Share

CHAPTER 1

TARAH

I can foresee how bad this year's going to be for me. Enrolment palang ay ginugulo na ako ng dalawa. Ikalawang linggo palang ngayon mula nang ampunin ako ng pamilyang 'yon ay naguguluhan na ako sa apelidong gagamitin ko.

Bakit na ako naguguluhan? Ala naman sa usapan na papalitan ang apelido ko, ha?Atsaka, do you really want to affiliate their surname to your name, Tarah? Ang ganda ng pangalan mo. Gusto mong maging kaapelido sila? No way! Isang malaking no.

Kasalanan ng submission paper na ito, e! Napaisip tuloy ako kung ano ang gagamitin kong apelido. Sinulat ko ang buo kong pangalan. Gamit ang pangalan na ibinigay sa akin ng tunay kong magulang. Kahit kailan ay hindi ako magiging Fuentebella. Medyo maganda lang pakinggan ang apelido nila, pero walang maganda sa pamilyang iyon. There was one person, but she's gone now.

Bumuntong hininga ako. Sumandal sa aking upuan at pinakatitigan ang aking pangalan. Pero kahit ganoon, kundi dahil sa pamilyang yon ay baka hindi ako mag-eenrol ngayong taon. May ipon pa naman ako na nilaan ko pang enrol, pero paano ang pang-araw-araw kong gastusin? Hindi ako nagnanais ng malaking baon. But I know, magiging magastos ang school year na ito. At magiging mahirap para kay papa na bigyan ako ng baon. Lalo na't nadagdagan ang gastusin namin mula nang nagkasakit si mama.

Kung noon ay nakakapagtipid kami sa pagkain, ngayon ay hindi na pwedeng malipasan, at kung ano lang ang kainin ni mama. Bakit ba kasi nagsabay-sabay ang sakit niya? At bakit si mama pa ang dinapuan ng sakit?

You know why, Tarah. You now how hard working, and selfless your mother is. Isusubo niya na lang ay itatabi niya pa para sa akin. Dahil iniisip niya na baka hindi ako kumakain. Pinilig ko ang ulo. I should finish this quickly para makauwi ako kaagad. Ayokong makasalubong ang demonyita kong stepsisters kuno. Pa-panget lang lalo ang araw ko. At baka kung ano nanaman ang iutos sa akin.

Ang alam ko ay nagpa-ampon ako hindi nag-apply bilang katulong, pero kung makaasta sila parang nagkaroon sila ng utusan.

Tumayo ako at agad na nakisali sa pila. Nang ako na ang nagpapasa ng papelis ay biglang sumulpot ang magaling kong bagong sister. Nakadungaw ang mga mata niya sa papel na inabot ko sa registrar. Dinig kong nagrereklamo ang iba dahil sumingit siya sa pila. Ipinatong niya ang kaniyang siko sa counter. Humarap sa akin, at may ngisi sa nakakairitang labi.

"Bagong apelido naba ang gamit mo? Fuentebella? Dahil inampon ka na ng mommy ko?" Sinadya niyang lakasan ang boses niya dahil gusto niyang marinig ng lahat. Walang emosyon ko siyang tinignan. It's better not to talk. Baka mabugahin ko ito ng apoy.

"Si mommy ba anh nagbigay sa pang-enrol mo, Tarah?"

Hindi ko siya pinansin. Hinintay ko nalang ang papel na nagpapatunay na enrolled na ako. Buti naman at mabilis na naibigay. Agad ko siyang tinalikuran at naglakad na paalis doon. Sa pag-alis ko ay rinig ko kung paano niya pinagkalat na inampon ako ng pamilya niya. Na kung hindi dahil sa kanila ay baka hindi kona maipagpapatuloy ang pag-aaral ko. Inignora ko nalang.

Nadaanan ko pa ang kapatid niya na sumusutsot sa mga barkada niya. Malamang ay pinagsasabi rin na inampon na nila ako. Wala naman 'yang ibang ginawa kundi ang magsimula ng bagay na makakapagpagalit sa akin. Gusto nila ng away, pero never nilang nakuha mula sakin. Never akong pumatol kahit sobrang nakakainis na ang ginagawa nila. Hindi ako duwag, ayoko lang palakihin ang gulo. Kaya kong lumaban, pero ayokong abalahin at bigyan ng iisipin ang mga magulang ko.

Magtitimpi ako hangga't kaya. Dapat manalangin silang hindi sumagad ang pasensiya ko. Dahil alam kong walang magandang maidudulot sa kanila kapag ang pasensiya ko na ang nasagad.

Tumunog ang phone ko. It's either the sisters, or their mother. If its the sisters, malamang ay nagrereklamo na hindi ko sinagot noong kinakausap ako. Okaya ay may iuutos. Nakakatawa kapag inis na inis sila sa pag-iignora ko sa kanila. Parang multong trying hard na manakot pero itong tinatakot nila ay wala namang third eye.

I was right to think its one of them. May mga pinapabili sa akin ang nanay nila. Groceries. Bumuntong hininga ako. Hindi pa ako naglunch. Sa bahay nalang ako kakain. Sa supermarket na ang deretso ko para makapaggrocery narin ako para sa bahay. May pera pa naman ako rito.

Pagkatapos kong mamili ay dumeretso ako sa bahay. Hindi naman kalayuan ang bahay namin mula sa mansion ng mga Fuentabella kung saan na ako ngayon madalas nag-iistay.

"Namili ako ng kaunting groceries, Ma. May ulam paba?" Gutom na ako.

"Kumain kana ba? Nakapag-enrol kana? Hindi ka pa kumakain, ano?"

Napangiti ako. Alam talaga ni mama kapag hindi pa ako kumakain. Pinaghain niya ako. Pero noong inaayos na niya ang mga pinamili ko ay bigla siyang d*****g sa sakit. Nagka-ulcer si mama, appendicitis, tapos mataas pa ang presyon, at alam ko may iba pa siyang karamdaman. Wala pa kaming pera sa ngayon na magagamit sa overall check-up niya.

"Kumain ka ba sa tamang oras, ma? Hindi ka pwedeng malipasan ng gutom. At huwag ka munang maglinis sa bahay. Hindi naman madumi kung anu-ano niyan nililinis niyo, e!"

Nakayuko siya sa sakit na nararamdaman sa kaniyang tiyan. Inalalayan ko siyang bumalik sa kwarto, at pinahiga sa kama.

"Kumain na ako. Pero naiinip ako kaya naglinis ako." Sabi ko na nga ba.

"Namasada si papa?"

"Oo. Pinaglaba ko nga ng ilang damit. Halos madumi na mga damit niya. Magagalit yun kapag wala ng maisusuot."

"Anong oras siya umalis?"

"Mas maaga na umaalis ang papa mo. Madilim pa umaalis na siya. Para daw matiyempuhan niya ang mga papasok na estudyante."

"Paano ang hapunan niya?"

"Nagdala lang ng kanin."

Sana ay bumili siya ng ulam sa karendirya, okaya ay doon nalang kumain. Baka hindi na kumakain iyon dahil nagtitipid. Mula ng magkasakit si mama ay wala ng pahinga sa pagpapasada si papa. Napansin ko noong ilang beses na minamasahe niya ang paa niya, at namamaga iyon ng kaunti. Baka sumasakit nanaman ang paa niya.

Huminga ako ng malalim. Baka pati si papa ay magkasakit. Hindi pinahalata kay mama na nangangamba ako.

"Ayos ka lang ba doon?" tanong ni mama. Tumango ako. Gusto kong isipin niya na ayos lang ako doon. Ayoko ng dumagdag sa mga inaalala niya.

Nagstay ako ng ilang oras. Pinauwi ko agad si papa para may kasama na si mama sa pag-alis ko. Hindi pa ako nakakapanik sa kwarto ko ay tinawag na ako ni Mrs. Lucille. "Tarah, pumunta ka sa munisipyo bukas."

"Bakit po?" tanong ko. Anong gagawin ko sa munisipyo? Don't tell me may ipapalakad nanaman siyang dokumento? Kaya ngayon palang ako nakapag-enrol ay dahil ang dalawa niyang anak ang una kong ni-enrol. Kaya din siguro ako nalito sa apelidong isusulat ko dahil dalawang araw akong nagfifill-up ng papel gamit ang pangalan ng dalawa.

Pinanood ko siyang pinaikot-ikot ang wine sa kaniyang baso. Sabihan ko na kayo agad, mumurahin lang iyon.

Mas malaki ang bahay na ito sa bahay namin. Noon ay mukha talaga itong mansion. Pero noong nawala ang talagang nagmamay-ari sa bahay at sa mga lupa dito ay napabayaan na ang bahay na ito. Alam kong hindi na sila ganoon kayaman, pero umaaktong parang sobrang yaman parin kahit marami ng utang. But still, they have more money than us. Kaya kahit hindi ko talaga gusto ay nagpaampon na ako sa kanila. Para narin sa magulang ko at sa pag-aaral ko.

She sat on the couch, crossed her legs, and continued swirling the wine in her glass. Tapos ay inaamoy lang iyon at hindi naman talaga iniinom. Takot maubusan? Props lang? Baka yoon nalang ang natitira niyang wine.

"May mga papeles lang akong ipakukuha sayo."

Tumango nalang ako, at tumuloy na papanik sa aking kwarto bago pa ako mahilo sa pag-ikot niya doon sa glass wine. Saglit akong nagpahinga, bago naghanda ng dinner. Hindi ako sumabay sa pagkain. Mawawalan lang ako ng gana dahil siguradong pagdidiskitahan ako ng magkapatid. At maingay silang ngumuya. Naiirita ako sa tunog ng pagnguya.

Naghuhugas ako ng plato nang marinig kong may kausap sa telepono si Mrs. Lucille. Hindi ko sinasadya pero rinig kong tungkol sa utang niya ang pinag-uusapan nila. Ilang beses ko na siyang naririnig na may kausap tungkol sa utang. Baon na yata sila sa utang.

Umiling ako. Napunta lang sa wala, at mabilis na naglaho agad ang mga naipundar ni lola April. Mabait at matulungin si lola April hindi kagaya nila. Siya dati ang may gustong mag-ampon sa akin. Siya talaga ang sineserbisyuhan namin noon. Dahil kahit may kasama siya ay hindi siya natutulungan. Simula't sapul ay masama ang mga ugali ng tatlong mag-iinang ito.

[Magsuot ka ng disenteng damit. Mag dress ka.] Sambit sa akin ni Mrs. Lucille. Kausap ko sa telepono. Pupunta lang akong munisipyo, bakit kailangan nakadress ako? Ano may pa dress code na ngayon sa munisipyo? Literal na dress?

"Bakit po kailangan nakadress?" Pwede naman akong magpatalon nalang.

[Basta! Mag-ayos ka.]

Lalong kumunot ang aking noo. Bakit parang may ibang sadya ang pagpunta ko sa munisipyo?

[Magsisimba pala tayo pagkatapos. Kaya mag-ayos ka.] Pahabol niyang sabi. Hindi ako makapaniwala doon. Sila? Magsisimba? Kami? Magsisimba kami? Unbelievable!

[Tarah?! Nasaan kana?]

"Sa bahay pa po. Bakit po?"

[Hindi ba sabi ko pumunta ka sa munisipyo today? Anong oras na!]

"Pupunta po ako. Hindi ko naman po kailangan pumunta doon sa tamang oras. Hindi ba't pipirma lang naman ako ng adoptation papers?"

Nakakapagtaka na alam nilang wala pa ako doon. At atat na atat silang pumunta na ako doon. Gusto pa niya ay masunod ang oras na ibinigay niya. Buong araw naman nakabukas ang munisipyo. At hindi talaga per schedule ang aasikasuhin ko. Kung gusto pala niyang nandoon ako ng maaga ay sana hindi na ako inutusan na magpalit ng mga kurtina, magluto at maglaba.

[Dalian mo at late kana! Magsuot ka ng magandang damit!]

Umirap ako. "Opo." Sagot ko nalang saka na pinatay ang tawag. May iba talaga akong nararamdaman tungkol sa lakad na ito. Para bang nay iba silang pakay.

[If possible magsuot ka ng puting dress.]

Napakunot ako ng noo sa nabasang text.

[Para nakaputi tayong lahat sa pagsimba.]

Seryoso silang magsisimba kami? Magsisimba sila? Baka masunog silang tatlo.

I wore a white dress, and just paired it with white converse. And styled my hair in a korean half ponytail. Nanood ako sa youtube kung paano gawin, at kung bakit ganoon kagandang tignan kahit ganoon lang ang style ng buhok nila.

When I entered the room instructed to me. Mrs. Lucille and Pam were there. They didn't told me they'd be here. I thought we'll meet at the church. They were all smiles at me. Something that told me they want something from me, that surely benefits them.

"You're late at your own wedding." Said Pam. I frowned at that. "Shh! Pamela!" Her mom scolded at her.

What did she said? Wedding? My wedding?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status