LOGINGood night
“Paano kung sinadya nilang itago siya?”“Kung may nagkasala, haharap siya sa batas. Hindi ako basta aatras dahil lang may taong gustong magtago sa likod ng pangalan ng kumpanya.”Napatingin ako sa kaniya. Sa unang araw, akala ko wala siyang pakialam kung ano ang mangyayari sa akin. Ngayon, siya ang nag-iisang taong handang sumama sa akin habang sinusubukan kong buuin ang mga piraso ng nakaraan ko.Hindi ko pa rin alam kung ano ang tawag sa nararamdaman ko. Pasasalamat, marahil. O baka simpleng ginhawa lang dahil hindi na ako nag-iisa.Makalipas ang halos tatlumpung minuto, pumasok ang SUV sa basement parking ng isang modernong gusaling may malalaking letrang pilak sa harapan.APEX LOGISTICS CORPORATE CENTER.Huminto si Ethan sa VIP parking slot at pinatay ang makina. Bago siya bumaba, hinarap niya ako.“Nandito na tayo. Tandaan mo ang mga patakaran natin. Walang ingay, walang paggalaw ng gamit, at huwag kang lalayo sa akin.”“Director Vance, sisikapin kong maging pinakamasunuring mult
“Alam ko.” Napabuntong-hininga ako. “Pero kung tama ako, kailangan kong malaman kung bakit niya ginawa iyon.”“Malalaman natin.”Hindi ko alam kung bakit, pero mas naniwala ako sa kaniya kaysa sa sarili kong mga hinala. Siguro dahil sa unang pagkakataon mula nang magising akong multo, may taong hindi basta nagsasabing imposible ang lahat ng ito.“Gagawa ako ng paraan para makausap ang pamunuan ng Apex Logistics bukas,” dagdag ni Ethan. “Gagamitin ko ang review ng kontrata bilang dahilan. Kailangan nating makita kung paano sila tutugon kapag inilatag natin ang mga dokumento.”“Salamat, Ethan.” Ngumiti ako. “Kahit minsan ay para kang pinatuyong ampalaya na binabad sa suka, alam kong may mabuti ka ring side.”“Huwag mo muna akong pasalamatan. Wala pa tayong nahahanap na salarin.”“Opo, boss! Bukas, magiging tahimik akong anino.”“Duda ako roon.”“Hoy!”Bumalik siya sa laptop. Ako naman ay naupo sa gilid ng kama, pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod sa labas ng bintana.May lead na kami.
“Maayos naman akong multo, Ethan. Mausisa lang. Huwag kang lumapit nang ganyan, para kang may balak manghuli ng ligaw na kaluluwa. Hindi ba dapat ikaw ang matakot sa akin?”Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Yumuko siya at dinampot ang card. Saglit niyang pinagmasdan ang papel bago maingat na ibinalik iyon sa kahon.May kung anong nagbago sa mukha niya.Hindi ko alam kung dahil ba sa pangalan sa card o sa alaala ng kasal na iyon. Pero nakita kong bahagyang umigting ang panga niya. Nawala rin ang karaniwan niyang matalim na tingin sa loob ng ilang segundo.Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niyon. Ang alam ko lang, biglang bumigat ang katahimikan sa silid.At ayoko ng katahimikan kapag kasama ko ang lalaking ito. Kapag tahimik siya, lalo siyang nakakatakot.“Huy,” sabi ko, sinusubukang pagaanin ang hangin. “Invitation card ba ’yan ng kasal mo? Ikakasal ka na ba? Kaya ka ba masungit dahil stressed ka sa wedding preparations?”Tumayo siya nang tuwid at isinara ang kahon.“Wala kang
Natapos ang inspeksiyon ni Ethan sa construction site nang mag-a-alas singko na ng hapon.Pagod na pagod siyang bumalik sa kotse, samantalang ako naman ay hindi man lang hinihingal. Multo ako, kaya wala akong kailangang alalahanin tungkol sa pisikal na pagod.Pero ang utak ko?Pakiramdam ko, sasabog na iyon sa dami ng mga tanong na wala pang sagot.Pinaandar ni Ethan ang kotse at huminto sa isang tahimik na café bago kami tuluyang umuwi sa mansiyon.Pagkapasok namin, pumili siya ng mesa sa pinakasulok ng café. Umorder siya ng iced Americano at isang pirasong chocolate cake.Napatingin ako sa cake.Chocolate cake.Paborito ko iyon noong buhay pa ako.“Bakit hindi ka na lang umorder ng isa pa?” tanong ko.Tumingin siya sa akin. Sa pagkakataong ito ay may suot siyang earpods para daw kapag nag-uusap kami ay hindi siya magmukhang baliw at parang may kausap lang sa phone.“Para saan?”“Para sa akin, siyempre!”“Multo ka.”“Alam ko nga! Pero hindi naman ibig sabihin noon ay hindi ko na puwe
Pagkapasok na pagkapasok namin sa pribadong opisina ni Ethan, marahas niyang isinara ang pinto at ibinagsak ang kaniyang briefcase sa ibabaw ng desk.“Nababaliw ka na ba talaga, Lyra?!”Napaatras ako nang bahagya sa lakas ng kaniyang boses.“Sabi nang huwag kang magsalita habang may meeting ako! Muntik na akong mawalan ng konsentrasyon sa harap ng mga board member dahil sa kakasigaw mo sa tabi ko!”“Eh, paano naman ako hindi magsasalita?!” ganti ko. “May narinig akong clue tungkol sa pagkamatay ko!”Tumayo ako sa harap ng kaniyang mesa at matapang siyang tinitigan.“Hindi mo ba narinig ang sinabi ng matandang iyon? May mga asul na construction truck ang Apex Logistics. May isa sa mga trak nila ang nasangkot sa hit-and-run noong nakaraang linggo. Iyon din ang linggo kung kailan ako naaksidente!”“Alam ko ang narinig ko.”“Kung ganoon, bakit parang wala kang pakialam?”Biglang tumalim ang kaniyang tingin.“At ano naman ang gagawin mo kung sila nga ang may kagagawan?” tanong niya. “Multo
“Anong uri ng sasakyan ang bumangga sa ’yo?”Napalingon ako kay Ethan nang bigla siyang magtanong. Kasalukuyan naming binabaybay ang EDSA, at kanina pa siya tahimik mula nang ikuwento ko ang tungkol sa mga mensaheng natanggap ko bago ang aksidente.Napatigil ako sa pag-iisip.Pinikit ko ang aking mga mata at sinubukang balikan ang gabing iyon.Ang malakas na ulan. Ang ingay ng mga patak sa windshield. Ang mabilis na galaw ng wiper. At ang biglang pagliwanag ng dalawang malalaking ilaw mula sa kasalubong na direksiyon.“Isang trak…” mahina kong sagot.Unti-unting nanlaki ang aking mga mata habang mas malinaw kong naaalala ang isang bahagi ng pangyayari.“Isang malaking construction truck. Kulay asul. May nakasulat sa gilid na pulang mga letra, pero hindi ko nabasa dahil sa sobrang bilis ng pangyayari.”Tumingin ako kay Ethan.“Ang natatandaan ko lang, mukhang pag-aari iyon ng isang malaking kumpanya.”Marahas niyang inapakan ang preno nang biglang huminto ang trapiko sa unahan namin.“
“You felt it? How much I wanted to ruin you right now at alisin ang lahat ng titig at haplos ng ibang lalaki sa’yo?”Nanigas ang katawan ko sa sinabi niya, nag-init ang pisngi ko dahil sa inis... pero bakit ganito? Gustong gusto kong iangat ang palad ko para sampalin siya pero hindi ko maigalaw... p
CHAPTER 2:“Gusto niyang sumayaw ka ng hot dance. Doon sa main stage. Kasama ng bagong macho dancer natin.”Hot dance with him? After what happened five years ago? Makakaya ko ba? Para sa pera?Nanlamig ang buong katawan ko. Tumingin ako muli sa ibaba.Sumasayaw pa rin siya sa ilalim ng madilim na p
“Sayaw, Kikay… sige pa…” halos nakapikit na saad ng matanda.Ngumiti ako nang pilit para itago ang pandidiri na umaakyat sa lalamunan ko. Nilunok ko ang lahat ng pride ko.“Gusto mo ba 'to?” bulong ko, ginagawang malambing at mapanukso ang boses ko kahit na gusto ko nang masuka.Tumango siya, tila n
CHAPTER 5:KINABUKASANNagising ako sa ingay ng mahinang ugong ng aircon. Mabigat ang aking talukap, at ang buong katawan ko ay tila bugbog sa hindi maipaliwanag na kapaguran.Ramdam ko ang kakaibang init na nakabalot sa aking likuran, isang matipunong braso ang mahigpit na nakapulupot sa aking bayw







