Share

Indebted 1

Thanks God, sa wakas uwian na rin. Sermon na naman ng tita ko ang aabutin ko nito pag-uwi ko sa bahay. Wala na akong parents, tita ko na lang yung bumubuhay sa akin pero ewan ko ba kung talagang binubuhay niya ako dahil sa tingin ko, ako lang yung bumubuhay sa sarili ko.

Arghhh! Malapit na akong makatapos sa kolehiyo so that means, mangangailangan na naman ako ng pera para sa school projects and tuition fee. I'm running as Magna cum laude as far as I'd remembered, lutang kasi yung isip ko ngayon dahil marami pa akong mas inaalala kesa sa grades ko. Mataas nga grades ko pero paano naman ako makakagraduate kung wala akong pambayad?

Nasa pintuan palang ako pero naaamoy ko na yung mga alak at sigarilyo. Hindi na ako magtataka pa dahil sanay na ako sa ganitong klaseng iksena. Ang salubungin ako ng ingay, panunumbat tsaka sermon ng Tita ko. Mas magugulat pa nga siguro ako kung tahimik at matiwasay pag uwi ko.

Pagkapasok ko, nakita ko na siyang may kahalikan pero ibang lalaki na naman. Nandoon sila ng mga barkada niya sa may sala at nag-iinuman. Masakit mang aminin pero isang bayarang babae yung Tita ko at ganun rin yung ina ko kaso nga lang namatay daw yung mama ko nung ipinanganak ako kaya sa kanya ako naiwan ng mama ko. Yung papa ko naman daw, di daw niya alam kung sino.

"Tita." Nag-nod lang ako. Kinamumuhian niya ako dahil ako yung dahilan kung bakit namatay yung kapatid niya which is ate niya. Papasok na sana ako sa kwarto ko nung tinawag niya ako kaya napalingon ulit ako sa direksiyon nila.

"Magtatrabaho ka mamaya, ubos na yung sweldo mo. Wala na akong ipapakain sayo."

Tumango lang ako saka nagtungo na sa kwarto ko. Haayy. Kailangan ko na namang magtrabaho para sa kanya at para sa sarili ko. Si tita yung nagbibigay sakin ng trabaho which is sa isang bar. Sumasayaw ako pero hindi ko binebenta yung katawan ko tulad ng iba. Ayoko man sa ganitong klaseng trabaho pero wala akong magagawa kung nakadikta na yung buhay ko sa tita ko.

Konting pagtitiis na lang at makakawala na ako sa lunggang ito. Makakatapos na ako at sana makakahanap ng marangal na trabaho. Ayoko na sa buhay na ito. Sakal na sakal na talaga ako.

----

I was already prepared for the night. Hinihintay ko na lang yung tita ko para tawagin ako. Maya-maya pa kumatok na siya. Tumayo na ako tsaka binuksan yung pintuan.

"Ano? Ready ka na? Ikaw na yung susunod kaya galingan mo." Kinagat ko yung labi ko tsaka tumango. Pumunta na ako sa may stage. Masyadong madilim dahil dim light lang yung gamit kaya okay lang, walang makakakilala sa akin.

Nagkunwari na lang na lang ako na wala akong naririnig na hiyawan, na para lang akong nagpe-perform sa school stage, na parang kumakanta ka lang sa harap ng maraming tao at kunyaring sila yung taga-suporta mo. Malapit na akong matapos nung may nakakuha ng ayensiyon ko.

It's them. It's him. I admit, na kinabahan ako nung nakita ko sila lalo na siya. Kilala ko siya, kilala ko sila. Paanong hindi ko siya makilala eh kaklase ko siya eh! Sikat sila sa campus eh. Kilala siya sa karangyaan. Wala talagang oras na hindi ako naiinis sa pagmumukha ng lalaking ito. Wala na siyang ginawa kundi bwesitin ang buhay ko.

We are the best enemies you can have for, grades, awards, fame, and everything. Masakit mang isipin pero lagi siyang lamang sa akin. I'm just the second's best while he was the first. Siya yung pangarap ng karamihan especially yung mga babaeng haliparot at maging bakla. Kilala ang mga Jimenez dahil makapangyarihan sila samantalang ako walang panama sa kanya, mahirap pa sa daga. He's Dominique Winter Jimenez, kasama niya yung mga brakada niya.

Natapos na ako kaya agad akong tumakbo sa back stage. Thanks God, nakatalikod na ako nung tumingin sila sa direksiyon ko. Nasa back stage na ako kaya malabong mahanap pa ako nun. My secret was safe! I heaved a sigh for a relief. Muntikan na yun.

"Wait miss." pinanindigan ako ng balahibo nung narinig ko yung boses na yun. Kilala ko yung boses na yan at sawa na akong marinig yung boses niya. Aalis na sana ako nung hinablot niya ako sa braso ko. Mabuti na lang at di niya ako makikilala dahil masyadong madilim dito at di niya rin masyadong maaaninag yung katawan ko, nakabra with matching short shorts lang kasi ako.

"I'll pay you thousands just to have sex with me." Ganun ba ang tingin niya sakin? Sumasayaw lang ako pero that doesn't mean na binebenta ko yung kaluluwa ko and for Pete's sake I'm still a virgin. At ayokong ibigay yun sa kanya! Masyado naman ata siyang swerte.

"I don't need your thousands Mr." Plain na sabi ko. Hindi naman niya siguro mare-recognize yung boses ko. Wala naman siyang pakialam sa kahit na sino.

"Are you kidding me? C'mon but wala pang umaayaw sakin miss. Every girl wants me in their bed. You're lucky enough that I invited you to my bed." Yes! That's true, lahat ng babae pinapangarap na makama niya but not me. Dream on! Never in my entire life!

"I'm not every girl." kumawala na ako sa pagkakahawak niya sa akin saka tuluyan ng iniwan siya ron. I'm saving my virginity maybe not for the right guy but for a deserving guy. And Winter Jimenez isn't deserving.

Vote

Comment

Support

Author's Note: Updates will depends upon the response of your comments and votes. Thanks!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status