Share

Chapter 2

TARAH

 

 

 

"You want me to marry someone I don't know? At bakit po ako? Ako na dalawang linggo palang mula noong ampunin niyo, at patirahin sa bahay niyo. Bakit ako ang ipapakasal niyo sa pamilyang hindi ko naman kilala bilang kabayaran sa utang niyo?"

 

 

 

Hindi ako nagulat nang malaman na may iba silang pakay mula sa akin, pero hindi ko inakala na ganito kabigat ang gustong nilang gawin ko. Kasal ang gusto nilang makuha mula sa akin.

 

 

 

"Hindi kita inampon para kwestyunin ang mga pagpapalakad ko sa pamilyang ito. Didn't you you let me adopt you to lessen the burden of your family? Hindi mo ba kayang gawin iyon para sa amin? Hmm? Kami na ang bago mong pamilya. Pamilya mo kami, Tarah. Won't you help us?"

 

 

 

Ibang usapan ito. Kasal ang pinag-uusapan dito. "Hindi ko po kaya ang gusto niyong gawin ko." Gusto nilang pakasalan ko ang isa sa mga anak ng pamilyang pinagkakautangan nila. Hindi ko alam kung paano sila nagkautang sa pamilyang yon. At kung saan napunta ang perang inutang nila. Ni hindi ko nga kilala ang pamilyang sinasabi niya.

 

 

 

"Bakit hindi?! Wala kang utang na loob!"

 

 

 

"Hindi ninyo ako kadugo. Ang pagpapakasal sa anak niyo sa pamilyang iyon ang kabayaran sa mga utang niyo. Hindi ninyo ako kadugo kaya hindi nila ako tatanggapin bilang kabayaran sa utang niyo."

 

 

 

"Hindi nila kailangan malaman na ampon ka lang. Sasabihin kong anak kita! And, and tapos na ang kasal bago pa nila malaman kung sino sa mga anak ko ang pinakasal ko---"

 

 

 

"Ayoko pang magpakasal! Hindi pa po ako pwedeng magpakasal. At hindi ko kilala ang ipapakasal niyo sa akin. Hindi ko gagawin ang gusto niyo." 

 

 

 

Legal na ang edad ko, oo. Pero ang bata ko pa para magpakasal. At nag-aaral pa ako. Ni minsan hindi ko nakikita ang sarili kong mag-asawa nang hindi tapos sa pag-aaral. Hindi nga ako nagboyfriend dahil wala sa isip ko ang love life. Tapoa ganitong ikakasal nalang ako bigla sa lalaking hindi ko kailanman nakilala? That's bullshit.

 

 

 

"Legal na ang edad mo. Karamihan sa mga kaedad mo ang nagpapakasal na these days. At kung ang inaalala mo ay hindi mo kilala ang mapapangasawa mo, tutulungan kitang kilalanin siya."

 

 

 

"Bakit hindi ang mga anak niyo ang ipakasal niyo?"

 

 

 

"Ayoko nga! Ayokong magpakasal sa anak sa labas ng mga Schneider."

 

 

 

"Schneider? Sa pamilyang iyon niyo ako gustong ipakasal? Hindi ba nahuhumaling kayo sa mga tagapagmana ng mga Schneider? Bakit ngayon ayaw niyong magpakasal?"

 

 

 

Halos magsabunutan silang dalawang magkapatid sa tuwing nag-aagawan sa anak ng pamilyang iyon. Bakit ngayong may pagkakataon silang maikasal sa lalaking pinapantasya nila ay tinatanggihan nila?

 

 

 

"Hindi mo ba ako narinig, Tarah? Anak sa labas. Sa anak sa labas. Atsaka—"

 

 

 

"Tumahimik ka Pamela! Hindi ka nakakatulong!" Bulyaw sa kaniya ni Mrs. Lucille. To shut her up. Probably to stop information from slipping in her mouth. Inirapan niya ang sariling ina.

 

 

 

Humugot siya ng malalim na hininga, at pinilit ang ngiti bago ako muling kausapin. "Tarah, you see... ayaw ng mga anak ko."

 

 

 

"Ako po? Gusto ko ba? At hindi sapat na dahilan iyon para ako ang ipakakasal niyo." Hindi ako parte ng utang nila. bakit kailangan ako ang magsakripisyo? Bakit ako ang magiging kabayaran sa bagay na wala akong kaalam-alam.

 

 

 

"I know. Pero walang mapapala ang mga anak ko kung sila ang gagawa sa pinapagawa ko sayo."

 

 

 

"Paano pong wala? Kayo ang mababayaran ang utang."

 

 

 

"Makinig ka. Makinig ka muna. I have a deal for you." She's trying hard to collect her posture. "Ikaw ang ipakakasal ko, mababayaran ang utang natin, tapos... I will give you money. Yes, money. Bibigyan kita ng pera pampagamot sa mama mo." Her eyes twinkled at the idea. On the other hand, it shut me up.

 

 

 

"It's a win-win for both of us. Mababayaran ang utang ko, maipapagamot mo ang mama mo. At isa pa, ikakasal ka sa kilalang pamilya. Sa mayaman na pamilya."

 

 

 

"Ayon nga lang pangit ang asawa mo."

 

 

 

"Shut up, Sam! Isa kapa!"

 

 

 

Her offer took me back. Maipapagamot ko si mama? Maipapagamot ko si mama. Pero kaya ko ba? Kaya ko bang magpakasal sa lalaking hindi ko mahal?

 

 

 

I take relationships very seriously. One reason why I've never have a boyfriend. I just can't do it. I can't get attached to things I'm not really into. I can't commit to something I'm not really interested with. I can't just disgard someones feelings. I couldn't just dump someone after being part of my life. Even if its just for a while, I still can't do that.

 

 

 

I know the gravity of one's feelings. I can't just take it easily.

 

 

 

I don't just welcome people in my life, because I know how easily I get too attached. So I keep myself away from people who I know will only be there temporarily. I want someone permanent, not just temporary.

 

 

 

Marriage never came to my mind, but its one of the most important things for me. It's one thing that I will never take easily, consider easily. It's a huge deal for me. Marriage binds you with someone forever. I want to be bind to someone forever. I want to marry for love. Not like this.

 

 

 

But my mother, she needs me. She needs the money. I can sacrifice. Can I really? Can I really sacrifice my marriage? I will. For my mother.

 

 

 

But it's not that easy.

 

 

 

"I will shoulder your mother's medical expenses. Overall checkups, maintenance, operation, follow up checkups, everything. I only ask you to do this for me. Marry Schneider."

 

 

 

"I need time. I'll think about it."

 

 

 

I runaway. Went somewhere where I could think. At a park I passed by. Ilang oras akong tumulala doon. Pinakaisipan kung anong magiging desisyon ko. Pero kahit gaano ko pag-isipan, I always end up with a fifty-fifty decision. I want to save my mother, but I can't help but think if this is really the only way I can save her. Baka may iba pang paraan. Baka, ang daming baka, wala akong kasiguraduhan.

 

 

 

Can I get to know him first? Bago ang kasalan. But she won't give me the money first. I know her. Hindi nagpapaloko ang mga manloloko. She will make sure I'll sign those papers first before she'll go on with the agreement.

 

 

 

Pumasok bigla sa isipan ko si Pamela. Kung paano siya pinigilan ng mommy niya kanina na magsalita. She knows something. She definitely know the Schneider. Walang pagdadalawang isip ko siyang tinawagan kahit na ayokong kausap ang babaeng ito.

 

 

 

"I didn't expect you to call me. Akala ko si mommy ang kakausapin mo. Ano? Payag kana?"

 

 

 

"Pinagiisipan ko pa."

 

 

 

"Then bakit mo ako tinawagan? Bukas ang gate, at may susi ka naman. Hindi naman siguro yon ang itinawag mo."

 

 

 

"Hindi. Hindi iyon."

 

 

 

"Then, why?"

 

 

 

"Alam kong kilala mo ang mga Schneider."

 

 

 

"Oo. Marami akong alam sa kanila. Why? Fishing for information of your future husband?"

 

 

 

"Oo. Gusto kong malaman kung sino siya. At kung bakit ayaw niyong magpaksal sa kaniya. Hindi ba't pangarap niyong maging Schneider?"

 

 

 

"Well, sadly, hindi ko alam ang pangalan niya. And well, yes. Gusto naming maging Schneider. Gusto naming mapangasawa ang magkapatid, pero hindi sa anak sa labas. Gusto kong pakasalan si Eze, hindi ang kapatid niya sa labas."

 

 

 

"Why?"

 

 

 

 

 

"Bukod sa anak siya sa labas, at hindi siya si Eze. Pangit siya."

 

 

 

Napairap ako. Mabait lang silang magkapatid sa mga gwapo. At wala na silang inatupag kundi ang maghanap ng gwapo. "Nameet mo na ba siya?"

 

 

 

"Hinde! Hindi ko alam ang pangalan diba? Kung nameet ko na siya malamang alam ko na ang pangalan niya."

 

 

 

Umirap nalang ako at hindi na siya tinusta.

 

 

 

"So paano mo alam na pangit siya?" Hindi mo pa nga nakikita.

 

 

 

"Sino ngayon ang nagsabing wala kang mapapala sa chismis? Tignan mo ngayon wala kang alam sa mapapangasawa mo."

 

 

 

Hindi ko naman alam na sa ganitong paraan ako mag-aasawa. At lalong hindi ko alam na laman pala ng chismis ang mapapangasawa ko.

 

 

 

"Anyway, dahil mabait ako, I will share it with you."

 

 

 

Napahawak ako sa kadena ng duyan na inuupuan ko.

 

 

 

"Ang famous na rumor tungkol sa mga Schneider, ay may anak daw ang daddy nila sa labas, na hanggang ngayon ay walang nakakakilala dahil tinatago nila. Other than dahil nga anak sa ibang babae, kaya daw mas lalong tago dahil sa itsura niya. He's the ugliest out of the three brothers. Eze is the oldest, pangalawa ang anak sa labas which is ang mapapangasawa mo, and the youngest is baby Everest."

 

 

 

Eze? Everest? Yan ang mga pangalan nila? What could be his name. Does it start with letter E too? Parehong E nag-uumpisa ang pangalan ng dalawa. Or nickname lang ba nila iyon?

 

 

 

"May tanong kapa?"

 

 

 

"Kung anak siya sa labas," hindi pa ako tapos sa pagsasalita ay sumagot na siya.

 

 

 

"You know my babe Eze, he has a sweet heart. Mas lalo ko pang napatunayan ngayon." Hindi naman iyon nakatulong sa akin, at hindi naman iyon ang itatanong ko dapat. "Siya ang kausap ni mommy. Maybe he did that para mahanapan niya ng mapapangasawa ang kapatid niya. Isn't he sweet?"

 

 

 

Malaya akong ngumiwi dahil hindi niya ako kita. Napaisip ako.  Is he really that bad? I mean, kung ganoon ang paraan para maikasal siya... ibig sabihin nahihirapan siyang maghanap ng kapares. At ang itsura lang ba niya ang dahilan kung bakit hindi siya makahanap ng asawa?

 

 

 

Hindi ko alam kung nakatulong ba ang mga impormasyon nakuha ko kay Pamela o nagpahirap lang lalo sa akin. Pagkatapos kong kausapin si Pamela ay si papa ang tumawag sa akin. Bago ko nasagot ang tawag niya ay nakita kong may mga texts pala siya sa akin.

 

 

 

Pinapauwi niya ako dahil daw kailangan niyang bilhan ng gamot si mama. Sumupong daw ang sakit niya sa tagiliran. Walang maiiwan na kasama niya kapag umalis si papa. "Ako nalang po ang bibili ng gamot. Hintayin niyo nalang po ako diyan Pa."

 

 

 

I need to make up my mind. Kailangan ako ni mama. If sacrificing my marriage to save her is the only way, I will do it. Ayokong nahihirapan siya ng ganito. Ang sakit na makita siyang nagpapanggap na okay lang kahit alam kong namimilipit na siya sa sakit.

 

 

 

"Nakapagdesisyon na po ako. Payag na akong magpakasal sa pamilyang iyon. Ipangako niyong tutuparin niyo ang kasunduan, ipapagamot niyo si mama."

 

 

 

"You know that's not a problem, Tarah. Tutuparin ko ang kasunduan natin."

 

 

 

SInubukan ko siyang kausapin na baka pwedeng asikasuhin na kaagad bukas ang operasyon ni mama. I was right to think that she will want to see those papers signed before she will make true of our agreement.

 

 

 

"Congratulations, Tarah! Happy Wedding!" nanunuyang sambit sa akin ni Sam.

 

 

 

Kaya kinabukasan rin ay pumunta ako sa munisipyo para pirmahan ang marriage contract.

 

 

 

Nagsalubong ang kilay ko nang makitang blanko ang pangalan ng   groom. Pinakatitigan ko iyon at napansin na may nakadikit lang na puting sticker doon. Tinatakpan noon ang pangalan ng groom. Nang sinubukan kong tanggalin ang sticker ay mabilis na pinigilan ng secretary ang aking kamay. Gulat at nagtataka ko siyang tinignan. Kabado siyang nakatingin sa akin.

 

 

 

"The grooms name is confidential. Hindi niyo po pwedeng makita ang pangalan niya. Si Mrs. Lucille Fuentabella nalang po ang kausapin niyo tungkol dito."

 

 

 

Dahil doon ay umurong ako sa pagpirma. Kailangan ko munang makausap siya. Bakit ayaw nilang makita ko ang pangalan ng lalaking pakakasalan ko? That's absurd. How would I know who I'm married to?

 

 

 

I tried to make them understand my point, but I still ended up signing the papers without knowing the name of now my husband.

 

 

 

I didn't leave immediately, thinking that I might see him there. I looked around, search without any idea who I am looking for. Tinandaan ko lahat ng mga lalaking nakita ko that time. Baka isa pala siya doon. Baka isa doon ang lalaking pinakasalan ko.

 

 

 

Hindi ako umuwi. Wala akong balak na umuwi. Sa bahay man ng Fuentebella, o kina mama. Sigurado mapapansin nilang may pinagdadaanan ako. Bumalik ako sa park kung nasaan ako kagabi.

 

 

 

I thought I'd cry, but I just stared at nowhere. Maybe it didn’t made me cry because it doesn't feel like I just got married. Pumirma lang ako, mag-isa. Walang nakilalang asawa. Maybe I'm not crying because I don't feel it yet. It doesn't feel like it happened. It doesn't feel I am now married.

 

 

 

I felt eyes on me. I looked around, but saw no one looking at me. I was sure I felt someone staring at me. Weird.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status