Erhart na patungo sa kinaroroonan niya. Abala ang binata sa pakikipag-usap sa isang matangkad na babae, todo ngiti pa ito.

Naalala niya bigla ang sinabi ni Cynthia tungkol sa binata. Nagdalawang-isip tuloy siya kung sasalubingin o iiwasan ito. Dala ng curiosity, pinili niya ang huli. Pasimple siyang tumayo sa tapat ng food stall na pinakamalapit sa kaniya at nagkunwaring namimili ng pagkain.

Nang makalagpas ang grupo nito mula sa kinatatayuan ay saka niya sinundan ng tingin ang binata. Wala naman itong kakaibang ikinikilos pero napansin niyang panay ang dikit ng babae sa katawan ni Erhart. Tila nagustuhan ‘yon ng lalaki dahil pinabayaan lang nito ang babae.

“Excuse me, bibili ka ba?”

Binaling niya ang tingin sa tindera at saka marahang umiling. Hindi siya makapaniwalang ginawa niya ang bagay na ‘yon dahil sa isang lalaki. Mabilis niyang nilisan ang pantry. Nasalubong niya si Edgar sa hallway ng 18th floor, ibinigay niya rito ang siomai at lemonade. Nawalan na siya ng ganang kumain kaya bumalik siya sa loob ng production floor.

“Sarah, can I have a minute with you?”

Nag-angat siya ng tingin mula sa desktop. Bumungad sa kaniya ang serosong anyo ni Pia. “Sure.”

“Follow me.”

Sinundan niya ito hanggang sa makarating sila sa conference room. Nabigla pa siya nang makita si Viggo na nakaupo sa loob na halatang inaasahan na ang kaniyang pagdating. “Do we have a meeting here?” ‘Di siya na-inform pero malakas ang kutob niya na walang kinalaman sa trabaho ang pag-uusapan nila. “OM?”

“Sarah, I’m sorry.” Hinarang nito ang sarili sa saradong pinto nang magtangka siyang lumabas. “I don’t wanna do this but Viggo is so damn persistent. Don’t worry, whatever happens in this room, will stay in this room.”

Hindi niya makuhang awayin si Pia kaya binalingan niya ang binata. “What is it this time, Viggo?” She snapped and gave him a frostily look.

“I just want to say I’m sorry for what I’ve done wrong to you.” Sincerity was visible in his eyes. “I was rude all the time when I pursue you. I’m ashamed to face you after that incident. I know it’s too late to apologize but still, I want you to know that I’m sorry.”

Her expression softened. Wala sa hinagap niya na ang playboy at rude na si Viggo ay marunong palang humingi ng tawad. Totoo ba talaga ‘yon?

“I really like you.”

“Viggo…” Sh*t. Wala siyang maapuhap na sasabihin. Binigla na naman siya nito. “You know…” She sighed. “I’m sorry—”

“I know.” He interrupted. “I won’t force you to like me. I just wanted you to be my friend.”

Iyon ba ang nais nitong ipabatid sa kaniya kanina? “Is that the favour you’re talking about if you were able to surpass me?”

“Nah!” He chuckled. “Forget what I’ve said earlier. I don’t wanna be a jerk again.”

Nakahinga siya nang maluwag. Tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib. May itinatago naman palang katinuan si Viggo. Sa iisang lugar lang sila nagtatrabaho, mahirap naman kung palagi silang mag-iiwasan sa tuwing nagkakasalubong. Wala naman sigurong masama kung pabibigyan niya ito basta huwag lang nitong ipilit ang bagay na hindi niya gusto.

HALOS bumagsak na ang mga talukap niya dahil sa bigat niyon. Sumandal siya sa pader na malapit sa pintuan ng fire exit upang hindi mabuwal. Gusto na niyang umuwi at matulog pero ang tagal bumaba ni Erhart.

Maya-maya’y bumukas ang pinto sa fire exit at inuluwa niyon ang binata, may kasama itong sexy na babae. Iba ‘yon sa nakita niya sa pantry. Tawa nang tawa ang lalaki kaya hindi nito napansin na naroon siya na ikinainit ng kaniyang ulo.

Tahimik niya itong sinundan. Sinadya niyang banggain ang braso ng binata nang magkatapat sila sabay lakad nang mabilis. Narinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya pero hindi niya ito pinansin. Dere-deretso siyang naglakad sa hallway at agad na sumakay sa elevator. Pumuwesto siya sa sulok, ipinilig ang ulo, at ipinikit ang mga mata. Naramdaman niya ang pagsunod ni Erhart sa kaniya.

“I’m sorry kung pinaghintay kita, long call kasi ang last call ko,” paliwanag nito pero hindi niya pinansin. “Iyong kasabay kung babae kanina, kasamahan ko siya sa training noon. Naubusan ng hand sanitizer sa restroom ng 19th floor kaya bumababa siya.”

Wala siyang pakialam!

“Sarah.” Naramdaman niya ang pagdikit ng braso nito sa kaniya. Tumabi ito sa gilid niya. “Sarah,” ulit nito sa malamyos na tinig. “Galit ka ba?”

Iminulat niya ang mga mata. “Bakit naman ako magagalit?” kalmado niyang tanong. “Hindi naman big deal ‘yon.” Dahil ‘yon na ang una’t huling pagakataon na maghihintay siya rito. “Hinintay talaga kita, hindi dahil gusto ko kundi dahil may sasabihin ako sa ‘yo.”

“Anong sasabihin mo sa akin?”

Inilayo muna niya sarili mula rito bago ito sinagot. “Huwag na tayong magsabay sa pagpasok at pag-uwi sa trabaho. Huwag ka nang pumunta sa 18th floor. Huwag ka na ring makipag-usap sa team ko kung nakikisama ka lang sa kanila dahil sa akin.”

“Bakit?” walang emosyong tanong nito.

“Dahil hindi mo obligasyon na gawin ‘yon. May sarili kang buhay at hindi naman puwedeng matali ka sa akin dahil sa kasinuwalingan na inumpisahan mo. I know, may kasalanan din ako dahil hindi ko itinama ang maling akala ng lahat. Gusto ko lang namang tantanan na ako ni Viggo—”

“So, si Viggo pala ang dahilan?”

“Ha?”

“Si Viggo ang dahilan kung bakit hindi ka tumutol nang sabihin kong girlfriend kita. At ngayon, si Viggo ulit ang dahilan kung bakit gusto mong iwasan kita. Nagkakamabutihan na ba kayo?”

“Hindi,” maagap niyang tugon. Saan naman nito napulot ang ideya na ‘yon? “Naisip ko lang na baka may gusto kang ligawan pero hindi mo naman magawa dahil sa akin. Ayoko namang maging sagabal—”

Natahimik siya nang bigla nitong sakupin ng halik ang kaniyang labi. Gusto niya itong itulak palayo subalit hindi makakilos ang kaniyang mga kamay. Tila hinigop nito ang lahat ng enerhiya sa kaniyang katawan dahilan upang manghina siya at manginig ang kaniyang mga tuhod. Napapikit siya.

It was her first kiss and it happened in the elevator. For Pete’s sake! Mabuti na lang at silang dalawa lang ang nandoon. Hindi niya man tinugon ang halik nito ngunit parang kinapos din siya ng hininga nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Sinalubong siya nang matiim na titig ng binata nang dumilat siya.

“Huwag mo akong pagbawalan sa mga gusto kong gawin,” anito sa pagitan ng paghinga. “Gusto kong gawin ‘yon dahil gusto kita. Wala akong planong layuan ka kahit ‘yon ang gusto mong mangyari.”

Doble ang tibok ng puso niya nang maglapat ang kanilang mga labi pero ngayon…times ten na ang pagkabog niyon.

“And I’ll make sure that you’ll like me back.” Determination was visible in his eyes.

Lagot na!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • If We Love Again   Chapter 23.2: Holidays

    Pagkaalis na pagkaalis ng mag-ina ay agad na tinawagan ni Sarah si Remi. Tiyak na makakakuha siya ng impormasyon mula rito, pero bigo siya. Hindi raw nito kilala ang mga ‘yon. Halos hindi siya makatulog sa kakaisip sa nangyari. Mabuti na lang at Christmas break na nila sa school kaya kahit papaano ay nakahabol pa siya ng tulog.Iyon nga lang, hindi siya makapag-focus sa trabaho. Mainit din ang ulo niya kaya mabilis siyang mairita. May napagalitan siyang agent kanina at maging ang kaniyang nobyo ay nasusungitan niya.“You look bothered,” puna ni Erhart habang nakatitig sa kaniyang mukha. “Is there something wrong?”Umiling siya ngunit hindi ito kumbinsido. Nagdududang tingin ang ipinukol nito sa kaniya. “Wala nga.”“You don’t have to deny it. Sinabi na sa akin ni Jessica,” anito sa nag-aalalang tinig. “Bakit hindi mo man lang ako ginisi

  • If We Love Again   Chapter 23.1: Holidays

    “Huwag mong ilagay riyan!” Napakamot si Sarah sa kaniyang ulo nang pilit na isiniksik ni Erhart ang ham sa fridge. Paano naman kasi magkakasya ang apat na pirasong hamon sa loob ng maliit na refrigirator lalo pa’t may iba pang nakalagay roon? Nagbigay na ng pamasko ang company nila kaya umuulan ng hamon. “Tanggalin mo muna ‘yong mga bote ng tubig at ilipat mo sa baba, bago mo ‘yan ilagay.”“E ‘di na gaanong malamig ‘yong iinumin nating tubig.”Nagpapalamig ng tubig ang nobyo gamit ang kanilang ref dahil wala naman ito no’n at doon na rin ito kumakain sa kanila. Kulang na lang ay sa kanila ito tumira. Wala naman siyang reklamo dahil nagbibigay ito ng pang budget kahit hindi naman niya hinihingi at kung minsan ay naggo-grocery din iton.“Pagtiyagaan mo muna ‘yong hindi nagyeyelong tubig. Tubig pa rin naman ‘yon at nakakapawi pa

  • If We Love Again   Chapter 22: Message

    (Hindi na nagbibigay ng pera ang nanay mo. Balita ko mayroon kang magandang trabaho. Kailangan namin ng pera.)Nangunot ang kilay ni Sarah sa text mesasage na natanggap mula sa hindi kilalang numero. Hindi ‘yon ang unang beses na nakatanggap siya ng ganoong mensahe kaya inignora niya lang ‘yon. Baka wrong sent lang. Pero nitong mga nagdaang araw, napansin niyang madalas na siyang nakakatanggap ng mensahe mula sa parehong numero na ‘yon.Buburahin na sana niya ang message nang biglang may nag-text, ‘yon din ang numero na gamit.(Pupuntahan kita kapag hindi mo ako pinadalhan ng pera.) Banta ng nag-text. Nag-text din ito kung kanino ipapadala ang pera. Ano ‘to, sinusuwerte? Napagdesisyonan ni

  • If We Love Again   Chapter 21: Warning

    Erhart received a call from unknown person and warned him to stop his plan. Ang tinutukoy nitong plano ay ang patuloy na pagsuway sa kaniyang ama. Kailan lang siya naging masaya dahil kay Sarah ‘tapos heto na naman ang problema niya. Parang wala na siyang karapatang maging masaya dahil may kapalit ‘yon.Sinubukan niyang sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kursong Political Science. Okay naman ang unang dalawang taon niya sa kolehiyo pero ang mga sumunod na semester ay naging bangungot na para sa kaniya. Napabayaan niya ang pag-aaral dahilan upang bumagsak siya sa ibang subjects. Naka-graduate na dapat siya kung hindi siya nagloko.Hindi niya ‘yon gustong mangyari pero nagsawa na siya sa pagdidikta ng kaniyang ama kung ano ang dapat niyang gawin at hindi. Wala na siyang ginawa kundi ang sundin ang lahat ng gusto nito kahit labag ‘yon sa kaniyang kalooban pero may hangganan ang lahat.Na

  • If We Love Again   Chapter 20: Clingy

    Marahang pinunansan ni Sarah ang mukha ni Erhart gamit ang basang bimbo. Inapoy ng lagnat ang binata nang makabalik sila sa Quezon City. Nagpresinta siyang alagaan ito kaya pumasok si Harry sa trabaho. “Sarah…” Kumurap-kurap ang mga mat ang binata bago ‘yon tuluyang dumilat. Bumangon ito pero agad ding napahiga. “Anong oras na?” nanghihinang tanong nito. “Baka ma-late ako.” Sinubukan ulit nitong bumangon subalit bigo ito. “Masakit ang katawan mo, ‘no?” “Wala ‘to,” pagkakaila nito. “Mas malakas pa ako sa kalabaw.” Sa pangatlong pagkakataon ay bumangon ito ngunit bumagsak ulit ang katawan nito sa higaan. “Mas malakas pa sa kalabaw, ha? E, mukhang tinamaan ka ng sakit dahil sa kalabaw.” Inalalayaan niya ito sa pagbangon. “Iniisip mo pang pumasok samantalang nahihirapan kang makatayo.” “Naalala ko kasi ‘yong sinabi mo na maaapektuhan ang buong team kapag may um-absent. Tama

  • If We Love Again   Chapter 19.2: Traditional Courtship

    Natagpuan ni Sarah si Matilda at Erhart sa labas ng bahay ni Mang Tonyo. Ilang bahay lang ang layo noon mula sa kanila. Gaya nang nagdaang araw, basang-basa sa pawis ang binata. Gayon pa man, maaliwalas pa rin ang itsura nito. Pansin niyang pawang kababaihan ang nakapila roon upang mag-igib ng tubig samantalang noon, sa ganoong oras, halos mga lalaki ang nag-iigib ng tubig. At ang ibang naroon na nakapila ay mayroon namang liny ang tubig. Napailing siya. Kakaibang karisma talaga ang taglay ng binata. “Tiya, nakahanda na ang almusal,” aniya nang lapitan ang ginang. “Lalamig na ho ang pagkain. Umuwi na tayo.” “Good morning, Sarah!” masiglang bati ng binata nang masilayan siya. Nginitian niya ito. “O siya, ‘yan na ang huling timba na pupunuin mo. Bilisan mo riyan nang makabalik na tayo sa bahay. Ayokong pinaghihintay ang grasya.” “Sige po.” Kaniya-ka

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status