Share

Chapter 2

Penulis: aiwrites
last update Terakhir Diperbarui: 2022-06-02 13:26:15

Nagising na lamang ako sa tuloy-tuloy na pagtunog ng aking telepono. Agad ako na dumilat at inabot iyon, nagmamadali pa ako na sagutin iyon nang makita ko na tumatawag na si Ashley sa akin.

"Ash." Walang kalatoy-latoy na bungad ko sa kan'ya.

"And where are you, Raven?" mataas ang boses na sabi niya pa sa akin.

"Sa bahay, saan pa ba ako pupunta?"

"At bakit nariyan ka pa? We were supposed to meet today, Rave." Agad ko na tiningnan ang oras sa telepono ko, maaga pa naman para sa meeting namin, kaya OA na naman si Ashley sa pagmamadali niya sa akin.

"Maaga pa, Ash, mahigit dalawang oras pa bago ang usapan natin na magkikita tayo."

"Nakalimutan mo na ba na isang malaking oportunidad ito para sa’yo? Kailangan natin na maaga na makarating doon sa casting. Get your lazy ass up, at mag-ayos ka na. Hindi ito ang oras para mag-inarte ka pa riyan."

"Ash, sabi naman kasi sa’yo na ayaw ko na pumunta sa casting call na iyon."

"No, Raven, na pag-usapan na natin ito. Bumangon ka riyan at pupunta tayo roon sa ayaw at sa gusto mo man. Mag-ayos ka na dahil susunduin na lamang kita." Pagkasabi no'n ay agad niya na pinutol ang tawag.

Wala akong nagawa kung hindi ang bumangon at dumiretso sa banyo. I am dreading this day. Ayaw ko talaga na pumunta sa casting call na iyon dahil hindi ko rin nabanggit kay Royce ang tungkol sa trabaho na ibinibigay sa akin ni Ashley, at alam ko na hindi niya iyon magugustuhan kung tatanggapin ko.

Isa akong commercial model, and Ashley is my good friend and agent. At kahit paulit-ulit ko na sabihin sa kan’ya na ayaw ko na pumunta ngayon ay hindi niya ako papakinggan. Ashley knows about my relationship with Royce. Hindi man siya sang-ayon doon ay wala siyang magawa dahil alam niya na hindi ko rin siya pakikinggan. Pinapabayaan niya ako sa gusto ko, basta’t huwag lamang ito magiging sagabal at makaka-apekto sa trabaho ko.

Ito ang dahilan kung bakit kahit ayaw ko na pumunta ngayon ay wala ako na magawa. Kailangan ko na maging propesyunal ano man ang maging sirkumstansya. Kailangan ko na maging propesyunal na harapin si Royce ngayon araw kung sakali na magtagpo ang landas namin.

Ang pamilya ni Royce ay nagmamay-ari ng mga sikat na restaurant chains sa bansa. At ngayon ay naghahanap sila ng modelo para sa isang commercial na gagawin nila. At hindi ko nabanggit sa kan'ya na ipapasok ako ni Ashley para roon.

Pagkalabas ko ng banyo ay agad ako na nag-ayos. Sinuot ko ang black dress na ipinadala ni Ashley noon isang araw at kabilin-bilinan na ito ang aking susuotin ngayon sa trabaho. Hapit na hapit ito sa aking katawan at hindi pa umabot sa aking tuhod ang haba. Hindi gaano na revealing ang harapan nito ngunit low-back ang likuran. Nag make-up ako at itinaas ang aking buhok na nakabalumbon sa tuktok ng ulo ko. Isinuot ko ang aking stiletto at agad na nagdiretso palabas ng kuwarto matapos ko ayusin ang aking bag at ilan gamit.

"It's about time." Ito ang bungad ni Ashley sa akin pagkababa na pagkababa ko sa may sala. May susi siya sa townhouse ko kaya libre siya na nakakalabas-pasok dito.

Nagkibit-balikat na lamang ako at naglakad palapit sa kan'ya at nagbeso-beso. "It’s still early, Ash. Maya-maya na tayo umalis."

"Perk it up, Rave. Hindi puwede na para kang nalugi riyan kahit na alam naman natin pareho na matagal ka nang lugi sa relasyon na mayroon ka sa jowa mo na ewan."

"Shut it, Ashley! Ayaw ko nang pag-usapan pa ang bagay na iyan." asar na balik ko sa kan’ya.

"Whatever you say! Alam ko naman na matatagalan pa bago ka mauntog dahil sa sobrang kapal ng helmet na ipinasuot sa’yo ng walang kuwenta na jowa mo."

"Ashley!"

"Let’s go." Nagmamadali na siya na lumabas at sumakay sa van na nakaparada sa labas ng bahay ko na parang wala lang sa kan'ya ang mga sinabi niya kanina patungkol sa relasyon namin ni Royce. "Sinabihan ko na ang PA mo ng mga outfit requirements mo at naihanda na rin nila iyon. Nagawa na namin ang trabaho namin kaya gawin mo naman ang trabaho mo ngayon. All you have to do is smile at magpanggap na excited ka rin para rito."

"Hindi ko alam na hindi lang pala ako modelo, artista na rin pala ako ngayon."

"This is your choice, Raven. You chose this for yourself. We have an agreement about this, kung ayaw mo pala na umarte dapat ay hindi mo pinasok ang mga bagay na pinasok mo."

Alam ko na naiinis na rin sa akin si Ashley, pero ano nga ba ang magagawa ko? Pinana ni kupido ang puso ko. Nagkataon lang na kahit nasa tamang tao naman iyon ay sa maling oras at pagkakataon naman niya iyon nagawa.

"Let’s not talk about this, Ash." Tumahimik na lamang ako at pumikit na lamang sa buong biyahe. Iniisip ko na ang mga maaari na mangyari dahil sa walang alam si Royce tungkol dito, kaya ayaw ko nang dagdagan pa ang stres ko dahil sa pagtatalo namin ni Ashley. Sana na lamang ay huwag magalit sa akin si Royce dahil hindi ko ito nasabi sa kan'ya.

Makalipas ang ilan minuto ay nakarating kami sa opisina na pagmamay-ari nila Royce. Nakahinga ako ng maluwag ng walang anino ni Royce ako na nakita. Siguro naman ay hindi siya darating ngayon dahil may lakad sila ni Ivory. 

Kabado man ay taas-noo ako na naglakad papasok sa gusali kasabay si Ashley. Tunog lamang ng takong namin ang naririnig habang ang mga tao ay nakamasid sa amin. Patuloy ang pagkabog ng dibdib ko sa kaba pero pilit ko na kinakalma ang aking sarili.

"Raven?!" Isang baritono na boses na tumawag sa pangalan ko ang agad na nagpahinto sa amin ni Ashley sa paglalakad. I knew that voice so well, kaya mas lalo naman na dumagundong ang puso ko sa kaba. Nag-aalangan man ay lumingon ako at nagulat ako sa nakangiti na mukha ng lalaki na nakatunghay sa amin. "Finally! It’s you! I’m so happy to see you!" Hindi agad ako nakakibo at tipid na napangiti na lamang. Lumapit siya sa amin ni Ashley at agad siya na yumakap sa akin. 

"Trey!" Naibulalas ko na lamang dahil sa naging pagyakap niya sa akin. Nagulat man ako sa ginawa niya ay napayakap na rin ako sa kan'ya pabalik. I miss Trey so much.

"I suppose you’re here for the casting call." malambing na tanong niya sa akin.

Tumango naman ako bilang sagot sa kan'ya. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kan'ya upang maipakilala si Ashley sa kaibigan ko. "Trey, this is Ashley, and she’s my agent. Ashley, this is Trey Lorenzo."

"Ah, Ashley. Yes, we talked on the phone." Inilahad pa niya ang kamay niya kay Ashley at inabot naman iyon ni Ashley. "It's nice to formally meet you in person."

"Yes, Mr. Lorenzo, and thank you for the invitation. This is a big opportunity for Raven, and I thank you for considering her in the project."

"Of course." Napataas naman ang kilay ko nang malaman na nakapag-usap na sina Ashley at Trey. Marahil nakita ni Trey ang kaguluhan sa reaksyon ko kaya natawa siya at muli ay hinapit niya ako sa beywang papalapit sa kanya. "You can ask me about it, Rave, kaysa ang patuloy na pagkunot ng noo mo riyan."

Tinapik ko siya sa braso at tumawa. "Kilalang-kilala mo pa rin ako. Puwes, ano ang ibig sabihin ng pag-uusap ninyo ni Ash? And Ashley, really? Keeping secrets from me."

"Ako ang nagsabi sa agent mo na isikreto ang lahat. Actually, this isn’t a casting call dahil ikaw na talaga ang napili para sa proyekto na ito. Ikaw na talaga ang napili ko."

Agad na rumehistro ang gulat sa mukha ko. “Ha? Napili mo? Napili na ako? Bakit ako?"

"Bakit hindi ikaw? This job is for you, Rave. Ikaw lang talaga ang nakikita ko na puwede sa proyekto na ito, lalo pa at ako ang magiging kapareha mo. Kaya nang malaman ko na bakante ang schedule mo ay ipina-final ko na agad ang mga detalye sa agent mo." 

"Ikaw?!" Gulat na gulat na tanong ko lalo.

"Siyempre naman, sino pa ba?" Natatawa na sagot niya saka ako muli na niyakap. "I missed you so much, Raven." bulong pa niya sa akin.

Nagalak ang puso ko sa narinig ko sa kan'ya, kaya gumanti naman ako ng yakap at pilit na pinipigilan ang pangingilid ng aking luha. I will always feel this way about Trey. He will always hold a special place in my heart.

Pareho kami na nakayakap lamang sa isa't-isa at hinahayaan ang mga damdamin na lang namin ang mag-usap, ngunit naputol lamang iyon ng isang boses ang aking marinig. Panandalian pa ako na naestatwa dahil sa boses ng bagong dating na iyon.

"Trey." seryoso na tawag ng boses na iyon.

Bumitaw sa akin si Trey at humarap sa lalaki na bagong dating. "Tyrone, bro! Naaalala mo ba si Raven?"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • In Love With His Brother's Woman   Thank You!

    Thank you sa lahat ng sumuporta at nagbasa sa story ko na ito. Sobrang sorry din po dahil natagalan sa pag-update dahil naging busy na sa work. Sana po ay i-support ninyo rin ang iba ko pa na story:Completed (Tagalog Stories)The Invisible Love of Billionaire - Colton and Atasha storyMarried to the Runaway Bride - Mikel and Tamara storyFalling for the Replacement Mistress - Kenji and Reiko storyThe Rise of the Fallen Ex-Wife - Evan and Harper storyEntangled to the Hidden Mafia - Zane and Serenity storyOn-Going (Tagalog Story)Framed the Prince to be My Baby Daddy - Aldrick and Russia storyComplete (English Story)My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss - Elliot and Ariella storyOn-Going (English Stories)The Dragster's Mafia Heiress - Calix and Kaira storyThe Runaways' Second Chance Mate - Blaze and Snow story

  • In Love With His Brother's Woman   Epilogue

    "Yeah, I will. Darating ako." Iyon na lamang ang huling sinabi ko tsaka ko tuluyan na pinutol ang tawag. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko at saka ako napasandal sa aking kinauupuan. Pumikit ako at hinimas-himas ang aking noo dahil sa balitang natanggap ko.I am having mixed emotions right now. Tumawag kasi si Trey upang ibalita sa akin ang plano nila na pagpapakasal ni Raven. I am not expecting that my brother will call me, but he did, and a part of me feels glad that Trey did, because I feel that my brother still respects my presence in his life.A year ago, Trey called me as well to tell me that Raven and him are finally together. Hindi ko rin inaasahan ang pagtawag na iyon dahil hindi naman na rin namin lubos na naibalik pa ang dating samahan namin bilang magkapatid, but that move from Trey showed me how much my brother still values me despite everything.At nang sabihin ni Trey sa akin sa tawag na iyon na sa wakas ay pormal na silang magkarelasyon ni Raven ay wala akon

  • In Love With His Brother's Woman   Chapter 100.1

    "Hi, Raven."He is here. He is here in front of me. Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko ngayon habang kaharap ko ang lalaki na kanina lamang ay nagbibigay sa akin ng samu’t-saring emosyon. I was worried, I was frustrated, I was disappointed, but now all I am feeling is happiness. Masayang-masaya ako na makalipas ang ilang buwan nang pag-iwas namin sa isa’t-isa ay ito na kami ngayon at magkaharap na ng personal""So siyempre aalis na ako, hindi ba? Alam ko naman na hindi ako kasama sa dinner na ito." Pagsasalita ni Ashley sa may bandang likuran ko. "Ikaw na ang bahala kay Raven, Trey.""Yes, and as always, thank you, Ash." Sagot niya sa kaibigan ko pero ang mga mata niya ay sa akin pa rin nakatuon. Kagaya niya ay hindi ko rin maalis ang atensyon ko sa kan’ya. Hindi ko na nga rin nagawa na lingunin pa si Ashley upang magpaalam dahil ang nasa isip ko ay ibigay lamang ang buong atensyon ko kay Trey. Hindi maaari na mawaglit siya sa paningin ko dahil baka mawala na naman siya ka

  • In Love With His Brother's Woman   Chapter 100

    Kanina pa hindi mapalagay si Raven. Hindi nga niya magawa na makapagpokus sa trabaho niya dahil naiinis siya. Alam niya na napapansin na rin siya ni Ashley pero gano’n pa man ay balewala iyon sa kan’ya dahil sa gumugulo sa isipan niya."Rave, anong problema mo?" tanong nito sa kan’ya. "Kanina ka pa wala sa focus. What’s wrong with you? Isang set na lang naman at matatapos ka na, kung ano man ang iniisip mo ay kalimutan mo muna. May sakit ka ba?"Umiling na lamang siya at hindi na sinagot ang kaibigan at isinenyas na lamang na ipagpatuloy na nila ang huling set para makauwi na rin siya. Wala siya sa mood ngayon araw dahil may kulang sa araw niya. Kanina pa siya na naghihintay simula nang magsimula sila pero last set na niya ay wala pa rin na dumarating.At aaminin niya na hindi siya sanay sa ganito. Pakiramdam niya ay may nagbago at ang pagbabago na iyon ay hindi niya gusto. Malimit ay hindi niya ipinapakita ang appreciation niya, pero ngayon ay hinahanap-hanap naman niya. Ito kasi ang

  • In Love With His Brother's Woman   Chapter 99

    It has been more than six months, and Trey thought it would be easy to make it through, but things just get harder each day. Lalo siya na nahihirapan sa pagdaan ng bawat araw at ilang beses na rin siya na nagtangka na puntahan si Raven, pero sa tuwina ay naaalala niya ang naging takbo ng usapan nila, at sapat na iyon para mapigilan siya sa mga plano niya. Nangako siya na maghihintay siya, kaya kahit na mahirap ay pilit niya na kinakaya ang lahat. Ayaw niya na ma-pressure si Raven kung kaya't nagkakasya na lamang siya sa pagpaparamdam na nasa paligid lamang siya ng babae at naghihintay.Mahirap na maghintay lalo na at walang kasiguraduhan, ngunit pinanghahawakan na lamang niya sa bawat araw ang naging huling pag-uusap nila ni Raven, lalo na ang paulit-ulit nito na pagsabi sa kan'ya na mahal pa rin siya nito.---"Mahal na mahal kita mula noon hanggang ngayon, Raven. Hindi nagbago ang pagmamahal ko na iyon kahit na ano pa ang nangyari sa nakaraan. Hindi nag-iba ang nararamdaman ko para

  • In Love With His Brother's Woman   Chapter 98

    "Delivery for Ms. Raven De Ocampo."Ang buong paligid ay napuno na naman ng mga bulong-bulungan at pagkakilig buhat sa mga kasamahan ni Raven dahil sa pagdating na naman ng delivery na ‘yon. At dahil nakasalang pa si Raven sa set niya ay si Ashley na lamang muna ulit ang tumanggap nito, pero ang mga mata ni Raven ay nakatuon na naman sa dumating na padala na iyon.This has been the constant scenario whenever she is at work. Lagi na lamang siya na may natatanggap na iba’t-ibang padala at hindi na niya kailangan pa na hulaan kung kanino iyon nanggaling. Isang tao lamang naman ang malimit na nagpapadala sa kan’ya ng kung ano-ano: Si Trey Lorenzo.Nang maisip si Trey ay bahagya na nagsalubong ang kilay niya. Nawala na naman siya sa kan'yang pokus pero pilit pa rin naman niya na ginampanan ng maayos ang kan'yang trabaho. Hindi maaari na muli siya na mawala sa kan'yang mga prayoridad. Iwinaksi muna niya sa kan'yang isip ang tagpo na iyon at tinapos na lamang muna ang trabaho.Nang matapos an

  • In Love With His Brother's Woman   Chapter 97

    "Are you going somewhere, Rave? I'm sorry for coming here unannounced, but can we talk? Puwede mo ba ako bigyan ng kahit na sandali lamang na oras mo para makapag-usap tayo?"Trey standing in front of me is really unexpected at this point. Hindi ko inaasahan na darating siya ngayon at nanaisin din na makausap ako. Are we really on the same wavelength that he is also thinking of the same thing that I was thinking?"Rave, I really wanted to talk to you.""Where have you been?" Iyon lamang ang naging tugon ko sa kan’ya dahil hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat ko na sabihin ngayon nasa harapan ko siya. Lahat ng mga inihanda ko na sasabihin sa kan'ya ay bigla na lamang nawala sa aking isipan at blangkong blangko ako ngayon."I know that you are mad, and I am sorry for leaving again. I just needed to clear my mind off of things. HIndi iyon sapat na rason at alam ko iyon, pero iyon lamang din ang dahilan ko kung bakit ako biglaan na umiwas sa'yo. I honestly got scared about a lot of thin

  • In Love With His Brother's Woman   Chapter 96

    Several days had passed, and both Trey and Raven decided to give themselves time away from each other. Alam nila na marami silang dapat na pag-usapan, pero pareho sila na napupuno ng takot sa puso nila kahit na marami ang nag-uudyok sa kanila na kausapin na ang isa’t-isa. And in those days that they chose to be away from each other, a lot of realization came through them. Pareho nila na napagtanto na walang magagawa ang pag-iwas nila na harapin ang isa’t-isa. Walang mangyayari kung pareho lamang nila na pipiliin na layuan ang isa’t-isa nang wala man lamang sapat na eksplanasyon. Patuloy laman nila na masasaktan ang bawat isa kahit hindi iyon ang nais nila kung pareho sila na mag-iiwasan dahil sa mga takot na gumugulo sa isipan nila.Kung tutuusin ay wala naman talaga silang problema, ngunit ang matinding takot nila na sinamahan pa ng kung ano-anong mga katanungan sa isipan nila ang siyang dahilan ng pagkakalayo nila. Kaya saan nga ba sila magsisimula para putulin ang distansya na iyon

  • In Love With His Brother's Woman   Chapter 95.1

    Wala siyang nagawa nang iwan sila ni Roxy at magpumilit ang kapatid na kausapin siya. Kagaya na nga sa sinabi niya kanina ay ayaw niya ng confrontation. Hindi siya handa na mag-usap sila dahil pagod na pagod na siya sa pakikipagtalo sa kapatid at sa tingin din niya ay wala na rin naman silang dapat pa na pag-usapan."Saan ka nanggaling? Ilang araw ka na nawala. Hindi ka nagsabi kina mama kung saan ka pupunta."Nakasandal lamang siya habang nakapikit at hinihimas ang kan’yang noo kahit na kinakausap siya ni Tyrone. Tahasan niya na ipinapakita na hindi siya natutuwa sa paghaharap nila na ito at wala siyang balak na makipagplastikan. And he just hoped that Tyrone would take the hint and just leave him alone."Trey," tawag nito sa kan’ya. Hindi siya dumilat para tingnan ang kapatid at patuloy lamang na nakapikit at nagpapanggap na walang naririnig. "Alam ko na ayaw mo ako na makaharap pero nandito ako dahil kay Raven.""Wala tayong dapat na pag-usapan patungkol sa kan’ya." tipid na sagot n

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status