Share

Chapter 8: Worried

Jessica enjoyed the company of Harry. Hindi niya lubos maisip na sa likod ng seryosong awra nito ay nagtatago ang isang pilyong lalaki. Ikinuwento nito sa kaniya ang mga kalokohang ginawa nito noong bata pa ito. Hindi niya alam kung epekto ba ng alak ang kadaldalan nito o gusto siya nitong kausap. Ano pa man ang dahilan, masaya siyang makasama at makausap ito.

“Paano kayo nagkakilala ni Tisoy?” tanong niya rito matapos niyang ikuwento kung paano sila nagkakilala ni Sarah.

“He’s my brother.”

“Hmm?” Tama ba ang kaniyang narinig? “What did you say?” Hindi niya alam kung nakailang bote na siya ng beer kaya posibleng mali ang kaniyang narinig.

“I’m his uncle, but his like a brother to me,” he explained. Hindi naman ganoon kalayo ang gawat ng edad namin.”

“Uncle?” He nodded. “Kaya pala pareho kayong guwapo.” She giggled like a baby. “Crush ko si Tisoy at siyempre pati ikaw,” kumpisal niya. “Pero si Tisoy, mukhang tinamaan sa baby sister ko,” tukoy niya kay Sarah.

“Yeah, right.”

“Bagay silang dalawa,” aniya. “Pero natatakot ako para kay Sarah.”

“Why?”

“Marami na siyang sakit at hirap na pinagdaanan. Inabandona siya ng sarili niyang ina. Tumigil siya sa pag-aaral at piniling magtrabaho para maipagamot ang kaniyang ama pero binawian din agad ito ng buhay. Hindi na ako magtataka kung mas gusto niyang isarado ang kaniyang puso.”

“May tiwala ako na hindi siya sasaktan ni Erhart kung ‘yon ang ikinakatakot mo,” kumpiyansang wika nito. “Hindi basta-bastang nagdedesisyon ang pamangkin ko kung hindi naman niya paninindigan.”

Ang alam niya, hindi pa naman nanliligaw si Erhart sa kaibigan niya. Pero base sa mga nakikita niya, sigurado siyang doon ‘yon papunta. Hindi maalis ng binata ang tingin kay Sarah at nag-aalala ito sa kaibigan niya. Hindi naman siya tutol kung sakaling magkagustuhan ang dalawa. Boto rin siya kay Erhart kumpara kay Viggo. Matutuwa pa nga siya kung matututong magmahal si Sarah pero sa kabila noon, nangangamba pa rin siya.

“Hindi lang ‘yon ang ikinakatakot ko.” Mapait siyang ngumiti. “Hindi naniniwala si Sarah sa pag-ibig at hindi siya basta-basatng nagtitiwala. Mahihirapan si Erhart na suyuin siya.”

“Hindi mo pa gaanoong kilala si Erhart. Hindi basta-bastang sumusuko ang isang tulad niya.”

“Ipagpalagay na nating ganoon, pero paano kung kailan nahulog na ang loob ni Sarah sa kaniya ay saka siya susuko? Ayokong maiwan sa ere ang kaibigan ko.”

Kilala niya si Sarah, kapag may lumalapit dito ay gumagawa ito ng paraan para layuan ito. Sa nakikita niyang sitwasyon ng dalawa, may napansin siyang kakaiba sa kaibigan. Ang mga ayaw gawin ni Sarah ay nagagawa na nito dahil sa lalaki. At kahit na pilit iniiwasan ni Sarah si Erhart, patuloy naman na pinaglalapit ng tadhana ang mga ito.

“Bakit iniisip mo na kaagad ang bagay na hindi pa nangyayari?” Hinawakan nito ang kaniyang kamay at ginagap ‘yon. “Tatanda ka niyan agad. Gusto mo ba ‘yon?”

Napangiti siya. May katuwiran ang binata pero hindi pa rin niya maiwasang mag-alala para sa kaibigan. Ayaw niyang masakatan ito nang dahil sa pag-ibig; baka tuluyan na nitong isumpa ‘yon. Ipagdarasal niya na sana dumating ang panahon na buksan ni Sarah ang puso nito. At kung si Erhart ang magiging susi, sana huwag nitong sukuan ang kaniyang kaibigan.

“Eh, ikaw?” maya-maya’y tanong niya rito sabay lagok ng beer. “May girlfriend ka na ba?”

Mataman siya nitong pinagmasdan subalit hindi ito kumibo. Huli na nang mapagtanto niya kung bakit ganoon ang naging reaksyon nito. Aaminin niyang matabil ang kaniyang dila pero hindi niya alam kung saan niya hinugot ang kakapalan ng kaniyang mukha.

“Hu-huwag mo na la-lang pansinin a-ang tanong k-ko,” wika niya sa nagkabuhol-buhol na dila. Naghikab siya upang magkunwaring inaatok.

“Hoy, anong ginagawa n’yo riyan sa dilim?”

Napakislot siya nang marinig ang boses ni Aling Nena. Minsan naiinis siya sa matanda dahil killjoy ito pero sa pagkakataong ‘yon, ipinagpasalamat niya ang presensya nito. Medyo nahihilo na rin siya kaya mas mabuting matulog na.

“Hindi magandang tingnan na kayong dalawa lang ang nag-iinuman lalo na’t dis-oras na ng gabi. Babae ka pa man din, Jessica,” tungayaw nito. “Harry, huwag n’yo na ‘tong uulitin.”

“Opo,” sangayon ng lalaki. “Sorry po.”

“Pasensya na po, Aling Nena. Babalik na po kami sa loob.”

“Mabuti naman kung ganoon,” anito sabay alis.

Tumayo siya at iniligpit ang pinaglagyan ng pulutan. Si Harry naman ang nagbitbit ng mga bote.

“Sorry, napagalitan tuloy tayo.”

“Wala ‘yon. Sanay na ako kay Aling Nena,” balewala niyang turan. “At isa pa, ako naman ang nag-suggest na lumabas tayo.”

“Iyong tungkol pala sa tanong mo kanina—”

Tumawa siya upang pagtakpan ang pagkapahiya. “For sure, may girlfriend ka na,” sagot niya sa sariling tanong. “Sa guwapo mong ‘yan, tiyak na babae ang naghahabol sa ‘yo.”

“Wala,” salunggat nito. “Wala akong girlfriend.”

Nagdiwang ang kaniyang puso sa pahayag nito ngunit agad din ‘yong napalitan ng pagkadismaya sa sunod nitong sinabi.

“Pero may nagugustuhan na yata ako.”

Seryoso itong nakatingin sa kaniya pero hindi niya mabasa ang nasa isip nito. “Inaatok na ako,” pag-iwas niya. Posible kasing siya ang tinutukoy nito o ibang tao. Mahirap mag-assume kaya mas mainam na umiwas na lang.

Tumango ito at inalalayan siya sa paglakad hanggang sa makarating sila sa pintuan. “Thank you.”

Magpapaalam na sana siya rito nang mapansing wala sa kaniya ang atensyon ng binata. Sinundan niya ng tingin ang direksyon kung saan nakapako ang mga mata nito. Hindi niya malaman kung ngingiwi o ngingiti sa natunghayan.

Ubos ang isang bote ng beer na nakapatong sa lamesita malapit sa sofa. Tiyak na si Sarah ang uminon niyon. Bihira itong uminon dahil madali itong tamaan ng alak. Hindi na siya magtataka kung bakit nakatulog ito.

“TATAY…”

Naalimpungatan si Erhart nang maramdaman ang pagbuga ng mainit na hininga sa kaniyang leeg. Tumambad sa kaniya ang mukha ng natutulog na dalaga nang magmulat siya ng mga mata. Nakasiksik ang ulo nito sa kaniyang leeg at nakapulupot ang kamay nito sa kaniyang baywang.

Napasinghap siya nang mapagtanto kung gaano ito kalapit sa kaniya. Hindi man niya sinadya ang paglalapit ng kanilang mga katawan pero may kakaiba siyang nadama. Parang gusto niya ring yakapin ang dalaga at damhin ang init na nagmumula sa katawan nito.

“Miss na miss na kita ‘Tay,” anas nito. “Bakit mo ako iniwan?”

He could feel the sorrow on her voice. And he felt the same. He missed his mother so much. Tila may sariling isip ang kaniyang mga kamay. Hinaplos niya ang buhok nito. “Nandito naman ako,” wala sa loob niyang saad.

“Tatay…”

He took a deep breath. Nais niyang gisingin ang dalaga ngunit wala siyang lakas ng loob na gawin ‘yon lalo pa’t may kutob siyang napapanaginipan nito ang ama. Alam niya ang pakiramdam ng nangungulila.

Hinayaan niyang nakapatong ang ulo nito sa kaniyang balikat kahit nangangalay na siya. Sa ganoong posisyon sila naabutan nina Harry at Jessica. Handa na siyang magpaliwanag nang sumenyas si Jessica na huwag siyang mag-ingay kaya nanahimik na lang siya.

“Puwede bang tulungan mo akong dalhin siya sa taas?” pabulong na tanong nito. Tumungo siya bilang tugon. “Dahan-dahan lang para hindi siya magising.”

Maingat niyang binuhat ang dalaga gaya ng utos ni Jessica. Inilapag niya ito sa higaan na animo’y naglapag ng sanggol sa kuna. Ayaw niyang magising ito sa mahimbing na pagtulog. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Noon niya lang napansin ang namuong luha sa sulok ng mga mata nito na natuyo na.

“She might be tough and intimidating on the outside but she’s fragile inside.”

Napalingon siya kay Jessica. Seryoso ang anyo ng mukha nito.

“Kung hindi ka pa sigurado o wala kang balak na seryosohin ang kaibigan ko, mas mabuti pang iwasan mo na lang siya.”

“Nagkakamali ka. Wala akong ginawang masama sa kaniya,” depensa niya. “Natutulog ako kanina at paggising ko—”

“Hindi ‘yon ang tinutukoy ko.” Nagpakawala ito ng buntong-hininga. “Sa baba tayo mag-usap.”

“Okay,” pagpayag niya kahit hindi niya maintindihan kung bakit ito nagkakaganoon. Kinumutan muna niya si Sarah bago niya sinundan si Jessica. “Ano bang gusto mong pag-usapan?”

Naabutan niya itong nakaupo sa sofa pero wala roon si Harry. Umuwi na siguro ang lalaki.

“Alam kong kinausap na kita kanina tungkol kay Sarah pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-alala sa kaniya. Napa-praning na yata ako.”

“Naiintindihan kita at normal lang ang reaksyon mo dahil kaibigan mo siya.”

“At kapatid ang turing ko sa kaniya,” dugtong nito. “Ayokong pangunahan ka sa nararamdaman mo pero base sa nakikita ko…” Hindi nito tinuloy ang pagsasalita. Sinapo nito ang noo. “Lasing na yata ako. Kung ano-ano na ang pinagsasabi ko at pumapasok sa isip ko.”

“Paano kung tama ang hinala mo? Tutulungan mo ba akong mapalapit sa kaniya?” Hindi niya alam kung bakit niya ‘yon biglang nasabi pero totoong gusto niyang mapalapit sa dalaga.

Umupo ito nang tuwid at deretso siyang tinitigan sa mga mata. “Mahihirapan ka sa kaniya,” babala nito.

“I don’t care.” Wala namang bagay na madaling makuha sa mundong ito. Kailangan ‘yong paghirapan, maliban na lang kung gagamitan ng dahas at kapangyarihan. Iyon ang klase ng mundo na kaniyang namulatan pero wala bokabularyo niya na gawin ‘yon. Gusto niyang maging patas sa lahat ng bagay. “Tutulungan mo ba ako?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status