Share

Indebted 16

Nilalaro ko yung ball pen ko habang nasa lap naman ang aking notebook. Isa ako sa mga nakaupo ngayon sa bleachers ng gymnasium. Marami kasing nagpupunta rin dito para manood sa praktis. Ewan ko ba kung praktis ba ang dahilan o sadyang gusto lang nilang tingnan ang mga nagpapraktis na players.

Napasimangot ako sa mga natatanaw kong ibang grupo na para namang finals na kung makasupport sa player na paborito nila.

"Gosh! Ferrer! Oh my, kinindatan niya ako girl!" halos gusto kong ikot yung mata ko sa narinig ko sa isang babaeng malapit lang dito sa banda ko. Tatlong upuan lang siguro yung nakapagitan sa amin.

Kahit ni sino namang magbabanggit ng pangalan ng Ferrer na yan ay kikindatan niya. Hindi pa ba sila nasasanay don sa lokong yun?

Muli kong itinuon ang atensyon sa notebook ko. May sinasagutan lang ako. Isa na rin ito sa paraan para makapag-advance study na ako. Hindi ko na alintanana ang panahon, malapit na talaga yung finals namin. Next week na ang final exam
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status