首頁 / Romance / Indayog sa Gabi / Indayog 1: Sayaw Kikay

分享

Indayog sa Gabi
Indayog sa Gabi
作者: ExDealers

Indayog 1: Sayaw Kikay

作者: ExDealers
last update publish date: 2026-04-16 22:41:51

“Sayaw, Kikay… sige pa…” halos nakapikit na saad ng matanda.

Ngumiti ako nang pilit para itago ang pandidiri na umaakyat sa lalamunan ko. Nilunok ko ang lahat ng pride ko.

“Gusto mo ba 'to?” bulong ko, ginagawang malambing at mapanukso ang boses ko kahit na gusto ko nang masuka.

Tumango siya, tila na-hipnotismo. Ang mga nanginginig niyang kamay ay humigpit sa aking mga hita.

Dahan-dahan akong tumayo, sadyang idinidikit ang bawat pulgada ng katawan ko sa kanya bago muling lumayo. Panay ang paglagok niya ng laway.

I did it perfectly hot. Bilang isang highly-paid entertainer sa VIP room ng Crimson Cloud Nine, sanay na ako sa ganitong eksena. Pero hanggang sayaw at show lang ako.

Walang extra service. Walang kama.

“Gan’yan nga, baby girl…” malanding saad nito, akmang hahaplusin ang balat ko pero pilyo ko itong hinampas.

“Just stay still, Daddy. Hayaan mong ako ang gumalaw,” nakangiti kong banta para ilihis lang ang gumagapang niyang kamay.

Kung hindi lang talaga kailangan ng nanay ko ng limang daang libo para sa emergency craniotomy bukas at pangmatagalang chemotherapy hindi ako magtitiis sa ganitong trabaho.

Buhay ng nanay ko ang nakasalalay dito kaya kailangan kong lunukin ang hiya. Isang baso pa ng matapang na alak, sapat na para patayin ang kaba at manhidin ang sistema ko.

Pero bago ko pa matapos ang routine ko, biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa loob ng bar.

Namula ang mga ilaw mula sa labas ng VIP room. Isang panibagong kanta ang pumailanlang mula sa main floor. Mas mabigat, mas malakas ang bass.

Dahil sa biglaang hiyawan ng mga babae sa ibaba, awtomatikong napalingon ako sa malapad na salamin ng kwarto namin na nakaharap sa stage.

At doon, parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko.

Isang lalaki ang umakyat sa stage. Nakasweatpants. Walang pang-itaas. Tanging itim na bowtie lang ang suot.

Isang bagong macho dancer.

Nanuyo ang lalamunan ko. Pamilyar ang malapad na balikat na iyon. Pamilyar ang matalim na panga. Pamilyar ang bawat linya ng katawan na kumikinang sa ilalim ng pulang ilaw.

Si Rhamesis.

Ang ex ko. Ang lalaking limang taon kong pilit ibinaon sa limot matapos niya akong iwan nang walang paalam, ngayon ay sumasayaw sa harap ko.

Nag-init ang buong katawan ko. Pinaghalo ang kalasingan, galit, sakit, at matinding pagkabigla. Hindi siya nakatingin sa mga babaeng nagwawala sa ibaba ng stage.

Nakatitig siya nang diretso… sa akin. Kahit nasa VIP room ako sa itaas, tila tumatagos ang mga mata niya sa suot kong maskara, hinuhubaran ang buong pagkatao ko.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. He looks perfectly dangerous. Ang umbok sa ibaba ng v-line niya ay agresibong sumasabay sa bawat mapanukso niyang paggiling.

God. Bakit siya nandito?

Tulala pa rin ako nang biglang bumukas nang marahas ang pinto ng VIP room. Pumasok ang dalawang bouncer, kasunod si Sir Ayan, ang floor manager ng bar. May bitbit itong itim na briefcase.

“Anong ibig sabihin nito?!” galit na angil ni Mr. Tan.

“Nagbabayad ako ng malaki para sa oras ng babaeng ‘yan!”

Hindi sumagot si Sir Ayan. Sa halip, malamig siyang lumapit sa glass table at ibinagsak ang briefcase. Isang matunog na click ang umalingawngaw nang buksan niya ito.

Tumambad ang mga bundle ng tig-iisang libong piso na maayos na nakasalansan.

Natigilan ang matanda. Maging ako ay napigil ang hininga.

“One million pesos, Mr. Tan,” malamig na sambit ni Sir Ayan. “Bayad para sa abala, at bayad para tapusin na ang entertainment ni Miss Kikay sa kwartong ito. Makakaalis na kayo.”

Nanlaki ang mga mata ng matanda. Lumunok siya, ang galit kanina ay mabilis na napalitan ng kislap ng kasakiman.

Sinong tanga ang tatanggi sa isang milyon kapalit ng pag-alis sa isang bar? Mabilis niyang hinablot ang briefcase, hindi na ako tiningnan pa, at nagmamadaling lumabas ng VIP room kasama ang dalawang bouncer.

Naiwan kaming dalawa ni Sir Ayan. Nanginginig ang mga kamay kong inayos ang silk strap ng damit ko na kanina ay sadyang ibinaba ko.

“A-anong nangyayari, Sir A-Ayan?” garalgal kong tanong.

Humarap siya sa akin at may inilabas na isang makapal na sobreng brown mula sa loob ng kanyang coat.

“Don’t worry, you’ll still get your 500, 000 talent f*e for that client.” Panigurado nito bago inilapag ang isang maliit ng brown envelope sa parehong mesa kung saan nakapatong ang alak ko.

“And another one million in check for you, Kikay,” diretsong sabi niya.

Tiningnan ko ang sobre, at pagkatapos ay sa kanya. Halos lumabas ang puso ko sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok nito.

Isang milyon? Kalahating milyon lang ang usapan kanina. Isang milyon… sapat na ito para sa emergency craniotomy ni Mama at malaking tulong na para sa chemo niya.

Buhay ng nanay ko ang katumbas ng sobreng iyan.

“P-para saan?” kinakabahan kong tanong, kahit na may hinala na ako na hindi ito magiging madali.

“May isang VIP sa itaas. Isang mysterious billionaire na nakabili ng pinaka-exclusive na pwesto ngayong gabi. He specifically requested this,” paliwanag ni Sir Ayan.

Itinuro niya ang bintana na nakaharap sa stage sa ibaba.

 “Gusto niyang sumayaw ka ng hot dance. Doon sa main stage. Kasama ng bagong macho dancer natin.”

Hot dance with him? After what happened five years ago? Makakaya ko ba? Para sa pera?

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • Indayog sa Gabi    The Fake Wife 27:

    Lumipas ang isang linggo.Tuluyan nang nakaalis ng bansa si Vivieane.Nakita ko pa sa balita ang pag-alis niya patungong London, suot ang malalaking shades at halatang nagmamaktol. Sa wakas, wala na ang demonyita na palaging nagpapahirap sa akin.Pero hindi ibig sabihin noon ay naging maayos na ang buhay ko sa loob ng penthouse.Simula nang mangyari ang gabing iyon sa pagitan namin ni Kristoff, hindi na kami nagkibuan. Nagkaroon ng isang invisible wall sa pagitan namin.Pinili kong umiwas. Araw-araw, sinisiguro ko na hindi kami magkakasalubong. Kapag alam kong nasa sala siya, nagkukulong ako sa kwarto. Kapag nasa kusina siya para mag-almusal, hihintayin ko siyang umalis patungo sa Montenegro Tower bago ako lumabas para kumain.Naging napakadali naman iyon dahil nakisakay din siya sa pag-iwas ko. He was a ghost in our own house. Umuuwi siya nang dis-oras ng gabi, amoy alak madalas, at maagang umaalis kinabukasan.Bumalik ang sugat at pait sa puso ko. Wala na si Vivieane, oo, pero naram

  • Indayog sa Gabi    The Fake Wife 26:

    Kinabukasan.Isang mainit na sinag ng araw ang tumama sa aking mga mata, ngunit wala itong naibigay na init sa nanlalamig kong kaluluwa.Pilit akong bumangon. Bawat paggalaw ko ay sinamahan ng matinding kirot sa gitna ng aking mga hita.Nangibabaw ang hapdi. Nang ibaba ko ang paningin ko, nakita ko ang mga natuyong dugo sa hita ko, pati na rin ang nagkalat na mga pasa sa aking mga binti, baywang, at leeg.Diring-diri ako. Diring-diri ako sa lalaking minsang minahal ko nang lubos.Kinaladkad ko ang sarili ko patungo sa banyo. Binuksan ko ang shower sa pinakamalamig nitong temperatura. Hinayaan kong dumaloy ang tubig sa aking katawan, kumuha ng espongha at marahas na kinuskos ang aking balat. Kinuskos ko nang kinuskos hanggang sa mamula ito, hanggang sa masugatan, pilit na inaalis ang bahid ng kaniyang mga kamay, ang amoy ng kaniyang alak, ang marka ng kaniyang pag-angkin.Umiyak ako sa ilalim ng tubig. Isang iyak na walang boses, dahil pakiramdam ko, pati ang boses ko ay ninakaw na rin

  • Indayog sa Gabi    The Fake Wife 25:

    “Why, Sasha? This is all you want right? You want me to see you as a woman? You want me to treat you like how I treat Vivieane… even if you denied it, you married me because you want me to fuck you!”Para akong sinampal ng napakalakas sa mga binitawan niyang salita. Ang sakit, ang talim, at bawat letra ay iniinsulto ang buong pagkatao ko.“H-Hindi totoo 'yan!” sigaw ko, patuloy na nagpupumiglas sa pagitan ng kaniyang malalakas na bisig. “Bitiwan mo ako, Kristoff! Lasing ka lang!”Ngunit imbes na makinig, isang malademonyong ngisi ang sumilay sa kaniyang mga labi.Ang mga mata niyang kanina ay puno ng poot, ngayon ay nag-aalab sa isang matinding pagnanasa na hinaluan ng galit at alak.“Lasing? Oh, sweetheart, I am fully aware of what I’m doing,” paos at mapanganib niyang bulong.Bago pa ako makasigaw ng tulong, muli niyang sinakop ang mga labi ko.Mas marahas, mas mapang-angkin. Nalasahan ko ang pait ng alak at ang sarili kong mga luha na nagsimulang pumatak.Hinawakan niya ang magkabi

  • Indayog sa Gabi    The Fake Wife 24:

    Tulad ng inaasahan, hindi kaagad pumayag si Kristoff sa disesyon ng lola niya and he used his absolute power just to reconsider the decision.Wow! Hindi talaga sila papayag na mahiwalay sa isa’t-isa. They really love each other huh.Pagkauwi namin mula sa kumpanya, agad na nagtungo si Kristoff sa bar counter ng penthouse at nagsimulang uminom ng alak. Sunod-sunod ang pagtungga niya mula sa bote, hindi na nag-abala pang kumuha ng baso.Pinapanood ko siya mula sa hagdan, nakahalukipkip.Ang lalaking minsang tinitingala ko bilang isang perpektong nilalang, ngayon ay mukhang isang wasak na tao.“Are you celebrating now, Sasha?” bigla siyang nagsalita, ang boses ay paos at lasing. Lumingon siya sa akin, ang mga mata ay namumula. “Natupad na ang gusto mo. Napatalsik mo na siya.”Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan at lumapit sa kaniya.“Hindi ko siya napatalsik, Kristoff,” malamig kong sagot, itinutusok ang katotohanan sa mismong sugat niya.Binasag niya ang bote sa sahig. Tumilapon ang mga

  • Indayog sa Gabi    The Fake Wife 23:

    Nang makasakay kami sa limousine pauwi, binalot kami ng matinding katahimikan.Wala si Kristoff na sinabing kahit ano.Nakatingin lang siya sa labas ng bintana, pilit na pinapakalma ang sarili habang ang panga niya ay igting na igting. Ang mga ugat sa leeg at kamay niya ay litaw na litaw. Alam kong gusto niya akong patayin sa mga oras na ito.Umupo lang ako nang maayos sa kabilang dulo ng upuan. Inayos ko ang nagulo kong buhok at pinunasan ang mga pekeng luha ko. Kinuha ko ang compact powder sa purse ko at kaswal na nag-retouch, tila walang malaking eksenang nangyari.Hindi na siya nakatiis.“You manipulative bitch,” asik niya sa pagitan ng mga ngipin, mabilis na lumapit sa akin at hinawakan nang mahigpit ang magkabilang braso ko.Napangiwi ako dahil saktong natamaan niya ang pasa ko mula sa pagkakabagsak ko kahapon sa kusina. Pero hindi ako nagpahalata. Tiningnan ko siya sa mata, malamig at walang takot.“Masakit, Kristoff. Bitawan mo ako,” utos ko.“Sinira mo si Vivieane sa harap ni

  • Indayog sa Gabi    The Fake Wife 22:

    Treasure. Nakakasuka.Nagpatuloy ang gabi nang payapa, hanggang sa oras na para sa isang auction for charity. Ang mga mayayaman ay nag-uunahan sa pag-bid ng mga alahas at paintings.Nagpaalam ako saglit kay Donya Carmen para pumunta sa powder room. Kailangan ko ng pahinga mula sa pagpapanggap. Nakakapagod ngumiti habang ang puso ko ay unti-unting namamatay sa loob.Naghuhugas ako ng kamay sa sink nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng powder room.Mula sa salamin, nakita ko ang pagpasok ng isang pamilyar na bulto. Nakasuot ng isang napaka-eskandalosang pulang gown at nakashades sa loob ng hotel.Si Vivieane.“Anong ginagawa mo rito?” malamig kong tanong, pinupunasan ang mga kamay ko ng tissue. “Hindi ba’t bawal ka rito baka may makakita sa’yo at maungkat ang scandal niyo?”Ngumisi siya, naglakad palapit sa akin. “I ‘m part of this family, Sasha. I can go wherever I want. At nandito ako dahil hindi ko kayang panoorin nang matagal ang paglalandi mo sa Kristoff ko.”Humarap ako sa kani

  • Indayog sa Gabi    Indayog 3: Playing games

    “You felt it? How much I wanted to ruin you right now at alisin ang lahat ng titig at haplos ng ibang lalaki sa’yo?”Nanigas ang katawan ko sa sinabi niya, nag-init ang pisngi ko dahil sa inis... pero bakit ganito? Gustong gusto kong iangat ang palad ko para sampalin siya pero hindi ko maigalaw... p

  • Indayog sa Gabi    Indayog 2: Hot Macho Dancer

    CHAPTER 2:“Gusto niyang sumayaw ka ng hot dance. Doon sa main stage. Kasama ng bagong macho dancer natin.”Hot dance with him? After what happened five years ago? Makakaya ko ba? Para sa pera?Nanlamig ang buong katawan ko. Tumingin ako muli sa ibaba.Sumasayaw pa rin siya sa ilalim ng madilim na p

  • Indayog sa Gabi    Indayog 5: VIP

    CHAPTER 5:KINABUKASANNagising ako sa ingay ng mahinang ugong ng aircon. Mabigat ang aking talukap, at ang buong katawan ko ay tila bugbog sa hindi maipaliwanag na kapaguran.Ramdam ko ang kakaibang init na nakabalot sa aking likuran, isang matipunong braso ang mahigpit na nakapulupot sa aking bayw

  • Indayog sa Gabi    Indayog 4: Sipsipin mo pa

    CHAPTER 4:“Rhamesis… ahh…” Ang boses ko ay hindi ko na halos makilala. Nawawala ako sa sarili ko! Pakiramdam ko’y nilalamon ako ng init ng alak at init ng pagdamit ng labi at palad niya.Tiningnan niya ang hubad kong dibdib. Ang mga mata niya ay manghang-mangha at seryosong natingin.Ilang saglit p

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status