Share

In Love With My Husband's Brother
In Love With My Husband's Brother
Author: MissLN

PROLOGUE

TARAH

"Mamimiss ka namin, Tarah. Lalo na ng mga labada mo. HAHAHA!" Sabay na tumawa ng malakas ang magkapatid. Idinaan ko nalang sa buntong hininga ang inis ko. Nilagpasan sila, at dumeretso na sa aking kwarto. Pareho silang nakatambay sa labas ng kwarto ni Sam. Mukhang hinintay talaga ako para inisin.

They didn't told me exactly what's about to happen but I know it already. Sa mga parinig palang nila ay alam kona. Pagkalipas ng kalahating oras ay pinuntahan ako ni Mrs. Lucille sa aking kwarto. As usual, may hawak na glass wine na kakapurit lang ang wine na laman. Sumandal siya sa hamba ng pinto sa aking kwarto.

"Today is the day, Tarah." binigyan niya ako ng pekeng malungkot na ngiti. "Pack your things. Lilipat kana sa bahay ng asawa mo." Kunwari pa ay may luha siyang pinunasan.

Inalis ko ang tingin sa kaniya. Pinag-igting nalang ang aking panga dahil hindi ko siya mairapan. Sinasabi ko na nga ba. Kaya masaya ang dalawa ay aalis na ako. Masaya din naman akong iwan sila. Ayoko naman talagang tumira kasama ang pamilyang ito. Pero hindi ko alam kung magiging masaya ba ako, o dapat ay mangamba. Makakawala ako sa bahay na ito, pero hindi ko kilala ang taong makakasama ko. Baka pala ay mas masahol siya sa mag-iinang ito.

Natatakot ako. Pero kailangan kong maging matatag. I will get to know him first. Kapag hindi ko kayang manatili sa puder niya ay aalis ako. Payag man siya o hindi. Kahit kasal na ako sa kaniya ay may karapatan parin akong magdesisyon lalo na para sa sarili ko. Pero malay mo, mabait pala siya. Maybe it won't be that bad, being married to him. Sana.

"Mamimiss ka namin, at ng bahay na ito."

Nakatalikod ako sa kaniya kaya malaya akong umirap. Of course this house will miss me. Ako lang naman ang nagmamalasakit sa bahay na ito. Sigurado ay mapapabayaan nanaman ito ngayong aalis na ako. Hindi ako uuwi dito para linisin ang mga kalat nila. I've done my part for this family. Kung hindi nabayaran ang utang nila ay makukuha ang bahay at lupa na ito. I've also done my part for this house.

I ignored her as I start packing my stuffs. I know everything she said meant nothing. I don't need to hear it. I don't need it.

"Tatawagin kita kapag dumating na ang susundo sayo."

Doon na ako napalingon sa kaniya. May magsusundo sa akin? Tinawanan niya ako. Nabasa yata sa aking mukha kung anong naiisip ko. "It's not your husband. May inutusan lang siyang magsusundo sayo. Huwag kang mag-alala, baka magkikita na kayo soon. I'm happy for you, Tarah."

Hindi ko na napigilan ang pag-irap ko. Wala akong pake kung napansin niya bang pairap kong inalis ang tingin sa kaniya. Bumalik ako sa pag-iimpake.

He didn't showed up when I signed our marriage contract. He never reached out to me. Tapos ngayon hindi siya ang magsusundo sa akin. Hindi na ako magtataka kung wala akong madadatnan sa bahay na lilipatan ko.

"Tarah, my dear! Nasa baba na ang sundo mo." Bakas sa boses niya kung gaano siya kasaya sa pag-alis ko. Well, the feeling is mutual. Walang pag-aalinlangan kong binuhat ang aking bag na agad namang kinuha mula sa aking mga kamay ni Mrs. Lucille. "Tulungan na kita." Nakangiti niyang sabi. Hindi obvious na atat na silang umalis ako. Hinayaan ko siya. Rinig ko na ang boses ng dalawa sa hallway, hinihintay akong lumabas.

Hinila ko ang aking maleta palabas. Nagbubulungan ang dalawang magkapatid. Nang makita ako ay lalong lumapad ang ngisi sa kanilang mga labi.

"Enjoy your honeymoon, Tarah." sambit ni Pam.

"Balitaan mo kami. Lalo na sa itsura ng asawa mo. Sendan mo kami ng picture niya para makita namin kung gaano siya kapangit." ani Sam. Tapos sabay silang humalakhak.

Kinabahan ako sa sinabi ni Pam. Honeymoon? Sumagi na sa isip ko iyon, una palang na narinig kong lilipat ako ng bahay. Pero ngayon ko ramdam ang tunay na kaba. I've never had intimacy with someone, never once. Over the past two weeks, after kong pirmahan ang marriage contract ay wala pang paramdam ang asawa ko. Kaya naging kampante ako, at hindi nag-akala na gagawin namin iyon. Na gagawin namin ang ginagawa ng tunay na mag-asawa.

Inignora ko nalang ang dalawa. Bumagal ang lakad ko, parang bumigat bigla ang aking maleta. Naduwag ako bigla na umalis. Palapit palang ako sa hagdanan ay kasalubong ko na si Mrs. Lucille. Sa likod niya ay ang may edad na lalaki. Kinabahan ako. Pero nang makita ko ang suot niya ay nalaman kong siya ang maghahatid sa akin.

"Alam kong mabigat ang maleta mo kaya pinapanik ko na dito para hindi na ikaw ang magbuhat." Binigyan ko lang ng tingin si Mrs. Lucille. Nasa likod niya ang dalawa. Mockingly wiping their non-existent tears. And would the same hand to wave goodbye at me.

I pouted my lips, pretended to look sad, but then quickly turned it into a smirk while staring at them in the eye. I laughed inside when I saw their pissed faces.

"Alis na po ako." Paalam ko. Agad akong tumalikod. Isuksok ang wireless earphone sa aking kaliwang tenga para hindi ko marinig ang mga plastik na mga salita ng mommy nila. Ang driver ang kinausap ko, at inignora ang tatlo na pekeng nagdadrama sa pag-alis ko. Nagpaalam naman ako bago tuluyang umalis.

Nadaanan namin ang iskinita papasok sa amin. Naalala ko sina mama. Nag-init ang sulok ng aking mga mata. Malalayo na ako sa kanila. At hindi nila alam iyon. Wala silang kaalam-alam sa mga nangyayari sa akin. Mabuti ng hindi nila alam para hindi sila mag-alala.

"Dito na po tayo Ma'am."

"Ho?" gulat kong tanong. Napaahon ako mula sa pagkakasandal. Ang bilis naman. O mabilis lang para sa akin ang biyahe dahil hindi pa talaga akong handang lumipat. Nanalangin ako na sana maging matagal ang biyahe para may oras ako na ihanda ang sarili ko. Pero heto, nandito na agad kami.

Dumungaw ako sa labas. Isang malaking bahay ang aking nasa harapan. Unang bumaba si manong kaya kumilos na akong lumabas. Binuhat ko ang ilang paper bag, saka na lumabas. Agad kong nilapitan si manong na inilalabas na ang mga gamit ko mula sa compartment. Narinig ko ang pagbukas sarado ng pinto.

Lumingon ako sa bahay. And there I saw him. Eyes staring back at me. Very handsome in his nude plaid shirt. Black pants tightly hugging his fat thighs. His broad shoulders almost as wide as the door. I knew I wasn’t hallucinating or exaggerating how good looking and how bulky his body was when he stood in front of me, gave me a closer look at his face.

I've only seen men with beard looking decent and good like this on TVs. Foreign men. Not a lot of man grow their beard in this country, and most of them fail to look good with it. But this man, this man in front of me. Damn! He look so good. He look like Thor, and I wouldn't mind if he smash me with his hammer.

I didn’t realized I was gawking at him until he spoke. And damn, I was completely speechless.

"Welcome to your new home."

My heart left my body. It felt like it jumped out of my chest. Damn that voice. Hindi ako palamura pero nakakapagmura ako sa sobrang gwapo pati ng boses niya. If he was my husband, hinding hindi ako magsisi na pinakasalan ko siya. Tulala lang ako sa kaniya.

"Ezekiel. My name is Ezekiel."

Damn! Pati pangalan gwapo din! He extended his hand, offering a handshake with me. Tumingin ako sa kaniyang kamay. Doble yata sa laki ng kamay ko. Nalagutan ako ng hininga iniisip ko palang na magdidikit ang aming balat. Tumulala ako sa kamay niya. Nagising lang ako nang marinig ko ang pagbagsak ni manong sa pinto ng compartment.

"Tarah," with shaking hands, I took his hand. I don't know if he noticed the way my shoulder trembled. I was like electrified when our skin touched. "My name's Atarah."

"Hi, Tarah." he said huskily. And a smile appeared on his lips. Oh boy, I'm dead. I was speechless again. "I'm your husbands..." I stilled, and my breathing hitched. "brother." he continued.

Napabuga ako ng hangin. Mabigat at mabilis ang aking paghinga. Sana lang ay hindi niya mahalata. Nahulog ang aking tingin sa magkahawak parin naming mga kamay. Nakita niyang nakatingin ako doon. He shook our hands, and said, "Fancy meeting you, Tarah." with a handsome smile on his face.

I could only nod in reply. Binitawan niya ang aking kamay, agad na isinuksok iyon sa kaniyang bulsa. Napatingin tuloy ako sa pumuputok niyang hita. Agad kong iniwas ang tingin doon. Lalo na sa gwapo niyang mukha. Tumingin nalang ako kay manong na nasa gilid ko.

"We'll take you things inside. You can go look around house. Kami na ang bahala." Gwapong sambit niya. lahat nalang yata ay gwapo sa kaniya. Tumango nalang ulit ako. Akala ko ay hindi ako makakalakad. My knees still feels weak. Ganito ba ang pakiramdam kapag ngayon kalang nakakita ng lalaking sobrang gwapo na ganito?

I went inside the house. Sa labas palang ay malaki na ang bahay, lalo na dito sa loob. Hindi maalis sa isip ko ang mukha niya. If he was this good looking, baka hindi naman pala talaga panget ang asawa ko. Bumalik sa alaala ko kung gaano ako kinabahan nang pabitin niyang sinabi na kapatid siya ng asawa ko. Akala ko ay sasabihin niyang "I'm your husband." Parang sinadya niyang paasahin ako na siya ang asawa ko. That grin on his face after he said that. So gwapo.

"I thought you're looking around the house." Napaigtad ako na marinig bigla ang kaniyang boses. Nasa tabi ko pala siya. Napakurap-kurap ako. Heto nanaman ang nagwawala kong puso.

"I know," aniya. Napatingin ako sa kaniyang mukha. There's a grin appearing on his lips. "I know it's hard to believe how good looking I am." mayabang niyang sabi. Napanganga ako. He chuckled at my reaction. Lalo tuloy akong napanganga.

Never once I thought of marriage, mas lalo namang never kong naisip na magkakaroon ako ng ganito kagwapong brother-in-law. Lord, why? Hindi ko gustong makasal sa ganoong paraan, at mukhang mas mahihirapan ako lalo ngayong ganito kagwapo ang lalaking ito. Ayokong magkasala. Kaya iniwas ko ang tingin sa kaniya hangga’t kaya ko pa.

"The rooms are upstairs. You can choose which room you want." Nanatili akong tahimik, at pinanatili ang tingin sa taas. Nakita ko si manong na nag-uumpisa ng hakutin ang mga gamit ko sa taas.

I almost forgot about my husband. Is he here? I looked around.

"I can show you around." Napalingon ako sa kaniya. Nagtama ang aming mga mata. "If you want." tuglong niya. Lumunok ako. And I was proud of myself nang nagawa kong umiling.

"Okay. I'll just take your stuffs upstairs."

Dinedma ko siya, kahit na naaakit akong tignan siya. Hindi parin ako makapaniwala na may ganito kagwapong lalaki ang nabubuhay sa bansang ito. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na kapatid siya ng asawa ko, o madidismaya.

Why, Tarah? You want him to be your husband? Inignora ko ang sarili kong kumakausap sa akin. Let's not think like that. Gwapo siya, pero hindi ko pa alam kung anong klaseng tao siya.

Mamaya na ako mag-iikot sa bahay. Tinignan ko ang bawat kwarto sa taas. May dalawang kwarto, at isang guest room. Pinili ko ang mas maliit na kwarto. Kung saan makikita ko ang garden sa baba. Inayos ko ang ilang gamit ko, bago bumaba.

Nadatnan ko siya sa sala. Prenteng nakaupo sa sofa. Agad niya akong napansin pababa sa hagdan. Tumayo siya, naconscious tuloy ako. Hindi ko siya pinansin at tumuloy sa pagtingin sa bahay.

Nadismaya ako. Hindi dahil hindi ko gusto ang bahay, kundi dahil wala akong nakitang ibang tao kundi kaming dalawa. I thought that, maybe he could possibly hiding, then will show up to me later. But he's not here. No one else is here.

Inutusan niya ba ang kapatid niyang samahan ako, bagay na hindi niya magawa?

"You said you're my husbands brother. You should know where he is. Where is he?" Supladang tanong ko sa kaniya. Lumalakas ang loob ko kapag naiinis ako.

Ilang sandali siyang nakatingin lang sa akin. Naconscious ulit ako. Tumaas ang dalawang kilay niya, nalukot ang kaniyang noo. Hindi nakatakas sa aking mga mata ang mga linyang nabubuo sa tuwing ginagalaw niya ang kaniyang mga kilay. Hindi dapat iyon ang pinapansin ko, dapat magfocus ako sa pagkuha ng impormasyon sa kaniya tungkol sa asawa ko.

We didn't marry for love, but I still want to know him.

"Yes. I am your husbands brother. But sorry, I don't know where he is right at this moment. But he's the one who told me to accompany you today."

I only hear news about my arrangement with him from Mrs. Lucille. And I heard she communicates with him. Why I think, and I know, his brother talks to him.

"I... I don't know, Tarah. He'll come around." he said confidently at the end.

"Is he going to live here, with me?"

I admit, I am wary moving in this house. I don't know the man I will live with. But still I want to get to know him, and this, moving in with him was the only way I could think of to get to know him. But now I think I wouldn't get to know him at all. I doubt he'll stay here, or even come here.

"I don't know, Tarah. He didn't told me."

He didn't told you many things then, huh? Kung wala kadin alam, kanino ako kukuha ng impormasyon? How would I know your brothers decisions if he doesn't share it to you too?

He took a step closer, which made me look at him. His eyes were staring intently at mine. "I know you heard the rumors. You probably should have an idea, if he's going to show up, or not."

I was dismayed at his tone. And yes, I have an idea. I know your brother will not show up.

Tumagal ang titig namin sa isa't isa. I was too mesmerized in his eyes that I couldn't look away. I don't why he was staring at me that long. Naputol lang ang titigan namin nang may biglang nagsalita. Sabay kaming umiwas sa isa't isa.

"Sir, Ma'am, alis na po ako." Paalam ni manong. Tumango at nginitian ko lang si manong. Mabilis siyang naglakad papunta kay manong. Sa haba ng biyas niya ay agad siyang nasa harapan ni manong.

"Oh, right! Manong! Thank you for your service. Here's your tip, for taking her safely here." Inabutan niya ng cash si manong. Kumabog ang puso ko nang saglit niya akong sinulyapan, at dahil narin sa sinambit niya.

"Thank you, Sir." Masayang pasasalamat ni manong.

"You're very much welcome." Ani Ezekiel. Ipinilig pa ang ulo nang sambitin iyon. Kulang nalang ay yakapin si manong. Akala ko nga yayakapin niya siya, pero tinapik niya lang sa likod si manong.

He's actions kind of warmed my heart.

Umalis na si manong. Ngayon ay nasa akin na ulit ang atensiyon niya. Napaayos ako ng tayo nang naglalakad na siya palapit sa akin. "I should be going too. Have work to do. Are you okay alone here?"

Kinabahan ako. Maiiwan akong mag-isa sa malaking bahay na ito? I'm used being alone. Pero bago pa sa akin ang bahay na ito. Hindi ko nga alam kung saan ang location ng bahay na ito. Parang nabasa niya ang iniisip ko.

"The address is written on the fridge door. You're free to call someone over. You know, you might want to have moving, or new house party."

Hindi ko siya inimikan. Isa sa napansin ko sa kaniya ay malikot ang ulo niya kapag nagsasalita. At laging nakangiti. But he could be intimidating as hell once he switch to being serious.

I can call someone over? That's nice. But what's not nice is, wala naman akong matatawagan na pwedeng samahan ako dito. Darn, I have no friends.

"So... are you going to call someone over?" Mas excited pa ang mukha niya kaysa sa akin.

"No." Walang gana, at tipid kong sagot.

"No?" Kumunot ang noo niya. Parang hindi inakala na yon ang sagot ko. Gumuhit nanaman ang mga linya sa kaniyang noo. Lumunok ako. "I have no one to call." Hindi ko siya tinignan. Ayokong makita ang awa sa kaniyang tingin, kung naawa man nga siya sakin.

"Are you okay alone here? I can send one of our maids."

Umiling ako. "It's okay. I'll be fine on my own."

"The security’s tight. You're safe here."

What he said assured me that I'll be really fine here. "Okay."

"Okay." Pag-uulit niya. Hindi inaalis ang titig sa akin. Bigla siyang may kinuha mula sa kaniyang likuran. His wallet. Tapos ay may hinilang maliit na card doon. Nagulat ako nang inabot niya sakin.

"Here's my number. Call me if you face a problem, or there's something you need." Seryosong sambit niya. Tinanggap ko iyon. Pinanatili ko ang aking tingin sa card. Baka tumagal nanaman ang titigan namin.

"I'll see you, around." he said huskily. My heart pounded at the thought of seeing him again. I just nod. I looked at him as he walk away. He glance at me once before completely leaving the house. Minutes passed before I heard an engine running.

EZEKIEL

Is it right to leave her alone? Should I just stay? I shook my head. Don't break too fast, Kiel. You're just probably being tricked. She's one of the sisters. She may not be so different from them, just acting like it.

I was just messing up with the Fuentebella family. Offered them the twisted deal. A twist that will make them refuse the offer. A marriage as a payment for their debt, but the groom won't be me or my younger brother. Who they say wsa actually the third son. There's a rumor about our family. It is said that there were three of us, three sons. The second son is the son outside the family. I told the Mrs. Fuentabella, the groom is my second brother. She's been shoving her daughters to me. I don't want her daughters. I just want to toy with that family.

I thought she wouldn't take my offer. But then she took the deal. And I never thought it was her adopted daughter she'll marry to me.

Yes. To me. She's married to me.

The marriage contract was not entirely legal, but still a grooms valid name was needed. There was no second bastard son at all, and I couldn't come up with a name. So, I put my name on it. Making Tarah married to me. Which she didn't know. And wouldn't know.

I know she's just newly adopted by that family, but still, perhaps, she may not be very different from the two daughters. So, I'll still mess around her, as planned. But I won't deny that she's undeniably very much prettier than the two. So pretty.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status